MasukV E R A : P O V
Ito ang unang araw ko sa trabaho… kaya kailangan kong kumilos nang maayos. “Mas maganda kung kay Don Brooklyn ka muna magsisimulang maglinis,” bilin ni Marie bago ito umalis papuntang palengke. “Kailangan malinis lagi ang silid ng mga amo.” Tumango naman ako. Alas kuwatro pa lang ng madaling-araw ay gising na kami ni Yannah. Mahigpit ko pa siyang pinagsabihan kagabi na huwag na huwag lalabas ng silid hangga’t wala ako. Dahan-dahan akong lumabas ng quarters at nagtungo sa second floor ng mansyon. Tahimik pa ang paligid kaya mas lalo akong kinabahan. Pagpasok ko pa lang sa silid ni Mr. Villareal, agad sumalubong sa akin ang mabango nitong pabango. Hindi iyon amoy matanda—mas lalo pa nga itong amoy binata. Malinis, elegante, at sobrang masculine ng dating ng buong kuwarto niya. Habang nagpupunas ako ng mga kagamitan, napansin kong walang tao sa higaan niya. Kinabahan agad ako. “G-gising na kaya ang Don? B-bakit wala na siya sa higaan niya?” bulong ko sa sarili habang napapalinga sa paligid. “Baka nagja-jogging…” saad ko na lamang upang pakalmahin ang sarili. Akmang papasok na sana ako sa banyo para doon magsimulang maglinis nang biglang bumukas ang pinto. “Ah!” Sa gulat ko ay muntik na akong matumba, ngunit mabilis akong nahila ng Don papalapit sa kanya. Dumampi agad ang katawan ko sa matipunong dibdib niya. Mainit-init pa ito at mamasa-masa, tila kagagaling lang niya sa shower. Hindi agad ako nakagalaw. Nanlaki ang mga mata ko habang nakatitig sa katawan niya. Kahit may edad na ito, halatang alaga niya ang sarili niya. Matigas ang hubog ng dibdib nito at bakas na bakas ang mala-batong abs sa katawan niya. Ramdam na ramdam kong umiinit ang magkabilang pisngi ko. “Are you okay?” gwapong sambit niya sa mababa at nakakaakit nitong boses. Parang saglit na nawala ang utak ko sa paraan ng pagtitig niya sa akin. “P-pasensiya na po, Sir… hindi ko sinasadya…” nauutal kong sabi habang pilit iniiwas ang tingin sa katawan niya. Agad sana akong lalayo, ngunit nang itulak ko ang dibdib niya ay bahagya siyang napaatras. Hindi siya agad nakabitaw sa akin. At doon ko napansin… Ang tanging nakatakip lang pala sa ibabang bahagi ng katawan niya ay isang puting tuwalya. Parang nag-slow motion ang lahat sa paningin ko nang unti-unti iyong kumalas sa pagkakatali… hanggang sa tuluyan itong mahulog sa sahig. “Ahhh!” mabilis kong natakpan ang mga mata ko habang halos mapasigaw sa gulat. “Sir!” Narinig ko naman ang mahina ngunit malalim niyang tawa. “Interesting first day, Vera…” bulong niya sa nakakaakit na boses habang tila aliw na aliw sa reaksyon ko. Lalo akong nataranta. “H-hindi ko po tinitingnan!” mabilis kong depensa habang nakapikit pa rin ako. “Talaga ba?” mapang-asar niyang tanong. “Pero parang namula ka yata.” “Sir naman po!” halos maiyak kong saad sa sobrang hiya. Mas lalo lang siyang natawa nang mahina bago marahan nitong pinulot ang tuwalya mula sa sahig. “Relax,” saad niya habang nakatitig sa akin. “Hindi kita kakainin.” Ewan ko ba… pero sa paraan ng pagtitig niya sa akin, parang mas lalo akong kinabahan. “Sir… I’m sorry. Hindi ko po alam na—” “Okay lang,” kalmado niyang putol sa sasabihin ko habang inaayos ang tuwalya sa bewang niya. “Isipin mo na lang na hindi mo nakita ang nakita mo kanina.” Napakagat ako sa ibabang labi ko. Paano ko hindi iisipin ang malaking uhmmm… sht!* Ano ba, Vera! Matanda na siya at isa pa, amo mo siya! Hoy, umayos ka! saway agad ng isip ko sa sarili. Pero may isa pang bahagi ng utak ko ang walang tigil sa pang-aasar. Chussy ka pa! Hoyyy… grabe naman ‘yon. Pero… matandang mayaman, madaling matigok— “Hoyyyy! Ano ‘yang nasa isip mo?!” bigla kong nasambit nang hindi namamalayan. “WHAT?” mabilis na baling muli sa akin ni Mr. Brooklyn habang nakakunot-noo. Nanlaki agad ang mga mata ko. “H-Huh? Wala po, Sir!” mabilis kong sagot habang halos mataranta. “M-maglilinis na po ako sa banyo!” Mabilis sana akong papasok sa banyo para makaiwas sa kahihiyan, pero bigla na naman akong nadulas. “Ahhh!” Sa pagkakataong iyon, tuluyan akong bumagsak sa paanan ng Don. “Damn…” mahina niyang sambit habang mabilis akong sinalo sa braso, pero huli na para maiwasan ko ang mas nakakahiya pang eksena. Sa sobrang lapit namin sa isa’t isa, kitang-kita ko ang matipunong katawan niya. Halos mawalan ako ng hininga nang mapagtanto kong nasa harapan ko mismo ang pagitan ng mga hita niya. At mas lalo akong nataranta nang bahagyang bumuka ang butones ng damit ko dahil sa pagbagsak ko. Biglang bumaba ang tingin ni Mr. Brooklyn sa dibdib ko. Ramdam na ramdam kong uminit ang buong mukha ko nang mapansin kong kitang-kita na pala ang malusog kong cleavage. Agad kong tinakpan ang dibdib ko habang halos mabulol sa hiya. “S-Sir…” Ngunit imbes na umiwas agad, tila natigilan muna siya sa pagtitig sa akin. Tahimik lang siya habang magkalapit ang mukha namin. Ramdam ko pa ang mainit niyang paghinga na dumadampi sa balat ko. “Vera…” mababa niyang sambit sa seryoso ngunit nakakakilabot na boses. “H-huh?” “Kung hindi ka mag-iingat…” bahagya siyang napangisi habang nakatitig pa rin sa akin, “baka pareho tayong mapahamak.” Lalo akong napalunok sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit… pero sa unang pagkakataon matapos ang ilang taon, parang may kakaibang kaba na namuo sa dibdib ko dahil sa lalaking nasa harapan ko ngayon. “Yes… Sir,” nahihiya kong sagot habang pilit iniiwas ang tingin sa kanya. Akmang babangon na sana ako mula sa sahig nang bigla niyang ilahad ang palad niya sa harapan ko. Saglit akong natigilan. Malaki at matigas ang kamay niya, halatang sanay sa trabaho kahit isa siyang mayamang Don. “Come here,” mababa niyang saad habang seryoso akong tinititigan. Parang may kung anong kakaibang init na dumaloy sa dibdib ko nang marinig ko ang malalim niyang boses. Dahan-dahan kong iniabot ang kamay ko sa kanya. Ngunit sa sandaling magdikit ang mga palad namin, tila may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko. Mabilis niya akong hinila paitaas dahilan para mawalan ako ng balanse. “Ah—!” Napasinghap ako nang muli akong mapadikit sa dibdib niya. Sa sobrang lapit namin, halos magdikit na ang mga labi namin. Ramdam ko pa ang mainit niyang paghinga na dumadampi sa mukha ko. “Careful,” mahina niyang bulong habang nakahawak pa rin sa bewang ko. “Mukhang madalas kang madulas kapag nasa paligid mo ako.” Agad akong napayuko sa sobrang hiya. “S-sorry po…” Bahagya naman siyang natawa. Hindi malakas, kundi iyong klase ng tawang sobrang gwapo pakinggan sa tenga. “Bakit parang mas kinakabahan ka pa kaysa sa akin?” tanong niya habang bahagyang nakataas ang isang kilay. “A-amo ko po kasi kayo…” mabilis kong depensa. “Tama,” saad niya habang nakatitig nang diretso sa mga mata ko. “Pero huwag kang masyadong matakot sa akin, Vera.” Hindi ko alam kung bakit… pero sa paraan ng pagtitig niya sa akin ngayon, parang mas lalo akong hindi mapalagay."Mga tauhan." Malamig na tawag ni Luxer. "Iwan n'yo muna kami." "Yes, Señorito." Agad na yumuko ang mga bodyguard bago sabay-sabay na lumayo. Pagkatapos ay ibinaling ni Luxer ang tingin sa yaya ni Yannah. Isang simpleng tango lamang ang ibinigay niya bilang hudyat. Naunawaan agad iyon ng matandang yaya. "Seniorita..." nag-aalalang sambit nito. "Hintayin na lang kita roon sa may veranda." Nag-aalinlangan man, tuluyan na rin itong naglakad palayo. Ilang segundo lamang ang lumipas... Tanging sina Luxer at Yannah na lamang ang naiwan sa gitna ng malawak na hardin. Tahimik na humarap si Luxer sa dalagita. "Sige, Miss Villareal," kalmado ngunit seryosong saad niya. "Sabihin mo ang lahat ng gusto mong sabihin.” Ang gwapo pala niya... At ang astig ng dating. Pero kahit gano'n... wala pa rin akong balak magpakasal sa kanya! Mahigpit na ikinrus ni Yannah ang kanyang mga braso bago buong tapang na tumingin kay Luxer. "Okay, Mr. Payatot." Bahagyang tumaas ang kilay ng binata.
Three Years Ago… Tatlong Taon ang Nakalipas… "Yannah! Bilisan mo! Hinihintay ka na nila sa mansion!" Napalingon si Yannah Villareal sa kanyang yaya habang nagmamadaling bumaba ng hagdan. "Yaya, bakit po ba kailangan kong pumunta roon? Hindi ko naman kilala ang pamilyang Delgado." Napabuntong-hininga ang kanyang yaya. "May mahalagang pag-uusapan ang dalawang pamilya. Sumunod ka na lang Señiorita." Bahagyang kumunot ang noo ni Yannah. Simula pagkabata, naririnig na niya ang apelyidong Delgado. Ngunit ni minsan ay hindi niya naisip na darating ang araw na magiging bahagi siya ng pamilyang iyon. Pagdating nila sa Delgado Mansion... Huminto ang sasakyan sa harap ng napakalaking gate. Unti-unting bumukas ang bakal na pintuan. At sa unang pagkakataon... Nasilayan ni Yannah ang lalaking tuluyang babago sa takbo ng kanyang buhay. Isang matangkad na binata ang nakatayo sa harap ng fountain. Nakadamit ng itim na suit. Tahimik. Malamig ang ekspresyon. At tila walang interes sa l
Pak! Nanigas si Yannah Villareal matapos lumapat ang isang malakas na sampal sa kanyang pisngi. Unti unting umangat ang kanyang tingin sa babaeng nasa harapan niya. "Carissa..." mahina niyang usal. Hindi niya maintindihan kung bakit ang matalik niyang kaibigan ang siyang nakatayo sa harap niya, puno ng galit at panghahamak. Humalakhak si Carissa bago may inilabas na isang dokumento mula sa kanyang bag. "Akala mo ba tunay kang asawa ni Luxer Delgado?" mapanuyang tanong nito. Napakurap si Yannah. "Ano'ng ibig mong sabihin?" Isinampal ni Carissa ang dokumento sa kanyang dibdib. "Basahin mo." Nanginginig ang mga kamay ni Yannah habang dahan dahan niyang binuklat ang papel. Ngunit bago pa man niya matapos ang unang pahina... Isang pangungusap ang tuluyang dumurog sa kanyang puso. "This marriage is contractual and shall only fulfill the ancestral agreement between the Villareal and Delgado families." Parang huminto ang mundo. Unti unting umiling si Yannah. "Hindi... hindi
SYPNOSIS The Fiancé of Yannah Villareal: Fake Wife Isang kasunduang ginawa ng kanilang mga ninuno ang naging dahilan kung bakit napilitang pakasalan ni Yannah Villareal ang lalaking halos hindi niya kilala, si Luxer Delgado. Buong akala ni Yannah, isa siyang masuwerteng babae. Akala niya, legal at totoo ang kasal nila. Akala niya, unti unting mamumuo ang pag-ibig sa pagitan nila. Ngunit isang araw, gumuho ang mundong matagal niyang binuo. Sa harap ng maraming tao, walang awang isinampal sa kanya ng kanyang matalik na kaibigan na si Carissa ang isang katotohanang hindi niya kailanman inasahan. "Fake wife ka lang, Yannah. Ang kasal n'yo ni Luxer ay kasunduan lang. At ang babaeng tunay na mahal niya... ako." Sa isang iglap, naging kasinungalingan ang lahat ng pinaniwalaan niya. Ang lalaking tinawag niyang asawa ay may mga lihim. Ang best friend na itinuring niyang kapatid ang unang sumaksak sa kanyang puso. Hanggang saan lalaban si Yannah para sa isang lalaking maaaring hin
Makalipas ang Sampung Taon... Mabilis lumipas ang panahon. Sampung taon na ang nakaraan mula nang lisanin nina Vera at Yannah ang Pilipinas upang magsimula ng panibagong buhay sa ibang bansa. Isang desisyong ginawa ni Brooklyn upang mailayo ang kanyang anak sa mga sakit, kaguluhan, at mapapait na alaalang iniwan ng nakaraan. Habang lumalaki si Yannah sa ilalim ng mapag-arugang pag-aaruga ni Vera, nanatili naman si Brooklyn sa Villareal Mansion upang pamahalaan ang kanilang mga negosyo at pangalagaan ang lahat ng iniwang responsibilidad ng kanilang pamilya. Sa kabila ng layo ng isa't isa, hindi kailanman nawala ang pagmamahalan nilang mag-ina. At ngayon... Sa wakas ay dumating na ang araw ng kanilang muling pagkikita. Araw ng kaarawan ni Brooklyn. "Yannah... my princess, birthday ng Daddy mo ngayon. Kailangan nating makarating sa celebration. Sigurado akong sabik na sabik na siyang makita ka," malambing na saad ni Vera habang inaayos ang buhok ng dalagita. Labinlimang
Lumipas ang ilang sandali. Patuloy pa ring bumubuhos ang malakas na ulan habang isa-isang nagsipasok sa loob ng mansion ang mga bodyguard upang bigyan ng pribadong sandali ang mag-asawa. Sa gitna ng rumaragasang ulan sa rooftop... Tahimik lamang silang nakatayo. Unti-unting inaanod ng ulan ang lahat ng galit, takot, at sakit na ilang sandali pa lamang ang nakararaan ay halos sumira sa kanilang pamilya. Ngunit hindi na nagtagal pa si Vera sa ulan. Tahimik siyang tumalikod at nagsimulang maglakad papasok ng mansion. Bagama't wala siyang sinasabi... Halata pa rin sa kanyang mga hakbang at malamig na katahimikan ang tampong pilit niyang itinatago. Napansin iyon ni Brooklyn. Hindi siya nag-atubiling sundan ang kanyang asawa. "Vera..." Mahina ngunit puno ng pag-aalalang tawag niya. Hindi man lang siya nilingon ng asawa. "Honey..." Muli niyang sambit. Ngunit sa halip na huminto, mas lalo pang binilisan ni Vera ang kanyang paglalakad. "Misis... wait for me!"
V E R A : P O V “Ma’am, dito po tayo,” magalang na tawag sa akin ng isang staff habang itinuro ang hanay ng mamahaling damit sa loob ng boutique. “Mamili na po kayo ng damit na gusto ninyong isuot.” Napakurap ako at agad napalingon kay Sir Brooklyn. “Pero… Sir,” mahina kong saad habang kinakabah
V E R A : P O V“Oh by the way, Yaya Vera… gusto kong sumama ka sa akin mamaya sa airport.” Napakurap ako at agad napatayo nang tuwid. “P-po? A-ako po? B-bakit po?” kinakabahang tanong ko habang hindi mapakali ang mga kamay ko. Mabagal niya akong nilingon. Malamig ang tingin at seryoso ang mukha
V E R A : P O V “Hoy Vera, huwag ka nang patayo-tayo riyan. Sumunod kayo sa akin ni Yannah. Ayaw kasi nila ng bata rito kaya bilisan mo, baka makita pa tayo ni Don Brooklyn,” bulong ni Marie sa akin. Kaya agad kaming naglakad patungo kung saan man niya kami dadalhin. Siguro sa silid ng mga katulon
C H A P T E R -O N EV E R A : P O V“Argh! Aaah… faster, Draven… faster…”Iyon ang unang bumungad sa akin pagkatungtong ko pa lang sa inuupahan naming bahay ng nobyo ko.Kakagaling ko lang kasi sa center para magpacheck-up, at doon ko nalaman ang pinakamagandang balita na matagal kong hinihintay—b







