Share

CONFUSED

Author: Bryll McTerr
last update Last Updated: 2024-02-06 15:43:55

KANINA PA KUNOT ANG NOO at salubong ang mga kilay ni Alvaro  habang nilalaro sa kanyang mga daliri ang hawak niyang ballpen. Tila tukso kasing pumapasok sa kanyang isipan si Riko. Hindi rin mawala sa kanyang alaala ang naging huling pag-uusap nila ng babae. 

Ang galit nitong anyo. Ang tila nahihirapang kislap ng mga mata. Ang nanginginig na tinig na punong-puno ng frustration at takot. 

‘Mahal kita, Alvaro…’

Tila iyon sirang plaka na paulit-ulit na umi-echo sa isipan ni Alvaro. Kumuyom ang mga kamay niya habang patuloy niyang naririnig sa isipan ang boses ni Riko. And the sound of defeat in her voice, no…that’s not her. Bago iyon sa kanya. 

Ilang araw na ba silang hindi nag-uusap simula nang gabing iyon? Isa, dalawa, tatlo hanggang sa maging isang linggo? No, not just a week. Mahigit isang linggo na silang hindi nag-uusap ni Riko. 

At oo, inaamin niyang namimiss na niya ang babae. Ang pagiging pikon nito kapag kinukulit niya. Ang kadaldalan. Ang boses nitong hindi alam ni Alvaro ngunit para sa kanya ay pinakamalambing na yatang tinig na narinig niya. 

Ah, Riko…Riko…Riko… Nakakabaliw kang isipin. At bakit nga ba niya pinagkaka-abalahang isipin ang babaeng hindi naman yata seryoso sa sinabi nito sa kanya.

‘Hindi seryoso o ayaw mo lang tanggapin dahil natatakot kang kapag sinubukan mo ay baka mabigo ka lang dahil sa past niya?’ 

Natigilan si Alvaro dahil sa isiping iyon. Iyon nga ba talaga ang dahilan o ang sarili niyang multo?  

“Shit!” napipikong usal ni Alvaro bago niya yamot na ibinaba ang hawak na ballpen sa ibabaw ng kanyang working table. 

Tumayo siya at naglakad palabas ng kanyang opisina. Tuloy-tuloy siyang lumabas na admin building ng DiMarco Ranch at tinumbok ang daan patungo sa kuwadra kung saan naroon ang paborito niyang kabayo na pinangalanan niyang Porsia.

“Magandang umaga ho, boss…” bati ni Mang Teban sa bagong dating na si Alvaro. 

Tumango si Alvaro bilang tugon. “Magandang umaga din, Mang Teban.” ganting-bati niya sa marahil ay edad sixty na nang matandang lalaki. “Pakilabas nga ho si Porsia. Iikot lang kami.” aniya rito habang inaayos ang pagkakatupi ng suot niyang long-sleeve polo na kulay puti. 

“Sige ho, boss.” ani ni Mang Teban bago nagmamadaling tinungo ang kulungan ni Porsia. 

Ilang saglit pa ay sakay na si Alvaro ng paborito niyang kabayo na si Porsia. Alas nuebe pa lamang ng umaga kaya hindi pa matindi ang sikat ng araw. 

Narating ni Alvaro ang paborito niyang lugar sa DiMarco Ranch. Ang maliit na gubat na nasa dulong bahagi na ng rancho.

Nagpatuloy sa pagtakbo si Porsia habang sakay si Alvaro hanggang sa makarating sila sa pinakapusod ng gubat kung saan mayroong maliit na talon. Doon nanggagaling ang malinis na tubig  na siyang sumu-supply sa inumin ng mga alagang kabayo at baka sa buong rancho.

“Okay, stop right here, Porsia,” aniya sa kabayo na tila nakakaunawa namang dahan-dahang huminto sa pagtakbo. 

Bumaba si Alvaro mula sa pagkakasakay sa paborito niyang kabayo. tinanggal din niya ang tali ni Porsia at hinayaan na lamang na magpagala-gala ang alaga niya sa paligid. Hindi naman ito lalayo at sanay na rin si Porsia roon. 

Hinubad ni Alvaro ang suot niyang polo pati na rin ang kanyang pantalon. Itinira lamang niya ang suot na boxer short saka siya lumusong sa malamig na tubig na umaagos mula sa talon. Lumangoy patungo sa may kataasan at kalakihang  bato kung saan bumabagsak ang tubig mula sa kalapit na bundok.

Umakyat siya roon saka tumalon. Lumikha ng ingay ang pagbagsak ng katawan ni Alvaro sa may malalim na tuubig. Ilang ulit din niya iyong ginawa na tila ba sa pamamagitan niyon na mababawasan ang nararamdaman niyang pagkainis kay Riko.

Oo, naiinis siya sa babae. Imagine, pagkatapos nilang maghalikan ay nilayasan siya nito. Umuwi sa Nueva Ecija nang walang pasabi. Ni isa sa mga tawag at text niya ay hindi nito sinagot. Bumalik din ito na wala uling pasabi. Hindi siya naalalang i-message man lang ng ‘hoy, Poncio Pilato, nakabalik na ako ng Cavite!’ Kung hindi pa siya nakipagsapalaran na puntahan ito ay hindi pa niya malalaman na nakauwi na pala itoo.

At ano? Pagdating niya sa bahay nito ay wala ito dahil nakipag-date doon sa Greg na sinasabi ni Manang Linda. Ni hindi man hinatid si Riko pauwi. Paano ‘yon?

And lastly, mahal daw siya nito pero nasaan na ito ngayon? Kagaya noong umuwi ito sa Nueva Ecija ay wala uli siyang narinig na kahit isang simpleng ‘hi’ mula sa babae.

Tangina, para siyang na-hit and run. Oo, umaasa siyang pagkatapos ng malabong usapan nila nang gabing iyon ay mag-uusap ulit sila ni Riko pero ‘yon nga, ni bulong ay wala siyang narinig mula sa babae. 

Halos padabog na umahon si Alvaro. Umupo siya sa malaking bato at kunot ang noo na nangalumbaba. Ganoon lang ‘yon? Wala na? 

‘Eh, ano ang inaasahan mo? Pagkatapos mo siyang sagutin ng “thank you”, makikipag-usap pa uli siya sa’yo? Toyo ka din, eh.’

Ipinilig ni Alvaro ang kanyang ulo. Ano ang magagawa niya? Nabigla siya, eh. Magkaibigan lang sila ni Riko, iyon ang alam niya. Hindi niya inaasahan na mahuhulog ito sa kanya. 

‘Ah, so dapat bang hindi siya nahulog sa iyo?’ sabat ulit ng isang parte ng isipan ni Alvaro. 

Dahil doon ay natigilan siya at napa-isip. Dapat bang hindi? 

Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang matinding pagtutol mula sa tagong bahagi ng pagkatao niya lalo na nang sumagi sa kanyang isipan ang Greg na ka-date daw ni Riko sabi ni Manang Linda. Hindi niya gusto ang ideyang may ibang malapit na lalaki sa babae bukod sa kanya. 

Dahil doon ay isang pasya ang nabuo sa isip niya. 

Mabilis na tumayo si Alvaro. Dinampot niya ang kanyang pantalon na nasa damuhan at isinuot gayundin ang kanyang long-sleeved. Hindi na rin siya nag-abalang i-butones iyon. 

Pumito nang malakas si Alvaro at saglit lang ay dinig na niya ang mga yabag ng paparating na si Porsia.

“Let’s go, Porsia…” aniya sa kabayo pagkaraang makasakay sa likod nito. 

Pupuntahan niya si Riko at mag-uusap sila ng babae, sa ayaw man nito at sa gusto.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE RANCHER'S OBSESSION   I LOVE YOU

    WALANG IDEYA si Riko kung paano sila nakarating ni Alvaro sa silid niya. Namalayan na lamang niyang naroon na silang dalawa sa ibabaw ng kanyang kama at parehong walang saplot sa katawan. Ramdam na ramdam niya ang mainit na balat ng lalaki na kumikiskis sa hubad niyang katawan. Kung paanong nangyari iyon ay hindi na alam ni Riko. At wala na rin siyang balak na alamin dahil abala na rin ang mga kamay niya sa pagdama sa katawan ni Alvaro.“Hmmm…” mahinang ungol ni Riko nang maramdaman niya ang mga labi ni Alvaro na gumagapang sa kanyang leeg. Napakagat-labi si Riko nang dumako ang mainit na mga labi ni Alvaro sa gilid ng kanyang leeg, patungo sa likod ng tainga niya at nilaro ng pilyong dila nito ang dulo niyon. Bumaon ang mahahaba niyang kuko sa likod ng lalaki nang ang mapagpalang kamay naman nito ang naramdaman niyang dumadama sa mayabang niyang dibdib. Nilaro at pinisil-pisil ni Alvaro ang munting korona sa tuktok niyon na naging dahilan para wala sa loob na napaliyad si Riko.“Ba

  • THE RANCHER'S OBSESSION   YOU ARE MINE

    KAGAYA NG PANGAKO ni Alvaro ay hindi siya tumigil sa pagsuyo kay Riko. Kagaya na lang ngayon, naroon na naman siya sa labas ng bahay ng babae. Kanina pa siya nakatayo sa tapat ng pinto at naka-ilang doorbell na rin siya ngunit tila walang balak ang babae na pagbuksan siya. At wala sa plano ni Alvaro na sumuko. Muling pinindot ni Alvaro ang doorbell sa ika-sampong beses o higit pa nga yatang pagkakataon. At kagaya ng kanyang inaasahan ay wala pa ring Riko na nagbukas ng pinto. Isa pa uling magkakasunod na pagpindot sa doorbell ang ginawa ni Alvaro at sa pagkakataong ito ay hindi na siya nabigo dahil sa wakas ay bumukas ang pinto. At isang tila nag-aalburutong bulkang anyo ang bumungad sa kanya.“What do you want??!” pagalit na tanong ni Riko sa lalaking halos isang linggo na rin siyang hindi tinitigilan. Hindi niya alam kung umuuwi pa ba ito sa Manila o nag-check in na lamang sa hotel.Araw–araw kasing naroon sa labas ng bahay niya si Alvaro at nangunglit. Isang ngiti ang sumilay s

  • THE RANCHER'S OBSESSION   I'M DOING FINE

    SUNOD-SUNOD ang naging pagbuga ni Alvaro ng malalalim na buntong-hininga habang hinihintay niyang sagutin ni Riko ang tawag niya. Naka-ilang tawag na siya at ni isa ay walang sinagot ang babae. Alam naman niyang hindi sumasagot ng tawag si Riko kapag hindi nito kilala ang numero. Nagbabaka-sakali lamang siya.“Come on, Rik…” bulong ni Alvaro habang walang tigil ang pagparoon at parito niya sa loob ng kanyang silid. “Pick up the damn phone.” dugtong niya.Pang-apat na dial na niya iyon ngunit tila wala pa ring balak si Riko na sagutin ang tawag niya. “Please, baby…” muling usal niya. Nang sa wakas ay may sumagot sa tawag niya, isang malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Alvaro. It was a sign of relief .Finally!Ngunit nang marinig ni Alvaro ang pamilyar na boses ni Riko ay tila naman bigla siyang nawalan ng dila. Hindi kaagad siya nakakibo at kung hindi pa niya narinig ang iritableng tinig ng babae na gusto na siyang pagbabaan ng tawag ay hindi pa sana siya matatauhan.“Rik

  • THE RANCHER'S OBSESSION   STAY AWAY

    TAHIMIK NA NAKAUPO si Riko sa pinakasulok na bahagi ng Route 59, isang kilalang coffee shop na nakatayo sa bahaging iyon ng Ortigas Avenue. Nagkita sila ng pinsan niyang si Tricia dahil nag-usap sila tungkol sa plano nilang negosyo na kanilang pagso-sosyohan. Mahigit kalahating oras na rin siguro ang nakakalipas simula nang magpaalam sa kanya ang pinsan na aalis na dahil may kikitain pa raw itong kliyente.“Oh, look who’s here…” Napatigil si Riko sa akmang paghigop ng kape mula sa hawak niyang tasa nang marinig niya ang maarte at nakaka-iritang boses na iyon mula sa kanyang harapan. Nag-angat ng paningin si Riko at nang makita niya si Tanya na nakatayo sa kanyang harapan ay sandali siyang hindi nakakibo. Sa dinami-dami ng p’wede niyang makita ngayong araw ay ang babae pa talaga. Napasulyap din siya sa babaeng kasama nito at muli siyang natigilan. Si Alile. Lihim na napa-isip si Riko. Kung si Alile ang nililigawan ni Alvaro bago sila nagkakilala, bakit kasama ito ni Tanya na siyang

  • THE RANCHER'S OBSESSION   BREAK UP

    TULUYAN nang nagpasya si Riko na kalimutan si Alvaro. Mahirap at walang gabi na hindi siya umiiyak dahil sa labis na pangungulila sa lalaki pero sa tuwing naaalala niya si Tanya ay mas lalo naman siyang nagiging desidido na layuan ito.Ngunit hindi pa rin niya mapigilan ang selos na siyang dumudurog sa kanya. Maisip pa lang niya na habang umiiyak at nasasaktan siya nang dahil sa lalaki habang ito ay masaya na sa piling ni Tanya ay para na siyang pinapatay nang paulit–ulit.Hindi tuloy maiwasan ni Riko na sisihin ang kanyang sarili. Kung sana sa una pa lang na nakaramdam siya ng kakaiba para kay Alvaro ay dumistansiya na siya, siguro ay wala siya sa sitwasyon niya ngayon. My god, how can she be so damn foolish?Kagaya na lamang ngayon. Ito na naman siya. Nakatulala sa madilim na kalangitan. Alas onse pasado na ng gabi pero hindi pa rin dinadalaw ng antok si Riko. Well, hindi lang naman ngayon dahil simula nang matuklasan niya ang tungkol kina Alvaro at Tanya ay madalas na lamang na pin

  • THE RANCHER'S OBSESSION   JUST HOW?

    “SO?” Wala sa loob na napatingin si Riko sa kaharap na si Reeze. Kasalukuyang nasa bahay niya ang babae. At oo, naroon din sina Crista at Liza.“Spill it, Rik.” ani naman ni Liza.”Sabihin mo sa amin kung paano kang nagpapakatanga kay Alvaro.” naka–ismid na dugtong pa ng babae. Napangiwi naman si Riko dahil sa sinnabi ni Liza. Brutal talagang magsalita ang babae. Samantalang nangunot naman ang noo ni Reeze. “Alvaro?” Naguguluhang untag ni Reeze na ang mga mata ay palipat–lipat kina Liza at Crista. “Am I missing something here?” tanong pa niyang ang mga tingin ay nakatutok na kay Rik.Kaagad namang nag–iwas ng paningin si Riko nang makita niya ang nanunumbat na mga titig ni Reeze. Umikot ang mga mata ni Crista. “Uhg!” bulalas niyang sinundan pa ng sunod-sunod na iling. “Yes—a lot!” She exclaimed. “Rik?” nagtatanong ang mga mata na tawag ni Reeze kay Riko.Humugot ng malalim na buuntong-hininga si Riko. Mukhang wala na siyang kawala sa pagkakataong ito. Pero sa totoo lang ay nagi-

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status