Share

Became 2.

Author: Batino
last update publish date: 2026-05-17 18:08:27

V E R A : P O V

 “Hoy Vera, huwag ka nang patayo-tayo riyan. Sumunod kayo sa akin ni Yannah. Ayaw kasi nila ng bata rito kaya bilisan mo, baka makita pa tayo ni Don Brooklyn,” bulong ni Marie sa akin. Kaya agad kaming naglakad patungo kung saan man niya kami dadalhin. Siguro sa silid ng mga katulong ang punta namin.

 Habang naglalakad kami, hindi ko napigilang magtanong kay Marie.

 “Ang pamilya Villareal ba ay nasa mansion na ito?”

 “Ahh… huwag kang mag-alala. Si Master Draven, wala rito. At ang Donya naman, matagal nang pumanaw kaya wala kang dapat ipag-alala. Basta kung ano lang ang sasabihing trabaho sa’yo, iyon lang ang gagawin mo,” sagot niya habang dire-diretso sa paglalakad.

 Hindi ko mapigilang mag-alala matapos kong marinig ang sagot ni Marie. Paano kung bigla na lang dumating si Draven at palayasin kami ng anak ko? Wala pa naman kaming kakilala rito sa Maynila na puwede naming puntahan kung sakaling mangyari iyon.

 Napatigil ako sa pag-iisip nang biglang may malalim at malaking boses na nagsalita mula sa likuran namin.

 “Yaya Marie… ikaw ba ‘yan?” tanong ng isang may edad na lalaki. Sa tantiya ko, nasa kwarenta’y singko na ito, pero halatang maalaga sa sarili. Galante itong manamit, malaki ang pangangatawan, at hindi ko maiwasang mapatingin sa nakaumbok sa ilalim ng suot nitong pantalon.

 Hindi ko mapigilang mag-isip ng kung anu-ano. Matagal na rin simula noong huli akong nakaramdam ng ganoong klase ng pagnanasa. Mula nang manganak ako, hindi ko na nagawang humanap ng lalaking magpapaligaya sa akin.

 Ano ba ‘yan, Vera! Ano bang nasa isip mo? Itigil mo nga ‘yan! saway agad ng isip ko sa sarili.

 “D-Don Brooklyn… dumating na po pala kayo?” saad ni Marie na may halong paggalang sa boses kaya agad din akong yumuko bilang respeto.

 “Magandang umaga po,” bati ko naman sa Don habang mahigpit na nakahawak si Yannah sa likod namin ni Marie. Halatang kinakabahan din ang anak ko dahil kanina pa ito tahimik.

 Mula ulo hanggang paa ay sinuri kami ng Don gamit ang malamig nitong tingin bago siya bahagyang napakunot-noo.

 “Who’s that little girl?” tanong niya sa mabigat at seryosong boses.

 Agad kaming kinabahan ni Marie.

 “Ahh… pasensiya na po. A-anak ko po siya,” sagot ko nang walang pag-aalinlangan. Ano naman kung malaman niyang anak ko si Yannah? Mas mabuti nang maaga pa lang ay alam na ng magiging amo ko ang totoo kaysa magsinungaling ako.

 Biglang tumalim ang tingin ni Don Brooklyn.

 “YAYA MARIE?! Anong balak mo? Gawing bahay-ampunan ang mansyon ko?!” medyo galit nitong saad habang matalim ang tingin kay Marie.

 Agad akong yumuko at halos magmakaawa sa harapan niya.

 “Nakikiusap po ako sa inyo, Mr. Villareal… gagawin ko po ang lahat para mapatunayan na karapat-dapat akong maging housemaid ninyo. Hindi po magiging pabigat ang anak ko, nangangako po ako. Please… tanggapin n’yo po ako sa trabaho. Wala na po kaming mapupuntahan…”

 Mahigpit kong hawak ang kamay ni Yannah habang pinipigilan kong manginig ang boses ko. Ayokong umiyak sa harapan nila pero ramdam ko na ang paninikip ng dibdib ko.

 “MARIE!” malakas na sigaw ni Mr. Brooklyn dahilan para mapayuko lalo si Marie.

 Akmang magsasalita pa sana si Don Brooklyn nang biglang sumabat ang anak kong si Yannah.

 “Please po… maawa po kayo sa amin ng nanay ko. Wala na po kaming ibang mapupuntahan kapag pinaalis n’yo po kami rito. Matutulog po kami sa lansangan… hindi po ba kayo naaawa sa amin ng nanay ko?” nanginginig nitong sabi habang yakap-yakap ang laylayan ng damit ko.

 “H-hindi po ako magiging pabigat sa nanay ko… pangako ko po…” dagdag pa nito habang pilit pinipigilan ang pag-iyak.

 Biglang natahimik ang paligid.

 Tumingin si Don Brooklyn kay Yannah. Mula sa matalim nitong mga mata ay tila may kung anong bumakas na emosyon, pero agad din niya iyong itinago sa likod ng malamig niyang ekspresyon.

 “Uhmmmmmmmm…”

 Ipinilig niya nang bahagya ang ulo bago inilagay ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon niya. Astig at dominante pa rin ang tindig nito habang seryoso kaming pinagmamasdan.

 “Tsk… bata ka pa pero marunong ka nang mangonsensya,” saad niya saka bahagyang napangisi. “Hindi ako naaawa agad sa drama, hija.”

 Kinabahan akong lalo sa sinabi niya.

 “Pero…” mahinang dagdag nito habang muling tumingin sa akin. “Ayokong may batang natutulog sa lansangan. Isang pagkakamali n’yo lang dito sa mansyon, pareho kayong lalayas. Naiintindihan mo?”

 Mabilis akong tumango.

 “O-opo, Mr. Villareal…”

 “Good.” malamig nitong saad. “Marie, dalhin mo na sila sa quarters. At ikaw, tumingin siya sa akin…”

 Napalunok ako . “Huwag mong sisirain ang katahimikan ng mansyon ko.”

 “Halika na, baka magbago pa ang isip ng Don,” saad ni Marie habang marahan kaming hinihila palayo roon. “Ganiyan lang talaga si Don Brooklyn, pero mabait ‘yan kapag nakuha mo ang loob niya.”

 “T-talaga?” nag-aalangan kong tanong.

 “Oo,” sagot niya saka bahagyang lumingon sa direksyon kung saan naiwan ang Don. “Galit lang talaga siya sa mga bata ngayon.”

 Napakunot-noo ako. “Bakit naman?”

 Huminga muna nang malalim si Marie bago muling nagsalita.

 “Matagal na niyang pangarap magkaapo. Kaya lang ang anak niyang si Master Draven… kung sinu-sinong babae ang nagugustuhan. Halos lahat ng babaeng nagagalaw niya, nagpupunta rito sa mansyon at sinasabing apo raw ng Don ang dinadala nila.”

 Nanlaki nang bahagya ang mga mata ko sa sinabi niya.

 “Sa kagustuhan naman ng Don na magkaroon ng apo, sinusuportahan niya ang mga iyon. Pero…”

 “Pero ano?” agad kong tanong.

 Bahagyang napailing si Marie.

 “Nabigo siya sa lahat. Dahil lahat ng ipinakilala nilang apo sa Don… walang nag-match kay Master Draven.”

 “A-ano?!” halos pabulong kong saad habang napahinto sa paglalakad.

 Pakiramdam ko ay biglang bumigat ang dibdib ko matapos kong marinig iyon. Hindi ko maipaliwanag kung bakit, pero tila may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan ko.

 “Psssttt… huwag na nating pag-usapan ‘yan,” mabilis na saad ni Marie habang palinga-linga sa paligid. “Hindi ko rin alam kung bakit, pero may fiancée si Master Draven ngayon. Kung hindi ako nagkakamali, si Ma’am Savannah Lusfer iyon. Matagal na niyang kasintahan.”

 Bigla akong natahimik.

 Kung ganoon… hanggang ngayon pala wala pa ring asawa si Draven.

 Hindi ko namalayang mas lalo kong nayakap si Yannah habang nag-iisip.

 Paano kung malaman niyang narito ako sa mansyon? Paano kung makita niya ang anak ko?

 Hindi… hindi puwede.

 “Marie…” mahina kong tawag habang pilit pinapakalma ang sarili ko. “K-kailan ba huling umuwi rito si Master Draven?”

 “Uhmmmmm…” saglit na nag-isip si Marie bago sumagot. “Almost four years na rin.”

 “Apat na taon…” bulong ko sa sarili habang unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko.

 Hindi ko alam kung dapat ba akong makaramdam ng ginhawa… o mas lalo akong kabahan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE KATULONG WHO BECAME THE STEPMOTHER    Became 145

    Dahan-dahang umatras si Draven patungo sa pinakadulo ng rooftop habang mahigpit pa rin niyang hawak si Vera. "Draven... pakinggan mo ako!" malakas na sigaw ni Brooklyn. Napangiti nang mapait si Draven. "Para saan pa ang pakikinig?" garalgal niyang tugon. "Wala nang kuwenta ang buhay ko kung hindi rin mapapasakin si Vera!" Huminga nang malalim si Brooklyn bago siya nagsalita. "Sige..." "Ibabalik ko sa'yo si Vera." "Kaya bumalik ka na rito..." "Sa'yo na si Vera!" sigaw niya, seryoso ang bawat salitang lumabas sa kanyang bibig. Nanlaki ang mga mata ni Draven. "T-Talaga?" nanginginig niyang tanong. "Seryoso ka, Dad?" Samantala, tila natigilan si Vera sa narinig. Seryoso ba siya? Ibibigay na lang niya ako basta-basta? Niloloko ba ako ni Brooklyn?! Hindi siya makapaniwala habang nakatitig lamang sa lalaki. Halo-halong emosyon ang bumalot sa kanyang dibdib—pagkabigla, sakit, at matinding pagkalito. Hindi agad sumagot si Brooklyn. Nanatili lamang siyang nakatingin kay Draven

  • THE KATULONG WHO BECAME THE STEPMOTHER    Became 144

    Nag-uunahan ang mga yabag sa loob ng mansyon."VERA!""YANNAH!"Paulit-ulit na sigaw ni Brooklyn habang mabilis na inaakyat ang hagdan kasama ang kanyang mga tauhan.Ngunit pagdating nila sa ikalawang palapag...Wala na roon sina Draven at Vera.Napansin ng isa sa mga bodyguard ang nakabukas na bakal na pintuan patungo sa rooftop."Sir!""Nasa rooftop sila!"Hindi na nag-atubili si Brooklyn.Mabilis siyang umakyat sa huling hagdan upang hanapin sina Vera at Yannah.Samantala...Sa rooftop ng Villareal Mansion...Malakas ang ihip ng hangin.Nagdidilim na ang kalangitan habang tila nagbabadya ang malakas na ulan.Hingal na hingal si Vera habang mahigpit na hawak ni Draven ang kanyang braso."Bitawan mo ako, Draven!" pagsusumamo niya. "Pakiusap, tumigil ka na. Maawa ka naman sa akin at sa pamangkin mo."Pilit siyang kumakawala."Maawa ka..."Ngunit lalo lamang humigpit ang pagkakahawak ni Draven.Nanlilisik ang kanyang mga mata."Wala nang maaawa pa sa'yo, Vera. Isa kang lalakero!" marii

  • THE KATULONG WHO BECAME THE STEPMOTHER    Became 143

    "YANNAH! Bumalik ka rito!"Malakas na sigaw ni Draven habang akmang hahabulin ang batang mabilis na tumatakbo paakyat sa hagdan.Ngunit mabilis na humarang si Vera sa kanyang daraanan.Iniunat niya ang dalawang braso upang pigilan ito."Draven!"Halos maiyak niyang sigaw."Ano bang ginagawa mo?! Bakit kailangan mong maging ganito kalupit?!"Huminto si Draven.Dahan-dahan niyang ibinaling ang kanyang tingin kay Vera.Mababakas sa kanyang mukha ang matinding galit at pagkamuhi."Ako? Malupit?!"Mapait siyang napatawa."Sa tingin mo ako ang malupit?"Mariin niyang itinuro si Vera."Kayo ng ama ko ang mas malupit sa lahat!""Nagawa ninyo akong gawing tanga!"Unti-unting namula ang kanyang mga mata."Tayo pa noon!""Pero nagawa mong makipag-*talik sa sarili kong ama!"Halos manginig ang buong katawan ni Draven sa sobrang galit."Plano mo na 'yan noon pa, hindi ba?!"Napailing si Vera habang tuloy-tuloy ang pagpatak ng kanyang mga luha."Nagkakamali ka, Draven..."Mahina ngunit puno ng emos

  • THE KATULONG WHO BECAME THE STEPMOTHER    Became 142

    Ilang sandali pang nanatiling tahimik si Draven sa gitna ng malawak na sala. Ngunit maya-maya... May kung anong bagay ang nakatawag ng kanyang pansin. Mula sa ikalawang palapag... May narinig siyang napakahinang kaluskos. Krrrk... Napangiti siya ng bahagya. "Hindi pala ako nagkakamali..." Mahina niyang bulong sa sarili. Dahan-dahan siyang muling umakyat sa hagdan.Sa bawat hakbang niya ay lalong bumibigat ang katahimikan sa buong mansyon. Huminto siya sa harap ng silid ni Brooklyn. Tahimik niyang sinuyod ng tingin ang bawat sulok. Hanggang sa mapansin niyang may nakausling damit mula sa likod ng malaking built-in cabinet. Unti-unting lumawak ang kanyang ngiti. "Nandiyan lang pala kayo..." Malamig niyang sambit. Bigla niyang itinulak ang cabinet. KRRRRGGG...! Unti-unti itong umusog. Nanlaki ang mga mata ni Vera. "Takbo, Yannah!" Halos mapasigaw siya habang mabilis niyang hinila ang kamay ng bata. Agad silang lumabas sa lihim na taguan at nagsimulang tumakbo sa kahab

  • THE KATULONG WHO BECAME THE STEPMOTHER    Became 141

    Samantala... sa Villareal Mansion... Mahigpit pa ring hawak ni Vera ang kanyang cellphone matapos maputol ang tawag ni Brooklyn. Hindi pa rin humuhupa ang kaba sa kanyang dibdib. Paulit-ulit na umiikot sa isip niya ang mga salitang binitiwan ng asawa. "Papunta riyan si Draven..." "Magtago kayo ni Yannah." Napalunok siya. Mabilis siyang lumabas ng sala at tinungo ang hagdan. "Yannah!" malakas niyang tawag. Ilang segundo pa ang lumipas bago sumilip ang batang babae mula sa ikalawang palapag. "Mommy?" "Halika rito, anak." Agad na bumaba si Yannah. Paglapit nito ay mahigpit siyang niyakap ni Vera. "Mommy... anong nangyari?" Hindi agad nakasagot si Vera. Pinilit niyang ngumiti upang hindi matakot ang bata. "Wala, anak." "May aasikasuhin lang tayo." "Halik ka na sa akin." Humalik si Yannah sa kanyang pisngi. Kasunod niyon ay mabilis siyang hinawakan ni Vera sa kamay. "Tara." "Magtatago muna tayo." Napakunot-noo si Yannah. "Bakit po?" "Sinabi ni Daddy." "Kailangan d

  • THE KATULONG WHO BECAME THE STEPMOTHER    Became 140

    Nanginginig ang mga kamay ni Brooklyn.Hindi pa rin siya makapaniwalang wala na ang kapatid niyang si Velma.Marahan siyang lumapit sa pintuan ng ICU.Pagkabukas nito...Tumambad sa kanyang harapan ang walang buhay na katawan ng kapatid.Tahimik itong nakahiga sa hospital bed, natatakpan ng puting kumot hanggang dibdib.Unti-unting lumapit si Brooklyn."Velma..."Mahina niyang tawag.Marahan niyang hinawakan ang malamig nitong kamay."Pasensya ka na..."hindi kita naprotektahan."Tuluyan nang bumagsak ang kanyang mga luha.Sa labas ng ICU, tahimik na umiiyak ang kanyang ina habang inaalalayan ng asawa.Ngunit ang ama ni Brooklyn ay nanatiling seryoso.Maya-maya'y lumapit sa kanila ang #2 Guard."Sir..."Napalingon si Brooklyn."Ano na?""Sir... wala pa rin po sina Sir Draven at ang Head Bodyguard."Lalong tumalim ang tingin ni Brooklyn."Nasaan ang tauhang pinasunod mo?""Sir... kasalukuyan pa rin po namin siyang kinokontak."Kasabay noon ay tumunog ang communication device ng #2 Guard

  • THE KATULONG WHO BECAME THE STEPMOTHER    Became 5.

    V E R A : P O V “Ma’am, dito po tayo,” magalang na tawag sa akin ng isang staff habang itinuro ang hanay ng mamahaling damit sa loob ng boutique. “Mamili na po kayo ng damit na gusto ninyong isuot.” Napakurap ako at agad napalingon kay Sir Brooklyn. “Pero… Sir,” mahina kong saad habang kinakabah

  • THE KATULONG WHO BECAME THE STEPMOTHER    Became 4.

    V E R A : P O V“Oh by the way, Yaya Vera… gusto kong sumama ka sa akin mamaya sa airport.” Napakurap ako at agad napatayo nang tuwid. “P-po? A-ako po? B-bakit po?” kinakabahang tanong ko habang hindi mapakali ang mga kamay ko. Mabagal niya akong nilingon. Malamig ang tingin at seryoso ang mukha

  • THE KATULONG WHO BECAME THE STEPMOTHER    Became 3.

    V E R A : P O V Ito ang unang araw ko sa trabaho… kaya kailangan kong kumilos nang maayos. “Mas maganda kung kay Don Brooklyn ka muna magsisimulang maglinis,” bilin ni Marie bago ito umalis papuntang palengke. “Kailangan malinis lagi ang silid ng mga amo.” Tumango naman ako. Alas kuwatro pa lang

  • THE KATULONG WHO BECAME THE STEPMOTHER    Became 1.

    C H A P T E R -O N EV E R A : P O V“Argh! Aaah… faster, Draven… faster…”Iyon ang unang bumungad sa akin pagkatungtong ko pa lang sa inuupahan naming bahay ng nobyo ko.Kakagaling ko lang kasi sa center para magpacheck-up, at doon ko nalaman ang pinakamagandang balita na matagal kong hinihintay—b

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status