CHAPTER ONE
Six years later.
JAZZLENE
TAHIMIK akong nakaupo sa bus stop shelter habang hawak ang phone ko—nag-iisip kung dapat ko bang tawagan si Kuya Zane para magpasundo. Umaagos ang luha ko at nanginginig na ang katawan ko sa ginaw dahil basang-basa ako. Hindi sa ulan. Walang ulan.
It's just that. . . nakasuot ako ng two-piece, basa 'yon at pinatungan ko lang ng t-shirt dahil may get together kaming magbabarkada dito sa isang hotel and resort na hindi gaanong kilala. Ako, sina Camille, Violet at Leigh. Nakaugalian na namin na after ng exam ay nagbo-bonding kami para pambawi man lang sa mga stressful days namin. Pinili namin 'yong hindi masyadong dinadayo ng mga tao dahil hindi puwedeng ma-expose si Camille sa public dahil kilala siyang artista.
Nakabihis na kaming apat na magkakaibigan kanina. Naka-two-piece at nakalublob na sa swimming pool when I spotted someone na hindi gaanong kalayuan sa amin. Out of curiosity ay sumilip ako sa mga siwang ng mga halamang naroon. And to my surprise doon ko nasilip si Dominic, my boyfriend.
He was flirting with someone, someone na hindi ko akalain na papatulan niya.
Lalaki!
The way they hold hands, there was something between them! Hindi 'yon maikakaila kung paano nila tingnan ang isa't isa at kung paano sila magngitian.
I was hurt. So hurt. Parang nanghina ang buong katawan ko at hindi kinaya ang nakita ko kaya umahon ako agad-agad sa swimming pool at nagpaalam sa tatlo kong kaibigan. Nagpalusot ako na biglang sumama ang pakiramdam ko at gusto ko na lang umuwi. Gusto rin nilang umahon at samahan ako sa kuwarto namin pero pinigilan ko sila at sinabi kong ako na lang. Hindi sila puwedeng sumama. Kung sasama sila, paano ako iiyak?
Dinampot ko ang cell phone ko sa sunlounge at nagawa kong umalis mag-isa nang hindi na sila nagpumilit pa. Pero on my way sa room namin, narinig kong may tumawag sa pangalan ko.
"Jazzlene?"
When I looked back, I was taken aback when I saw him. Ang walang-hiyang si Dominic. Kasama niya ang lalaking katabi niya kanina na halos kaedad niya rin. Bumaba ang tingin ko mga kamay nilang magkahugpong at nang mapansin niyang nakatingin ako ro'n ay agad siyang bumitiw sa kamay ng kasama.
"Babe—"
"Don't babe me!" I yelled, cutting him off. Naiiyak na ako. Nanginginig ang katawan ko sa galit. "Kadiri ka, Dom! Yuck! All this time pala niloloko mo na lang ako? Nagpapanggap kang lalaki?!" My tears fell. Mas okay pa sana kung sa babae siya nag-cheat, pero mas masakit pala kapag sa lalaki. Bakit? Ano ba'ng kulang sa 'kin? May dede at p**e ako! Itong lalaking 'to, wala! So, why?!
"Babe, I . . . I . . ." he stammered. Humakbang siya palapit sa 'kin at noong aabutin na niya ang kamay ko, sinamantala ko ang pagkakataon at pinalipad ko ang palad ko sa mukha niya. I slapped him, really hard.
Bago pa man siya makapagsalita, hinablot ko ang puting t-shirt na nakasukbit sa balikat niya, 'tsaka ako mabilis na tumakbo palabas sa hotel. Habang palayo, iniladlad ko ang t-shirt na kinuha ko sa kaniya at 'yon ang idinoble ko sa suot kong two-peace. Nakapaa ako at hindi ko alam ngayon kung saan ako pupunta. Pero isa lang ang nasisiguro ko, hindi ako puwedeng pumunta sa room namin ng mga kaibigan ko dahil kapag nakita nila akong umiiyak doon, siguradong magsisimula na ang World War 4.
Kaya ngayon ay na stuck ako rito sa bus stop.
I mentally scrolled through my limited options. First, walang bus na dumaraan sa lugar na 'to kapag weekend. Wala ring taxi. Second, kahit may maligaw na isa, I don't have my wallet. Naiwan 'yon sa room sa hotel. Third, kung sasakay ako sa taxi na ganito ang hitsura ko, baka mapahamak lang ako. Litaw na litaw ang legs ko at bakat ang katawan ko sa manipis na t-shirt, lalo pa at halos kaaahon ko lang sa pool.
I only had one option left—one I really didn't want to take—but beggars couldn't be choosers, right? Dahil sa pagkakataong 'to, ito na lang ang choice ko. So, I pulled up the contact in my phone, and pressed the call button.
One ring...
Two rings...
Three rings...
Still no answer.
Kuya, sumagot ka!
"Hey. What's wrong?"
I sighed in relief nang sa wakas ay sumagot siya after a decade or two. "What's wrong? What makes you think something is wrong?"
He snorted. "Because you called me. Hindi ka naman tumatawag, unless may katangahan ka na namang nagawa or nasa bingit ka ng kamatayan."
"Kuya Zane . . ." I started, not knowing how to continue. "Mamaya ko na lang ikukuwento. Sa ngayon, baka puwede mo 'kong sunduin? I need your help."
"Help? Ano na namang katangahan 'yang ginawa mo, Jazz?" He sounded pissed, and I rolled my eyes. Ganito talaga kaming magkapatid. Sanay na kaming nagsasabihan ng "tanga", "tatanga-tanga ka na naman", "napakatanga mo", o 'di kaya'y "gumawa ka na naman ng katangahan". Gano'n kami ka-close.
"Wala akong ginawa." Humina ang boses ko dahil sa lungkot.
"Nasaan ka ba kasi?" May narinig akong mga tawanan ng lalaki mula sa kabilang linya at nabosesan ko ang ilan sa kanila. Mukhang kasama niya ang mga barkada niya ngayon. Wala ba siya sa bahay?
Napabuntonghininga ako bago sabihin kung nasaan ako. "Hindi kita masusundo. David took my car, kasama niya si Gerald, sinundo nila si Henry. Pero 'wag kang aalis r'yan. Stay put and he'll be there in a minute. Pag-uwi mo, 'tsaka natin pag-uusapan 'yang katangahan mo."
"Anong katangaha—hoy! Kuya!" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil binabaan na niya ako ng telepono. Malungkot at masakit na nga ang loob ko, dinagdagan niya pa ng sama ng loob.
Sa bagay, hindi ko siya masisisi. Nalaman niya ang nangyaring issue tungkol kay Vince at sa ex-best friend kong si Jenna. Well, nalaman niya dahil sa bestfriend niyang sinlamig ng yelo na si Adam. Kahit binilinan ko na ang nagyeyelong si Adam na huwag nang banggitin kay Kuya ay sumige pa rin siya. Kaya naman inis na inis ako sa aroganteng Adam na 'yon.
Grabe ang galit ni Kuya noon hindi lang sa 'kin kundi mas lalo sa ex ko at sa mga kaibigan kong konsintidora. While kino-comfort ako noon nina Mommy at Daddy, siya naman ay pinagalitan ako. Binilinan niya pa ako na huwag nang makipag-communicate kina Sheena at Abigail, that's why wala na akong balita sa kanila since then. Even sa lokong ex ko na si Vince ay wala na rin akong balita, maliban sa alam kong break na sila ni Jenna. Buti nga sa kanila.
Pero hindi ko naman masisisi si Kuya Zane kung bakit ganito siya kahigpit sa akin at ka-overprotective; ako lang ang nag-iisa niyang kapatid. Pero ganunpaman, kahit gaano kami ka-close, maraming bagay pa rin kaming hindi napagkakasunduan. I was his opposite. I prefer to have a small group of close friends. Kuya Zane, on the other hand, wants attention so much he could power a spotlight. He was the life of the party, and the after-party too. Siya ang male version ng Marites sa kanilang magkakaibigan. Why? Dahil sa dami ng babae niya, marami siyang mga nasasagap na balita sa kanila, na siya niya namang ihahatid sa mga tropa niya.
Speaking of tropa . . . teka?
"Hindi kita masusundo. David took my car, kasama niya si Gerald, sinundo nila si Henry. Pero 'wag kang aalis r'yan. Stay put and he'll be there in a minute."
Lima lang silang magkakaibigan. Ibig sabihin. . .
Agad akong napayuko nang masilaw sa maliwanag na ilaw ng sasakyang tumama sa direksiyon ko.
The person driving was the last person I expected to pick me up.
Adam Meadows.
The cold and arrogant guy I kissed six years ago.
CHAPTER TWO✿♡ JAZZLENE ♡✿TAMA nga ang kutob ko, ang aroganteng si Adam Meadows ang susundo sa akin. Hindi ko tuloy alam kung sasama ako or maglalakas-loob na lang na bumalik sa hotel. Hindi niya 'yon direktang sinabi pero ramdam ko sa malamig niyang pakikitungo noon pa.Saglit akong napayuko at ibinaba ang tingin sa mga paa kong marumi dahil nakayapak akong pumunta rito. Nakatayo na ako sa harap ng kotse niya. As I bit my lower lip, kasunod din no'n ang pagbaba ng salamin sa bintana ng shotgun seat."Get in," aniya sa malumanay na boses. "O gusto mo pang pagbuksan kita?" he said in a very cold tone. I felt my body froze in a bit."Salamat sa pagsundo sa 'kin." I said almost a whisper bago umayos ng upo at ipinulupot nang mabuti ang t-shirt na nakabalot sa akin. Hindi ko alam kung nanginginig ako sa lamig o dahil sa presensiya ng frozen guy na ito.Wala akong narinig na sagot mula sa kaniya. Maski hininga niya, hindi ko naririnig. He didn't respond or even glance at me as he expertly
CHAPTER THREEADAM MEADOWS"SO? Is she your type?" Henry asked as I was staring at his mobile screen.Picture ng babae. Pangatlo na 'to sa mga babaeng inirereto sa akin ng mga kaibigan ko. 'Yong una at pangalawa ay hindi ko nagustuhan. Ni hindi tumagal nang dalawang segundo ang mga mata ko sa kanila. Pinagmasdan ko 'yong picture dahil kilala ko. Ate siya ni Jenna, ang dating kaibigan ni Jazzlene.Natatawa na lang akong sa mga kaibigan ko na ibinubuyo ako kung kani-kaninong babae. Gusto kasi nila na magkaroon na ako ng girlfriend, someone na I can be with lalo na kapag alam n'yo na. But I don't do girlfriend. Hindi naman porke wala akong girlfriend ay dry na ang s*x life ko. May mga babae pa rin naman akong naikakama kapag kailangan kong mag-release. At hindi sila basta-basta dahil hindi ako pumapatol sa kung kani-kanino lang.Tulad na lang ngayon, wala man lang ni isa ang pumasa sa taste ko lalong-lalo na 'yong ate ng ex-best friend ni Jazzlene. Despite her revealing dress, she looked
CHAPTER FOURADAM MEADOWSMAGKAKAHARAP na kami sa dining table. Magkatabi ang parents ni Zane. Napagigitnaan naman ako nina Zane at Gerald at sa tabi naman niya si David. Si Henry ay umuwi na dahil tinawagan na rin ng asawa niya."Malapit na OJT ng kapatid mo, Zane." Si Attorney Hart.Hindi pa kami nagsisimulang kumain dahil wala pa si Jazz."OJT? Where?""La Vienna Hotel."Nagsalubong ang kilay ni Zane. "La Vienna? Ang layo naman."He was right. Malayo 'yon dito sa Aloha City. Three hours ang biyahe papunta ro'n. But I understand kung bakit doon mag-o-OJT si Jazz. 'Yon kasi ang pinakakilalang hotel sa bansa. For now."Oo. Kaya nga nag-aalala kami ng dad mo kapag nagsimula na siya. Alam mo naman 'yang kapatid mo. Sa sobrang kabaitan, napakadaling mauto." Napailing si Tita.I agree."Ayoko nga sana siyang payagan na doon mag-OJT," panimula ni Tito Angelo, ang Daddy nina Jazz at Zane. "Doon din daw kasi mag-o-OJT mga kaibigan niya. Sama-sama raw sila." He shrugged."Kailan?" Zane asked,
CHAPTER FIVEJAZZLENEKASAMA ko sina Camille, Leigh at Violet habang naglalakad kami papunta sa main gate dahil tapos na ang huli naming klase.Hindi na katulad noong una na pinagkakaguluhan si Camille sa campus at dinudumog ng mga estudyanteng gustong magpa-picture sa kaniya. Ngayon ay medyo sanay na ang mga tao na nakikita siya araw-araw kaya parang naging normal na lang din ang buhay niya rito sa university. Pero hindi pa rin nawawala 'yong mga estudyanteng kumakaway sa kaniya at nag-he-hello or hi kapag makasasalubong siya. At dahil down to earth 'tong frenny namin, kahit hindi niya kilala ay binabati niya rin pabalik.Ang pinakamaldita naman sa amin ay si Violet. Pangalan pa lang may pagkamataray na. Si Leigh naman 'yong simpleng tahimik pero maraming ka-fling sa iba't ibang department.At ako . . . ako lang naman 'yong babaeng isinumpa. 'Yong palaging niloloko. Hindi ko rin alam kung bakit. Ang hirap hanapin ng sagot. I mean, hindi naman ako pangit. Maganda naman din ako tulad ng
CHAPTER SIXADAM MEADOWSLUMAPIT akong lalo para maitutok sa mukha ng lalaking may hawak sa braso ni Jazzlene ang baril ko. Ngayon, nanginginig na siya sa takot habang may butil butil na pawis sa sentido niya."I'm gonna count to three. One . . . two—"'Tsaka niya pa lang binitiwan si Jazz. And I took the opportunity to grab Jazzlene's arm para ikubli siya sa likuran ko. I covered her with my body habang sa lalaki pa rin ako nakatingin. Sa lalaking hindi pa nadala sa pagkakatanggal niya sa trabaho. Ano pa kaya'ng gusto niyang mangyari sa kaniya? Does he want to die now? I can give it to him if he wants."A-Adam . . ." Naramdaman ko ang paghawak ni Jazzlene sa laylayan ng coat ko. "Baka . . . b-baka maiputok mo 'yan. Ibaba mo."Without looking back at her, I said firmly, "No. Because I'm gonna kill this man and buried him eight feet under kapag hindi pa siya umalis sa harap ko in three sec—"Hindi ko pa natatapos ang sentence ko nang bigla itong kumaripas ng takbo palayo. Takot naman pa
CHAPTER SEVENJAZZLENEPUMASOK ako sa kuwarto ni Kuya Zane at naabutan ko siyang nakagayak na. Suot na niya ang pilot uniform at nasa paanan ng kama naman ang suitcase at isang duffel bag. Abala siyang nagta-type sa phone niya kaya hindi niya ako pinansin kahit na alam niyang pumasok ako sa loob.Umupo ako sa gilid ng bed niya at ibinagsak ang katawan ko roon at nakadipa ang mga kamay. "Mag-iingat ka palagi. 'Wag kang tatanga-tanga ro'n, ah?" sabi ko, dahilan para lingunin niya ako.Kumunot ang noo niya. "Ikaw ang huwag tatanga-tanga rito, lalo na at maiiwan kang mag-isa.""Kasama ko naman si Mommy at Daddy."He huffed. "Aalis din sila. Sa pagkakaalam ko, next week dahil may case na aasikasuhin si Mom. Kailangan niyang puntahan 'yong client niya at ang alam ko, sa vacation house ng client niya sila mag-stay ni daddy habang nag-he-hearing para malapit lang sila ro'n at hindi na kailangan pang bumiyahe lagi.""Ha?" Nagsalubong ang kilay ko. "Bakit walang sinasabi sa 'kin si mommy?" Napab
CHAPTER EIGHTJAZZLENEINIANGAT ko ang sandok sa bibig ko para tikman kung tama lang ba ang timpla ng niluto kong sinigang para sa hapunan. Ako ang nagluto ngayon dahil wala pa sina Mommy at Daddy. Umalis sila kaninang hapon, bandang alas-tres para mag-grocery at bumili ng stocks ko rito sa bahay dahil sa isang araw na sila aalis.Okay na ang timpla. Binitiwan ko na ang sandok, tinakpan ang kaserola at pinatay ang kalan. Hinugot ko na rin ang rice cooker sa outlet bago ko damputin ang phone ko sa mesa. I was about to leave the kitchen when my phone rang. Si mommy."Hi, mom," I greeted first.Hindi siya agad sumagot. Medyo maingay ang background, may mga nagtatawanan. "Hi, anak, Jazz. Nagluto ka na ba ng dinner?""Opo. Sinigang." Nasa hagdan na ako at paakyat sa taas, sa room ko."'Nak, hindi kami makakauwi agad ng daddy mo. 'Wag mo na kaming hintayin for dinner. Nakorner kasi kami ng mga classmates ko noon at nagkayayaan mag-dinner. Mauna ka nang kumain. Ah, wait? Si Adam pala dalhan m
CHAPTER NINEADAM MEADOWS"Work problem? Women?" tanong ni Dante matapos kong tunggain ang alak sa baso. Bahagya niya pa akong tinawanan. Hindi ko alam kung nang-iinsulto ba siya sa women. Alam niya namang wala akong girlfriend."Work. It's a sh*tty stress." Bukod kina Zane, Gerald, Henry at David tinuturing ko rin siyang kaibigan. Pero sa kanilang lahat, si Zane at itong si Dante ang masasabi kong nakakausap ko nang mas malalim. Komportable ako sa kanila. Dati ko siyang empleyado na naging kaibigan ko na rin. Hindi siya nagtagal sa kompanya ko dahil kinailangan niyang i-take over ang bar—kinaroroonan namin ngayon—noong nawala ang kuya niya.Habang nagkukuwentuhan kami, I fired off a quick text to Jazz para tanungin kung pauwi na ba siya sa kanila. Alas-singko na ng hapon at alam kong ganitong oras ay tapos na ang klase niya.I wasn't exactly thrilled about taking on babysitting duties, but I'd promised Zane I'd watch over his sister—and when I give my word, I stick to it without reser