Share

Chapter 10 May gusto

MARCUS:

NAGHAHANDA NA KAMI na mag-dive ng pool nang tawagin ako ni coach Rico.

"Marcus!" napalingon ako sa gawi nito.

"May bisita ka" sigaw nito dahil nasa kabilang gilid siya ng pool.

Napalingon ako sa pinto at napangiti na sinalubong sina Kuya at Denzel na nakangiting naglalakad palapit sa akin. Napapalinga pa sila dito sa loob dahil puro mga naglalawakang pool ang nandidito.

"Kuya, Denzel," nakipag-goose-bump ako sa mga ito na muling ibinalot sa katawan ang towel dahil naka-trunks na lang ako.

"Dinaanan ka lang namin. Picture daw tayo. Si Mommy, humihingi ng ebidensya na dinalaw ko ang baby niya," natatawang saad nito na nilabas ang phone.

Napahagikhik din si Denzel maging ako dahil kahit nga kagabi ay ilang oras kaming nag-uusap ni Mommy sa videocall dahil hindi rin naman ako tatantanan non hangga't hindi ko sinusunod ang gusto.

Ilang selfie din naming tatlo ang kinunan ni kuya at may mga solo pa ako na kita ang malawak na pool sa likuran ko at mga kasama kong swimmer sa paligid
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status