Se connecter“Vera, ang totoo niyan...” panimula ni Brooklyn. Ngunit bigla siyang natigilan. Bahagyang nabuka ang kanyang bibig ngunit walang sumunod na mga salita. “Ano kasi... Vera...” Napayuko siya at napahawak sa noo. Paano ko ba sasabihin sa kanya ang totoo? Sa lahat ng negosyong nahawakan niya at sa lahat ng problemang nalampasan niya, ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong kaba. Paano niya sasabihin sa babaeng mahal niya na may isang katotohanang kayang baguhin ang lahat? “Brooklyn?” nagtatakang tawag ni Vera. “May problema ba?” Napabuntong-hininga siya at napailing. Hindi pa niya kaya. Hindi habang hindi pa niya alam kung paano sisimulan. Kaya ang unang pumasok sa isip niya ang kanyang nasabi. “Gusto ko ng sundan si Yannah.” “Huh?” napakunot-noong tugon ni Vera. “Sandali...” natigilang saad ni Vera habang unti-unting lumalaki ang kanyang mga mata. “Ang ibig mong sabihin sa sundan si Yannah...” Napahinto siya at napakagat sa kanyang ibabang labi. “As-in? Sundan si Yannah
Agad na nanlaki ang mga mata ni Brooklyn. “Huh?” Halos mapatawa pa siya sa gulat. “Hindi! Hindi ganoon!” mabilis niyang sagot. Napahinga nang malalim si Vera, ngunit hindi pa rin tuluyang nawala ang kaba sa kanyang dibdib. “E bakit ganyan ka makatingin sa akin? Para kang may napakabigat na sasabihin.” Napailing si Brooklyn at bahagyang natawa. Sa kabila ng tensyon, hindi niya maiwasang mapangiti. “Grabe ka naman mag-isip.” “Paano ba naman kasi?” reklamo ni Vera. “Bigla mo akong dinala rito, seryoso ang mukha mo, tapos gusto mo tayong dalawa lang. Malamang kung anu-anong naiisip ko.” Napailing muli si Brooklyn bago marahang itinaas ang kanilang magkahawak na kamay. “Kung makikipaghiwalay ako, hahawakan ko ba nang ganito ang kamay mo?” Bahagyang namula si Vera. “Malay ko.” “Vera...” mahina niyang tawag. Dahan-dahang inilapit ni Brooklyn ang noo niya sa noo ng babae. Sapat lang upang maramdaman ni Vera ang mainit nitong hininga. “Kung may isang bagay na
“Vera...” mahinang saad ni Brooklyn habang hindi maalis ang kanyang tingin sa mukha nito. “Okay ka lang ba, Brooklyn?” nag-aalalang tanong ni Vera. Napakurap si Brooklyn at bahagyang napailing na tila saka lamang natauhan. “Oo... ayos lang ako,” sagot niya, ngunit halata sa kanyang mukha na may mabigat siyang iniisip. Napayuko si Vera at hindi mapakali ang mga kamay nito. “Pasensya ka na...” nahihiyang sambit niya. Napakunot-noo si Brooklyn. “Para saan?” “Dahil ba sa amin kaya ka umuwi nang biglaan?” maingat niyang tanong habang iniiwas ang tingin. Saglit na natahimik si Brooklyn. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong na iyon. Sa isang banda, oo. Dahil nang malaman niya ang tungkol kina Vera at Yannah, hindi siya mapakali at agad siyang bumalik. Pero nung nalaman kong live-in partner ng anak ko si Vera nung nakaraang mga taon,nakaramdam ako , na parang kasalanan ko ang lahat kung bakit naghiwalay sila. Ngunit hindi niya iyon maaaring sabihin sa ngay
Akmang bubuksan na sana ni Brooklyn ang pinto ng silid ni Vera. Isang pihit na lamang sa door lock at mabubuksan na niya ito, ngunit bigla siyang natigilan. Humigpit ang pagkakahawak niya sa seradura bago dahan-dahang lumingon. “Draven,” malamig ngunit mabigat niyang tawag. Napahinto si Draven at nagtatanong ang mga matang tumingin sa kanya. “Pwede bang sa ibang araw na lang natin pag-usapan ang bagay na ito? Gusto ko munang makita ang lahat ng kuha ng CCTV sa mansion.” Bahagyang nagulat si Draven. “Ano? Wala nang CCTV sa loob, Papa. Matagal nang sira ang mga iyon. Ang gumagana na lang ay iyong nasa labas ng mansion.” Unti-unting tumalim ang tingin ni Brooklyn. “Kailan pa nasira ang CCTV sa loob ng mansion?” seryoso niyang tanong. Sandaling natahimik ang paligid. Maging si Draven ay tila hindi komportable sa paraan ng pagtitig ng kanyang ama. “Pa...” mahina ngunit may bahid ng sama ng loob niyang saad. “Wala ba kayong tiwala sa apo ninyo?” Napabuntong-hininga si Brooklyn. Hi
Habang naglalakad ang mag-amang sina Brooklyn at Draven patungo sa silid ni Vera, biglang natigilan si Brooklyn nang may mapansin siya sa dulo ng pasilyo. Agad na sumunod ang tingin ni Draven. At kapwa sila napako sa kanilang kinatatayuan. Sa gilid ng isang pintuan, nakita nila sina Lucita at Luxer na magkayakap. Hindi iyon ang karaniwang yakap ng isang mag-ina. Masyado silang malapit sa isa't isa, at halatang hindi nila namalayang may nakakita sa kanila. Nanlaki ang mga mata ni Brooklyn. Unti-unting nagdilim ang kanyang mukha habang sumisidhi ang galit sa kanyang dibdib. "Ano'ng kalokohan ito, Lucita?" Malamig ngunit mabagsik niyang saad. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang dalawa. Nagulat silang naghiwalay at mabilis na lumayo sa isa't isa. "B-Brooklyn?" nauutal na sambit ni Lucita habang namumutla. "N-nakabalik ka na pala..." Walang bakas ng emosyon ang mukha ni Brooklyn, ngunit ang kanyang mga mata ay nag-aalab sa galit. "Ang tinatanong ko, ano'ng gina
“Bakit mo nagawa ito sa mag-ina ko, Draven?” nanginginig sa galit at sama ng loob ang boses ng kanyang ama. Namumula ang kanyang mga mata habang mariing nakaturo kay Draven. “Hindi kita pinalaki nang ganyan! Hindi kita pinalaki para mang-api ng mahihina!” Lalo na sa Stepmom, mo!" “Dad!” mariing sagot ni Draven habang nakakunot ang noo. Halatang pinipigilan niya ang kanyang galit. “Hindi ko sila inaapi!”dagdag pa niya. Humakbang siya palapit sa kanyang ama, nanginginig ang kanyang mga kamay dahil sa matinding emosyon. “Binigyan ko lang sila ng leksyon!” madiing dagdag niya. “Alam n'yo ba kung ano ang ginawa nila sa apo n'yo?” Napatigil si Brooklyn. “Ano'ng ibig mong sabihin?” tanong nito, bahagyang bumaba ang tono. Mariing napakuyom si Draven ng kamao. Namuo ang galit at sakit sa kanyang mga mata nang maalala ang nangyari. “Hinulog ni Yannah si Hanna sa hagdan!” sigaw niya. “Anim na taong gulang pa lang si Hanna, Dad! Wala siyang kalaban-laban!” basag ang boses niyan
Makalipas ang ilang oras, nanatiling gising si Vera. Nakaupo siya sa gilid ng kama, hawak ang cellphone, naghihintay ng kahit anong tawag mula kay Brooklyn. Lumipas ang gabi, hanggang sa tila tumilaok na ang manok sa labas, pero wala pa ring mensahe o tawag na dumarating. Kinabukasan… Maagang um
V E R A : P O V Ito ang unang araw ko sa trabaho… kaya kailangan kong kumilos nang maayos. “Mas maganda kung kay Don Brooklyn ka muna magsisimulang maglinis,” bilin ni Marie bago ito umalis papuntang palengke. “Kailangan malinis lagi ang silid ng mga amo.” Tumango naman ako. Alas kuwatro pa lang
V E R A : P O V “Hoy Vera, huwag ka nang patayo-tayo riyan. Sumunod kayo sa akin ni Yannah. Ayaw kasi nila ng bata rito kaya bilisan mo, baka makita pa tayo ni Don Brooklyn,” bulong ni Marie sa akin. Kaya agad kaming naglakad patungo kung saan man niya kami dadalhin. Siguro sa silid ng mga katulon
C H A P T E R -O N EV E R A : P O V“Argh! Aaah… faster, Draven… faster…”Iyon ang unang bumungad sa akin pagkatungtong ko pa lang sa inuupahan naming bahay ng nobyo ko.Kakagaling ko lang kasi sa center para magpacheck-up, at doon ko nalaman ang pinakamagandang balita na matagal kong hinihintay—b







