CHAPTER FIVE
JAZZLENE
KASAMA ko sina Camille, Leigh at Violet habang naglalakad kami papunta sa main gate dahil tapos na ang huli naming klase.
Hindi na katulad noong una na pinagkakaguluhan si Camille sa campus at dinudumog ng mga estudyanteng gustong magpa-picture sa kaniya. Ngayon ay medyo sanay na ang mga tao na nakikita siya araw-araw kaya parang naging normal na lang din ang buhay niya rito sa university. Pero hindi pa rin nawawala 'yong mga estudyanteng kumakaway sa kaniya at nag-he-hello or hi kapag makasasalubong siya. At dahil down to earth 'tong frenny namin, kahit hindi niya kilala ay binabati niya rin pabalik.
Ang pinakamaldita naman sa amin ay si Violet. Pangalan pa lang may pagkamataray na. Si Leigh naman 'yong simpleng tahimik pero maraming ka-fling sa iba't ibang department.
At ako . . . ako lang naman 'yong babaeng isinumpa. 'Yong palaging niloloko. Hindi ko rin alam kung bakit. Ang hirap hanapin ng sagot. I mean, hindi naman ako pangit. Maganda naman din ako tulad ng mga kaibigan ko. May kaniya-kaniya kaming ganda. Maganda rin ang hubog ng katawan ko at hindi ako pandak sa taas na 5'3. Kung kabaitan naman ang pag-uusapan, ako na sigurado ang rank one sa aming magkakaibigan. Pero hindi ko pa rin talaga maintindihan kung bakit lagi na lang akong naiiwan at niloloko.
Napabuntonghininga ako kaya binalingan ako ni Violet. "Nakasimangot ka na naman, Jazz. Hay naku! 'Wag mo na nga isipin si Dominic! Dapat nga magsaya ka dahil ang bilis ng karma niya! Gag*ng 'yon!"
Lalong nalaglag ang balikat ko sa sinabi niya. Tama siya. Mukha ngang nakarma si Dominic sa panloloko sa 'kin. Tatlong araw na ang lumipas simula noong tinakasan ko sila sa hotel dahil nahuli ko si Dom. Pero kinabukasan lang after ng encounter namin sa hotel, nabalitaan kong natanggal si Dom sa trabaho niya. Ang malala pa, pareho silang natanggal ng lalaki niya dahil supervisor niya pala 'yon sa pinapasukan niyang bangko.
Hindi lang siya ang nagkaproblema. Nabalitaan din namin kanina na 'yong parents ni Dom ay naghiwalay na kahapon lang. Ang dahilan? May nagpadala sa bahay nila ng mga litrato ng tatay niya na may kasamang babae. Ang ibang kuha ay papasok sa motel, palabas ng motel, at ang iba ay kuha sa restaurant. Ang hindi nga lang namin alam ay kung sino ang nagpadala no'n sa bahay nila. Wala kaming masagap. Mahina ang radar namin.
But gosh! Now I know kung kanino nagmana si Dom. Sa daddy niyang cheater. Kaya, oo. Masasabi kong nakarma nga siya dahil ang balita pa namin ay nabugbog din siya ng Daddy niya noong nalaman ang affair niya sa kapwa nito lalaki. Poor him.
Papasok na kami ngayon sa coffee shop na katabi lang ng university. Dito kami tumatambay at nagtsitsismisan after ng huling klase sa hapon, lalo na kapag ayaw pa naming umuwi. Walking distance lang din kasi ito sa apartment na inuuwian nina Leigh at Violet.
Si Violet ang taya sa kape namin ngayon kaya siya ang um-order.
"'Di ba sabi ko Caramel Mocha 'yong sa 'kin?" Salubong ang kilay kong pinagmasdan si Violet dahil Vanilla Latte ang iniabot niya sa 'kin pagbalik niya sa table.
"Luh. Sorry. Nalito ako." She smiled at me sheepishly and gave me a peace sign.
Napairap ako, kasunod ang pang-aasar sa kaniya ni Leigh. "Pagpasensiyahan mo na. Baka lutang na naman kaiisip sa Kuya Zane mo—aah! Aray!" reklamo ni Leigh nang sipain siya ni Violet sa ilalim ng mesa. Habang nakangisi si Camille, salubong naman ang kilay ko at pinagmamasdan ko si Violet.
"Wait? You like him?" I asked in disbelief, pero wala akong nakuhang sagot sa kaniya. Silence means yes, 'di ba? "Of all people? Seriously, Violet?" Hindi ako makapaniwala. "Bakit si Kuya Zane pa? Guwapo lang 'yon, pero hindi 'yon makakabuti sa kinabukasan mo. Masasaktan ka lang sa kaniya. Babaero pa—"
"Deretsahin mo na kasi 'yong friend natin." Si Leigh. "Ang sabihin mo, hindi siya type ng Kuya Zane mo," sabay halakhak nito.
Tama rin naman si Leigh. Hindi tipo ni Kuya Zane si Violet dahil sa pagkamataray niya. Kapag nagkakataon na nasa bahay sila at naroon din si Kuya, para silang aso't pusa. Tapos ngayon malalaman kong bet niya si Kuya? Yuck!
"Kalimutan mo na si Kuya Zane. Kay Gerald, David at Adam ka na lang mamili, tapos kakausapin ko si Kuya Zane na ireto ka—"
"Out si Adam sa choices," Camille cut me off.
Nilingon ko siya. "Out? Bakit?"
"May sinisinta na 'yon," she said.
Kumunot ang noo ko. Sinisinta? "Sa pagkakaalam ko wala naman siyang girlfri—"
"Sa ngayon." Nginisihan ako ni Camille. "Pero malakas ang kutob namin na soon . . . magiging taken ka na ulit."
Lalo akong naguluhan. "Ako? Bakit ako? Si Adam ang usapan natin, 'di ba?"
"Shunga naman ng beshy namin!" natatawang komento ni Leigh. Sa akin na rin siya ngayon nakatingin. "Hindi mo ba napapansin na bet ka ni Kamahalang Adam?"
Walang halong biro, but I got goosebumps. "Mga monggi ba kayo? Hindi niya ako gusto! Saan n'yo naman napulot 'yang fake news na 'yan?"
"Napulot namin sa mga mata ni Adam," nakangising sagot ni Camille. "Natatandaan mo ba 'yong mga panahon na inimbita kami ni Tita Franxine sa inyo para kumain? Those times na naroon din ang kuya mo at mga friends niya? Alam mo bang ilang beses naming nahuli si Adam na kakaiba ang tingin sa 'yo? Not just once, twice, or thrice. Maraming beses, girl!"
Hindi ko naiwasang mapahalakhak sa sinabi niya. 'Yon siguro 'yong tingin na, 'Ito 'yong bubwit na humalik sa 'kin noon at isinumpa ako sa loob ng sasakyan ko. I'll kill her soon!'
"Alam n'yo, kayo? Masyado kayong overthinking! Hindi ako gusto ni Adam. Never! To be honest, ayaw namin sa isa't isa. May history kasi kami, noong fifteen years old pa lang ako—"
"Omg! Ano'ng history 'yan? SPG ba?" kinikilig na tanong ni Leigh.
Napairap naman ako sa kaniya. "No! Patapusin mo muna kasi ako!" inis kong sagot, then I continue, "Ganito 'yon. Noong fifteen ako, may encounter kami na kung saan, nagkainitan kami ng ulo. Nagkasagutan kami. Ihahatid niya dapat ako no'n sa bahay namin dahil, uh . . . nadaanan niya ako na pauwi mag-isa," I lied. Nahihiya akong ikuwento sa kanila ang totoong dahilan. "Then, hayun. After namin magkasagutan, inihinto niya 'yong sasakyan at pinababa ako kahit hindi pa kami nakararating sa bahay. After no'n, hindi na kami nagpansinan. Well, hindi naman talaga namin ugaling magpansinan dahil simula't-sapol, hindi ko na siya feel. Para kasi siyang kampon ng kadiliman na nabiyayaan lang ng itsura ng anghel. Ewan ko nga kay kuya kung bakit nakasundo niya 'yon. And honestly, I don't like him. Itaga n'yo 'yan sa bato!"
"You don't like him?" may dudang tanong sa akin ni Violet.
"Not a little bit?" Camille added.
Proud naman akong sumagot. "Not even a little bit."
Matapos kong isara ang usapan tungkol kay Adam, hindi na nila ako kinulit pa tungkol doon, dahil ayoko rin namang pinag-uusapan si Adam.
"Girls, una na 'ko sa inyo. Tumatawag na si Mommy," baling sa amin ni Camille nang sulyapan niya ang screen ng phone niya matapos 'yon tumunog. Kasabay ng pagtayo niya, tumayo rin si Gabo na nasa kabilang table lang namin.
"Ingat kayo," Leigh said as she waved them goodbye.
Noong kami na lang tatlo ang naiwan, nagdesisyon na rin akong i-message si Kuya Zane para magpasundo. 'Tsaka ko binalingan ang dalawa. "Pwede na kayong mauna. 'Di ba gagawa pa kayo ng report n'yo?"
"Pa'no ka?" Si Leigh.
"Okay lang ako rito. Tineks ko na si Kuya, papunta na 'yon."
Tumango sila at sabay na tumayo. Hindi naman kasi kalayuan ang bahay namin. Ten minutes' drive lang. Mapapalayo lang kung lalakarin ko pauwi, baka abutin pa ako ng dilim sa daan, lalo at mag-a-alas-sais na ng hapon.
"Bye, Jazz." Kumaway pa sila pareho sa akin bago sila tuluyang lumabas ng cafe. Noong ako na lang mag-isa ang naiwan sa table namin, naka-receive ako ng reply mula kay Kuya Zane.
"Nasiraan ako. Dinala ko car sa pagawaan, mag-commute ka na pauwi. Matagal pa 'to."
360-degree yata ang naging-ikot ng mga mata ko dahil napairap ako matapos kong mabasa ang text niya. Commute? Para siyang hibang. Wala na akong puwedeng habulin na sasakyan nang ganitong oras.
Inis kong binitbit ang kape ko palabas sa coffee shop at nakasukbit naman sa katawan ko ang body bag ko.
"Jazzlene?" Napalingon ako sa sasakyang huminto sa tapat ko. Nakababa ang salaming bintana kaya nakita ko kung sino'ng tumawag sa 'kin.
Ngumiti ako. "Hi, Ma'am Jane!" Isa siya sa mga professor namin, mabait siya.
"Bakit mag-isa ka?"
Nakakahiya man, pero kinapalan ko na ang mukha ko. Tinanong ko kung puwede akong makisabay. Nakangiti siyang pumayag kaya ang saya ng puso ko. Pinasakay niya ako sa sasakyan niya dahil wala naman siyang kasama. Noong nagsimula na siyang mag-drive, 'tsaka ko ikinuwento sa kaniya kung bakit kailangan kong makisabay. Iyon nga lang ay binanggit niyang hindi niya ako maidideretso sa bahay namin. Hanggang sa Rose Street lang daw niya ako maibababa dahil nagmamadali siya. Dadaanan niya pa raw kasi 'yong anak niya na nagtatrabaho bilang manager sa isang pharmacy dahil oras na rin ng uwi nito.
Ilang minuto pa, narating na namin ang Rose Street kaya nagpaalam na ako at bumaba sa sasakyan ni Ma'am Jane. "Mag-iingat ka sa paglalakad, Jazz, ha?"
"Opo, ma'am. Thank you po." Malapad ang ngiti kong kumaway sa kaniya bago ko isara ang sasakyan niya.
Rose Street, then Lily's Street at Tulips Street bago ko maraming ang sa amin. Medyo malayo-layong lakaran pa, pero at least hindi na kasing layo ng iniisip kong lakarin kung sakaling hindi ako naisabay ni Ma'am Jane kanina.
Habang naglalakad, nakaramdam ako ng kaba dahil pakiramdam ko ay may sumusunod sa akin. Ngunit sa tuwing lilingon naman ako ay wala akong nakikita.
Pasado alas-sais na kaya madilim na ang paligid. Nagkataon pa na dito sa Rose Street ay walang masyadong kabahayan at medyo malayo ang mga pagitan.
Lord, malas na nga po ako sa love life, 'wag N'yo naman po sana hayaang malasin pa ako ngayon.
Binilisan ko ang paglalakad para makaiwas sa kung sino man ang sumusunod sa akin. Ngunit habang bumibilis ang paghakbang ko, mas lalo kong napatunayan na hindi ko guni-guni ang naramdaman ko dahil ngayon ay dinig ko na ang yabag niya na halos tumatakbo na rin para sundan ako.
"Jazzlene!"
I stopped dead nang marinig ko ang boses ng lalaking tumawag sa 'kin mula sa likod. I slowly turned around para tingnan kung sino 'yon. Kahit papaano ay may liwanag pa rin naman na nanggagaling sa street light kaya nakita ko ang mukha niya.
"S-Sino ka?"
Humakbang siya palapit sa 'kin. Nang makalapit siya, hinawakan niya agad ang magkabila kong braso. "Tell me. Ikaw ang nagpakalat sa bangko ng tungkol sa amin ni Dominic, 'no?" Madilim ang tingin niya sa 'kin, galit siya base sa higpit ng kapit niya sa magkabila kong balikat.
Napalunok ako dahil ngayon ko lang na-realize kung sino siya. Bukod sa nabanggit niya si Dom, namukhaan ko siya. Siya 'yong lalaking kasama ni Dominic sa hotel. Hindi siya gay tingnan. Tigasin siya sa histura kaya kung physical ang pagbabasehan, hindi mahahalatang may karelasyon siyang lalaki.
"H-Hindi ako. Bitawan mo 'ko." Pinilit kong kumawala sa pagkakahawak niya sa 'kin pero hindi ko magawa.
"Don't lie, you b*tch!"
"Aray!" Nagpumiglas ako dahil sa higpit ng hawak niya sa magkabilang balikat ko, idagdag pa na inaalog niya ang katawan ko. "Aray! Nasasaktan ako. Bitiwan—"
"Aminin mong ikaw ang nagkalat no'n! Aminin—" Hindi niya naituloy ang sasabihin nang may humintong sasakyan sa tapat namin. Dark red na Lamborghini. Adam. Mabilis na bumukas ang pinto ng driver's seat, kasunod ang paglabas ni Adam. Nakasuot siya ng black suit—his usual working clothes.
Oras na maisara niya ang pinto ng sasakyan, humakbang siya palapit sa amin, with a gun in his hand. Halos tumalon ang puso ko palabas sa dibdib ko nang iangat niya ang kanang kamay saka itinutok ang baril sa lalaking nasa harap ko.
"Let her go or die?"
CHAPTER SIXADAM MEADOWSLUMAPIT akong lalo para maitutok sa mukha ng lalaking may hawak sa braso ni Jazzlene ang baril ko. Ngayon, nanginginig na siya sa takot habang may butil butil na pawis sa sentido niya."I'm gonna count to three. One . . . two—"'Tsaka niya pa lang binitiwan si Jazz. And I took the opportunity to grab Jazzlene's arm para ikubli siya sa likuran ko. I covered her with my body habang sa lalaki pa rin ako nakatingin. Sa lalaking hindi pa nadala sa pagkakatanggal niya sa trabaho. Ano pa kaya'ng gusto niyang mangyari sa kaniya? Does he want to die now? I can give it to him if he wants."A-Adam . . ." Naramdaman ko ang paghawak ni Jazzlene sa laylayan ng coat ko. "Baka . . . b-baka maiputok mo 'yan. Ibaba mo."Without looking back at her, I said firmly, "No. Because I'm gonna kill this man and buried him eight feet under kapag hindi pa siya umalis sa harap ko in three sec—"Hindi ko pa natatapos ang sentence ko nang bigla itong kumaripas ng takbo palayo. Takot naman pa
CHAPTER SEVENJAZZLENEPUMASOK ako sa kuwarto ni Kuya Zane at naabutan ko siyang nakagayak na. Suot na niya ang pilot uniform at nasa paanan ng kama naman ang suitcase at isang duffel bag. Abala siyang nagta-type sa phone niya kaya hindi niya ako pinansin kahit na alam niyang pumasok ako sa loob.Umupo ako sa gilid ng bed niya at ibinagsak ang katawan ko roon at nakadipa ang mga kamay. "Mag-iingat ka palagi. 'Wag kang tatanga-tanga ro'n, ah?" sabi ko, dahilan para lingunin niya ako.Kumunot ang noo niya. "Ikaw ang huwag tatanga-tanga rito, lalo na at maiiwan kang mag-isa.""Kasama ko naman si Mommy at Daddy."He huffed. "Aalis din sila. Sa pagkakaalam ko, next week dahil may case na aasikasuhin si Mom. Kailangan niyang puntahan 'yong client niya at ang alam ko, sa vacation house ng client niya sila mag-stay ni daddy habang nag-he-hearing para malapit lang sila ro'n at hindi na kailangan pang bumiyahe lagi.""Ha?" Nagsalubong ang kilay ko. "Bakit walang sinasabi sa 'kin si mommy?" Napab
CHAPTER EIGHTJAZZLENEINIANGAT ko ang sandok sa bibig ko para tikman kung tama lang ba ang timpla ng niluto kong sinigang para sa hapunan. Ako ang nagluto ngayon dahil wala pa sina Mommy at Daddy. Umalis sila kaninang hapon, bandang alas-tres para mag-grocery at bumili ng stocks ko rito sa bahay dahil sa isang araw na sila aalis.Okay na ang timpla. Binitiwan ko na ang sandok, tinakpan ang kaserola at pinatay ang kalan. Hinugot ko na rin ang rice cooker sa outlet bago ko damputin ang phone ko sa mesa. I was about to leave the kitchen when my phone rang. Si mommy."Hi, mom," I greeted first.Hindi siya agad sumagot. Medyo maingay ang background, may mga nagtatawanan. "Hi, anak, Jazz. Nagluto ka na ba ng dinner?""Opo. Sinigang." Nasa hagdan na ako at paakyat sa taas, sa room ko."'Nak, hindi kami makakauwi agad ng daddy mo. 'Wag mo na kaming hintayin for dinner. Nakorner kasi kami ng mga classmates ko noon at nagkayayaan mag-dinner. Mauna ka nang kumain. Ah, wait? Si Adam pala dalhan m
CHAPTER NINEADAM MEADOWS"Work problem? Women?" tanong ni Dante matapos kong tunggain ang alak sa baso. Bahagya niya pa akong tinawanan. Hindi ko alam kung nang-iinsulto ba siya sa women. Alam niya namang wala akong girlfriend."Work. It's a sh*tty stress." Bukod kina Zane, Gerald, Henry at David tinuturing ko rin siyang kaibigan. Pero sa kanilang lahat, si Zane at itong si Dante ang masasabi kong nakakausap ko nang mas malalim. Komportable ako sa kanila. Dati ko siyang empleyado na naging kaibigan ko na rin. Hindi siya nagtagal sa kompanya ko dahil kinailangan niyang i-take over ang bar—kinaroroonan namin ngayon—noong nawala ang kuya niya.Habang nagkukuwentuhan kami, I fired off a quick text to Jazz para tanungin kung pauwi na ba siya sa kanila. Alas-singko na ng hapon at alam kong ganitong oras ay tapos na ang klase niya.I wasn't exactly thrilled about taking on babysitting duties, but I'd promised Zane I'd watch over his sister—and when I give my word, I stick to it without reser
CHAPTER TENJAZZLENE"SA sobrang inis ko, hindi ko siya dinalhan ng dinner kagabi kahit pa binilinan ako ni Mommy na i-share na lang siya sa tuwing magluluto ako," I finished dramatically before I took a sip of my coffee.Narito kami ngayon ng mga kaibigan ko sa isang coffee shop sa labas ng university dahil breaktime. Inis kong ikinuwento sa kaniya ang ginawa ni Adam sa bahay nina Janina. For the record, hindi naman ako basta nagsaya kasama ang friends ko. Bonding namin 'yon na napagkasunduan ng buong block dahil malapit na kaming mag-OJT at hindi kami magkakasama.Kaya naman hanggang ngayon ay inis na inis ako sa ginawa ni Adam. Ang totoo nga ay hindi ko pa siya kinakausap simula pa kagabi matapos niya akong iuwi sa bahay namin. Gumawa ako ng paraan para hindi ko siya makasabay sa pagpasok.I couldn't believe he had the audacity to show up and boss me around like that. Even Kuya Zane never treated me like that."Bakit naman kasi sinabi mo kung nasaan si Jazz?" baling ni Violet kay Ca
CHAPTER ELEVENADAM MEADOWSTHERE'S a bead of sweat forming on the forehead of the man sitting in front of me, despite the chilly temperature in my office. I should put him out of his misery, but instead, I continue to stare him down."I . . . the fund . . . we we're so grateful for your continued investment," he stammered.Dapat lang naman. I've got billions invested throughout the world, a far from insignificant portion of it in his firm. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. My face serious. "I never said I'd continue investing in you," I said, my voice is firm, devoid of any kindness.Nagsimulang gumalaw ang isa niyang paa sa sahig, dinig ko ang pag-tap ng sapatos niya roon and I watched the bead of sweat run down his face, his breathing accelerating by the second."H-Hindi ka ba . . . satisfied sa performance ng company? Our share price increased by twenty percent this year."Sasagot pa lang sana ako sa kaniya nang mag-vibrate ang mobile phone ko sa ibabaw ng mesa. A text message fro
CHAPTER TWELVEADAM MEADOWSHINDI puwedeng makita ni Jazzlene ang kalagayan sa loob ng apartment ko, lalo na at nagkalat ang dugo sa sahig dahil sa dalawang tama sa binti ng anak ni Bueno. Wala na itong malay ngayon dahil nanghina na sa dami ng dugong nawala"Adam!"Narinig ko uli ang boses ni Jazz mula sa labas pati ang malakas na paghampas niya sa pinto. Instead na pagbuksan siya, pumunta muna ako sa kuwarto at kumuha ng malinis na panyo sa cabinet. Inilabas ang isang maliit na spray bottle na naroon din sa loob ng cabinet at nag-spray ako sa panyo ng dalawang beses..Paglabas ko sa kuwarto, marahan akong humakbang papunta sa pinto. Nagtago ako sa likuran bago ko abutin ang door handle. Ini-unlock ko 'yon para makapasok si Jazz. Nang makapasok, mula sa likuran niya, agad kong tinakpan ang ilong niya gamit ang panyo na hawak ko. Nagawa niya pang magpumiglas noong una, pero ilang segundo lang 'yon bago tuluyang bumagsak ang maliit niyang katawan.Binuhat ko siya papunta sa kuwarto ko n
CHAPTER THIRTEENJAZZLENE HINDI ko mapigilang singhutin ang mabangong naaamoy ko. It's like spice and heat and bath soap. Iminulat ko unti-unti ang mga mata para alamin kung ano ang naaamoy ko. Ngunit agad na kumunot ang noo ko dahil tila nanibago ako sa paligid.Weird. Saan napunta 'yong paintings sa kuwarto ko? At kailan pa ako nagpalit ng itim na kurtina? Palaging yellow ang gamit ko para happy color. Kahit minsan hindi ako gumamit ng black—Wait? Ano 'tong nakakapa ko na mahaba at matigas?Ibinaba ko ang tingin sa bagay na pinagpapatungan ng kanang kamay ko habang nakahiga ako nang deretso. May katabi ako. Nakasuot ng gray na pajama at hawak ko ang nakaumbok niyang alaga.Napapikit ako at bahagyang napangisi. In my twenty-one years of existence, ngayon lang ako nanaginip ng ganito. Ito na ba 'yong tinatawag nilang wet dreams? Pero parang hindi naman dahil wala naman akong matandaan na nangyari sa panagi—Sh*t! Bakit matigas? Bakit mainit-init?Sinubukan kong pisilin uli ang bagay