THE POSSESSIVE BILLIONAIRE

THE POSSESSIVE BILLIONAIRE

last updateLast Updated : 2023-06-30
By:  SHERYL FEE Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
51Chapters
2.2Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Reynold Wayne De Luna Abrasado, panganay na anak ng mag-asawang Nathalie Janelle at Pierce Wesley. May sarili naman silang bahay pero mas madalas ito sa bahay ng mga ninuno kasama ang pinsan na bestfriend Khalid Mohammad. Ang pinsan niyang half Arab, half Pinoy. Nasa kaniya na ang lahat even international girlfriend. But deep inside of him has a hole. Pakiramdam niya ay may kulang kaya't magpapaalam siyang lalayo muna upang hanapin ang kulang sa buhay niya. And after two years of being away from his family, finally he went home with the answer of his question. Sa kaniyang pagbabalik na dala-dala ang pag-asang mahal siya ng taong mahal niya. May katugon kaya ang katanungang nasagot niya sa kanyang paglayo? Mamahalin kaya siya ng babaeng halos double ang edad sa kaniya?

View More

Chapter 1

CHAPTER ONE

"So, ano ngayon ang plano mo, anak?" tanong ni Pierce.

"Life must go on of course, Daddy. We can't dwell in the past because of them. Saka maayos naman ang usapan namin ni Jomar," sagot ni RW.

Dahil totoo namang maganda ang naging usapan nila ni Jomar. Binisita pa nga nila ang nakahimlay na si Annalyn sa tahanan ng mga Ortega. Patay na ito kaya't wala na ring saysay kung kamuhian pa nila.

Kaso sa malaliman niyang pag-iisip ay mukhang nakaisip na naman ang kapatid niya ng pang-asar sa kaniya.

"Ilan ba silang nabaliw sa iyo, Kuya? Dinaig mo pa ang mga artista na mahahaba ang buhok. Hindi ka kaya gagapangin ng mga manok diyan?" anito habang pababa ng hagdan.

Tuloy!

Ang ilaw ng tahanan ay tuluyang napahalakhak. 

"Do you really mean manok, Rennie Grace?" Hinarap ng Ginang ang anak na babae. Halatang may lakad. Sa hitsura pa lamang nito ay nahulaan na kung saan ito pupunta.

"Oo, Mommy. Chicks nga paglaki nila manok. So instead of using the word chicks aba'y deretso manok na lang," sagot nito.

"Sabi ko na ngang iyan ang ibig mong sabihin eh. So where are you going by now?" hindi mawala-wala ang ngiti sa labing tanong ng Ginang.

Kaso bago ito makasagot ay inunahan ito ni RW.

"Hindi na nakapagtatakang walang magkamaling manligaw sa iyo dahil sa ganyang ugali mo, huh!" anito. Kaso mas napailing sila sa sagot nito.

"Alam mo, Kuya, wala rito sa siyudad ang kawangis ng puso ko. Alam mo kung bakit? Akala mo ba ay bubuhayin ng mga taong bayan ang lalaking kapre? Tsk! Tsk! Ang kapre ay sa bundok nakatira kaya't huwag mo ng hanapin. Saka teka lang, Kuya. Ikaw ang panganay kaya't ikaw muna ang mag-asawa dahil kapag maunahan kita sa pag-aasawa ay baka matuluyan ka ng maging matandang binata. Ahh! Diyan na kayo at may pupuntahan kami ni Shadow. Kapag hanapin ako ni Alma ay sabihin n'yong matulog na siya," sabi nito.

Sa tinuran nito ay hindi sila agad nakasagot. Nawala na ito sa kanilang paningin ng nakuha ang pakiramdam na muling magpatuloy.

"Tinalolo ka na naman sa kapatid mo anak. Ayan kasi, alam mo namang wala pa yata sa bukabularyo niya ang love life, binanggit-banggit mo pa kasi." Napailing na baling ng Ginang sa panganay na anak.

"Nasanay na ako sa kanya, Mommy. Well tingnann natin kung saang kabundukan siya mapapadpad upang mahanap ang kawangis ng puso niya. Ang lalaking kapre," tugon ni RW.

Totoo namang nasanay na siya sa bunsong kapatid. Bagay na bagay ang trabaho nito sa pananalita, kilos nito. Ang kanilang ama ang kamukha nito pero sa kilos at pag-uugali ay sa kanilang ina.

"Well, wala siyang kasintahan. Wala ring love life, pero sa kabundukan daw niya makikita ang kawangis ng puso niya. Hmmm, not bad. Malay natin magkatotoo ang biro niyang iyon." Nakailing din ang padre de-pamilya dahil sa naisahan na naman sila ng bunso nilang anak.

Pero dahil gabi na rin ay nagkaniya-kanya na sila ng landas. Kung ang mag-asawa ay nagtungo na sa silid-tulugan nila ay iba ang binata, lumabas siya. Mahigit dalawang taon din ang nakalipas simula ng iniwan niya ang nakalakhan niyang lugar. How he miss those days.

"Here you are, insan. So how's your life in other country?" masayang salubong ni Khalid sa pinsan na best friend.

Hinayaan muna nila itong nakipaghalubilo sa mga escorts na naghatid sa mga ito. Kaya't hinintay niya na dadalaw ito sa tahanan ng mga ninuno nila. 

"Challenging life, insan. Pero hindi ko akalaing magtatapos in such a way. Hindi naman ako kaguwapuhan pero tatlo na silang namatay dahil sa akin." Masaya siyang lumapit sa kausap.

Totoo naman kasing tatlo na ang babaing nawala na naging bahagi ng buhay niya.

Una ay ang araba niyang kasintahan. Bago pa magkagulo-gulo sa Thailand ay naibalita na ng pinsan niya na nagpakamatay raw ang dati niyang kasintahan. Pangalawa, ang anak ng dati niyang Boss. Si Melissa, sa mismong pagsugod ng grupo nilang mag-ama ay mas pinili nito ang sumabay sa paglisan ng ama sa mundong ibabaw. Sa madaling salita ay nagpakamatay ito sa harap ng mga Thai officials. Pangatlo, ang inaakala niyang nagbago na pero hindi dahil hanggang sa huli ay pangalan niya ang nasa labi nito. Si Annalyn. Piniling barilin ang sarili kaysa tanggapin ang katotohanang hindi niya maibabalik ang pagmamahal nito.

"Deep thoughts?" tanong ni Khalid. Nakailang salita na siya kaso napalalim ang pag-iisip nito.

"Yes, insan. Hindi ko iyang ipagkakaila. Pero sa ngayon alam kong paraan ng Diyos it in upang subukin ako, kung talagang desidido ako kay Adel, at sa aking buhay," tugon niya bago iginala ang paningin sa paligid.

He's home for real. He can feel the breeze of his own country. They're correct indeed. There's no place like home.

"Bukas ka na lang daw isasalang nila Lola at Lolo. Alam kong miss mo na ring sila kaso alam mo rin naman siguro kung gaano sila kamaunawain. By the way insan, ano'ng plano mo sa mga ampon ni insan Riviera? I guess, he's up to some with the young lady." Tumabi ito sa kaniya. Ginaya ring tumingin sa kawalan.

"Malaya naman silang manirahan dito kung gusto nila, insan. Pero sa tingin ko ay hindi magagawa ni Sirichi ang bagay na iyan. Nasaksihan ko ang katapatan niya sa kaniyang trabaho kaya't hindi ko ipagdadamot kung ano ang nais nila. Lalo sa ngayon na wala na ang mag-amang Yeonto na pinapangambahan nila. We can visit each other here and there, insan. Wala ng problema. Tungkol kay insan Ben, well nasa kaniya na iyan kung paano niya mapagsasalita, paiibigin si Ivanna," paliwanag ni RW.

"Indeed, insan. How about you and Adel? I mean, ano ang plano ninyo sa isa't-isa. Isang taon na lamang ay tapos na siya sa pag-aaral. Ngunit wala ka naman sigurong maidahilan dahil kahit nag-aaral pa siya ay nasa wastong gulang na siya," muli ay pahayag ni Khalid saka sumandal sa railings kaya't napaharap siya sa pinsan.

"Ikaw na rin ang nagsabi, insan. Sa katunayan ay napadaan lang ako rito sa iyo kasi na-miss kita. After here, pupuntahan ko siya. Alam kong may shocked pa siya sa nangyari kaya't hinayaan ko rin siya. She still has a year to finish her studies or to become an engineer," sagot ng binata kaso napangiwi siya dahil bahagya siya nitong binatukan.

"Go ahead, insan. Mas nangungulila ang hipag natin sa iyo. Puntahan mo na bago pa niya tutuhanin ang pananakot ng dalawang baliw." Nakatawa pa ito dahil sa pagkakaalala sa kalokohan ng mga pinsan nila na sumugod sa Thailand. Ang pag-aasawa kuno ng hipag nila.

"Tsk! Kung hindi ko lang alam na maliit pa ang baby mo ay iisipin kong may kasunod na. Aba'y ang hilig mo pa ring mambatok eh." Napahawak siya sa batok niyang dinapuan ng palad nito.

Kaso ang luko-luko ay ipinagtabuyan lang siya. Punatahan na raw niya ang babaeng nagbigay kulay sa buhay niya simula nagkahiwalay sila ng dati niyang kasintahan. Kaya't hindi na rin siya nagtagal sa pakikipagkulitan dito. Muli siyang bumalik sa sasakyan. Tahimik na tinahak ang daan patungo sa tahanan ng babaeng mahal niya.

SAMANTALA dahil lumalalim na ang gabi ay pinuntahan ni Adel ang mga bisita niyang nasa sala.

"Kayong dalawa, hindi pa ba kayo tapos mag-usap diyan?" tanong niya sa magkasintahang nakiusap na magtagpo sa kaniyang bahay.

"Maaga pa, Adel. Matulog ka na muna, kami na lang ang bahalang magsara sa pinto at ilaw bago kami aalis," tugon ng babae. Ang isa sa mga kaklase niya. 

Actually, they're all classmates. Kaya siguro ginawa na lang dating place ang bahay niya. Naaawa naman kasi siya sa kanila lalo at mahigpit ang magulang ng babae. Matapobre naman ang magulang ng lalaki. Pero ang dalawa ay desido sa pag-iibigan. M*****a siya sa paningin ng iba nilang kaklase way back on their studies before pero ang magkasintahan ay iba. Kahit hindi sila madalas magkaroon ng bonding noon ay naging maayos ang kanilang pagkakaibigan.

"Sige, wala ng problema. Kung may ilaw pa dito sa kuwarto ko'y katukin n'yo na lang ako para ako na ang magsara," sabi na lamang niya.

May tiwala naman siya sa mga ito dahil hindi lang sa unang pagkakataon na ginawa nilang dating place ang bahay niya.

"Mag-usap na muna kayo riyan at ako ay mahihilata na. Pagod ang katawan ko ngayong araw," bulong niya nang siya ay nakaupo na sa higaan.

Sa isipan niya ay hihintayin niyang makauwi ang dalawa kaso hindi sumabay ang katawan niya. Kung tutuusin ay hindi pa umuinit ang puwet niya sa pag-upo kaso hinihila na siya ng karimlan.

"Paano kung malaman ng magulang mong nakikipagkita ka pa rin sa akin?" tanong ni Girl.

"Wala akong pakialam, Love. Kung gusto mo ay magtanan na lang tayo. Pupunta tayo sa lugar kung saan walang nakakakilala sa atin. Mahal na mahal kita, Love," sagot ni Boy.

"Kung magtatanan tayo, paano tayo mabubuhay? Hindi pa tayo sa ating pag-aaral kaya't parehas tayong walang trabaho. Alam mo namang napakahirap ang makapasok sa trabaho kahit pa mayroong tinapos. Ngunit tayong dalawa, love?" muli ay sabi ni Girl.

"Love, isipin mo na lang ang hirap ng pagkikita natin. Hanggang kailan tayo magiging ganito? Ang patagong nagkikita? Alam kong may takot kang nadarama pero... Love."

Napabuntunghinga ang binata. Nauunawaan naman niya ang damdamin nito. Kagaya lang niya ito na walang kalayaan. Hindi tulad ng ilang kabataang nakukuha ang gusto. Laking pasasalamat nga lang nila at madaling kausapin ang may-ari ng bahay o ang kaklase nila doon sila madalas magkita.

"Nauunawaan kita, Love. Gusto ko rin namang nakikita ka nga hindi patago. Pero ang tanong ay paano tayo mabubuhay? Parehas tayong walang trabaho. Maaring mayroon sa ngayon pero what about tomorrow, next tomorrow?" aniyang muli ng dalaga.

"Ang usaping pagtatanan ay hindi na iyan magbabago sa akin, Love. Mag-iipon ako ng pandagdag ko sa nasa bangko at darating ang oras na itatanan kita. Ayaw ko ang ganitong paraan, patagong nagkikita. Mahal kita alam mo iyan." Ginanap ang palad ng kasintahan. Inilapit sa kanya saka isinandig ang ulo sa dibdib niya.

But!

"Hindi pa pala siya tulog. Mabuti naman naabutan ko pa na gising," bulong ni RW ng nasa tapat na siya ng kahoy gate.

Ipinarada niya ng maayos ang sasakyan niya sa tabi. Doon niya napansin ang isang motorsiklo. Sa biglang tingin ay sinadya itong itinago roon.

"Huh! May bisita siya? Pero sino?" tanong niya na para bang may sasagot samantalang nag-iisa lang naman siya.

Then, dahan-dahan siyang lumapit. Pero habang papalapit siya ay may dalawang anino siyang naaninag. Sa unang tingin pa lamang ay isang babae at isang lalaki.

"Sino naman---"

Kaso ang muli niyang pagbulong sa kawalan ay naputol dahil habang papalapit siya ay mas lumilinaw ang usapan ng nasa loob. Ang payapa niyang damdamin ay napalitan ng nakakabinging dagundong ng kaniyang dibdib. Hindi nga siya nagkamali na babae at lalaki ang nasa loob. Kaso mas napatda siya nang tumino sa isipan niya ang usapan ng dalawa.

They're planning to run away!

"No! Hindi ito maari! Ngayon pa ba na nandito na ako saka siya makikipagtanan? Never!" Piping ngitngit niya.

Tuloy ay naging urong-sulong siya. Mabuti na nga lamang dahil madilim sa labas. Walang makakakita sa kanya kahit magmasid siya hanggat gusto niya.

"May iba na pala siyang minamahal? Pero bakit ganoon? Ang mga nakikita ko sa mga mata niya, sa kilos niya sa airport kaninang umaga ay wala namang duda na mahal niya ako. Kaso, ano itong nakikita ko?" Palakad-lakad siya na hindi matukoy kung tutuloy pa ba siya o uuwi na lamang.

"Tsk! Tsk! Hindi ka niya mahal, Reynold Wayne Abrasado. Baka siya raw ang susunod na mabaliw dahil sa iyo," tinig na hindi niya alam kung saan nagmumula.

Only to find out na ang sarili niya ang nangangantiyaw sa kanya. Nakikinita niya na ear to ear ang ngiti ng nangangtiyaw sa kaniya. Tuloy ay napasimangot siya.

"Ahhh! Aburido na nga ang tao'y nangangantiyaw ka pa. Padagdag ka sa iniisip ko. Maari ba na manahimik ka na lang," kastigo niya sa sarili.

But wait!

Bakit niya pinapagalitan ang sarili? Siya na ba ang nababaliw? Kaya't siya na rin mismo ang nagagalit sa sarili? Tatlong babae ang nabaliw at namatay dahil sa kanya pero hindi ibig sabihin na baliw na rin siya.

"Poor, young man. Poor, Reynold Wayne," nakailing pang ani ng inner ego niya. 

Tuloy! 

Nagsisimula na siyang mag-walked out. Pero sa paglingon niyang muli sa loob ay mas nanlaki ang mga mata niya. Natigilan siya sa akmang pag-alis niya. Nagyayakapan ang dalawa sa loob. May kayakap na ibang tao ang babaeng nagturo sa kaniya na muling iibig!

It's unacceptable!

It cannot be!

"At bakit aber, tutularan mo rin ba ang gawain ng mga nabaliw sa iyo? Kailangan mo rin ba na maging mamatay tao para lang makamit mo ang inaasam mong pag-ibig?" muli ay tanong ng inner ego niya.

Tuloy!

Tuluyan siyang natigilan. Tama nga naman ang inner ego niya. Hindi siya maaring matulad sa mga nabaliw sa kanya. He need to accept the fact that he's not lucky enough when it comes to love.

Tatalikod na sana siya upang babalik na sa sasakyan niya para makauwi na. Pero bago pa niya maigalaw ang sarili ay may malamig na bakal ng dumikit sa tagiliran niya.

It's a caliber!

Someone is pointing a caliber to his hips!

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
51 Chapters
CHAPTER ONE
"So, ano ngayon ang plano mo, anak?" tanong ni Pierce."Life must go on of course, Daddy. We can't dwell in the past because of them. Saka maayos naman ang usapan namin ni Jomar," sagot ni RW.Dahil totoo namang maganda ang naging usapan nila ni Jomar. Binisita pa nga nila ang nakahimlay na si Annalyn sa tahanan ng mga Ortega. Patay na ito kaya't wala na ring saysay kung kamuhian pa nila.Kaso sa malaliman niyang pag-iisip ay mukhang nakaisip na naman ang kapatid niya ng pang-asar sa kaniya."Ilan ba silang nabaliw sa iyo, Kuya? Dinaig mo pa ang mga artista na mahahaba ang buhok. Hindi ka kaya gagapangin ng mga manok diyan?" anito habang pababa ng hagdan.Tuloy!Ang ilaw ng tahanan ay tuluyang napahalakhak. "Do you really mean manok, Rennie Grace?" Hinarap ng Ginang ang anak na babae. Halatang may lakad. Sa hitsura pa lamang nito ay nahulaan na kung saan ito pupunta."Oo, Mommy. Chicks nga paglaki nila manok. So instead of using the word chicks aba'y deretso manok na lang," sagot nit
last updateLast Updated : 2022-12-14
Read more
CHAPTER TWO
"Sir Reynold!" bulalas ng taong nanutok sa binata ng mapagsino ito.Naturingan siyang shadow pero hindi naman kaya ng mata niya na kilalanin ang tao sa dilim. Kinailangan pa niyang lumapit at tinutukan ito ng baril. Kaso bago pa siya makahingi ng paumanhin dahil sa nagawa ay naunahan na siya nito."Kilala mo ako? Sino ka?" takang tanong ng binata.Tama, inaamin niyang natakot siya nang may nanutok sa kaniya ng baril pero labis din ang pasasalamat niya nang ibinaba nito. Kaso labis-labis ang kaniyang pagtataka kung bakit siya nito kilala."I'm sorry, Sir, kung natutukan kita ng baril. Yes, kilala kita dahil tauhan ako ni Ma'am Jannelle. I'm, Miss Adel's shadow." Sinabayan pa nito ng pagtango ang pananalita.Sa isipan ni Reynold Wayne ay kailan pa nagkaroon ng Shadow ang mahal niya? Saka, kailangan pa ba nito ang shadow samantalang may Love naman ito? Ah! Mukhang iba na yata ang ikot ng mundo. Nababaliw na rin ba siya? Sa pagkakaalala niya sa mga katagang narinig mula sa loob ay napangi
last updateLast Updated : 2022-12-14
Read more
CHAPTER THREE
AS the days goes on!"L-lasing ka?"Dulot ng pagkagulat ay nautal si Adel nang napagbuksan ang kumatok. Wala namang ibang dumadalaw sa kaniya maliban sa kasintahang si Reynold Wayne. Ito rin ang madalas tumambay sa bahay niya lalo na tuwing weekend. Ngunit kailanman ay hindi ito nakainom sa tuwing nandoon sa kaniya. Kaya't hindi niya inaasahang amoy na amoy ang alak mula rito."I-im sorry, my little one. Nagkasagutan kasi kami ni Mommy sa unang pagkakataon. Kaya't napainom ako sa bar," tugon nito habang naglalakad sila patungo sa upuan."Ha? Bakit? Ibig kong sabihin ay bakit mo sinagot-sagot ang Mommy mo?" tanong niyang muli.Ngunit wala siyang natanggap na sagot mula rito. Kaya't inalalayan niya ito upang makahiga ng maayos. Akala nga niya ay nakaidlip na ito kaya't tumayo siyang muli saka nagtungo sa pintuan saka ini-lock. Simula naman kasi nang dumating ang kasintahan mula sa Thailand ay halos ito na ang bantay niya. Kahit si Shadow ay bumalik na sa dati nitong amo."Mahal, maari b
last updateLast Updated : 2022-12-14
Read more
CHAPTER FOUR
SALIT-SALITAN ang ginawa nito habang ang palad nito ay marahang humahaplos sa iba't ibang bahagi ng katawan niya. Hanggang sa muli nitong pinagapang ang labi. Mabuti na lang at hindi nag-iiwan ng mapupulang marka sa bawat dinaraanan. Dahil kung nagkataon ay baka mas tuksuhin siya ng mga kapwa estudyante. Kung kanina ay naglalakbay ang palad nito, ngayon naman ay sa dibdib niya naglalaro. Damang-dama niya na napapadiin ang pagmasahe nito sa tuwing marahil ay nanggigil."Ahhhh...hmmm." Kumawalang muli sa labi niya. Hindi niya mapigilang hindi mapaungol sa ginagawa nito. Kulang na lamang ay mapunit ang sapin ng kama dahil sa higpit nang pagkapit niya. Paanong hindi siya mapapakapit ng mahigpit sa bed sheet ay nababaliw na yata siya sa kiliting dulot nang pagromansa nito sa kaniya. Parehas silang walang karanasan sa pagtatalik ngunit hindi naging sagabal iyon upang hindi nila magampanan ang nasimulan.Napaupo siya nang tumigil ito. Buong akala niya ay huhubarin ang sariling kasuutan ngun
last updateLast Updated : 2022-12-14
Read more
Chapter Five
NANG dahil sa ilang ulit nilang pagniniig sa hindi na nila namalayan ang oras. Nagsimula nilang paligayahin ang kani-kanilang sarili sa sala at sa bawat sulok ng bahay. Halos hindi nga nila nalaman kung paano sila nakarating sa silid ni Adel."Umaga na ba, Mahal?""Hindi pa, my little one. Pero mukhang mag-umaga na batay na rin sa liwanag ng buwan. Kaya't good morning na rin."SA tinurang iyon ng kasintahan ay napangiti si Adel. Aba'y napasarap ang kanilang tulog. Sa unang pagkakataon simula noong naging opisyal ang kanilang relasyon bilang nobyo at nobya ay sa gabing iyon lang sila nakalimot. Sinulit pa nga nila dahil hindi niya matandaan kung ilang beses silang nakarating sa rurok ng kaligayahan."Ngayong nangyari na ang lahat sa atin ay---"'Sana huwag kang magbago sa akin. Naisuko ko na ang aking pagkatao sa iyo dulot ng aking pagmamahal.'Nais sanang sabihin ni Adel subalit hindi na niya nagawang tapusin dahil idinantay ng kasintahan ang dalawang daliri sa labi niya."Kung ang na
last updateLast Updated : 2023-01-03
Read more
Chapter Six
"GANYAN ka na ba kadesperadong mag-asawa, Reynold Wayne?!"Dahil sa galit ay muling dumapo ang palad ni Ginang Jannelle sa pisngi ng panganay na anak. Noong una ay inakala niyang kagaya lang ng dating sinasamahan ang kasintahan sa bahay nito. Subalit kinausap siya ni Antonette na kung maari ay siya ang kakausap dito at ito naman sa sariling kapatid. Dahil nadatnan daw umano nitong nagduduwal. Para sa kanilang naranasan nang nagbuntis ay alam na nila ang ibig sabihin nang pagduduwal."Mommy, ilang beses ko bang sinabi sa iyong nasa tamang edad na---"Kaso ang pagsagot ng binatang si Reynold Wayne ay naputol dahil muling lumagapak ang palad ng ina sa kaniyang pisngi. Sa katunayan ay mas malakas pa kaysa nauna dahil tumabingi."Okay, fine! Nasa tamang edad ka! Pero si Adel inisip mo rin ba? Tama hindi na siya menor de-edad. Subalit naisip mo bang kausapin ang hipag mo? Bakit sa akala mo ba ay ganoon kadali dahil biyente na siya ay maari na kayong magsamang walang parental consent? Oo, pa
last updateLast Updated : 2023-01-03
Read more
Chapter Seven
"Saglit lang po. Ano po ang ibig n'yong sabihin, Tito?" Maagap na pagitna ni Antonette sa tiyuhin ng asawa.Labis-labis ang pagtataka niya dahil bukod sa bigla itong sumulpot ay galit na galit pa. Idagdag pa ang init ng ulo nito patunay lamang na malakas ang boses o mas tamang sabihing sinisigawan nito ang mahal niyang asawa. Kaso bago pa ito nakasagot ay nagtanong din ang biyanan niyang matanda na kapwa ring nagtataka."Oo nga naman, anak. Wala namang problema kung gusto mong pumarito kahit ano mang oras dahil bahay naman natin ito. Kaso aba'y mukhang gusto mo ng takutin ang mga pamangkin mo ah," anito.Wari'y natauhan ito dahil unti-unting nanumbalik ang tunay na ekspresyon ng mukha. Hindi rin nagtagal ay maaring nahamig ang sarili kaya't sa wakas ay sumagot din."I'm sorry, Mommy, if I acted this way. Pero kung malaman n'yong nagtanan ang dalawa ay baka---"SA unang pagkakataon ay nagawang namutol ni Antonette sa pananalita ng biyanan o ang tiyuhin ng asawa niya. Dahil sa tinuran n
last updateLast Updated : 2023-01-03
Read more
Chapter Eight
***DAHIL sa sagutan nilang mag-ina ay hindi na inalintana ni Reynold Wayne kung magalit man ito sa kaniya. Totoo namang hindi sumagi sa isipan ang tungkol sa parent consent. Ngunit kaya naman niyang sabihin at pakiusapan ang hipag upang pahintulotan siyang pakasalan ang kapatid nito kahit pa nag-aaral pa. Kaya nga niya iniwan ang mga magulang na mukhang tagilid na rin sa relasyon nila ni Adel. Ngunit hindi naman siya magpursige sa kasal kung labag sa kalooban nito.Subalit pagdating na pagdating niya sa bahay nito ay iba ang isinalubong sa kaniya."Mahal, let's run away from the City,""Ha? Mahal na mahal kita, Adel. Huwag mong pagdudahan iyan. Ngunit maari bang ipaliwanag mo kung bakit mas gusto mong magtanan tayo kaysa ang ilaban kita sa mundo.""Kailanman ay hindi sumagi sa isipan ko ang pagdudahan ka sa iyong pagmamahal. Dahil kung may plano akong gawin iyan ay noon pa. Ngunit kako ay kailangan nating lumayo rito dahil lahat sila ay hindi sumasang-ayon sa plano nating magsama bil
last updateLast Updated : 2023-01-03
Read more
Chapter Nine
MAKALIPAS ng ilang buwan..."Wala pa rin bang balita kung nasaan ang dalawa, honey?" tanong ni Ginang Jannelle sa asawa."Wala pa, Honey. Sa kabila ako nanggaling at napag-alaman kong kahit sina Khalid at Antonette ay umupa na rin ng PI upang ipahanap sila." Napabuntunghininga si Ginoong Pierce Wesley dahil sa usapan nilang mag-asawa.Alam niyang tama ang nasabi sa panganay na anak noong bago ito nawala. Ngunit sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam siya ng habag. Kailanman ay hindi siya nakaranas ng hirap kaya't nagsumikap silang mag-asawa upang maibigay ang magandang buhay sa mga anak. At sa awa ng Diyos ay napag-aral nilang ang mga dalawang anak. Mga propesyunal na nga. Subalit sa pagkakataong iyon ay hindi niya maiwasang mag-alala. Pakiramdam niya ay hindi siya alagad ng batas dahil wala siyang magawa upang alamin kung nasaan ang anak."MUKHANG nakalayo ang imahinasyon mo, honey? Do you feel sorry for them now?" tinig ng asawa ang nagpabalik sa imahinasyon niyang totoo namang nag
last updateLast Updated : 2023-01-03
Read more
Chapter Ten
"Hey, handsome. How are you?" maharot na saad ng isang babaeng sa hitsura pa lamang ay masasabi nang pakawala. "I'm fine thanks. How about you?" Ayaw man sana itong pansinin ni Reynold Wayne kaso kung hindi so a kikibo ay magmukha siyang masungit at bastos."I'm okay but I'll be more alright if you will tell me your name. By the way, I'm Elizabeth Jamaica Ponce. But you can call me Zabeth."Hindi pa nga siya nakasagot ay nakalahad na ang palad nito. Kaya't mas nainis lumukob ang inis sa isipan niya. Sasabihin na nga sana niya itong mayroon siyang asawa kaya't maari na itong umalis. Kaso ang kaibigan naman ang nagsalita. Likas naman kasi siyang palakaibigan kaya't sa ilang buwan nilang paninirahan sa Laoag City simula noong umalis sila ng asawa sa Manila ay doon sila napadpad.Naisip kasi niyang kung sa Mt Province sila pupunta at manirahan doon sa mga kamag-anak ay baka ora mismo ay pauwiin silang dalawa. Idagdag pa ang katotohanan at kamuntikan niyang makalimutang nandoon ang pinsan
last updateLast Updated : 2023-01-03
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status