Share

Chapter 10

Penulis: Anne Author
last update Terakhir Diperbarui: 2026-01-31 20:25:45

Damon’s POV

Ang inaasahan kong katahimikan ay hindi nangyari dahil pagkapasok namin ng hideout ng kalaban naalama sila kaya sumabog ang katahimikan sa loob ng compound.

Hindi na ito stealth mission ito ay purge.

Dalawang lalaki ang sumulpot mula sa likod ng metal crates sabay na itinaas ang mga baril nila para itutok sa akin pero mas mabilis ako

Dalawang sunod na putok.

Bumagsak sila bago pa makaputok

“More hostiles approaching from the west wing,” malamig na sabi ni Marcus sa ear
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • THE MAFIA KING OBSESSION    Chapter 11

    Samantha’s POV Hindi pa rin tumitigil ang mga ugong sa tenga ko kahit tapos na ang lahat. Parang may naiwan na tunog ng putok isang echo na paulit-ulit bumabalik sa loob ng ulo ko. Kahit pilitin kong ipikit ang mga mata ko, kahit pilitin kong huminga nang dahan-dahan, naroon pa rin iyon. Parang paalala. Parang babala na hindi pa talaga tapos ang gabing iyon. Mahigpit ang kapit ko sa gilid ng upuan habang umaandar ang sasakyan. Ramdam ko ang panginginig ng makina, ang bahagyang pag-alog tuwing lumiliko kami, at ang malamig na hangin mula sa aircon na hindi sapat para pakalmahin ang dibdib kong mabigat pa rin sa takot. Hindi ako umiiyak. Hindi ako nagpapakita ng takot. Ayokong makita ng lalaking nasa tabi ko na mahina ako kahit ramdam kong nanginginig pa rin ang mga kamay ko, kahit parang may lamig na gumagapang mula sa gulugod ko pababa sa mga paa ko. Tahimik ang loob ng sasakyan. Walang nagsasalita sa amin. Walang nagtatanong. Walang nagpapaliwanag. At sa tabi ko

  • THE MAFIA KING OBSESSION    Chapter 10

    Damon’s POV Ang inaasahan kong katahimikan ay hindi nangyari dahil pagkapasok namin ng hideout ng kalaban naalama sila kaya sumabog ang katahimikan sa loob ng compound. Hindi na ito stealth mission ito ay purge. Dalawang lalaki ang sumulpot mula sa likod ng metal crates sabay na itinaas ang mga baril nila para itutok sa akin pero mas mabilis ako Dalawang sunod na putok. Bumagsak sila bago pa makaputok “More hostiles approaching from the west wing,” malamig na sabi ni Marcus sa earpiece. “Eight armed.” “Hold the grid,” sagot ko. “Walang lalabas.” Nagpatay siya ng ilaw sa west corridor nilamon ng dilim ang lugar. Gumalaw kami sa loob na parang mga anino. Isang ikot. Ilang sunod-sunod na putok bagsak ang ibang mga tauhan ni Velasco Naririnig ko ang sigaw at mura ng iba, mga lalaking sanay mang-harass ng mahihina, pero hindi handang humarap sa totoong halimaw. “Target relocating,” sabi ni Marcus. “Velasco heading to panic room.” “Good,” sagot ko. “Gu

  • THE MAFIA KING OBSESSION    Chapter 9

    Damon’s POV Nang gabing iyon, habang nakaupo ako sa dulo ng mesa at tahimik na nakikinig sa isa-isang nag-uulat ng mga tauhan ko tungkol sa shipment routes, transaksyon, at galaw ng mga operasyon. Nakikinig lang ako nagsasalita pero hindi ibig sabihin ay hindi ako alerto. Ang katahimikan ko ay hindi pahinga iyon ay isang kalkulasyon. Nakabukas ang laptop sa harap ko mga ruta ng shipment, pangalan ng contacts, financial transfers, at posibleng security risks. Lahat ng ito ay pamilyar. Lahat ng ito ay nasa ilalim ng kontrol ko. Pinindot ko ang trackpad at nag-scroll sa panibagong file, pilit ibinabalik ang atensyon sa negosyo. Habang abala ako biglang umilaw ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa. Isang maikli na vibration ang pumutol sa ritmo ng silid. Unknown number. Saglit akong napatigil. Sa mundong ginagalawan ko, bihirang walang pangalan ang tumatawag sa akin. Kadalasan, alam ko kung sino ang nasa kabilang linya bago pa man ito magsalita. Ang numerong ito ay wala

  • THE MAFIA KING OBSESSION    Chapter 8

    Samantha’s POV Isang linggo ang mabilis na lumipas, at sa loob ng panahong iyon, pilit kong ibinaon sa limot ang insidenteng nangyari sa ospital. Hindi dahil hindi ito mahalaga, kundi dahil iyon ang tanging paraan para makapagpatuloy ako. Dahil sa trabaho ko, walang puwang ang pag-aalinlangan at mas lalong walang lugar ang personal na emosyon. Bumalik ako sa dati kong routine duty sa ospital, tapos uwi sa bahay para magpahinga saglit. Sa ospital na may mga pasyenteng mas nangangailangan ng atensyon. Mga buhay na kailangang sagipin hanggat kaya pa. Sa gitna ng lahat ng iyon, naging magaan at normal ang lahat para sa akin. Kahit may mga gabing hindi ko maipaliwanag, kapag pauwi na ako, may pakiramdam akong may sumusunod sa akin isang presensyang hindi ko makita, pero malinaw kong nararamdaman. Sinubukan kong huwag itong bigyan ng pansin. Ipinilit kong paniwalaan na pagod lang ako, na bahagi lang iyon ng mahabang oras sa ospital. Ngunit isang gabi, naging mas malinaw ang

  • THE MAFIA KING OBSESSION    Chapter 7

    Damon’s POV Tahimik ang bahay nang makauwi kami. Iyon ang unang napansin ko pagpasok ko hindi ang lawak ng espasyo, hindi ang malamig na hanging nagmumula sa air-conditioni kung bahay kundi ang katahimikang parang may kulang. Isang katahimikan na hindi ko naman napapansin dati ang katahimikan nagpapabigat ng loob. Isinara ng isa sa mga tauhan ko ang pinto sa likuran ko pagkapasuk ko sa loob. Maingat. Walang ingay. Alam nila na sa ganitong oras, hindi ako dapat kausapin, hindi dapat tanungin. Hinubad ko ang jacket ko at basta ko na lamang ipinatong iyon sa sofa bago dumiretso sa mini bar. Nagsalin ako ng alak sa baso pinanood kung paano bumagsak ang likido niyon, kung paano ito umikot na parang may sariling buhay. Hindi ko intensyon na sundan ang babae kanina. Paulit-ulit kong sinasabi iyon sa sarili ko, na para bang kapag inulit ko nang ilang beses, magiging totoo. Hindi iyon parte ng plano. Marami akong kaaway. Maraming gustong pumatay sa akin. At ang sinumang mapapala

  • THE MAFIA KING OBSESSION    Chapter 6

    Samantha’s POV Pagmulat ko kinabukasan, ang unang pumasok sa isip ko ay hindi ang oras, hindi ang trabaho, kundi ang pakiramdam na parang may naiwan akong bukas na pinto sa loob ng ulo ko isang pintong ayokong balikan, pero kusa pa ring bumubukas. Inis akong bumangon. Hindi dahil pagod ako, kundi dahil alam kong may parte ng gabi kagabi na hindi ko dapat pinatagal sa isip ko. Siya. Ang lalaking may sugat pero mas delikado ang mga mata kaysa sa bala sa katawan niya. Habang naghahanda ako para pumasok, sinadya kong gawing normal ang lahat. Kape. Tahimik na umaga. Walang emosyon. Walang pag-alala. Ganito ako nabuhay sa kontrol. Sa malinaw na hangganan. At hindi ko hahayaang sirain iyon ng isang insidenteng hindi ko hiniling. Sa ospital, balik ako sa dati. Parehong pasilyo, parehong ilaw, parehong amoy ng antiseptic. May mga pasyenteng dumating, may mga sugat na tinahi, may mga buhay na iniligtas. Walang bakas ng gabing nagdaan maliban sa mga matang palihim na tumitingin sa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status