CHAPTER SEVENJAZZLENEPUMASOK ako sa kuwarto ni Kuya Zane at naabutan ko siyang nakagayak na. Suot na niya ang pilot uniform at nasa paanan ng kama naman ang suitcase at isang duffel bag. Abala siyang nagta-type sa phone niya kaya hindi niya ako pinansin kahit na alam niyang pumasok ako sa loob.Umupo ako sa gilid ng bed niya at ibinagsak ang katawan ko roon at nakadipa ang mga kamay. "Mag-iingat ka palagi. 'Wag kang tatanga-tanga ro'n, ah?" sabi ko, dahilan para lingunin niya ako.Kumunot ang noo niya. "Ikaw ang huwag tatanga-tanga rito, lalo na at maiiwan kang mag-isa.""Kasama ko naman si Mommy at Daddy."He huffed. "Aalis din sila. Sa pagkakaalam ko, next week dahil may case na aasikasuhin si Mom. Kailangan niyang puntahan 'yong client niya at ang alam ko, sa vacation house ng client niya sila mag-stay ni daddy habang nag-he-hearing para malapit lang sila ro'n at hindi na kailangan pang bumiyahe lagi.""Ha?" Nagsalubong ang kilay ko. "Bakit walang sinasabi sa 'kin si mommy?" Napab
CHAPTER EIGHTJAZZLENEINIANGAT ko ang sandok sa bibig ko para tikman kung tama lang ba ang timpla ng niluto kong sinigang para sa hapunan. Ako ang nagluto ngayon dahil wala pa sina Mommy at Daddy. Umalis sila kaninang hapon, bandang alas-tres para mag-grocery at bumili ng stocks ko rito sa bahay dahil sa isang araw na sila aalis.Okay na ang timpla. Binitiwan ko na ang sandok, tinakpan ang kaserola at pinatay ang kalan. Hinugot ko na rin ang rice cooker sa outlet bago ko damputin ang phone ko sa mesa. I was about to leave the kitchen when my phone rang. Si mommy."Hi, mom," I greeted first.Hindi siya agad sumagot. Medyo maingay ang background, may mga nagtatawanan. "Hi, anak, Jazz. Nagluto ka na ba ng dinner?""Opo. Sinigang." Nasa hagdan na ako at paakyat sa taas, sa room ko."'Nak, hindi kami makakauwi agad ng daddy mo. 'Wag mo na kaming hintayin for dinner. Nakorner kasi kami ng mga classmates ko noon at nagkayayaan mag-dinner. Mauna ka nang kumain. Ah, wait? Si Adam pala dalhan m
CHAPTER NINEADAM MEADOWS"Work problem? Women?" tanong ni Dante matapos kong tunggain ang alak sa baso. Bahagya niya pa akong tinawanan. Hindi ko alam kung nang-iinsulto ba siya sa women. Alam niya namang wala akong girlfriend."Work. It's a sh*tty stress." Bukod kina Zane, Gerald, Henry at David tinuturing ko rin siyang kaibigan. Pero sa kanilang lahat, si Zane at itong si Dante ang masasabi kong nakakausap ko nang mas malalim. Komportable ako sa kanila. Dati ko siyang empleyado na naging kaibigan ko na rin. Hindi siya nagtagal sa kompanya ko dahil kinailangan niyang i-take over ang bar—kinaroroonan namin ngayon—noong nawala ang kuya niya.Habang nagkukuwentuhan kami, I fired off a quick text to Jazz para tanungin kung pauwi na ba siya sa kanila. Alas-singko na ng hapon at alam kong ganitong oras ay tapos na ang klase niya.I wasn't exactly thrilled about taking on babysitting duties, but I'd promised Zane I'd watch over his sister—and when I give my word, I stick to it without reser
CHAPTER TENJAZZLENE"SA sobrang inis ko, hindi ko siya dinalhan ng dinner kagabi kahit pa binilinan ako ni Mommy na i-share na lang siya sa tuwing magluluto ako," I finished dramatically before I took a sip of my coffee.Narito kami ngayon ng mga kaibigan ko sa isang coffee shop sa labas ng university dahil breaktime. Inis kong ikinuwento sa kaniya ang ginawa ni Adam sa bahay nina Janina. For the record, hindi naman ako basta nagsaya kasama ang friends ko. Bonding namin 'yon na napagkasunduan ng buong block dahil malapit na kaming mag-OJT at hindi kami magkakasama.Kaya naman hanggang ngayon ay inis na inis ako sa ginawa ni Adam. Ang totoo nga ay hindi ko pa siya kinakausap simula pa kagabi matapos niya akong iuwi sa bahay namin. Gumawa ako ng paraan para hindi ko siya makasabay sa pagpasok.I couldn't believe he had the audacity to show up and boss me around like that. Even Kuya Zane never treated me like that."Bakit naman kasi sinabi mo kung nasaan si Jazz?" baling ni Violet kay Ca
CHAPTER ELEVENADAM MEADOWSTHERE'S a bead of sweat forming on the forehead of the man sitting in front of me, despite the chilly temperature in my office. I should put him out of his misery, but instead, I continue to stare him down."I . . . the fund . . . we we're so grateful for your continued investment," he stammered.Dapat lang naman. I've got billions invested throughout the world, a far from insignificant portion of it in his firm. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. My face serious. "I never said I'd continue investing in you," I said, my voice is firm, devoid of any kindness.Nagsimulang gumalaw ang isa niyang paa sa sahig, dinig ko ang pag-tap ng sapatos niya roon and I watched the bead of sweat run down his face, his breathing accelerating by the second."H-Hindi ka ba . . . satisfied sa performance ng company? Our share price increased by twenty percent this year."Sasagot pa lang sana ako sa kaniya nang mag-vibrate ang mobile phone ko sa ibabaw ng mesa. A text message fro
CHAPTER TWELVEADAM MEADOWSHINDI puwedeng makita ni Jazzlene ang kalagayan sa loob ng apartment ko, lalo na at nagkalat ang dugo sa sahig dahil sa dalawang tama sa binti ng anak ni Bueno. Wala na itong malay ngayon dahil nanghina na sa dami ng dugong nawala"Adam!"Narinig ko uli ang boses ni Jazz mula sa labas pati ang malakas na paghampas niya sa pinto. Instead na pagbuksan siya, pumunta muna ako sa kuwarto at kumuha ng malinis na panyo sa cabinet. Inilabas ang isang maliit na spray bottle na naroon din sa loob ng cabinet at nag-spray ako sa panyo ng dalawang beses..Paglabas ko sa kuwarto, marahan akong humakbang papunta sa pinto. Nagtago ako sa likuran bago ko abutin ang door handle. Ini-unlock ko 'yon para makapasok si Jazz. Nang makapasok, mula sa likuran niya, agad kong tinakpan ang ilong niya gamit ang panyo na hawak ko. Nagawa niya pang magpumiglas noong una, pero ilang segundo lang 'yon bago tuluyang bumagsak ang maliit niyang katawan.Binuhat ko siya papunta sa kuwarto ko n
CHAPTER THIRTEENJAZZLENE HINDI ko mapigilang singhutin ang mabangong naaamoy ko. It's like spice and heat and bath soap. Iminulat ko unti-unti ang mga mata para alamin kung ano ang naaamoy ko. Ngunit agad na kumunot ang noo ko dahil tila nanibago ako sa paligid.Weird. Saan napunta 'yong paintings sa kuwarto ko? At kailan pa ako nagpalit ng itim na kurtina? Palaging yellow ang gamit ko para happy color. Kahit minsan hindi ako gumamit ng black—Wait? Ano 'tong nakakapa ko na mahaba at matigas?Ibinaba ko ang tingin sa bagay na pinagpapatungan ng kanang kamay ko habang nakahiga ako nang deretso. May katabi ako. Nakasuot ng gray na pajama at hawak ko ang nakaumbok niyang alaga.Napapikit ako at bahagyang napangisi. In my twenty-one years of existence, ngayon lang ako nanaginip ng ganito. Ito na ba 'yong tinatawag nilang wet dreams? Pero parang hindi naman dahil wala naman akong matandaan na nangyari sa panagi—Sh*t! Bakit matigas? Bakit mainit-init?Sinubukan kong pisilin uli ang bagay
CHAPTER FOURTEENJAZZLENE"DAGDAGAN mo pa 'yong contour niya sa dibdib," utos ni Leigh kay Violet. Kasama ko sila rito sa bahay ngayon. Sila lang dalawa ang available dahil may taping uli si Camille. Nag-volunteer kasi sila na tulungan akong mag-ayos para sa plano kong pang-aakit kay Adam."Okay na ba?" Humakbang si Violet nang dalawang beses at sinipat ang dibdib ko habang hawak niya pa rin ang brush at 'yong contour palette. Siya ang in-charge sa makeup ko na 'no make-up' look lang daw para hindi halatang nag-ayos ako. Pero doon niya itinodo sa contour na ginawa niya sa dibdib ko para magmukhang malaki ang bubelya ko.Tumango si Leigh habang sinisipat din ang dibdib ko. "Oo. Okay na 'yan," she commented.Nakasuot ako ngayon ng red nightdress. Si Leigh ang pumili ng kulay para raw seductive. Hanggang kalahati lamang ng hita ko ang haba. At siyempre, para lalong umepek ang plano ay naisipan ko pang mag-wax ng binti kanina para lalong flawless. 'Yong buhok ko ay ginamitan nila ng curler