登入“Ano bang problema mo, Natasha?” hindi na napigilang sigaw ni Draven matapos silang mapahinto sa gitna ng pasilyo. Hindi na niya maitago ang pagkainis sa sunod-sunod na pangyayari. Ngunit sa halip na sumagot agad, huminga nang malalim si Natasha. Pagkatapos ay direkta siyang tumingin sa mga mata nito. “Buntis ako.” Parang biglang tumigil ang oras. “What?” halos hindi makapaniwalang saad ni Draven. Nanlaki ang kanyang mga mata habang nakatitig kay Natasha. Maging sina Brooklyn at Vera ay napatigil at napatingin sa dalawa. Hindi rin nila inaasahan ang narinig. “Anong sinasabi mo?” agad na saad ni Draven. “Nababaliw ka na ba?” “Hindi tayo nagtatabi sa iisang kwarto at ilang araw na tayong hindi nagkakausap nang maayos.” Bahagyang tumigas ang ekspresyon ni Natasha. “Draven, alam mong hindi ako magsisinungaling tungkol sa ganitong bagay.” “Natasha— “At gusto mo bang dito ko isa-isahin kung paano nangyari iyon?” putol nito habang mababa ang boses ngunit puno ng babala. Agad
Habang nakatanaw mula sa di kalayuan, hindi maalis ni Draven ang kanyang mga mata kina Brooklyn at Vera. Kitang-kita niya kung paano sila nagtitinginan at ngumingiti sa isa't isa habang naglalakad pabalik sa mansyon. Unti-unting humigpit ang kanyang panga. “Hindi kayo pwedeng magsama ng ama ko...” mahina ngunit puno ng pait na bulong niya. Napalunok siya bago ibinaba ang kanyang tingin. “Hangga't alam kong ako ang ama ni Yannah.” Masakit man, iyon pa rin ang pinaniniwalaan niyang katotohanan. Kaya sa tuwing nakikita niyang lumalapit si Brooklyn kay Vera, pakiramdam niya ay may kung anong unti-unting nawawala sa kanya. Samantala, hindi niya alam na may isa pang pares ng matang nakamasid sa kanya. Mula sa bahagyang nakabukas na pinto ng kanilang silid, tahimik siyang pinagmamasdan ni Natasha. Nakita nito ang bawat emosyon na dumaan sa mukha ng lalaki. Ang selos. Ang sakit. At ang pagmamahal na pilit nitong itinatago. Bahagyang napangiti si Natasha, ngunit hin
“Vera, ang totoo niyan...” panimula ni Brooklyn. Ngunit bigla siyang natigilan. Bahagyang nabuka ang kanyang bibig ngunit walang sumunod na mga salita. “Ano kasi... Vera...” Napayuko siya at napahawak sa noo. Paano ko ba sasabihin sa kanya ang totoo? Sa lahat ng negosyong nahawakan niya at sa lahat ng problemang nalampasan niya, ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong kaba. Paano niya sasabihin sa babaeng mahal niya na may isang katotohanang kayang baguhin ang lahat? “Brooklyn?” nagtatakang tawag ni Vera. “May problema ba?” Napabuntong-hininga siya at napailing. Hindi pa niya kaya. Hindi habang hindi pa niya alam kung paano sisimulan. Kaya ang unang pumasok sa isip niya ang kanyang nasabi. “Gusto ko ng sundan si Yannah.” “Huh?” napakunot-noong tugon ni Vera. “Sandali...” natigilang saad ni Vera habang unti-unting lumalaki ang kanyang mga mata. “Ang ibig mong sabihin sa sundan si Yannah...” Napahinto siya at napakagat sa kanyang ibabang labi. “As-in? Sundan si Yannah
Agad na nanlaki ang mga mata ni Brooklyn. “Huh?” Halos mapatawa pa siya sa gulat. “Hindi! Hindi ganoon!” mabilis niyang sagot. Napahinga nang malalim si Vera, ngunit hindi pa rin tuluyang nawala ang kaba sa kanyang dibdib. “E bakit ganyan ka makatingin sa akin? Para kang may napakabigat na sasabihin.” Napailing si Brooklyn at bahagyang natawa. Sa kabila ng tensyon, hindi niya maiwasang mapangiti. “Grabe ka naman mag-isip.” “Paano ba naman kasi?” reklamo ni Vera. “Bigla mo akong dinala rito, seryoso ang mukha mo, tapos gusto mo tayong dalawa lang. Malamang kung anu-anong naiisip ko.” Napailing muli si Brooklyn bago marahang itinaas ang kanilang magkahawak na kamay. “Kung makikipaghiwalay ako, hahawakan ko ba nang ganito ang kamay mo?” Bahagyang namula si Vera. “Malay ko.” “Vera...” mahina niyang tawag. Dahan-dahang inilapit ni Brooklyn ang noo niya sa noo ng babae. Sapat lang upang maramdaman ni Vera ang mainit nitong hininga. “Kung may isang bagay na s
“Vera...” mahinang saad ni Brooklyn habang hindi maalis ang kanyang tingin sa mukha nito. “Okay ka lang ba, Brooklyn?” nag-aalalang tanong ni Vera. Napakurap si Brooklyn at bahagyang napailing na tila saka lamang natauhan. “Oo... ayos lang ako,” sagot niya, ngunit halata sa kanyang mukha na may mabigat siyang iniisip. Napayuko si Vera at hindi mapakali ang mga kamay nito. “Pasensya ka na...” nahihiyang sambit niya. Napakunot-noo si Brooklyn. “Para saan?” “Dahil ba sa amin kaya ka umuwi nang biglaan?” maingat niyang tanong habang iniiwas ang tingin. Saglit na natahimik si Brooklyn. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong na iyon. Sa isang banda, oo. Dahil nang malaman niya ang tungkol kina Vera at Yannah, hindi siya mapakali at agad siyang bumalik. Pero nung nalaman kong live-in partner ng anak ko si Vera nung nakaraang mga taon,nakaramdam ako , na parang kasalanan ko ang lahat kung bakit naghiwalay sila. Ngunit hindi niya iyon maaaring sabihin sa ngay
Akmang bubuksan na sana ni Brooklyn ang pinto ng silid ni Vera. Isang pihit na lamang sa door lock at mabubuksan na niya ito, ngunit bigla siyang natigilan. Humigpit ang pagkakahawak niya sa seradura bago dahan-dahang lumingon. “Draven,” malamig ngunit mabigat niyang tawag. Napahinto si Draven at nagtatanong ang mga matang tumingin sa kanya. “Pwede bang sa ibang araw na lang natin pag-usapan ang bagay na ito? Gusto ko munang makita ang lahat ng kuha ng CCTV sa mansion.” Bahagyang nagulat si Draven. “Ano? Wala nang CCTV sa loob, Papa. Matagal nang sira ang mga iyon. Ang gumagana na lang ay iyong nasa labas ng mansion.” Unti-unting tumalim ang tingin ni Brooklyn. “Kailan pa nasira ang CCTV sa loob ng mansion?” seryoso niyang tanong. Sandaling natahimik ang paligid. Maging si Draven ay tila hindi komportable sa paraan ng pagtitig ng kanyang ama. “Pa...” mahina ngunit may bahid ng sama ng loob niyang saad. “Wala ba kayong tiwala sa apo ninyo?” Napabuntong-hininga si Brooklyn. Hi
“Bigla kong itinulak ng malakas si Sir. Brooklyn, dahilan para makalas siya panandalian sa pagkakayakap sa bewang ko. “Why?” tanong niya sa akin habang nakakunot ang noo, tila hindi matanggap ang bigla kong paglayo. Napapikit ako sandali. Pakiramdam ko’y sasabog ang dibdib ko sa bigat ng emosyon
“Hindi ko po alam ang sinasabi niyo, Ma'am Savannah. Baka po kamukha ko lang ang babaeng nasa larawan…” kinakabaang paliwanag ni Vera habang pilit iniiwas ang tingin sa lumang litrato. Ngunit lalo lamang nagdilim ang mukha ni Savannah. “NOOOOO!” malakas nitong sigaw. Pak! Napapikit si Vera nang
KINABUKASAN… “Anong klaseng amoy ang niluluto niyo? Akala ko ba magaling magluto si Yaya Vera? Why naman ganyan ang amoy ng adobong baboy niya? Nakakasuka!” galit na galit na saad ni Savannah habang pababa ng hagdan. “Anong sinabi mo, honey? Ang sarap kaya ng amoy, nagutom tuloy ako— Naputol ang
“Wag mo akong gawing tanga, Vera! Kung ano man ang naging kasalanan ko sa’yo noon… please, kalimutan mo na—” “Matagal ko nang kinalimutan ‘yon simula nang iwan mo kami… ako…” Biglang natigilan si Draven. Unti-unting kumunot ang noo niya habang nakatitig kay Vera, tila sinusubukang iproseso ang si







