LOGINV E R A : P O V
“Oh by the way, Yaya Vera… gusto kong sumama ka sa akin mamaya sa airport.” Napakurap ako at agad napatayo nang tuwid. “P-po? A-ako po? B-bakit po?” kinakabahang tanong ko habang hindi mapakali ang mga kamay ko. Mabagal niya akong nilingon. Malamig ang tingin at seryoso ang mukha. Unti-unti siyang lumapit sa kinaroroonan ko hanggang sa halos maramdaman ko na ang bigat ng presensya niya. “Kailangan ko pa bang ipaliwanag sa’yo kung bakit?” mababa ngunit mariin niyang tanong. Napalunok ako. “I'm your boss, Vera,” dugtong niya habang diretsong nakatitig sa akin. “At lahat ng sasabihin ko, kailangan mong sundin. Kung gusto mong manatili sa mansion na ito bilang personal maid ko, kailangan mong sumunod sa bawat utos ko.” Parang nanlamig ang buo kong katawan. “O-opo, Sir…” mahina kong sagot, halos kusang lumabas sa bibig ko. Ngunit hindi pa rin matahimik ang isip ko. “P-pero Sir… ano po bang gagawin natin sa airport?” maingat kong tanong. Bahagya siyang napabuntong-hininga bago ngumisi nang kaunti. “Uhmmmm… I told you, don’t ask me questions.” Natahimik ako agad at yumuko. “Pero dahil gusto mong malaman ang dahilan…” muli niyang saad habang inaayos ang cuff ng kanyang mamahaling suot. “Sasamahan mo ako para salubungin ang anak ko at ang fiancé nito.” “ANO?!” halos mapasigaw ako sa sobrang gulat. Bigla akong natigilan. Parang huminto ang mundo ko sa narinig. Hindi ako makapaniwala. Sa maikling panahon ko pa lamang sa mansion bilang katulong… makikita ko na agad si Draven—ang lalaking minsan kong minahal… ang ama ng anak ko… at ang ex-boyfriend kong akala ko’y hindi ko na muling makakaharap. Nanlambot ang mga tuhod ko. Hindi pa ako handa. Hindi pa ako nakakaipon para sa amin ng anak ko… hindi ko pa naaayos ang buhay namin… pero darating na agad siya. “Hindi pwede…” mahina kong bulong habang pilit pinapakalma ang sarili. “Anong gagawin ko…?” Nagsimulang manginig ang mga kamay ko. “Hindi niya ako dapat makita rito…” dagdag ko pang bulong sa sarili ko, pilit pinipigilan ang kaba na tuluyang lamunin ako. Ngunit tila narinig niya ang takot sa boses ko. “Wag kang mag-alala, Vera,” mahinang bulong niya habang nakatitig sa akin. “Mabait ang anak ko.” Mas lalo lamang bumilis ang tibok ng puso ko. Kung alam lang niya… hindi kabaitan ni Draven ang kinatatakutan ko. Kundi ang posibilidad na makilala niya ako… at malaman niyang may anak kami.. “Pero Sir… pwede bang si Ate Marie na lang po ang sumama sa inyo sa airport?” nag-aalangan kong sabi habang mahigpit na magkahawak ang mga kamay ko. “Ahm… kasi po, yung anak ko—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Biglang tumigas ang ekspresyon ni Mr. Brooklyn. Dahan-dahan siyang tumigil sa kanyang ginagawa at malamig akong tinignan. “Kung ano ang sinabi ko, hindi na iyon mababago pa.” Mariin ngunit kontrolado ang kanyang boses—iyong tipong hindi mo kayang suwayin kahit gustuhin mo. “Lumabas ka na,” dagdag niya habang inaayos ang relo sa kanyang pulsuhan. “At magbihis ka. Aalis na tayo maya-maya lang. Napaaga ang uwi ng anak ko.” Wala na akong nagawa kundi ang yumuko. “O-opo, Sir…” Mabibigat ang mga paa kong lumabas ng silid niya. Pagkasara ng pinto, saka ako napahawak sa dibdib ko. Parang hirap akong huminga. Ilang taon na rin naman ang lumipas… Baka hindi na niya ako makilala. Hindi ko naman sinasadyang mapunta sa bahay nila. Nagkataon lang talagang dito ako natanggap na trabaho… sa mismong mansion ng pamilya niya. Napailing ako habang pilit inaayos ang magulong isip. “Nagkataon nga lang ba… o sadyang tadhana na talaga ang may gusto?” bulong ko sa sarili bago mariing napapikit. “Ahhhh… kainis!” Napahawak ako sa ulo ko sa sobrang frustrasyon. Sa dami ng pwedeng mapasukan na trabaho… bakit dito pa? At sa dami ng taong pwede kong iwasan… Bakit si Draven pa mismo ang kailangan kong harapin muli? Ilang minuto… hanggang sa tuluyang lumipas ang ilang oras. Tahimik akong naghanda sa loob ng maliit kong silid. Isinuot ko ang uniporme ng katulong—iyon lang naman kasi talaga ang maayos kong damit. Huminga muna ako nang malalim bago lumabas ng kwarto. Pagbukas ko ng pinto, agad bumungad sa akin si Mr. Brooklyn na nakaupo sa mahabang sofa sa sala. Napatigil ako sandali. Gwapo… matangkad… at sobrang astig niyang tingnan. Nakasuot lamang siya ng simpleng dark suit, ngunit kitang-kita pa rin ang dating at awtoridad niya. Para siyang isang binatang hindi tumatanda. “Ibang-iba talaga kapag bilyonaryo…” mahina kong bulong sa sarili habang palihim siyang tinitignan. Paglapit ko sa kanya, bahagya akong yumuko. “T-tara na po, Sir,” mahinahon kong saad. Ngunit hindi siya agad nagsalita. Dahan-dahan niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa. Seryoso ang mukha niya na tila may malalim na iniisip. “Wala ka bang dalang ibang damit bukod sa yaya dress na ’yan?” malamig niyang tanong. Napayuko ako. “W-wala po akong matinong damit, Sir…” mahina kong sagot. Sandali siyang natahimik. Bahagya siyang napabuntong-hininga bago tumayo at kinuha ang susi ng sasakyan. “Uhmmmm… let’s go.” Iyon lang ang sinabi niya bago diretsong naglakad palabas. Mabilis akong sumunod. Buong biyahe ay tahimik lamang ako. Tanging tunog ng makina ng mamahaling sasakyan at mahinang musika lang ang maririnig sa loob. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko mas lalo akong kinakabahan habang papalapit kami sa airport… o kung saan man talaga kami pupunta. Makalipas ang ilang oras ng biyahe, dahan-dahang tumigil ang sasakyan ni Mr. Brooklyn sa harap ng isang mamahaling dress shop. Nanlaki agad ang mga mata ko nang makita kong may katabi pa itong make-over studio. Napalingon ako sa kanya. “Akala ko po ba… sa airport tayo, Sir?” nagtataka kong tanong. “Yes,” malamig niyang sagot habang inaalis ang seatbelt. “Pero bago ’yon…” Bahagya niya akong nilingon. “Kailangan mo munang maging maayos tingnan pagharap sa anak ko.” “H-Huh?” natigilan kong sambit. Hindi siya agad nagsalita. Muli niya akong sinulyapan—this time, mas malumanay na ang tingin niya kahit suplado pa rin ang tono. “Personal maid kita, Vera,” aniya. “Ayokong magmukhang pinapabayaan ko ang mga taong nasa ilalim ko.” Parang may kung anong kakaibang init na dumaan sa dibdib ko sa sinabi niya. Ngunit mabilis ding bumalik ang kaba ko nang maalala kung sino ang haharapin namin. Si Draven.Nanatiling nakatitig si Brooklyn kay Carissa. Walang sinuman ang nangahas na magsalita. Ang dating engrandeng bulwagan na puno ng tawanan at musika ay tila naging lugar ng paglilitis. Lahat ng naroon ay naghihintay sa susunod na sasabihin ng pinuno ng pamilyang Villarreal. Dahan-dahang lumapit si Brooklyn kay Yannah. “Anak...” mahinang tawag niya. Agad siyang yumuko nang bahagya at tiningnan ang pisngi ni Yannah na namumula pa dahil sa sampal. Nangingilid ang luha sa mga mata ng dalaga, ngunit pilit niya itong pinipigilan. “Papa...” mahina niyang sambit. Napatigil si Brooklyn. Sa isang iglap, tila lalong tumigas ang kanyang mukha. Hindi niya kailangang marinig ang buong kuwento. Sapat nang makita niya ang marka sa mukha ng kanyang anak. Dahan-dahan siyang tumayo nang tuwid at muling humarap kay Carissa. “Simula sa araw na ito...” malamig niyang panimula. Napatingin ang lahat sa kanya. “Lahat ng proyekto at anumang share ng pamilya Baltazar na konektado sa
Pagpasok na pagpasok nina Yannah at Luxer sa marangyang bulwagan, ang dating masiglang tugtugan at tawanan ng mga bisita ay biglang napalitan ng isang nakabibinging katahimikan. Lahat ng mata ay sabay-sabay na napalingon sa kanila—mga matang puno ng pagtataka, usisero, at may halong panghuhusga. Nakatayo si Carissa sa gitna ng entablado, suot ang isang mamahaling pulang damit na lalong nagpalitaw ng kanyang mapanuyang ngiti. Hawak niya ang mikropono, at dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa gilid ng stage habang nakatingin nang diretso kina Yannah. “Magandang gabi sa ating mga mahal na bisita,” panimula ni Carissa, ang boses ay malinaw na umalingawngaw sa buong bulwagan. “Maraming salamat sa pagdalo sa gabing ito. Ngunit bago tayo magpatuloy sa ating kasiyahan, may gusto lamang akong linawin at ibunyag sa inyong lahat—isang napakahalagang katotohanan tungkol sa taong matagal nang nagpapanggap.” Nangunot ang noo ni Luxer. Mahigpit niyang hinawakan ang siko ni Yannah. “Ano bang
Sa ibang bansa, kung saan kasalukuyang naroroon ang pamilya ni Yannah, nasa isang malawak at marangyang silid ang pamilya Villarreal. Nakaupo sina Vera Villarreal, ang ina ni Yannah, at Brooklyn Villarreal sa mahabang mesa kasama ang mga matatandang miyembro ng kanilang angkan—mga lola at lolo na pumalit sa mga naunang henerasyon.Tahimik at mabigat ang buong paligid.Dahan-dahang tumayo si Brooklyn mula sa kanyang kinauupuan. Seryoso ang kanyang mukha habang tinitingnan ang bawat miyembro ng pamilya.“Ngayong wala na ang ating ninunong si Master Villarreal, panahon na rin para ipaalam sa lahat na—”Ngunit bigla siyang natigilan.Naputol ang kanyang pagsasalita nang biglang bumukas ang malaking pinto ng silid.Mabilis na pumasok ang isa sa kanyang mga tauhan. Halata sa mukha nito ang matinding pagkabahala. Agad itong lumapit kay Brooklyn.Nagkatinginan ang lahat ng nasa mesa.Lumapit ang tauhan sa kanyang amo at maingat na ibinulong ang natanggap nitong impormasyon—isang mensaheng nag
“Kung alam mo lang kung gaano ako natatakot na mawala ka...” Nanatiling nakatitig si Yannah kay Luxer. Sa kabila ng sakit at galit na bumabalot sa kanyang dibdib, may kung anong nagbago sa ekspresyon ng binata. Hindi iyon ang mukha ng isang lalaking ikinahihiya siya. Mukha iyon ng isang taong desperadong may inililigtas. Ngunit hindi pa rin sapat iyon upang mawala agad ang sakit na nararamdaman niya. “Kung gano'n...” basag ang boses na sabi ni Yannah. “Bakit hindi mo man lang ako pagkatiwalaan?” Napatingin si Luxer sa kanya. “Bakit kailangan mong magdesisyon para sa akin?” patuloy niya habang pinupunasan ang kanyang mga luha. “May sarili akong isip, Luxer. May sarili akong desisyon. Kung gusto kong manatili, dapat hinayaan mo akong pumili.” Mariing napakapit si Luxer sa manibela. “Hindi mo naiintindihan.” “Kung gano'n, ipaintindi mo sa akin!” sigaw ni Yannah. Natahimik ang loob ng sasakyan. Maging ang tunog ng makina ay tila naging mas mabigat sa pagitan nilang dalawa. “S
“Wala ka pang nalalaman sa mga taong kalaban natin, Yannah,” mahinang wika ni Luxer, may halong desperasyon sa kanyang tinig habang muli siyang humakbang papalapit sa dalaga. Halata sa kanyang mukha ang pag-aalala, ngunit mas nangingibabaw ang takot na pilit niyang itinatago.“Ang mga magulang ko...” saglit siyang natigilan, tila nahihirapang sabihin ang mga salitang matagal na niyang kinikimkim. “Hindi lang basta pamilya ang kaharap natin dito. May mga taong nagmamanman para hanapin ang kahinaan ko. At sa sandaling malaman nilang ikaw ang kahinaan na iyon, sisiguraduhin nilang mawawala ka sa akin.”“Señorito! Kailangan na naming umalis!” sabat ni Christ, na halatang nagpapanic habang nakasilip sa bintana.Mabilis nitong ibinaling ang tingin sa labas. Ang mukha nito ay namutla nang makita ang mga sasakyang papalapit sa mansiyon.Nanigas si Yannah sa kanyang kinatatayuan.Ang mga salitang iyon mula kay Christ ay parang kutsilyong tumusok sa kanyang dibdib.Kailangan na naming umalis.I
Mahigpit na hinawakan ni Yannah ang kontrata sa kanyang kandungan.Saglit siyang tinitigan ni Luxer, saka dahan-dahang umupo sa tabi niya. Hindi siya agad nagsalita. Sa halip, pinagmamasdan lamang niya ang mukha ng dalaga na pilit umiiwas sa kanyang mga mata.“Bakit?” tanong ni Luxer sa mahinahong tinig. “May problema ba sa kontrata?”Bahagyang natigilan si Yannah.Dahan-dahan niyang ibinaba ang tingin sa mga papel.“Wala naman…” mahina niyang sagot. “Binabasa ko lang ulit.”“Talaga?”Napatingin siya kay Luxer.“Anong ibig mong sabihin?”Ngumiti nang bahagya ang binata at marahang isinandal ang katawan sa sofa.“Kanina pa yata iyan nasa kamay mo.”Bahagyang kumunot ang noo ni Yannah.“Sinusubaybayan mo ba ako?”“Hindi,” mabilis na sagot ni Luxer. “Pero kilala kita.”Natahimik si Yannah.Muling bumaba ang tingin niya sa kontrata. Ngunit bago pa man niya muling mabuksan ang susunod na pahina, dahan-dahang kinuha ni Luxer ang folder na hawak niya.Nagtaka si Yannah.“Ano ’yan?”Hindi aga
V E R A : P O V Ito ang unang araw ko sa trabaho… kaya kailangan kong kumilos nang maayos. “Mas maganda kung kay Don Brooklyn ka muna magsisimulang maglinis,” bilin ni Marie bago ito umalis papuntang palengke. “Kailangan malinis lagi ang silid ng mga amo.” Tumango naman ako. Alas kuwatro pa lang
V E R A : P O V “Hoy Vera, huwag ka nang patayo-tayo riyan. Sumunod kayo sa akin ni Yannah. Ayaw kasi nila ng bata rito kaya bilisan mo, baka makita pa tayo ni Don Brooklyn,” bulong ni Marie sa akin. Kaya agad kaming naglakad patungo kung saan man niya kami dadalhin. Siguro sa silid ng mga katulon
C H A P T E R -O N EV E R A : P O V“Argh! Aaah… faster, Draven… faster…”Iyon ang unang bumungad sa akin pagkatungtong ko pa lang sa inuupahan naming bahay ng nobyo ko.Kakagaling ko lang kasi sa center para magpacheck-up, at doon ko nalaman ang pinakamagandang balita na matagal kong hinihintay—b
V E R A : P O V “Ma’am, dito po tayo,” magalang na tawag sa akin ng isang staff habang itinuro ang hanay ng mamahaling damit sa loob ng boutique. “Mamili na po kayo ng damit na gusto ninyong isuot.” Napakurap ako at agad napalingon kay Sir Brooklyn. “Pero… Sir,” mahina kong saad habang kinakabah







