Share

FIFTY

"Mommy, Daddy, kumusta na kayo rito?" tanong ni Adel sa dalawang puntod na nasa harapan.

Oo, dahil sa frustration naramdaman ay umalis siya ng bahay na hindi nagpaalam. Ngunit ang sarili naman niya ay nakakatawa dahil sa sementeryo siya dinala. Sa libingan ng mga biyanan niyang magkasunod na namayapa ilang buwan na ang nakalipas.

"Hindi ko po alam ang maari kong sabihin, Mommy, Daddy. Kahit pa sabihing nasa tamang edad na kaming parehas ni Reynold Wayne noong nagtanan kami ngunit alam n'yo po na nakikita ko ang aking sarili kina Catherine at Reign Wayde? Tama po, mag-aasawa na po ang lalaki n'yong apo.

"Kagaya namin noon ay gusto na nilang magsama bilang mag-asawa kahit nag-aaral pa silang dalawa. Ngunit alam n'yo po ba ang nakakatawa? Ako, Mommy, Daddy. Dahil ngayon ko pa nauunawaan kung bakit ganoon ang pagtutol n'yong manirahan sa iisang bubong kahit on-going pa ang pag-aaral.

"Maari po bang ituro n'yo kung paano kami tinanggap muli ni Reynold Wayne samantalang sinuway namin kayong
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status