Special Chapter Five ✿♡ JAZZLENE ♡✿ “ARE you sure? Bakit? May problema ka ba rito sa hotel?” May halong concern ang tono ni Ate Brianna nang banggitin ko sa kaniya ang plano kong pag-re-resign. Plano pa lang naman, hindi pa talaga ako sure. Bahagya akong ngumiti. “Hindi. Walang problema. Ano lang, uh, personal problem,” sagot ko, hoping na huwag na siyang mang-ungkat pa. Mukhang nahalata naman niya na hindi ako handang magsabi kaya hindi na siya nang-usisa pa. Pagdating ng lunch break namin, nakatanggap ako ng message kay Adam, pinapupunta niya ako sa office niya para sabayan siyang kumain since narito siya ngayon sa hotel. As usual, pasimple ulit ang pagpunta ko roon. Kunwari ay may inutos sa akin si Sir Mikko, dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ng mga tao rito na may relasyon kaming dalawa. Pagdating ko sa opisina niya, naabutan ko siyang nakapuwesto na roon sa sofa na nasa center. Naihain na rin niya ang pagkain sa salaming mesa kung saan kami lagi kumakain sa tuwing
Special Chapter Six – Last PartA month later . . .✿♡ JAZZLENE ♡✿ISANG linggo na ang lumipas simula nang maikasal kami ni Adam. Hindi enggrande ang naging kasal namin dahil private wedding lang. Iyon kasi ang gusto namin pareho para sa mas ikatatahimik ng buhay namin. Family and close friends lang namin ang nakasaksi sa pag-iisang dibdib namin. Kabilang na rin doon ang Uncle Win niya. Ayaw sana ni Adam na imbitahin ito, pero ako ang nakiusap sa kaniya, dahil kahit baligtarin ang mundo, ito pa rin ang biological father niya. Then, after ng kasal, bumalik na rin naman ito sa Canada.Sa mga kaibigan ko naman, si Leigh lang ang hindi naka-attend sa kasal ko dahil hindi raw siya napayagan sa ini-file niyang vacation leave. Pero ayos lang, naintindihan ko naman dahil bago pa lang siya sa trabaho niya sa Australia. Babawi na lang daw siya sa kapag nakauwi siya.So far, naging okay naman ang lahat. Kahit lumabas sa news at sa internet ang balitang kasal na si Adam, hindi pa rin alam ng publ
Five years ago . . . PROLOGUE ✿♡ JAZZLENE ♡✿ "Jazzlene! Jazzlene, wait!" Kanina pa ako tumatakbo habang umaagos ang luha sa pisngi ko. Hindi ko nga alam kung paano ko nagagawang hindi madapa gayong nanlalabo ang mga mata ko sa luha. Dahil na rin siguro kabisado ko ang daan kaya nakikisama ang mga binti ko. "Jazzlene!" Hindi pa rin ako huminto. Patuloy ang mga paa ko sa pagtakbo. Ayoko siyang makita. Ayoko siyang makaharap. Masakit at parang hindi ko kayang matanggap. Kaya ba hindi ako invited sa birthday ni Jenna? Jenna is my best frie—no. It should be past tense. Was. Dahil simula ngayon hindi ko na rin siya kayang harapin. She was my best friend. We're both fifteen. Limang taon na kaming magkaibigan pati na rin nila Sheena at Abigail. Hindi lang best friend ang turing ko sa kaniya, or sa kanila. Lalo na kay Jenna. Para ko na rin siyang ate kaya naman ngayong araw—sixteenth birthday niya ay nagtaka ako kung bakit hindi man lang niya ako inimbitahan. Actually, last week ay nap
Six years later. Present time. ✿♡ JAZZLENE ♡✿ TAHIMIK akong nakaupo sa bus stop shelter habang hawak ang phone ko—nag-iisip kung dapat ko bang tawagan si Kuya Zane para magpasundo. Umaagos ang luha ko at nanginginig na ang katawan ko sa ginaw dahil basang-basa ako. Hindi sa ulan. Walang ulan. It's just . . . nakasuot ako ng two-piece, basa 'yon at pinatungan ko lang ng t-shirt dahil may get together kaming magbabarkada. Ako, si Camille, Violet at Leigh. No occasion. Nakaugalian lang namin na after ng exam ay nagbo-bonding kami para pambawi man lang sa mga stressful days namin. So, nag-check in kami sa isang hotel and resort na hindi gaanong kilala. Mas gusto namin 'yong hindi masyadong dinadayo ng mga tao dahil hindi puwedeng ma-expose si Camille sa public since kilala siyang artista. Yes. May kaibigan akong artista. Nakabihis na kaming apat na magkakaibigan kanina. Naka-two-piece na kami at nakalublob na sa swimming pool when I spotted someone na hindi gaanong kalayuan sa amin. A
✿♡ JAZZLENE ♡✿ADAM Meadows. Tama nga ang kutob ko. Siya ang susundo sa 'kin. Hindi ko tuloy alam kung sasama ako or lakas-loob na lang na babalik sa hotel. Because he wasn't an 'I'll-do-my-buddy-a-favor-and-pick-his-sister-up type of guy. He was a look-at-me-wrong-or-say-anything-to-me-I-don't-like-and-I'll-kill-you-with-my-hands kinda guy, and he's doing it looking so calm and gorgeous you wouldn't notice your world crashing down.Saglit akong napayuko at binaba ang tingin ko sa mga paa kong marumi dahil nakapaa ako pumunta rito. I swiped my tongue over my dry lips, kasunod ang pagbaba ng salamin sa bintana ng passenger seat."Get it." Hindi malakas ang boses niya. Hindi rin siya galit. Enough lang para marinig ko siya. "Or gusto mo pang pagbuksan kita?" he said it very cold I can feel my body freezing.Napilitan na akong tumayo para lumapit sa kaniya. Bahala na kung marumihan ko ang sasakyan niya. Mayaman naman siya, ipalinis niya na lang. Noong nasa loob ako, saglit ko siyang sin
✧ ADAM MEADOWS ✧"So? Is she your type?" Henry asked as I was staring at his mobile screen. Picture ng babae. Pangatlo na 'to, actually. 'Yong una at pangalawa, hindi ko nagustuhan. Ni hindi tumagal nang dalawang segundo ang mga mata ko sa kanila. Pero dito sa pangatlong picture, tumagal naman kahit tatlong segundo. Pero hindi dahil gusto ko. Pinagmasdan ko lang dahil kilala ko 'yong nasa picture. Ate siya ng dating kaibigan ni Jazzlene. Ate ni Jenna. 'Yong mga nanloko noon sa kaniya noong fifteen pa lang siya.At ang dahilan kaya nila 'ko pinakikitaan ng picture ng mga babae ay dahil gusto nilang magkaroon na 'ko ng girlfriend. I don't do girlfriends. Pero hindi ibig sabihin na wala akong girlfriend, dry na ang sex life ko. May mga babae pa rin naman akong naikakama kapag kailangan kong mag-release. Pero hindi basta-basta kung sino lang. Namimili rin ako, at kapag hindi pasado sa 'kin, hindi ko papatulan.Tulad na lang ngayon ng mga pinakita sa 'kin ni Henry. Wala man lang ni isa an
✧ADAM MEADOWS✧MAGKAKAHARAP na kami sa dining table. Tabi ang parents ni Zane. Tabi naman kami ni Zane, then katabi ko si David, sunod si Gerald. Si Henry? Umuwi na kani-kanina pa dahil kahit gustuhin niyang mag-stay, hindi niya rin nagawa dahil nakatanggap siya ng tawag sa asawa niya, pinauuwi siya."Malapit na OJT ng kapatid mo, Zane." Si Attorney Hart. Hindi pa kami nagsisimulang kumain dahil wala pa si Jazz. Hinihintay namin siya, pinagbihis muna siya ng mom niya kanina dahil ang daming balahibo ng pusa na dumikit sa kaniya. Nakipaglaro kasi siya sa persian cat niya matapos niyang maglabas ng sama ng loob kanina."OJT? Where?""La Vienna Hotel."Nagsalubong ang kilay ni Zane. "La Vienna? Ang layo naman."He's right. Malayo 'yon dito sa Aloha City. Three hours ang biyahe papunta ro'n. But I understand kung bakit doon mag-o-OJT si Jazz. 'Yon kasi ang pinakakilalang hotel sa bansa. For now."Oo. Kaya nga nag-aalala kami ng dad mo kapag nagsimula na s'ya. Alam mo naman 'yang kapatid m
✿♡ JAZZLENE ♡✿KASAMA ko si Camille, Leigh at Violet, naglalakad kami papunta sa main gate dahil tapos na ang huli naming klase.Hindi na katulad noong una na pinagkakaguluhan si Camille sa campus at dinudumog ng mga estudyanteng gustong magpa-picture sa kaniya. Ngayon ay medyo sanay na ang mga tao na nakikita siya araw-araw kaya parang naging normal na lang din ang buhay niya rito sa university. Pero hindi pa rin nawawala 'yong mga estudyanteng kumakaway sa kaniya at nag-he-hello or hi kapag makakasalubong siya. At dahil down to earth 'tong frenny namin, kahit hindi niya kilala ay binabati niya rin pabalik.Ang pinakamaldita naman sa amin ay si Violet. Pangalan pa lang may pagkamataray na. Si Leigh naman 'yong simpleng tahimik pero maraming ka-fling sa iba't-ibang department.At ako . . . ako lang naman 'yong babaeng isinumpa. 'Yong palaging niloloko. Hindi ko rin alam kung bakit. Ang hirap hanapin ng sagot.I mean, hindi naman sana ako pangit. Maganda naman din ako tulad ng mga kaib