LOGINANG mga mata ni Ethan ay napuno ng sakit habang nakatingin sa kaniya. “Why not?” puno ng lungkot ang boses nito. “Ala kong minahal mo ako noon.”Noon iyon. Usal niya sa loob ng isip niya. Iba na ang sitwasyon ngayon.“O dahil mahal mo na siya?” mahina ngunit bakas sa mukha nito ang sakit ng mga oras na iyon. Sa unang pagkakataon ay nakita niya ang ganuong emosyon sa mukha ni Ethan.Halos matagal din silang naging magkarelasyon at masasabi niyang matino naman ito ngunit ngayon niya lang ito nakitang nagpakita ng ganitong lungkot. Hindi niya nakayang salubungin ang mga mata nito kaya nag-iwas siya ng kanyang tingin dito.Ibinuka niya ang kanyang bibig para sana i-deny ang sinasabi nito ngunit walang salita ang gustong lumabas sa kanyang mga labi. “So it was a yes, I think?” napatawa ito at pagkatapos ay napailing.Nang lingunin niya ito ay nakita niya itong nakatingala sa kalangitan. Ang mga mata nito ay puno ng lungkot at hindi niya maiwasang hindi ma-guilty sa totoo lang pero anong m
KATULAD noong una ay kinuhanan siya ni Nathan ng mag-aayos sa kaniya. Isang buntong hininga ang pinakawalan niya bago tuluyang bumaba dahil alam niyang naghihintay na ito sa kaniya sa baba. Malakas ang tibok ng puso niya ng mga oras na iyon dahil kinakabahan pa rin siya sa totoo lang.Nang marinig nito ang tunog ng sapatos niya ay kaagad itong lumingon sa kaniya. Ang mga mata nito ay kaagad na nagliwanag. Nag-iwas siya ng tingin dahil hindi niya kayang salubungin ang mga mata nito na nakatitig sa kaniya.Hindi niya namalayang nakalapit na pala ito sa kaniya at bigla na lang nitong itinaas ang kamay nito. Hindi siya gumalaw ng ilang segundo bago tuluyang tinanggap ang kamay nito ngunit bago sila maglakad ay bigla na lang itong lumapit sa kaniya at bumulong. “You look stunning, wife…”Namula siya at nanlaki ang kanyang mga mata. Hindi niya akalain na kahit na sila na lang palang dalawa ay tatawagin pa rin siya nitong wife. Nakakasanayan na siya nitong tawagin ng ganun pero hindi niya al
IWAS na iwas si Kenna kay Nathan nitong mga nakaraang araw ngunit dahil nga palagi naman silang magkasama sa kumpanya ay hindi niya pa rin ito maiwasan. Ang ginagawa na lang niya ay hindi siya pumapayag na maiwan sila sa iisang silid na silang dalawa na lang dahil baka kung ano na naman ang gawin nito. Natatakot siya sa sarili niya na baka hindi niya mapigilan ang kanyang emosyon e bigla na lang niyang mayakap ito at aminin na gusto niya ito. Isang linggo na ang nakakalipas noong matapos ang preparasyon nila para sa clothing brand ni NAthan at masasabi niyang napakabilis ng progress at sa mga oras na iyon ay sama-sama na naman sila sa meeting para sa company anniversary.“Kayo na ang bahala sa mga kailangang gawin mula venue hanggang sa mga pagkain. Maging sa mga pag-distribute ng mga invitations ay gusto kong kayo na rin ang gumawa. Ayoko namang ma-stress pa ang secretary ko para sa mga bagay na yan. Right wife?”Halos mapaubo si Kenna nang marinig niya ang sinabi ni Nathan. Dali-d
HINDI alam ni Kenna ang magiging reaksyon niya ng marinig niya ang tanong ni Nathan.Kung siya nga ba ang tatanungin, manghihinayang din ba siya kung sakali man?Sandali siyang napaisip ngunit sa huli ay natawa pa rin siya sa sarili niya dahil parang magkakaroon pa siya ng delusyon. Alam niya sa sarili niya kung hanggang saan lang siya. Kung hanggang saan lang ang relasyon nila ni Nathan at kung gaano ito katagal.Ibinuka niya ang kanyang bibig at muling pinagdikit tyaka ngumiti ng mapakla. “Bakit mo tinatanong sa akin yan?” wala sa sarili niyang tanong. “Kung iniisip mong hindi ako papayag na makipaghiwalay sayo pagkatapos ng nakatakdang oras ng kasunduan natin, nagkakamali ka. Huwag kang mag-alala, wala akong balak na hindi sumunod sa napagkasunduan.” walang gana niyang sagot at pagkatapos ay ibinaba na ang pagkain ng lalaki.Wala na siguro itong ganang kumain kaya kung ano-ano na lang ang naiisip itanong. Muli niyang inusog ang kanyang upuan sa tapat nito para mag-umpisa na ring k
HINDI naging hadlang ang hindi maigalaw na kamay ni Nathan para hindi nito asikasuhin ang pagtatayo nito ng clothing brand. Naayos na nila ang mga gagamitin nilang logo kahapon na kaagad naman nitong inaprubahan ng makita ito.Noong umagang iyon ay pumunta sila sa store ni Thalia para tumingin ng mga fabrics na gagamitin sa mga naaprubahang mga design. Mag-uumpisa na kasi ang production. May mga na-hire na rin silang mananahi at kumpleto na rin ang kanilang mga makinarya dahil padating na ang mga ito. Hindi pa man napagkakasunduan ang lahat ay nauna na ang pag-order nila ang mga ito para kung sakali man ay hindi ma-late ang kanilang production.Ang unang design ay mga damit pang babae. Swak na swak ito sa taon ni Cassandra. “Kung sakali man na makapagtahi sila ng damit ay gusto kong si Cassandra ang maging unang model ng mga damit.” sabi sa kaniya ni Nathan habang palabas sila ng store ni Thalia Vergara. Wala ito sa store nito dahil pumunta raw ito ng ibang bansa para mag-angkat pa n
NAPAHAWAK si Kenna sa kanyang sentido pagkamulat na pagkamulat ng kanyang mga mata. Parang umiikot ang mundo sa sobrang sakit ng ulo niya. Bakit ba kasi siya napapayag ng mga kasamahan niyang uminom in the first place? Bumangon siya at nagtungo sa banyo dahil pakiramdam niya ay para siyang naduduwal. Napatakbo pa siya at napaupo sa harapan ng toilet at doon sumuka.Pakiramdam niya ay lalabas pati ang bituka niya ng mga oras na iyon. Nang mramdaman niya parang nailabas na niya lahat ng nasa tiyan niya ay tumayo siya at naghilamos pagkatapos ay sandaling naghugas dahil hanggang sa mga oras na iyon ay suot niya pa rin pala ang damit na suot niya sa trabaho niya. Dahil sa kalasingan niya ay hindi na niya nagawa pang magpalit ng damit niya.Pagkatapos niyang magbihis ay bumaba siya sa kusina. Para kasing kailangan niya ng mainit na inumin para gumaan ang pakiramdam niya. Medyo papikit-pikit pa siya at sa kanyang paglalakad ay hindi niya iinaasahang bigla na lang siyang madudulas dahilan pa
“Dito ka lang, okay? Huwag kang lalayo. Hahanapin kita mamaya kapag may free time na ako.” bilin niya rito. Tumango naman ito kaagad sa kaniya. Bukod doon ay iniwanan niya ito ng mga pagkain para hindi naman ito magutom.Muli niya itong hinalikan sa noo bago tuluyang umalis dahil kailangan na niyan
MALALIM na ang gabi ngunit nananatiling dilat pa rin ang mga mata ni Kenna. Hindi pa rin siya dalawin ng antok dahil hanggang sa mga oras na iyon ay iniisip niya pa rin ang sinabi ng anak niya kanina. Hindi niya maiwasang hindi mapasulyap sa natutulog na anak. Tumagilid siya at hinaplos ang maliit
SEVEN YEARS LATERNapa buntong hininga si Kenna. Kauuwi niya lang galing sa hotel kung saan siya nagtatrabaho. Nagbihis siya sandali bago tuluyang sinulyapan ang kanyang suot na relo. Alas kwatro na ng hapon, tiyak na kanina pa naghihintay ang anak niya sa kaniya.Sumakay siya sa kanyang kotse at n
‘Pak!’ isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi ni Kenna. Napayuko siya at walang magawa kundi ang tiisin ang sakit na dulot nito.Nahuli siya ng kanyang ina na hawak ang isang pregnancy test kung saan ay positive ito, at oo, buntis siya. Buntis siya pero hindi niya kilala ang ama ng dinadala







