Share

CHAPTER TWO

"Sir Reynold!" bulalas ng taong nanutok sa binata ng mapagsino ito.

Naturingan siyang shadow pero hindi naman kaya ng mata niya na kilalanin ang tao sa dilim. Kinailangan pa niyang lumapit at tinutukan ito ng baril. Kaso bago pa siya makahingi ng paumanhin dahil sa nagawa ay naunahan na siya nito.

"Kilala mo ako? Sino ka?" takang tanong ng binata.

Tama, inaamin niyang natakot siya nang may nanutok sa kaniya ng baril pero labis din ang pasasalamat niya nang ibinaba nito. Kaso labis-labis ang kaniyang pagtataka kung bakit siya nito kilala.

"I'm sorry, Sir, kung natutukan kita ng baril. Yes, kilala kita dahil tauhan ako ni Ma'am Jannelle. I'm, Miss Adel's shadow." Sinabayan pa nito ng pagtango ang pananalita.

Sa isipan ni Reynold Wayne ay kailan pa nagkaroon ng Shadow ang mahal niya? Saka, kailangan pa ba nito ang shadow samantalang may Love naman ito? Ah! Mukhang iba na yata ang ikot ng mundo. Nababaliw na rin ba siya? Sa pagkakaalala niya sa mga katagang narinig mula sa loob ay napangiwi siya. F*ck! Hindi naman siguro. Tao lamang siyang maaring makaramdam ng selos.

"Okay lang, Miss. Sige maiwan na kita riyan," aniya na lamang.

Wala na siyang interest na alamin kung ano ang pangalan nito. Masakit ang puso niya dahil sa natuklasan. Ilang babae ang namatay ng dahil sa obsesyon sa kaniya ngunit mas masakit pa rin ang siya mismo ang nakasaksi na may love na ang babaeng mahal niya.

"Hindi ka papasok, Sir?" pigil sa kaniya ng nagpakilalang shadow.

"Hindi na, Miss. Sa ibang araw na lang baka makadisturbo pa ako sa kanila ng bisita niya," sagot niya. Hindi na niya pinagkaabalahang lingunin ang kausap.

Kaso hindi pa siya nakakahakbang ay muling nagwika ang shadow o mas tamang sabihin na napahalakhak ito. Kaya naman imbes na aalis na siya ay lumingon siya. 

"I'm sorry, Sir. Huwag mo---"

"Ano'ng ingay iyan, Shadow? Aba'y nasa tapat ka ng silid ko. Hindi mo ba alam na nakakadisturbo ka ng panaginip," tinig na nagmula sa loob ng kabahayan.

"Keep on dreaming, Miss Adel. Masaya lang akong nakakita ng shooting star," mahinang tugon ng Shadow.

Mahina man ang pagkasabi pero dahil sa gabi ay sapat na upang marinig ng naalimpungatan mula sa panaginip.

Wala na silang nahintay na sagot kaya't muling binalingan ng binata ang shadow. Kaso mind reader din yata ito dahil tugma ang binitawang salita sa iniisip niya.

"Again, sorry for saying this, Sir, pero sa pagkakaakala mo ba ay si, Miss Adel, ang nasa sala? Wala ako sa posisyon na magsabi pero magtiwala ka kay, Miss Adel. Mabait na babae ang binabantayan ko patunay lamang ang mga nasa sala," anito.

"Huh? Ano'ng ibig mong sabihin, Miss? Sabi niya ay nakakadisturbo ka ng panaginip, sabi mo naman ay patunay ang nasa sala. Kung ganoon, alin doon ang tama?" napapantastikuhang tanong ng binata.

"They're her classmates, Sir. She's just helping them. As you heard, nadisturbo siya mula sa panaginip. That's true. Minsan ako ang nagsasara sa ilaw kapag tulog na siya bago aalis ang mga nasa sala. By the way, mukhang naparami na rin ako ng sinabi. If I were you, Sir, mas mabuting kausapin mo siya pero bukas na lang. Maiwan na kita, Sir. Kailangan ko pa na e-secure ang paligid." Bahagya itong yumukod bago tuluyang nawala na parang usok.

"May sasabihin pa sana ako sa taong iyon eh aba'y bigla na lamang nawala. Huh! Hindi raw si, Adel, ang nasa sala, nanaginip na raw. Tsk! Tsk!" Napailing siya ng tuluyan dahil sari-saring pumapasok sa utak niya. 

May bahaging nagsasabing uuwi na siya, mayroon ding bahagi na gusto niyang papasok sa loob upang kausapin ng masinsinan ang dalaga. Kaso ayaw din naman niyang maging katawa-tawa sa mga nasa loob.

Ang hindi niya alam ay dumaan lang sa kabilang bahagi ng bahay ang shadow. Doon ito pumasok at ipinaalam sa binabantayan ang presensiya niya.

"Ha? Ano'ng sabi mo, nandito siya? Nasaan siya? Bakit hindi siya kumatok?" Napabalikwas si Adel dahil sa narinig.

"Dahan-dahan lang, Miss Adel. Alin doon ang una kong sasagutin?" mapanuksong tanong ni Shadow.

"Huh! Ikaw Shadow ha, bakit hindi mo ako ginising---ah, siya ang kausap mo kanina ano?" hindi magkandatutong sabi ng dalaga.

Kaso ang shadow niya ay nagaya na rin yata sa nagpapasahod dito. Mula sa dulo ng buhok hanggang sa dulo na yata ng kuko sa paa ang kasutilan nito. Natuto na rin itong makipagharutan sa kaniya bagay na madalas niyang gawin dito.

Pero, teka lang!

Mukhang bumabawi ito!

"Nasa labas pa siya, Miss Adel. Maaring iniisip niya na ikaw ang nasa sala kaya't urong-sulong ito. Mabuti na nga lang at namukhaan ko. Kung nagkataon lang na hindi patay ako kay Ma'am Jannelle." Nakangiti itong lumingon sa kaniya. Akala nga niya'y maglalaho na naman ito na parang usok.

Sa narinig ay nakaisip din siya ng ipapagawa rito n

"Lumipad ka na sa kinaroroonan niya, Shadow. Doon sa mismong sasakyan niya para hindi makaalis," aniya. May pangalan naman ito, Shaina. Iyon nga lang ay nakasanayan na niya ang tawagin itong shadow. Para kasi itong anino na laging nakabantay kahit saan siya magpunta.

"Sure, Miss Adel. Ikaw, saan ka dadaan? Mukhang may milagro este hindi pa tapos ang mga nasa sala," sagot nito.

"May mga mahiwaga akong bato sa kabinet. Lulunukin ko muna bago ako lilipad. Dali na, Shadow, aba'y kasalanan mo kapag aalis siya, ikaw rin." Pananakot pa niya.

Hindi na ito sumagot pero kahit gabi ay kitang-kita niya ang ngiti nitong umaabot sa mga taenga. Sabagay, hindi rin naman kasi niya ito masisisi dahil bihira lang kung may ipapagawa siya. 

"Ang taong ito talaga, oo. Maano ba na kumatok man lang sana. Sabagay kahit siguro ako ang nasa kalagayan niya kung may makikita akong ganyan...well....it's challenging." Para tuloy siyang kiti-kiti dahil sa kaisipang sa wakas ay magkakasama na sila ay hindi siya mapakali. Kung hindi pa nga sana niya naisip na palitan ang pantulog niya'y hindi pa siya kumilos.

"AKALA ko ba ay uuwi ka na, Sir?" tanong ni Shadow.

"Tsk! Hindi yata si Mommy, ang amo mo eh. Mukhang si Kapre. Aba'y bigla ka na lang sumusulpot ah." Ismid tuloy ng binata. Hindi naman siya magulating tao kaso sa malaliman niyang pag-iisip ay hindi niya namalayang muli itong nakalapit.

"May sariling Shadow si Miss Rennie Grace. Kilala mo rin siya, Sir. Dahil ayon kay Ma'am Jannelle ay head over heels daw ito kay Miss," tugon ng shadow. Pero ang mata ay panaka-nakang tumitingin kung saan dadaan ang binabantayan. 

"Pero teka lang, Miss. Totoo ba na tulog na si, Adel? Ano kaya kung gisingin mo?" alanganing aniya.

Hindi agad sumagot si shadow dahil lihim siyang nagbubunyi. Maaring hindi nila napansin kung saan dumaan ang taong pinag-uusapan nila, kung paano ito nakalapit na walang nakapansin. Nakatapat pa ang hintuturo sa labi, tanda lamang na huwag ipaalam ang presensiya. 

"Narinig mo naman siguro ang sabi niya kanina, Sir. Naudlot daw ang panaginip niya kaya't maaring itinuloy na niya ang pagtulog." Kibit-balikat nito.

"Huh! Siya sige, Miss. Tumabi ka na riyan at ako ay uuwi na. Pakisabi na lang sa kanya---"

"Ha? Shadow ba iyon o multo? Biglang sumusulpot, bigla ring naglalaho." Napailing siya dahil sa isang iglap ay nawala na naman ito sa paningin niya.

But!

Kulang ang salitang nagulat siya upang ilarawan ang sarili ng oras na iyon. Napatalon pa nga siya dahil bukod sa biglang may umihip sa mismong taenga niya'y may malamig pang dumampi sa balat niya!

"Okay ba? Kailan ka pa matakutin? Huh! Kinaya n'yo nga ang mga kalaban ninyo sa Thailand samantalang apat lang kayo. Tapos ngayon na nasa harapan ka ng bahay ko'y mukhang may kinakatakutan ka." Abot hanggang taenga ang ngiti ng taong nalingunan niya. Ang taong may kagagawan sa pagkagulat niya ng todo.

"Papatayin mo na ba ako, Adel? Aba'y imbes na maligawan kita ng maayos ay hindi na. Huh! Baka kay Benedict na ang tungo ko kapag nagkataon," ani RW.

"Hindi ka maaaskikaso ni Kuya Ben, dahil busy iyon sa love life niya. Hmm, may ganyan ba na manliligaw? Magulatin na nga'y gabing-gabi pa dadalaw. Pero..." pambibitin pa ng dalaga.

Sa kaisipang lumulukob sa kaniya ay hindi niya mapigilang mapangiti. 

"Pero, ano?" tanong ng binata.

"Hindi mo na ako kailangang ligawan. Dahil sasagutin na rin kita ngayong gabi. Baka magbago na naman ang isipan mo," nakangiti pa ring saad ni Adel.

Samantalang hindi agad nakasagot si Reynold Wayne. Dahil bukod sa nagulat siya sa isinagot nito ay aminado siyang walang nais manulas sa labi.

"Hmmm, mukhang hindi ka naniniwala ah. Hindi kung hindi. Ah, magpapaligaw na lamang ako sa ibang lalaki. Tsk! Bakit ba kasi kita hinintay-hintay samantalang hindi ka naman naniniwala sa sinasabi ko."

Hindi niya maunawaan ang sarili kung bakit tuwang-tuwa siya kapag natutulala ito sa harapan niya. Well, bawi-bawi lang din. Uuwi nga sana itong hindi man lang nagpakita. Kung hindi lang dahil sa shadow niyang nakita rito ay baka tuluyan itong umalis na hindi siya kinausap.

"Wait! Saan ka pupunta? Don't worry because I'm yours. At kagaya nang sinabi mo ay kahit wala nang ligaw-ligaw. Total parehas tayong nasa tamang edad at maari nang magmahalan kahit nag-aaral ka ay walang problema. Kung gusto mo at upang walang gulo ay magpakasal na tayo. Ako na ang bahalang sa iyong pag-aaral hanggang sa makatapos ka. Mahal na mahal kita alam mo iyan, Adel."

Dali-dali niya itong hinawakan sa magkabilang palad nang naabutan niya ito. Kitang-kita niya ang kasiyahan sa mukha. Dahil alam niyang parehas lamang sila nang nararamdaman. Both of them are in love with each other.

In the other side of the place,

"Finally, he decided to take the wheels. Kung noon pa sana niya ginawa'y hindi na sana sila dumaan sa kung ano-ano," sabi ng isa.

"Life without a twist, hindrances, trials, e.t.c is meaningless. Iyan ang nakatadhana para sa kanila. Kumbaga 'Pinaghiwalay ng tadhana pero pinagbuklod din ng tadhana'. But since they met and settled down already, let them continue to drive the wheel of life," wika pa ng isa.

Kung sino-sino man sila ay walang nakakaalam. Dahil ang pakay lamang nila ay siguraduhing masaya ang mga taong tunay na nagmamahalan sa kabila ng agwat sa edad.

"Adel, please wait for me. Kailangan nating mag-usap ng maayos."

"Ikaw naman kasi, mahal. Aba'y hindi naman siguro ako magagalit ng ganoon sa airport kung may iba akong kausap at itinatagong karelasyon dito sa bahay. At isa pa ay matagal na sana akong nagkaroon ng kasintahan kung hindi ako umasang babalik ka kagaya nang ipinangako mo noong bago ka nagtungong Thailand."

"I'm sorry again for doubting you, Adel Pero baka naman maaring sabihin mo sa akin in words. Mas masaya sa pakiramdam kung marinig ko ito sa salita."

"Tsk! Tsk! Ang hina talaga ng pick up mo, mahal ko. Aba'y kilala mo naman akong hindi basta-basta lumalabas ng bahay at mas hindi nakikipag-usap sa mga lalaki. Pero dahil malakas ka sa akin ay sige, mahal na mahal din kita, Reynold Wayne Abrasado. Salamat at ligtas kang nakauwi rito sa ating bansa. I love you."

Bakit pa ba siya magpapakipot? Aba'y wala naman talagang batas na nagbabawal sa makipagrelasyon siya sa taong mas matanda kaysa sa kaniya ng labing-dalawang taon. Mahal nila ang isa't-isa at iyon ang mahalaga

SAMANTALANG sa narinig ay hindi na napigilan ni Reynold Wayne ang sariling huwag itong yakapin. Niyakap niya ito ng mahigpit. Hindi pa nga siya nakuntento dahil bahagya pa niya itong iniangat sa lupa at isinayaw-sayaw.

"I love you so much, Adel. Kung may pagkakamali man ako ay patawarin mo na sana ako. Ayaw kong magsimula tayo sa ating relasyon na may hindi pagkakaunawaan. I want to spend my lifetime loving you. Mahal na mahal kita, Adel."

Wala na yatang ibang lumalabas sa kaniyang labi kundi ang labis na pagmamahal sa babaeng mas bata sa kaniya ng labing-dalawang taon. Ngunit wala siyang pakialam dahil sila ang nagmamahalan.

DAHIL na rin nagkaaminan sila ng tunay na damdamin ay nakalimutan na nila ang nasa loob ng bahay. Dahil silang dalawa ang pumuwesto sa labas ngunit sa ilalim ng punong-kahoy. Maliwanag naman kasi ang paligid dahil sa buwan. Kaya't sinulit nila ang oras na magkasama sila na wari'y wala ng bukas.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status