LOGINSamantha’s POV
Hindi ako tumingin pabalik. Hindi ko kailangang gawin iyon. Alam kong nakatingin siya. Ramdam ko pa rin ang presensya niya kahit nakalabas na ako ng silid parang aninong nakadikit sa likod ko, mabigat, mapangahas, at hindi sanay sa pagtanggi. Habang naglalakad ako sa pasilyo, pilit kong pinanatiling tuwid ang likod ko, steady ang hakbang, kahit ang dibdib ko ay hindi pa rin bumabagal ang tibok. Galit. Iyon ang nangingibabaw. Hindi hiya. Hindi takot. Galit dahil may isang lalaking inakalang may karapatan siyang lampasan ang hangganan ko dahil lang sa sanay siyang makuha ang gusto niya. Pagdating ko sa dulo ng pasilyo, saka ko lang hinayaan ang sarili kong huminga nang malalim. Isang beses. Dalawa. Tatlo. Nanlalamig ang mga daliri ko, pero hindi ako nanginginig. Hindi ko hinayaan. Hindi ko pwedeng hayaan. Hindi sa ospital. Hindi sa sarili ko. Nararamdaman ko pa rin ang init ng palad niya sa batok ko. Ang biglang paghila. Ang labi niyang dumampi sa akin isang iglap na pilit kong binura sa isip ko, pero nanatiling malinaw, parang sugat na hindi mo agad nararamdaman ang sakit hanggang makalipas ang ilang segundo. At ang kagat ko. Hindi iyon plano. Reflex iyon. Isang babalang galing sa kaibuturan ng katawan ko isang paalala na hindi ako pag-aari ninuman. Huminto ako saglit sa nurse station, kunwari may inaayos sa chart, kahit malinaw na nanginginig na ang sulat-kamay ko. Hindi dahil sa takot, kundi dahil sa tensyon na hindi ko inaasahan. Hindi siya dapat nakaapekto sa akin. Isa lang siyang pasyente. Isang delikadong pasyente oo. Pero pasyente pa rin. At gayon pa man… Hindi ko maikakaila ang bigat ng mga mata niya habang nakatingin sa akin kanina. Hindi bastos ang titig iyon ang mas nakakainis. Para siyang lalaking sanay maghintay, sanay magmasid, sanay mag-angkin ng hindi pa kanya. At iyon ang mas delikado. “Sam?” Napalingon ako sa boses ng isang nurse. “Okay ka lang?” tanong niya, bahagyang nag-aalala. Tumango ako agad. “Oo. Pagod lang.” Isang kasinungalingang madali kong nasabi. Pagod—oo. Pero higit doon, gising na gising ang isip ko. Ilang minuto pa, umalis na ang grupo nila. Ramdam ko ang pagluwag ng hangin sa buong ospital parang may bagyong dumaan at saka lang tuluyang umalis. May mga tanong sa mga mata ng ibang staff, pero walang nagtanong nang direkta. Walang may lakas ng loob. At ako… bumalik sa trabaho ko. Ganoon naman lagi. May mga gabing may dugo. May mga gabing may sigaw. May mga gabing may lalaking tulad niya pero bihira ang nag-iiwan ng marka kahit tapos na ang lahat. Nang matapos ang shift ko at nasa locker room na ako, saka lang bumigay ang tuhod ko sandali. Naupo ako sa bench, ipinikit ang mga mata, at hinayaan ang bigat ng gabi na bumagsak. Hindi dahil natakot ako. Kundi dahil may bahagi sa akin na naiirita… na may lalaking nakapagpagalaw ng mundo ko kahit hindi ko pinahintulutan. At iyon ang hindi ko matatanggap. Hinawakan ko ang sarili kong labi hindi dahil sa alaala ng halik, kundi para ipaalala sa sarili ko na kontrolado ko ang bawat desisyon ko. Hindi ako babae na basta na lang natatangay. Hindi ako babae na natitinag ng kapangyarihan. At kung iniisip niyang madadaan ako sa presensya niya, sa takot, o sa pagnanasa Nagkakamali siya. Hindi ko alam kung muli pa kaming magkikita. Hindi ko alam kung paano. Pero malinaw sa akin ang isang bagay: Kung babalik siya sa mundo ko, hindi bilang hari. Kundi bilang lalaking haharap sa isang babaeng hindi niya kayang baliin. At sa pagkakataong iyon, hindi ako ang uurong. Hindi ko alam kung bakit, pero kahit nakauwi na ako, hindi pa rin humihinto ang isip ko. Habang naglalakad ako palabas ng ospital, dama ko ang lamig ng hangin sa pasilyo, ang bigat ng katahimikan, at ang presensya ng lalaki na tila naiwan sa bawat sulok ng emergency wing. Paglabas ko sa parking area, huminto ako sandali at huminga. Pinilit kong ibalik ang sarili ko sa realidad. Hindi ako puwedeng manatili sa anino ng isang lalaking gaya niya. Paulit-ulit kong sinabi iyon sa sarili ko habang binubuksan ang pinto ng sasakyan ko. Pero habang nagmamaneho ako pauwi, may kung anong mabigat na tila nakadagan sa dibdib ko. Hindi ako naniniwala sa tadhana. Hindi rin ako naniniwala sa mga lalaking may kapangyarihan na akala nila kayang bilhin ang mundo. Mas lalong hindi ako naniniwala sa koneksyon na nabubuo sa loob ng ilang minuto ng tensyon at panganib. Pero kahit ganoon, malinaw sa isip ko ang mga mata niya. Ang mata niyang sanay makuha ang gusto niya Pagdating ko sa bahay namin, sinalubong ako ng isa sa aming kasambahay para kunin ang dala ko. "Si Mama? tanong ko sa kanya "Sa silid po niya ma'am nagpapahinga na "Ganoon ba sige maliligo muna ako bago ko siya puntahan. "Sige po ma'am. Dumiretso siya sa kanyag silid at agad tinungo ang banyo para maligo. Habang naliligo siya muling sumagi sa isip niya ang pangyayari sa ospital. Kaya muli siyang nakaramdam ng pagkairita sa lalaki. Kung sino ka man sa labas ng ospital hari, halimaw, o alamat wala akong pakialam sayo. At kung sa tingin mo ang isang halik ay sapat para mabili mo ako pwes nagkakamali ka. Sabi niya na parang nasa harap lang niya ang lalaki. Pagkatapos niya maligo at makapagbihis agad niya tinungo ang silid ng kanyang ina. Pero hindi rin naman siya nagtagal doon dahil tulog ang mama niya sapat na sa kanya ang makita ito.Damon’s POV Tahimik ang bahay nang makauwi kami. Iyon ang unang napansin ko pagpasok ko hindi ang lawak ng espasyo, hindi ang malamig na hanging nagmumula sa air-conditioni kung bahay kundi ang katahimikang parang may kulang. Isang katahimikan na hindi ko naman napapansin dati ang katahimikan nagpapabigat ng loob. Isinara ng isa sa mga tauhan ko ang pinto sa likuran ko pagkapasuk ko sa loob. Maingat. Walang ingay. Alam nila na sa ganitong oras, hindi ako dapat kausapin, hindi dapat tanungin. Hinubad ko ang jacket ko at basta ko na lamang ipinatong iyon sa sofa bago dumiretso sa mini bar. Nagsalin ako ng alak sa baso pinanood kung paano bumagsak ang likido niyon, kung paano ito umikot na parang may sariling buhay. Hindi ko intensyon na sundan ang babae kanina. Paulit-ulit kong sinasabi iyon sa sarili ko, na para bang kapag inulit ko nang ilang beses, magiging totoo. Hindi iyon parte ng plano. Marami akong kaaway. Maraming gustong pumatay sa akin. At ang sinumang mapapala
Samantha’s POV Pagmulat ko kinabukasan, ang unang pumasok sa isip ko ay hindi ang oras, hindi ang trabaho, kundi ang pakiramdam na parang may naiwan akong bukas na pinto sa loob ng ulo ko isang pintong ayokong balikan, pero kusa pa ring bumubukas. Inis akong bumangon. Hindi dahil pagod ako, kundi dahil alam kong may parte ng gabi kagabi na hindi ko dapat pinatagal sa isip ko. Siya. Ang lalaking may sugat pero mas delikado ang mga mata kaysa sa bala sa katawan niya. Habang naghahanda ako para pumasok, sinadya kong gawing normal ang lahat. Kape. Tahimik na umaga. Walang emosyon. Walang pag-alala. Ganito ako nabuhay sa kontrol. Sa malinaw na hangganan. At hindi ko hahayaang sirain iyon ng isang insidenteng hindi ko hiniling. Sa ospital, balik ako sa dati. Parehong pasilyo, parehong ilaw, parehong amoy ng antiseptic. May mga pasyenteng dumating, may mga sugat na tinahi, may mga buhay na iniligtas. Walang bakas ng gabing nagdaan maliban sa mga matang palihim na tumitingin sa
Damon’s POV Hindi ko dapat ginawa iyon. Iyon ang unang malinaw na pumasok sa isip ko habang nakaupo ako sa likod ng itim na SUV, bahagyang nakasandal sa leather seat, tahimik, nag-iisa sa sarili kong mga iniisip Mabagal ang takbo ng sasakyan. Sadyang ganoon walang nagmamadali, walang gustong makasira ng katahimikan. Pero kahit alam kong hindi ko dapat, ginawa ko pa rin. Hindi ako sanay sa pagsisisi. Sanay akong gumawa ng desisyon at panindigan ang resulta, kahit pa magulo o madugo ang kahihinatnan. Pero sa gabing iyon, kakaiba. Hindi ito tungkol sa kapangyarihan o kontrol. Hindi rin ito basta pagnanasa. Ito’y tungkol sa isang babaeng umalis nang hindi man lang lumingon sa kanya. Tahimik ang loob ng sasakyan. Walang tanong ang mga tauhan ko. Kilala nila ako kapag ganito ang ayos ng katawan ko, kapag ganito katahimik ang presensya ko, mas mabuting manahimik Nakatitig ako sa bintana. Sa bukana ng ospital Lingid sa kaalaman ng babae, mula pa lang sa sandaling tumalik
Samantha’s POV Hindi ako tumingin pabalik. Hindi ko kailangang gawin iyon. Alam kong nakatingin siya. Ramdam ko pa rin ang presensya niya kahit nakalabas na ako ng silid parang aninong nakadikit sa likod ko, mabigat, mapangahas, at hindi sanay sa pagtanggi. Habang naglalakad ako sa pasilyo, pilit kong pinanatiling tuwid ang likod ko, steady ang hakbang, kahit ang dibdib ko ay hindi pa rin bumabagal ang tibok. Galit. Iyon ang nangingibabaw. Hindi hiya. Hindi takot. Galit dahil may isang lalaking inakalang may karapatan siyang lampasan ang hangganan ko dahil lang sa sanay siyang makuha ang gusto niya. Pagdating ko sa dulo ng pasilyo, saka ko lang hinayaan ang sarili kong huminga nang malalim. Isang beses. Dalawa. Tatlo. Nanlalamig ang mga daliri ko, pero hindi ako nanginginig. Hindi ko hinayaan. Hindi ko pwedeng hayaan. Hindi sa ospital. Hindi sa sarili ko. Nararamdaman ko pa rin ang init ng palad niya sa batok ko. Ang biglang paghila. Ang labi niyang dumampi sa akin isa
Damon’s POV Tahimik ang silid, pero ramdam ko ang bigat ng presensya niya. Nakatayo siya sa harap ko, bahagyang nakatagilid habang inaayos ang mga gamit niya, naka-focus sa ginagawa.Kahit sampung armadong lalaki ang nasa loob ng silid, kahit may ilan pang nakapwesto sa labas, ni anino ng takot ay wala sa kilos niya. Hindi nanginginig ang kamay. Hindi rin nagmamadali. Para siyang nasa sarili niyang mundo isang mundong hindi ako kasama, kahit ako ang dahilan kung bakit siya naroon. Paminsan-minsan, tumitingin siya sa akin. Hindi direkta. Hindi rin matagal. Pero sapat para maramdaman ko ang bigat ng titig niya. Tahimik. Propesyonal. Pero may intensity. Parang sinusukat niya ako hindi bilang pasyente, hindi bilang lalaking may tama ng bala, kundi bilang isang taong may kontrol sa silid… at kung hanggang saan ang kaya kong dalhin ang presensyang iyon. Ang kirot sa tagiliran ko, ang kirot na kanina pa sumusundot sa bawat paghinga ko, unti-unting nawala sa isip ko. Pati ang bigat ng
Samantha’s POV Tahimik ang ospital, ngunit ang katahimikan ay hindi nagbibigay ng ginhawa. Parang may presensya na pumipigil sa bawat paghinga mo, na nagbabadya ng kaguluhan bago pa man ito dumating. Naka-duty ako sa gabing iyon. Sanay ako sa dugo, sa sugat, sa huling hininga ng pasyente. Sanay akong manatiling kalmado sa gitna ng kaguluhan, sa sigawan, sa pag-iyak, sa mga desisyong kailangang gawin sa loob ng ilang segundo. Ngunit ang gabing iyon… iba. Bumukas ang pinto ng emergency wing at agad kong naramdaman ang pagbabago ng hangin. Sunod ang mga yabag ng mga lalaki dalawampu, puro nakaitim, organisado, tahimik. Hindi nila kailangan magsalita pero ramdam ko agad ang presensya nila. May ilan agad na pumuwesto sa labas, bawat galaw ay parang mekanikal, bawat mata nila ay nagbabantay. Ang ilan naman ay pumasok sa loob, nakatingin sa akin habang ang isa sa kanila ay may hawak na baril, nakatutok sa akin sa loob ng ilang segundo. Nanigas ang katawan ko. Ngunit hindi ako uma







