تسجيل الدخول
C H A P T E R -O N E
V E R A : P O V “Argh! Aaah… faster, Draven… faster…” Iyon ang unang bumungad sa akin pagkatungtong ko pa lang sa inuupahan naming bahay ng nobyo ko. Kakagaling ko lang kasi sa center para magpacheck-up, at doon ko nalaman ang pinakamagandang balita na matagal kong hinihintay—buntis ako. Buong biyahe ko pauwi, hindi ko mapigilang ngumiti habang iniisip kung paano ko sasabihin kay Draven na magkakaanak na kami. Mahigpit ko pang hawak ang maliit na papel ng resulta habang iniisip ang magiging reaksyon niya. Akala ko yayakapin niya ako. Akala ko matutuwa siya. Akala ko… magiging masaya kami. Pero pagpasok ko pa lang sa loob ng bahay, ibang ingay ang sumalubong sa akin. “Ahh… Draven…” ungol muli ng isang babae, kasabay ng mahinang pag-uga ng kama mula sa silid namin. Biglang nanlamig ang buo kong katawan. Parang may mabigat na bagay na bumagsak sa dibdib ko habang unti-unting nanghihina ang mga tuhod ko. Hindi agad nagsink in sa isip ko ang naririnig ko, pero sapat na iyon para durugin ang lahat ng saya at pananabik na dala ko kanina. Unti-unti akong napalapit sa pintuan ng kwarto, nanginginig ang kamay habang mahigpit pa ring hawak ang papel na magpapatunay sana na mabubuo na ang pamilya naming dalawa. “Ahhhhh!” malakas na ungol ng babae, habang dinig na dinig ko pa ang mapang-akit nitong pagbulong sa punong tainga ng nobyo ko. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang tuluyan kong makita ang ginagawa nila. Nakahiga ang babae sa kama habang nakabuka ang mga hita nito, at nasa pagitan naman niyon si Draven, abalang-abala sa pag-indayog sa harap ng babae na para bang wala siyang ibang iniisip kundi ang kasiyahang nararamdaman nila. Parang unti-unting nawalan ng hangin ang dibdib ko. Hindi ako makapaniwala na ang lalaking pinangarap kong makasama habambuhay ay ngayon mismo, harapan akong winawasak. “Sigurado ka bang iiwan mo na si Vera?” malambing na tanong ng babae habang hinihimas ang dibdib ni Draven. “Handa ka na bang bumalik sa pamilya mo sa Maynila na kasama ako?” Huminto sandali si Draven bago ngumisi. “Oo, babe. Aalis na tayo rito,” sagot niya habang walang kaabog-abog na ipinagpapatuloy ang ginagawa nila. “Hindi ko na kayang makisama kay Vera. Nagsasama nga kami sa iisang bubong pero hindi ko maramdaman ang galing niya sa kama.” Sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya, parang paulit-ulit na may kutsilyong tumatarak sa puso ko. Mahigpit kong napisil ang hawak kong papel ng ultrasound habang pilit pinipigilan ang sarili kong huwag bumagsak sa sobrang sakit. “GISING!” Napabalikwas ako sa higaan nang marinig ang malakas na sigaw ni Uncle John. Pawis na pawis ako at mabilis ang paghinga, tila ba totoong nangyayari muli sa harap ko ang bangungot na pilit kong kinakalimutan. “Binabangungot ka na naman, Vera. Ano bang balak mo? Makikitira ka na lang ba lagi rito sa bahay namin ng ante mo?” bungad niya sa akin. Si Uncle John ang kapatid ng yumao kong ama. Sa kanila ako nakituloy simula nang iwan ako ni Draven habang buntis pa ako. Kahit ilang taon na ang lumipas, ramdam ko pa rin na isa akong pabigat sa bahay nila. “Si Yannah, kanina pa umiiyak. Nagugutom na raw, wala naman kaming maibigay sa kanya,” dagdag pa niya habang halatang inis na inis. “Bumangon ka na diyan at nang makapagtrabaho ka na.” Tahimik akong napayuko habang mahigpit na niyayakap ang manipis kong kumot. Mula sa kabilang kwarto, rinig ko ang mahina ngunit sunod-sunod na iyak ng anak ko. Parang pinipiga ang puso ko sa bawat hikbi nito. Mabilis kong pinunasan ang mga luhang namuo sa gilid ng mga mata ko bago pilit na tumayo. Kahit mabigat ang katawan ko at pagod na pagod ang isip ko, wala akong choice kundi bumangon—dahil may anak akong kailangang buhayin. Pagpunta ko sa kabilang silid, bumungad agad sa akin ang anak kong tatlong taong gulang na si Yannah. Umiiyak ito habang nakatayo sa gilid ng mesa, nakatingin sa pinsan niyang sarap na sarap kumain ng tatlong pirasong pritong manok. “Ma… gutom na po ako…” hikbi ni Yannah habang pinupunasan ang mga luha sa pisngi niya. Nanlumo ang puso ko nang makita ko kung paano niya tinititigan ang pagkain, para bang umaasang kahit isang piraso ay may mag-aabot sa kanya. Ngunit abala lang ang pinsan niya sa pagkain, walang pakialam sa umiiyak kong anak. Mahigpit kong nakuyom ang mga kamay ko habang pilit nilulunok ang sakit at kahihiyang nararamdaman ko. Bilang ina, iyon ang pinakamasakit makita—ang sariling anak mo na umiiyak sa gutom habang wala kang maibigay kahit simpleng pagkain man lang. Kaya nagpasya akong mamasukan bilang katulong sa Maynila kasama ang anak ko. Ayokong iwanan si Yannah sa kanila, lalo na’t alam kong walang ibang mag-aalaga at magmamahal dito kundi ako lang. Mas pipiliin ko pang mapagod sa trabaho araw-araw kaysa marinig ang anak kong umiiyak sa gutom o makitang minamaliit siya ng ibang tao. Kahit mahirap ang buhay sa Maynila at wala akong kasiguraduhan kung anong klaseng trabaho ang naghihintay sa amin doon, handa akong tiisin ang lahat—mabigyan ko lang ng maayos na buhay ang anak ko. At sa paghahanap ko ng trabaho, nagkasalubong kami ni Marie—ang dati naming kapitbahay sa probinsya. Nagulat pa siya nang makita ako kasama si Yannah, ngunit agad din siyang naawa sa kalagayan namin. Sakto namang naghahanap sila ng isang katulong sa mansion na pinapasukan niya kaya inalok niya akong sumama. Wala na akong ibang pagpipilian kaya agad akong pumayag. Pagdating namin sa mansion, halos mapatigil ako sa paghakbang sa sobrang laki at ganda ng bahay. Napakataas ng kisame, mamahalin ang mga dekorasyon, at bawat sulok ay halatang pag-aari ng isang napakayamang pamilya. Kahit simpleng paghinga ko, parang natatakot akong may mabasag sa sobrang elegante ng paligid. Pero ang labis kong ipinagtaka ay ang malaking larawan na nakasabit sa gitna ng mansion. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang nasa larawan. Naroon si Draven—ang ex-boyfriend ko—nakatayo sa gitna habang nakangiti, kasama ang mga magulang niya. Maayos ang suot nito at ibang-iba sa lalaking nakilala ko noon sa probinsya. Parang biglang tumigil ang mundo ko. “Hindi… imposible…” mahina kong bulong habang unti-unting nanlalamig ang buo kong katawan. Bigla akong napaatras nang makita ko ang larawan niya. Mahigpit kong napahawak si Yannah habang mabilis na bumalik sa isip ko ang lahat ng sakit at alaala na pilit kong ibinaon sa nakaraan.V E R A : P O V “Ma’am, dito po tayo,” magalang na tawag sa akin ng isang staff habang itinuro ang hanay ng mamahaling damit sa loob ng boutique. “Mamili na po kayo ng damit na gusto ninyong isuot.” Napakurap ako at agad napalingon kay Sir Brooklyn. “Pero… Sir,” mahina kong saad habang kinakabahan, “wala po akong pambayad, saka kakaumpisa ko pa lang po ng trabaho—” “Psssstt…” putol niya habang bahagyang ngumiti. “Pumili ka na. Libre ko na ito.” Parang biglang tumigil ang mundo ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung mahihiya ba ako o matutuwa. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakapasok sa ganitong klaseng tindahan. Ang bawat damit na nakasabit ay tila mas mahal pa kaysa sa ilang buwang kinikita ko. Ilang oras ang lumipas, maingat akong namili hanggang sa napunta ang tingin ko sa isang simpleng dress. Hindi iyon ang pinakaengrande, pero para sa akin, iyon na ang pinakamahal na damit na nahawakan ko sa buong buhay ko. Nang maisuot ko iyon, halos hindi ako makapaniwala sa babaeng
V E R A : P O V“Oh by the way, Yaya Vera… gusto kong sumama ka sa akin mamaya sa airport.” Napakurap ako at agad napatayo nang tuwid. “P-po? A-ako po? B-bakit po?” kinakabahang tanong ko habang hindi mapakali ang mga kamay ko. Mabagal niya akong nilingon. Malamig ang tingin at seryoso ang mukha. Unti-unti siyang lumapit sa kinaroroonan ko hanggang sa halos maramdaman ko na ang bigat ng presensya niya. “Kailangan ko pa bang ipaliwanag sa’yo kung bakit?” mababa ngunit mariin niyang tanong. Napalunok ako. “I'm your boss, Vera,” dugtong niya habang diretsong nakatitig sa akin. “At lahat ng sasabihin ko, kailangan mong sundin. Kung gusto mong manatili sa mansion na ito bilang personal maid ko, kailangan mong sumunod sa bawat utos ko.” Parang nanlamig ang buo kong katawan. “O-opo, Sir…” mahina kong sagot, halos kusang lumabas sa bibig ko. Ngunit hindi pa rin matahimik ang isip ko. “P-pero Sir… ano po bang gagawin natin sa airport?” maingat kong tanong. Bahagya siyang napabuntong
V E R A : P O V Ito ang unang araw ko sa trabaho… kaya kailangan kong kumilos nang maayos. “Mas maganda kung kay Don Brooklyn ka muna magsisimulang maglinis,” bilin ni Marie bago ito umalis papuntang palengke. “Kailangan malinis lagi ang silid ng mga amo.” Tumango naman ako. Alas kuwatro pa lang ng madaling-araw ay gising na kami ni Yannah. Mahigpit ko pa siyang pinagsabihan kagabi na huwag na huwag lalabas ng silid hangga’t wala ako. Dahan-dahan akong lumabas ng quarters at nagtungo sa second floor ng mansyon. Tahimik pa ang paligid kaya mas lalo akong kinabahan. Pagpasok ko pa lang sa silid ni Mr. Villareal, agad sumalubong sa akin ang mabango nitong pabango. Hindi iyon amoy matanda—mas lalo pa nga itong amoy binata. Malinis, elegante, at sobrang masculine ng dating ng buong kuwarto niya. Habang nagpupunas ako ng mga kagamitan, napansin kong walang tao sa higaan niya. Kinabahan agad ako. “G-gising na kaya ang Don? B-bakit wala na siya sa higaan niya?” bulong ko sa sarili hab
V E R A : P O V “Hoy Vera, huwag ka nang patayo-tayo riyan. Sumunod kayo sa akin ni Yannah. Ayaw kasi nila ng bata rito kaya bilisan mo, baka makita pa tayo ni Don Brooklyn,” bulong ni Marie sa akin. Kaya agad kaming naglakad patungo kung saan man niya kami dadalhin. Siguro sa silid ng mga katulong ang punta namin. Habang naglalakad kami, hindi ko napigilang magtanong kay Marie. “Ang pamilya Villareal ba ay nasa mansion na ito?” “Ahh… huwag kang mag-alala. Si Master Draven, wala rito. At ang Donya naman, matagal nang pumanaw kaya wala kang dapat ipag-alala. Basta kung ano lang ang sasabihing trabaho sa’yo, iyon lang ang gagawin mo,” sagot niya habang dire-diretso sa paglalakad. Hindi ko mapigilang mag-alala matapos kong marinig ang sagot ni Marie. Paano kung bigla na lang dumating si Draven at palayasin kami ng anak ko? Wala pa naman kaming kakilala rito sa Maynila na puwede naming puntahan kung sakaling mangyari iyon. Napatigil ako sa pag-iisip nang biglang may malalim at malak
C H A P T E R -O N EV E R A : P O V“Argh! Aaah… faster, Draven… faster…”Iyon ang unang bumungad sa akin pagkatungtong ko pa lang sa inuupahan naming bahay ng nobyo ko.Kakagaling ko lang kasi sa center para magpacheck-up, at doon ko nalaman ang pinakamagandang balita na matagal kong hinihintay—buntis ako. Buong biyahe ko pauwi, hindi ko mapigilang ngumiti habang iniisip kung paano ko sasabihin kay Draven na magkakaanak na kami.Mahigpit ko pang hawak ang maliit na papel ng resulta habang iniisip ang magiging reaksyon niya. Akala ko yayakapin niya ako. Akala ko matutuwa siya. Akala ko… magiging masaya kami.Pero pagpasok ko pa lang sa loob ng bahay, ibang ingay ang sumalubong sa akin.“Ahh… Draven…” ungol muli ng isang babae, kasabay ng mahinang pag-uga ng kama mula sa silid namin.Biglang nanlamig ang buo kong katawan. Parang may mabigat na bagay nabumagsak sa dibdib ko habang unti-unting nanghihina ang mga tuhod ko. Hindi agad nagsink in sa isip ko ang naririnig ko, pero sapat na







