Masuk“Cath, are you okay?” kung hindi pa nagsalita ang matalik niyang kaibigan na si Owen ay hindi siya matatauhan. “Don’t tell me na apektado ka ng balitang narinig mo?”
Bumuntonghininga siya. “Paano ako hindi maa-apektuhan eh kalat na ang balita tungkol sa kanila ng asawa ko.” “Naniniwala ka naman?” Mariin siyang umiling. “Of course hindi. Kilala ko ang asawa ko, hindi niya bibigyan ng kahihiyan ang pamilya namin. Saka matagal ng tapos ang tungkol sa kanila, binuhay lang ‘yan ng mga paparazzi dahil wala na silang maungkat tungkol sa pamilya nila. Siya nga pala. Ano ang sasabihin mo sa akin?” Tinawagan kasi siya nito para sabihin may importante itong sasabihin sa kanya. Kaibigan niya si Owen mga bata palang sila. Magkaibigan din ang kanilang mga magulang noon pa. Noong bumagsak ang kanilang pamilya, tanging pamilya lamang nila Owen ang naiwang malapit at hindi nagbago sa kabila ng lahat. Hindi niya maiwasan na makadama ng lungkot ng maalala ang sinapit ng kanilang pamilya pagkatapos niyang mag asawa… at siya ang sinisisi ng kanilang kamag anak kung bakit sinapit ng kanilang pamilya ang kamalasang sinapit nila. “Cath,” Naramdaman niya ang hawak ni Owen sa kamay niya. “Calm down.” hawak na nang binata ang nanginginig niyang kamay. “Okay lang ako, Owen.” she pursed her lips and prevented herself from crying. “Ano nga pala yung sinasabi mo kanina about kay Ned?” Kahit nag aalala sa kaibigan ay sumagot si Owen. “Ned will be back in three months. He wanted to visit you when he got home. I think balak ka niyang pilitin na you know, sumama sa kanya papunta ng US. ang daldal kasi ni mommy, he told my cousin about your marriage status.” Marami ang pinag iisipan sina Catherina at Owen na may relasyon dahil sa sobrang malapit nila sa isa’t isa. Noon pa ay hindi na sila mapaghiwalay na dalawa. Pero balewala sa kanila ang iniisip ng iba. Ang pinsan nitong si Ned ang talagang masugid na manliligaw noon pa ni Catherina. Ned is one of the most well-known and talented Engineer in Us. Nagawa nitong gumagawa ng sariling pangalan sa sariling talento at galing. Gwapo man at mayaman, hindi nakuha ng binata ang puso ni Catherina. Tanging si Nickolas lamang ang nakapagpatibok ng puso niya. “Im telling you this dahil baka magulat ka sa pagsulpot niya. Kilala naman natin si Ned, makulit. Nagmamadali nga siyang bumalik dito ng malaman kay mommy ang tungkol sa pagsasama niyo ni Nick. mabuti nalang talaga at marami pang trabaho ang loko.” tumatawang dugtong ni Owen. “pasensya ka na sa ginawa ng mommy ko ha. Anak na ang turing niya sayo, nag aalala siya sayo kaya ginawa niya ‘to. Wag kang mag alala i will talk to her about this.” Tumango siya ng nakangiti. Hindi niya kasi makuhang mainis sa mommy nito. Tama si Owen, nag aalala lang sa kanya ang mommy nito. “Malapit na ang anniversary niyong dalawa. Ano ang plano mo?” paalala ni Owen sa kaibigan. Tinaas pa ng binata ang kamay. “Kung sasabihin mo sa akin na magpapasama kang sundan na naman ang asawa mo sa ibang bansa para makasama siya sa araw ng wedding anniversarry niyo ay pass ako. Come on, Cath… maawa ka naman sa akin, magpipitong taon na akong chaperone mo. paano ako makakahanap ng nobya kung palagi mo nalang sinisira ang mga date ko.” may pagrereklamo sa boses na wika nito. Napangiwi si Catherina. Hindi maiwasang makonsensya. Sa tuwing kailangan niya kasi ang kaibigan ay nagkataon naman na may date ito. At naantala iyon dahil sa kanya. Hindi rin kasi siya matiis ng binata. “Wag kang mag alala, sa tingin ko naman ay hindi siya aalis ng bansa ulit this time kaya magkakasama kaming dalawa. Siyempre magpapahinga ‘yon at magsu-surprise visit sa mga restaurant niya.” May galak sa boses na tugon niya rito. Pero nawala ang ngiti niya ng magsalita ito. “Is he willing to celebrate here with you this time? O baka naman nag-aassume ka na naman.” nang makita ang pagguhit sa sakit ng mukha ni Catherina ay bumuntonghininga si Owen. “Kaibigan kita, Cath… my one and only best friend. Nakita ko kung paano mo mahalin ang asawa mo. but face the reality, Cath. Magpipitong taon ka na niyang binabalewala. Birthdays, anniversary, parties, or any events, ni isa sa mga iyan ay hindi ka niya binati o sinamahan. Iniiwasan ka niya na parang may sakit ka, ni hindi nga niya magawa na ipakilala ka sa mundo bilang asawa niya. Gumising ka na, Cath, you deserve better than him. Tama sila Mommy at Nana Lydia, hiwalayan mo na siya habang bata ka pa.” Mapait siyang ngumiti. “Pero hindi ko kaya, Owen. alam mo naman na mahal ko siya. Naniniwala ako na may chance pa ang pagsasama naming dalawa. Lahat naman ng mag asawa ay dumadaan sa mga pagsubok. Malay mo biglang magbago ang ihip ng hangin at mahalin rin niya ako. Hindi pagsuko ang sagot sa lahat ng bagay, Owen.” “Pero hindi rin paglaban ang sagot sa lahat bagay, Cath.” Natameme siya sa sinabi nito. “Chance? Palagi siyang umaalis ng bansa. Paano kung hindi lang ikaw ang babae sa buhay niya? Sinasabi ko ‘to sayo para hindi ka na mas masaktan pa in the future. Hindi lahat ng pagsasama ay pinaglalaban. Minsan ay kailangan mo ring matauhan at bumitaw.” “Walang ibang babae si Nick, Owen. kung mayro’n man, matagal ko na sana nalaman. Yung tungkol kay Penelope, it was nothing. Binansagan na malamig at walang pakialam si Nick sa mga babaeng naghahabol rito, galing mismo ito sa mga babaeng naghahabol sa asawa ko, kaya alam kong wala dapat akong ipag alala. Saka arranged marriage lang ang kasal namin. Sa ngayon siguro ay hindi pa niya ako magawang mahalin dahil doon. Balang araw ay mamahalin din niya ako. Alam kong darating ang araw na ‘yon.” Sagot niya rito. Napailing nalang ito sa kanya. “Ewan ko sayo bahala ka na. Basta ako nag aalala lang ako sayo. Siya nga paka aalis na ako dahil may date pa ako. Wag kang tatawag sa akin para mang istorbo ha. Baka hindi na kita matansya at masakal na kita. Palagi ka nalang istorbo sa love life ko. Kapag tumandang binata ako ay ikaw ang sisisihin ko.” Natawa siya sa biro nito. “Oo na sige, ingat ka. Sana ay may pumatol na sayo… ayoko rin naman masisi ni Tita.” Tukoy niya sa mommy nito. Nang makaalis ito ay ngumuso siya. “Ako pa talaga ang sinisi kung bakit single pa rin siya hanggang ngayon. Kasalanan ko ba na napaka pihikan niya. Ayan tuloy walang pumapatol sa kanya.” Daig pa kasi nito ang babae sa sobrang pagka pihikan. Madali itong maturn off at umayaw sa isang babae, kahit maliit na bagay ay hindi nito pinapalagpas. Kaya ayan, hanggang ngayon ay wala parin itong nobya. Pagkasakay ng sasakyan ay inutusan niya ang driver na ihatid na siya sa bahay. Pagkarating nila ng bahay tumunog ang cellphone niya. Nang makita niya ang pangalan ng bunsong kapatid sa scresn ay gumaan bigla ang pakiramdam niya. Nawala ang lahat ng sama ng loob niya sa asawa niya at napalitan ng saya. Bukod kasi kay Nick, sa kapatid niyang kay Athena umikot ang mundo niya. Wala na kasing natira sa kaniya simula ng mamatay ang magulang nila, kundi ang kapatid niya. “Ate, I miss you na talaga. Kamusta ka na? Siguro magkasama na naman kayo ni Owen kanina noh?” “Ha? Paano mo nalaman?” Umingos ito. “Wala na kasing bago, ate. Bukod kasi sa akin ay ikaw lang ang kaibigan ng lalaking ‘yon. Saka bukod sa akin ay wala ng ibang dadamay sayo diyan bukod sa kanya. Kung nandiyan lang sana ako, ate Dinaan niya sa ngiti ang pagkamiss dito. “Ikaw kasi, kailan mo ba ako balak bisitahin dito? Miss mo na pala ang ate mo pero hindi mo man lang ako mabisita. Nakakatampo ka na.” Bumuntonghininga ito. “Ate, gusto ko pagbalik ko diyan ay successful na ako. Ako mismo ang mag aalis sayo sa pamilya nila kuya Nick. Hahanapan kita ng lalaking karapardapat sayo. Ako naman ang babawi sayo.” “Athena…” “Promise ko ‘yan sayo, ate. Gagawin ko ang lahat para makabawi sayo. Kapag nakakuha ko ang big break na kailangan ko, ako naman ang bahala sayo. Hindi mo na kailangan magtrabaho sa kumpanya ng asawa mo para mag ipon at suportahan ako. Pinapangako ko ‘yan sayo, ate.” Nag init ang sulok ng mga mata niya. “Minsan ka na nga lang tumawag mukhang papaiyakin mo pa ako. Pasaway ka talaga.” “Ate, bakit kasi hindi mo pa hiwalayan si Nick. Akala ko ba hindi ka gagaya sa iba na puso ang pinapairal? Ate, magpipitony taon ka ng hindi masaya. Maawa ka naman sa sarili mo.“ “Siguro may kinuwento si Owen sayo noh?” “Ate, nag aalala lang yung tao.” Katwiran nito. “Pitong taon ka ng manhid, hanggang ngayon ay hindi ka pa rin natatauhan. Bata ka pa, ate. Sigurado ako na may nakalaang lalaki para sayo, yung mamahalin ka at papahalagahan ng totoo. Kung nabubuhay lang si daddy, sigurado ako na pinagsisisihan na rin niya ang desisyon niya.” Yumuko siya at mariing kinagat ng labi. “Alam kong nag aalala ka lang kagaya nila Owen at Nana Lydia. Pero hindi ko magagawang sundin ang payo niyo sa akin. Mahal ko si Nick… sobrang mahal. Noong una ko siyang makita ay nangako ako sa sarili ko na wala na akong ibang lalaking mamahalin kundi si Nick lang. Handa akong magtiis at maghintay kahit gaano katagal mahalin lang niya ako. Naniniwala ako na darating ang panahon na mamahalin din niya ko, Athena. Ang sabi nga nila, kapag sumugal ka pwede kang manalo ng malaki. Kaya susugal ako, Athena… susugal ako hanggang sa manalo ako. Kakapit ako… kakapit ako hanggang kaya ko pa. Naniniwala ako na may pag asa pa kami.” “Ate…” “Sige na, magpahinga ka na. Diba may pasok ka pa bukas? Sige na ibaba na ni ate. I love you.” Binaba niya agad ang tawag pagkatapos magpaalam. Alam niya kasi na papangaralan lang din siya nito katulad nila Nana Lydia at Owen. Tumingin siya sa screen ng cellphone niya. Ang malinaw na imahe sa kanyang wallpaper cellphone ay nagsimulang manlabo. Ito ang wedding photo na kuha nila na ang mommy niya mismo ang kumuha. Napakasaya niya dito, kahit seryoso si Nick, ang aliwalas ng kuha nila at mukha silang normal at masayang mag asawa. Sa likod ng kuhang ito ay hindi maiisip ng sinuman na hindi perpekto ang kanilang pagsasama. “Kailan ka ba uuwi? Malungkot ang bahay kapag wala ka…” Dahil nanlalabo ang kanyang mata at nakatingin lang siya sa cellphone ay hindi niya napansin ang bultong nakaharang sa daan. Tumama siya dito at nawalan ng panimbang kaya bumagsak siya sa matigas na marmol na una ang balakang. “O-ouch… ang sakit…” nakangiwing daing niya. Akmang dadamputin na niya ang cellphone ng biglang may naunang kumuha nito sa sahig. Kaya tumingala siya para sana sitahin ito. “N-Nick…” Kaya pala pamilyar ang amoy… ang asawa niya ay nagbalik naNakangiting bumaba si Miracle ng stage ng mayro’ng ngiti sa labi. Agad siyang sinalubong ni Prime ng makaba siya ng halik sa labi. “Congratulations, babe. I’m so proud of you!” “Thanks, babe!” Kinawit niya ang braso sa leeg nito at muling ginantihan ng halik ang labi nito. Kung hindi pa siya nawalan ng hangin ay hindi siya hihiwalay sa asawa. “Congratulations, anak. Proud na proud kami ng daddy mo sa ‘yo.” Bati ng Mommy niya. Lumapit ang Daddy niya ay yumakap sa kanya para batiin siya. Si Anzel, nasa hospital kasama ang Lola at Lolo nila. Magkahawak kamay silang naglakad ni Prime. Lahat ng kanilang madaanan ay hindi maiwasang mapalingon sa kanila. Why not? Sabi nga ng iba ay perfect couple sila. Sa paglipas ng panahon ay lalo pang naging kaakit-akit ang asawa niya. At gano’n din siya. She’s just twenty-years old ng ikasal sila. Ngayon na twenty-five na siya ay lalo pang gumanda ang hubog ng katawan niya. Nag mature ang features ng kanyang mukha. Nang manganak siya ay lumaki l
Hindi mapigilang maluha ni Aiah habang pinagmamasdan sina Prime at Miracle na sumasayaw sa gitna. Naramdaman niya ang pagyakap sa kanya ng asawang si Noah mula sa likuran. “Do you remember our first dance?” May ngiting sumilay sa kanyang labi ng maalala ang unang sayaw nilang dalawa. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa kanyang alaala ang unang beses na sinayaw siya ni Noah. “Yes, malinaw na malinaw.” Lahat ng memories nilang mag asawa, masaya man, o mahirap ay hindi nawala sa isip niya, kahit matanda na sila. Parang kailan lang ng magkakilala sila at ikinasal, nangako na mamahalin ang isa’t isa at magiging maligaya. Nag init ang sulok ng mata niya ng maalala ang panganay nilang anak. “Shhh, tahan na. Hindi mawawala ang anak natin, magkakaroon lang siya ng sariling pamilya.” Alo ni Noah sa kanya. “Alam ko. Naiiyak lang ako dahil tuluyan na siyang mawawala sa poder natin. Wala sa hinagap ko na darating ang araw na magseseryoso siya sa pag aasawa at magmamahal ng totoo.” Pinat
Kinikilig na humilig siya sa balikat nito. Habang buhat siya ni Prime na naglalakad ay sinalubong sila ng pagbati ng lahat, sa pangunguna ng mga magulang nila. Nakita niya si Carrie na sumisinghot sa kakaiyak. Hanggang ngayon din ay umiiyak pa rin ang Mommy at Lola niya. Bumati din ang mga kaibigan ng Lolo niya na hanggang ngayon ay kay kikisig pa kahit may mga edad na, kasama ang kanilang mga asawa na kagaya ng Lola Catherina niya ay napakaganda pa din sa kabila din ng mga edad nila. “Congratulations, Miracle! Sana ako din soon makahanap ng patitinuin hihi!” Bati ni Carrie sa kanya. “Yung gwapo din sana, okay lang kahit medyo bata.” Pasaring nito sa kanya. “Akala ko ba ayaw mo sa mas bata.” “Talaga? Sinabi ko ba ‘yon? At kailan ko naman sinabi ‘yan?” Maang-maangan pa! Tumingin ito sa pwesto ni Anzel. Nawala ang ngiti nito ng makitang wala na doon ang kapatid niya. Mabilis itong naglaho ng marinig ang pasaring ng kaibigan niya. “Ang isnaberp talaga ng kapatid mo! Magand
Pagdating sa tapat ng simbahan ay inalalayan siya nito na bumaba. Huminga siya ng malalim. Ibang-iba ang pakiramdam niya ngayon kumpara noong ikasal sila ni Prime ng Civil. Mas lamang ang kaligayan niya ngayon, umaapaw sa tuwa ang kanyang puso. Para itong sasabog sa ligaya. Siguro dahil alam niya na sa pagkakataong ito ay totoo na ang kasal nila. Noong una kasi hindi niya alam na legal ang unang kasal nila. Hindi kagaya ngayon na magkasama nila itong pinaghandaan at pinagplanuhan. Sa pagkakataong ito ay mas maligaya sila dahil batid nilang mahal na mahal nila ang isa’t isa. Wala ng halong pagpapanggap at kasinungalingan ang lahat. Siya bilang si Miracle at hindi na si Mira. At si Prime na bukas na ang puso sa kanya. Sinalubong sila ng Mommy at Daddy niya sa labas ng simbahan kaya pumasok na si Anzel sa loob. Mukhang hindi yata huminto sa kakaiyak ang mommy niya dahil hanggang ngayon ay namumula pa rin ang mata nito. Iminuwestra ng kanyang ama ang braso, dahil may hawak na bungk
Hindi niya mapigilang maluha habang nakatingin sa kanyang repleksyon sa life size mirror. She’s wearing an Off-shoulder Mermaid Wedding dress. Tama ang mommy niya, bagay na bagay ito sa kanya. Ang buhok niya na pinakulot ang dulo at nakapusod ay bagay na bagay sa light makeup niya. Na-emphasize anh maliit niyang mata, ang matangos niyang ilong, at manipis na labi. At higit sa lahat, kumikislap sa ligaya ang blue-green niyang mata na namana niya sa kanyang ama. Kumikinang siya sa ganda. Nangingibabaw ang ganda niya sa lahat. Humikbi siya ng ibigay ng mommy niya sa kanya ang bouquet ng bulaklak na gagamitin niya mamaya sa kasal nila ni Prime. Ngayong araw kasi ang pinakamahalagang araw sa buhay nila ni Prime. Ang araw na kung kailan magpapakasal sila sa simbahan, ang araw na magpapatali muli sila sa isa’t isa ng marami ang nakakasaksi. “Ikakasal na talaga ang baby namin.” Naiyak siya sa sinabi ng mommy niya. Maging ang Lola Catherina niya ay maluha-luha habang hawak ang isa ni
“Babe—“ napasinghap siya ng hilahin siya nito at isandal sa pinto. “Inaakit mo ba ako?” Hingal na anas nito ng makita na hindi natali ang roba niyang suot. “Sa tingin mo?” Namumula na pinaglandas niya ang daliri sa dibdib nito. “Dadalhin ba kita dito kung hindi?” Yes. She was feeling horny now—kanina pa nga actually. Bumigat ang paghinga niya ng maramdaman ang malaking palad nito na nakasapo sa pagkababaè niya. Shit! May tela na nakaharang doon pero grabe ang init na dumadaloy mula sa kamay nito. Tumatagos iyon sa kanyang balat. “Prime!” Pinasok nito ang kamay sa loob ng suot niyang panty. Naka-dress lang kasi siya ngayon. “Ahhh!” She bit hed lips when his hand reached her clít. Gumalaw ang gitnang daliri nito at nilaro iyon hanggang sa labasan siya. Binuhat siya nito at nilapag sa kama. Hinaklit nito ang manipis niyang panty at binuka ang hita niya. Noon nahihiya siya kapag lumuluhod si Prime sa harapan niya. Pero ngayon maisip palang niya na luluhod ito sa harap niya







