Share

Chapter 7 Pagkikita

JESSICA:

"Wakey! Wakey! Breakfast is ready!"

Napaungol ako na nagrereklamo at tinakip ang unan sa mukha ko na marinig ang matinis na boses ni yaya at hinihila ang kumot ko!

"Good morning sa alaga kong tulog mantika! Gising na, may ensayo ka ngayon!" ani Nanay Dina na siyang Yaya ko mula pagkabata.

"Ahhsshh! Five minutes more, Yaya!" dabog ko na nagtalukbong ng kumot pero hinila lang nito.

"No. 'Yong five minutes mo mapupunta ng ten minutes hanggang abutin na naman tayo ng isang oras dito. Anak naman, dalaga ka na. Dapat kusa ka ng gumigising," panenermon nito na pilit na akong binabangon kahit nakapikit pa ako.

Bagsak ang katawan kong inaakay nito sa banyo.

"Kumilos ka na. Mali-late ka niyan. Wala pa naman si Archie para ihatid ka ng dorm," pagalit pa nito dahil tinutulak lang naman niya ako papasok ng banyo.

Si Kuya Archie ang personal driver namin ni Mommy. Tiyak out of town na naman sila kaya wala ito.

"Ahhh! Yaya, ang lameeegg!!" tili ko nang buksan ba naman nito ang shower at ni-set sa malamig!

Sa isang iglap lang ay nagising lahat ng dugo ko sa katawan! Shutah naman!

"Bilisan mo na dyan, mali-late ka na," natatawang saad nito na lumabas na ng banyo.

Napapadyak na lamang ako ng mga paa at naligo para makagayak na. Mahirap nga namang mag-commute ako ngayon lalo na't lunes na naman haist!

Ang bilis lumipas ng weekend, ni hindi ko naramdaman na lumipas na pala ang sabado at linggo sa sobrang pagod ko sa training.

Mabilis na akong naligo at sepilyo bago lumabas ng banyo na naka-roba lang. Napangiti ako nang makitang naka-ready na ang uniform ko at gamit na dadalhin ko sa dorm.

Noon hanggang ngayon ay napakamaasikado talaga ni Yaya Dina. Mas naging ina ko pa nga siya kaysa kay Mommy dahil magmula nang dinala ako dito sa England ni Mommy ay puro business naman ang inaasikaso nito na iniwang pinamana sa kanya ni Tito Carter Harris. Ang tumayong ama ko. At magpahanggang ngayon ay dala ko ang apelyedo nito.

"Bye, Ya!" sigaw ko pagkababa ng sala.

"Sandali, anak!" natigilan ako nang marinig ito at napapihit paharap ng kusina.

Napailing at ngiti na lamang akong may binalot itong lunch box na pabaon sa akin dahil hindi na ako makakapag-agahan.

"Dalhin mo 'to, anak. Kumain ka na lang sa sasakyan," anito na ipinasa na sa akin ang apat na lunch box.

Mahina akong natawa at humalik na sa noo nito.

"Salamat, Ya. Ingat po kayo dito," aniko.

Ngumiti itong inayos pa ang kwelyo ng P.A uniform ko.

"Ikaw din, alagaan mo ang sarili mo don, huh? Kumain ka ng marami para 'di ka mangayayat," pagpapaalala pa nito. Ngumiti at tumango na lamang ako.

"Sige po."

Hinatid na ako nito sa labas ng gate. Maswerte nga ako sa kanya dahil hindi na ito nagpamilya para matutukan ako sa aking paglaki. Alagang-alaga din ako nito lalo na pagdating sa pagkain para ma-maintain ko ang katawan at kilo ko. Hindi kasi pwedeng bumaba ang kilos ng mga tulad kong weight lifter athlete's. Kaya naman heto at bilugan ang tao haist.

Naiingit tuloy ako sa bestfriend kong si Valeen Smith na isang valerina dahil napaka-slim niya at kung kami hindi pwedeng magbawas ng timbang sila Valeen naman ay hindi pwedeng magdagdag ng timbang kaya todo diet ito habang ako'y todo lamon!

Mabuti na lang malapit lang dito sa bahay ang isang bus stop kaya hindi ako mahihirapan sa pag-commute. Napahinga ako ng malalim bago sumakay ng bus na huminto sa harap ko.

Napanguso ako nang mabasa ang message ni Valeen na may bago daw dating na kababayan namin at sobrang gwapo! Tss.

Lahat naman ng lalake sa paningin ng babaeng 'yon ay gwapo. Napapailing na lamang ako sa isip. Nakikinita ko ng kilig na kilig na naman ang bruha kong kaibigan na nakakita ng gwapo.

Napasilip ako sa dala kong lunch box at napangiti na pasimpleng binuksan at kumuha ng isang buong hita ng fried chicken. Nandito naman ako sa dulong bahagi ng bus at walang ibang katabi kaya walang kahiya-hiya akong nagngangasab dito. Nagrereklamo na rin kasi ang mga alaga ko sa tyan na wala na raw magiling.

Napapahimas ako ng tyan na bumaba ng bus dahil naubos ko lang naman ang apat na lunch box na pabaon sa akin ni Yaya. Busog na busog na naman tuloy ako at handa na sa maghapong pagsabak sa pagbuhat ng mga barbell!

"Bes!"

Kaway sa akin ni Valeen na kitang inaabangan talaga ako dito sa labas ng gate ng aming dermitoryo.

Paglapit ko dito ay napapairit na itong yumakap sa braso ko habang hinihila na ako papasok.

"Bes, ang gwapo niya talaga promise! Agaw attention nga siya kanina pagdating niya dito at ang team niya, pero grabe! Siya na yata ang destiny ko!" napapairit nitong tili na parang sinisilaban sa pwet dala ng kilig!

Napapailing na lang ako. Ilang beses ko ng narinig ang linya niyang 'yan na kapag nakakita ng bagong dating dito sa dorm ay panay ang puri nitong keso kay gwapo daw. Baka ito na raw ang makaka-tadhana tss.

Hindi talaga ako maka-relate sa kilig nito dahil wala naman akong hilig sa mga lalake. Minsan nga eh napagkakamalhan na akong lesbian dahil para akong lalake kung kumilos na walang arte sa katawan. Hindi ako nagmi-make-up, kahit polbo o liptint ay wala akong nilalagay sa mukha. Hindi rin ako nagsusuot ng dress, short, sando, at palda. Palagi akong nakapantalon o pajama at oversized na t-shirt. Dagdagan pa ng hoodie kaya lalong malaki ang tingin ng lahat sa katawan ko pero wala naman akong pakialam. Bilang isang weight lifter? Hindi uso sa amin ang arte-arte. Paano ka makakabuhat ng nagbibigatang barbell kung hihinhi-hinhin ka? Kung 'di ka mabalian ng braso kapag inuna mong magpa-sexy.

"Sige mamaya na lang ulit," pagtataboy ko dito nang madaanan na namin ang building nilang mga valerina.

Napanguso naman ito at napalinga sa gawi ng mga swimmer. Iba-iba kasi ang building naming mga athletes para maiwasang magkalituhan.

"May oras pa naman tayo, bes! Tara silipin muna natin si Dao Ming Zou!" napapairit nitong saad na hinila na ako papasok ng building ng mga swimmer!

"Huy, teka! Nakakahiya Valeen, wala tayong kakilala dito!" angil ko na panay ang linga sa paligid pero patuloy lang ito sa paghila sa akin papasok.

"Bilisan mo na!" anito na patakbo kaming umaakyat ng hagdanan nang bumunggo ako sa matigas na bagay!

"Aww! Tumingin ka nga sa--" natameme akong napanganga nang mapatingala at mapatitig sa nakabangga sa akin!

Maging ito ay nanlalaki ang mga matang nakatutok sa akin na parang maluluha! Napalunok akong napaiwas ng tingin pero bigla ako nitong hinawakan sa baba at muling itiningala sa kanyang lalong ikinabilis ng tibok ng puso ko!!!

"C-Chubs...I-Ikaw ba 'yan? Fvck!! Buhay ka!!?" bulalas nito!

Napahagulhol itong mahigpit na niyakap ako. Nanigas akong parang nakuryente sa paglapat ng balat namin habang si Valeen nama'y natutulala na sa tabi kong nakamata sa amin!

"Chubs! A-Anong nangyari, huh? Paanong nabuhay ka? Bakit ka nandito? Bakit hindi ka manlang nagparamdam sa akin?" sunod-sunod na tanong nitong ikinulong na ang mukha ko sa dalawang palad nito.

Lumuluha itong matamang nakatitig sa mga mata kong lihim kong ikinamumura sa isip-isip ko!

"Shit! Bakit nandito ang Yatch na 'to!?" piping usal ko!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status