PROLOGUE
"JAZZLENE, wait!"
Rinig ko ang pagtawag sa akin pero hindi ako tumigil sa pagtakbo. Hindi ko alam kung paanong hindi ako nadadapa sa kabila ng panlalabo ng paningin ko dahil sa luhang umaagos sa aking mga mata.
"Jazzlene!"
Ayoko siyang makita. Ayoko siyang makaharap. Masakit at parang hindi ko kayang tanggapin. Kaya ba hindi ako invited sa birthday ni Jenna?
Jenna is my best frie—no. It should be past tense. Was. Dahil simula ngayon hindi ko na rin siya kayang harapin. She was my best friend. We're both fifteen. Limang taon na kaming magkaibigan at para ko na rin siyang Ate kaya naman ngayong araw—sixteenth birthday niya ay nagtaka ako kung bakit hindi man lang niya ako inimbitahan.
Last week ay napag-usapan namin ni Jenna ang tungkol sa birthday niya kasama pa ang dalawa naming kaibigan na sina Sheena at Abigail na hindi na maghahanda. Wala kasi ang parents niya at nasa Thailand pa kung saan naka-base ang business nila. 'Tsaka na lang daw siya mag-ce-celebrate once na makauwi ang mga magulang.
Pero dahil sobra siyang malapit sa akin, gusto ko siyang sorpresahin at dalhan ng regalo kaya naisipan kong pumunta sa kanila nang mag-isa. Hindi kasi nag-re-reply sa mga chat at tawag ko sina Sheena at Abigail.
Nang makarating sa kanila, laking pagtataka ko dahil maraming sasakyan ang nakaparada sa harap ng bahay nila. Hindi pa man ako nakabababa ng taxi ay tumambad sa harapan ko ang mga tent na maayos na nakahilera sa maluwang nilang garden. Nakabukas ang gate ng bahay nila at doon inayos ang mga lamesa. Hindi rin nakaligtas sa mata ko ang catering na nasa gitna at ang mga taong kani-kaniyang huntahan at kainan sa bawat mesa.
Nalilito man ay dali-dali akong bumaba ng taxi habang bitbit ang shopping bag kung saan naroon ang swimsuit na binili ko sa kaniya bilang regalo. Nabanggit niya kasi sa amin noon na gusto niyang swimsuit ang matanggap sa birthday niya. Sa isang kamay naman ay bitbit ko ang box ng cake.
Malaya akong nakapasok dahil bukas ang gate at hindi rin napansin ng ibang tao ang presensya ko hanggang sa makarating ako sa maluwang nilang terrace. Doon pa lamang ako napansin ng ate ni Jenna na kalalabas lang sa main door. Bahagya pang namilog ang mga mata nito na tila ba nakakita ng multo.
"J-Jazzlene?"
"Hi, Ate Laira. Nasaan si Jenna?" tanong ko at saka kiming ngumiti.
Hindi pa man niya nasasagot ang tanong ko nang makarinig ako ng pamilyar na tawa mula sa loob. Tawa ng isang babae at lalaki na sinabayan ng pagtawa ng sa palagay ko ay mga magulang ni Jenna. Maglalakad na sana ako papasok nang muli ay makarinig ako ng pagtawa—boses nina Sheena at Abigail. Bigla ang pagkabog ng dibdib ko. Andito sila?
Itinuloy ko ang paglapit sa main door na nakabukas ngunit agad akong napahinto nang makita kung sino ang naroon sa loob—sa sala, magkakaharap at masayang nagtatawanan habang may mga pagkaing nakahain sa kanilang harapan sina Sheena, Abigail, ang parents ni Jenna...at si Vince, my boyfriend na dikit na dikit kay Jenna na nakaabrisyete rito.
Ramdam ko ang tila kuryenteng dumaloy sa katawan ko papunta sa aking ulo. Tila ako kinilig hiindi dahil sa tuwa kundi dahil sa sakit na naramdaman ko. Tila eksena sa isang pelikula na agad bumagsak ang luha ko. Nakita kong inakbayan ni Vince si Jenna, kung paano nila tingnan ang isa't isa, malagkit at may pagmamahal na tila ayaw nang humiwalay sa bawat isa.
Nabitiwan ko ang cake at shopping bag na hawak ko, dahilan para maagaw ko ang atensyon nilang lahat. Mabilis pa sa alas-kuwatrong napatayo si Vince sa kaniyang kinauupuan, gayundin sina Jenna, Sheena at Abigail na namimilog ang mga mata.
"Jazzlene . . ." sabay-sabay at mahina nilang tawag sa 'kin. Pero nanatili akong tahimik. Ang bigat ng pakiramdam ko. My boyfriend betrayed me with my best friend and I got betrayed by my so-called best friends.
"Jazzlene!" Narinig ko ang malakas na pagtawag sa 'kin ni Vince noong nagsimula na akong tumalikod at tumakbo palayo. Wala na ang taxi na sinakyan ko kanina kaya binilisan ko na lamang ang takbo, hoping na may madaanan akong kahit anong masasakyan. Kahit na puting van ay okay lang. Mas mabuti nga siguro 'yon na i-chop-chop na lang ako ng mga nangunguha ng bata para wala na silang problema. Para hindi na nila kailangan pang itago ang relasyon nila kapag nawala ako.
Pero walang puting van akong nadaanan. Instead, isang Matte Black na Aston Martin ang huminto sa tapat ko. Kusa rin akong napahinto dahil kilala ko kung kanino ang magarang sasakyan na 'yon. Sa kaibigan ni Kuya... si Adam.
Hindi nga ako nagkamali dahil bigla siyang lumabas sa driver's seat wearing his college uniform.
"Jazzlene?" Blangko ang mukhang tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung nagtataka ba siya kung bakit ako tumatakbo. I don't know. Ang tanging alam ko lang ay malapit na sa akin si Vince and all I wanted to do was to hurt him ten thousandfold.
"Adam . . ." Nanginginig ang boses ko dahil sa totoo lang ay natatakot ako sa kanya. Sa lahat ng kaibigan ni Kuya, siya ang pinakakinatatakutan ko dahil sa pagiging cold. Hindi mo mababakas sa mukha niya kung galit ba siya, masaya, malungkot, o ano. And that was the reason kung bakit para sa akin ay nakatatakot siya at hindi approachable. "I'm ready to die in your hands. But first . . ." I took a step forward, "—let me kiss you."
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Lumapit ako kay Adam. At dahil matangkad siya, kinailangan ko pang tumingkayad bago humawak sa magkabila niyang balikat.
"Jazzl—" Hindi naituloy ni Vince ang pagtawag sa akin nang makita niya ang paglapat ng labi ko sa labi ni Adam.
Mint. Amoy mint ang bibig ni Adam. Sweet.
Lasang candy rin—
"He's gone." Kasunod noon ay naramdaman ko ang bahagya niyang pagtulak sa akin palayo sa katawan niya. Nang lumingon ako, wala na nga si Vince. Gaano ba katagal nagkadikit ang labi namin?
"Why the hell did you kiss me? And why are you crying?"
"K-Kasi . . ."
"Kasi . . .? What?"
"K-Kasi . . ." I started to sob.
Hindi ko kayang sagutin ang tanong niya. All I wanted to do right now was to go home and rest. Pagod na pagod hindi lang ang katawan ko kundi lalo na ang puso ko. And I hate it. But before I could ask Adam to take me home, I felt his arms in my body, hugging me tightly as if telling me to calm down and everything would be okay.
I don't know what happened pero naramdaman ko na lang ang sarili kong kusang yumakap pabalik at umiyak nang umiyak sa dibdib niya.
CHAPTER ONESix years later.JAZZLENETAHIMIK akong nakaupo sa bus stop shelter habang hawak ang phone ko—nag-iisip kung dapat ko bang tawagan si Kuya Zane para magpasundo. Umaagos ang luha ko at nanginginig na ang katawan ko sa ginaw dahil basang-basa ako. Hindi sa ulan. Walang ulan.It's just that. . . nakasuot ako ng two-piece, basa 'yon at pinatungan ko lang ng t-shirt dahil may get together kaming magbabarkada dito sa isang hotel and resort na hindi gaanong kilala. Ako, sina Camille, Violet at Leigh. Nakaugalian na namin na after ng exam ay nagbo-bonding kami para pambawi man lang sa mga stressful days namin. Pinili namin 'yong hindi masyadong dinadayo ng mga tao dahil hindi puwedeng ma-expose si Camille sa public dahil kilala siyang artista.Nakabihis na kaming apat na magkakaibigan kanina. Naka-two-piece at nakalublob na sa swimming pool when I spotted someone na hindi gaanong kalayuan sa amin. Out of curiosity ay sumilip ako sa mga siwang ng mga halamang naroon. And to my surpr
CHAPTER TWO✿♡ JAZZLENE ♡✿TAMA nga ang kutob ko, ang aroganteng si Adam Meadows ang susundo sa akin. Hindi ko tuloy alam kung sasama ako or maglalakas-loob na lang na bumalik sa hotel. Hindi niya 'yon direktang sinabi pero ramdam ko sa malamig niyang pakikitungo noon pa.Saglit akong napayuko at ibinaba ang tingin sa mga paa kong marumi dahil nakayapak akong pumunta rito. Nakatayo na ako sa harap ng kotse niya. As I bit my lower lip, kasunod din no'n ang pagbaba ng salamin sa bintana ng shotgun seat."Get in," aniya sa malumanay na boses. "O gusto mo pang pagbuksan kita?" he said in a very cold tone. I felt my body froze in a bit."Salamat sa pagsundo sa 'kin." I said almost a whisper bago umayos ng upo at ipinulupot nang mabuti ang t-shirt na nakabalot sa akin. Hindi ko alam kung nanginginig ako sa lamig o dahil sa presensiya ng frozen guy na ito.Wala akong narinig na sagot mula sa kaniya. Maski hininga niya, hindi ko naririnig. He didn't respond or even glance at me as he expertly
CHAPTER THREEADAM MEADOWS"SO? Is she your type?" Henry asked as I was staring at his mobile screen.Picture ng babae. Pangatlo na 'to sa mga babaeng inirereto sa akin ng mga kaibigan ko. 'Yong una at pangalawa ay hindi ko nagustuhan. Ni hindi tumagal nang dalawang segundo ang mga mata ko sa kanila. Pinagmasdan ko 'yong picture dahil kilala ko. Ate siya ni Jenna, ang dating kaibigan ni Jazzlene.Natatawa na lang akong sa mga kaibigan ko na ibinubuyo ako kung kani-kaninong babae. Gusto kasi nila na magkaroon na ako ng girlfriend, someone na I can be with lalo na kapag alam n'yo na. But I don't do girlfriend. Hindi naman porke wala akong girlfriend ay dry na ang s*x life ko. May mga babae pa rin naman akong naikakama kapag kailangan kong mag-release. At hindi sila basta-basta dahil hindi ako pumapatol sa kung kani-kanino lang.Tulad na lang ngayon, wala man lang ni isa ang pumasa sa taste ko lalong-lalo na 'yong ate ng ex-best friend ni Jazzlene. Despite her revealing dress, she looked
CHAPTER FOURADAM MEADOWSMAGKAKAHARAP na kami sa dining table. Magkatabi ang parents ni Zane. Napagigitnaan naman ako nina Zane at Gerald at sa tabi naman niya si David. Si Henry ay umuwi na dahil tinawagan na rin ng asawa niya."Malapit na OJT ng kapatid mo, Zane." Si Attorney Hart.Hindi pa kami nagsisimulang kumain dahil wala pa si Jazz."OJT? Where?""La Vienna Hotel."Nagsalubong ang kilay ni Zane. "La Vienna? Ang layo naman."He was right. Malayo 'yon dito sa Aloha City. Three hours ang biyahe papunta ro'n. But I understand kung bakit doon mag-o-OJT si Jazz. 'Yon kasi ang pinakakilalang hotel sa bansa. For now."Oo. Kaya nga nag-aalala kami ng dad mo kapag nagsimula na siya. Alam mo naman 'yang kapatid mo. Sa sobrang kabaitan, napakadaling mauto." Napailing si Tita.I agree."Ayoko nga sana siyang payagan na doon mag-OJT," panimula ni Tito Angelo, ang Daddy nina Jazz at Zane. "Doon din daw kasi mag-o-OJT mga kaibigan niya. Sama-sama raw sila." He shrugged."Kailan?" Zane asked,
CHAPTER FIVEJAZZLENEKASAMA ko sina Camille, Leigh at Violet habang naglalakad kami papunta sa main gate dahil tapos na ang huli naming klase.Hindi na katulad noong una na pinagkakaguluhan si Camille sa campus at dinudumog ng mga estudyanteng gustong magpa-picture sa kaniya. Ngayon ay medyo sanay na ang mga tao na nakikita siya araw-araw kaya parang naging normal na lang din ang buhay niya rito sa university. Pero hindi pa rin nawawala 'yong mga estudyanteng kumakaway sa kaniya at nag-he-hello or hi kapag makasasalubong siya. At dahil down to earth 'tong frenny namin, kahit hindi niya kilala ay binabati niya rin pabalik.Ang pinakamaldita naman sa amin ay si Violet. Pangalan pa lang may pagkamataray na. Si Leigh naman 'yong simpleng tahimik pero maraming ka-fling sa iba't ibang department.At ako . . . ako lang naman 'yong babaeng isinumpa. 'Yong palaging niloloko. Hindi ko rin alam kung bakit. Ang hirap hanapin ng sagot. I mean, hindi naman ako pangit. Maganda naman din ako tulad ng
CHAPTER SIXADAM MEADOWSLUMAPIT akong lalo para maitutok sa mukha ng lalaking may hawak sa braso ni Jazzlene ang baril ko. Ngayon, nanginginig na siya sa takot habang may butil butil na pawis sa sentido niya."I'm gonna count to three. One . . . two—"'Tsaka niya pa lang binitiwan si Jazz. And I took the opportunity to grab Jazzlene's arm para ikubli siya sa likuran ko. I covered her with my body habang sa lalaki pa rin ako nakatingin. Sa lalaking hindi pa nadala sa pagkakatanggal niya sa trabaho. Ano pa kaya'ng gusto niyang mangyari sa kaniya? Does he want to die now? I can give it to him if he wants."A-Adam . . ." Naramdaman ko ang paghawak ni Jazzlene sa laylayan ng coat ko. "Baka . . . b-baka maiputok mo 'yan. Ibaba mo."Without looking back at her, I said firmly, "No. Because I'm gonna kill this man and buried him eight feet under kapag hindi pa siya umalis sa harap ko in three sec—"Hindi ko pa natatapos ang sentence ko nang bigla itong kumaripas ng takbo palayo. Takot naman pa
CHAPTER SEVENJAZZLENEPUMASOK ako sa kuwarto ni Kuya Zane at naabutan ko siyang nakagayak na. Suot na niya ang pilot uniform at nasa paanan ng kama naman ang suitcase at isang duffel bag. Abala siyang nagta-type sa phone niya kaya hindi niya ako pinansin kahit na alam niyang pumasok ako sa loob.Umupo ako sa gilid ng bed niya at ibinagsak ang katawan ko roon at nakadipa ang mga kamay. "Mag-iingat ka palagi. 'Wag kang tatanga-tanga ro'n, ah?" sabi ko, dahilan para lingunin niya ako.Kumunot ang noo niya. "Ikaw ang huwag tatanga-tanga rito, lalo na at maiiwan kang mag-isa.""Kasama ko naman si Mommy at Daddy."He huffed. "Aalis din sila. Sa pagkakaalam ko, next week dahil may case na aasikasuhin si Mom. Kailangan niyang puntahan 'yong client niya at ang alam ko, sa vacation house ng client niya sila mag-stay ni daddy habang nag-he-hearing para malapit lang sila ro'n at hindi na kailangan pang bumiyahe lagi.""Ha?" Nagsalubong ang kilay ko. "Bakit walang sinasabi sa 'kin si mommy?" Napab
CHAPTER EIGHTJAZZLENEINIANGAT ko ang sandok sa bibig ko para tikman kung tama lang ba ang timpla ng niluto kong sinigang para sa hapunan. Ako ang nagluto ngayon dahil wala pa sina Mommy at Daddy. Umalis sila kaninang hapon, bandang alas-tres para mag-grocery at bumili ng stocks ko rito sa bahay dahil sa isang araw na sila aalis.Okay na ang timpla. Binitiwan ko na ang sandok, tinakpan ang kaserola at pinatay ang kalan. Hinugot ko na rin ang rice cooker sa outlet bago ko damputin ang phone ko sa mesa. I was about to leave the kitchen when my phone rang. Si mommy."Hi, mom," I greeted first.Hindi siya agad sumagot. Medyo maingay ang background, may mga nagtatawanan. "Hi, anak, Jazz. Nagluto ka na ba ng dinner?""Opo. Sinigang." Nasa hagdan na ako at paakyat sa taas, sa room ko."'Nak, hindi kami makakauwi agad ng daddy mo. 'Wag mo na kaming hintayin for dinner. Nakorner kasi kami ng mga classmates ko noon at nagkayayaan mag-dinner. Mauna ka nang kumain. Ah, wait? Si Adam pala dalhan m