Teilen

Kabanata 7

last update Veröffentlichungsdatum: 21.05.2026 21:21:45

Sumunod naman si Calista kay Rowan palabas ng gusali ng gobyerno.

Napakainit ng sikat ng araw ngayon at sobrang pangit ng singaw ngayon, ibang-iba sa malamig na aircon sa loob ng Marriage Registry sa kung saan sila nanggaling. Ang itim na Maybach ay nakaparada pa rin sa ilalim ng mga puno sa tabi ng daan.

Binuksan ng driver na si Nash ang pinto sa likod, at hinintay sila ni Rowan.

Tumama naman ang sikat ng araw kay Rowan sa ilalim ng mga puno. Habang sumakay naman si Calista sa kotse at nararamdaman niya ang matalim na tingin nito sa kanya. Hindi naman ito masamang tumingin, pero dahil sa lakas ng presensya ng lalaki, hindi niya ito pwedeng balewalain.

"We're heading to the ancestral house first," sabi ni Rowan pagkaupo niya sa tabi ni Calista. "Lola is waiting to see you."

Nang masara ang pinto ng kotse, agad na nawala ang init sa labas.

Tatango na sana si Calista para sumagot nang biglang mag-vibrate ang kanyang cellphone sa loob ng bag, nang silipin niya ito ay galing ito sa isang pamilyar na numero mula sa Cagayan de Oro. Kinabahan siya bigla dahil pamilyar din ang huling apat na numero nito—numero iyon ng personal na telepono ni Tristan.

Tiningnan siya ni Rowan nang walang emosyon. Nang hindi nag-iisip, pinatay ni Calista ang tawag. Pero pagkalipas ng ilang segundo, tumunog ulit ang parehong numero. Kinagat niya ang kanyang labi at pilit na sinagot ang tawag para tapusin na ito.

"Calista!" Narinig niya ang galit at nag-aalala na boses ni Tristan sa speaker. "Bakit hindi ka umuwi sa bahay pag-alis mo sa ospital? Where the hell are you? Do you know how many times I’ve tried calling you?!"

Mabilis namang gumapang ang kaba ni Calista. Lumingon siya sa banda ni Rowan.

Umiwas naman ng tingin si Rowan at nilaro-laro ang isang mamahaling lighter. Nakaupo lang ito nang tahimik at hindi tumitingin sa kanya, pero nakakatakot pa rin ang aura na naidudulot nito sa loob ng sasakyan.

Inilayo ni Calista ang cellphone sa tenga niya at mahinang ang boses na nagtanong. "What do you want?"

"What do I want? Calista, there’s a limit to your stubbornness!" Lalong nagalit si Tristan sa kabilang linya. "Ang nangyari ng gabing iyon ay kasalanan ko, okay? But you slapped Amera, and my parents have been causing a scene for days wanting you to apologize to her... Fine, let's not talk about that right now. Nasaan ka ba? I’ll pick you up so we can talk."

Mag-sorry kay Amera...

Ang mga salitang iyon ay parang mga karayom na nagpa-manhid sa mga daliri ni Calista. Natawa na lang siya sa sarili dahil sa labis na inis at pait. Dalawang taon niyang tiniis ang pambu-bully ng kapatid nito at ngayon siya pa ang dapat mag-sorry?

Bago pa siya makapagsalita, may narinig siyang tunog sa tabi niya. Lumingon siya at nakita si Rowan na naglabas ng isang botelya ng gamot na walang label mula sa kanyang bulsa. Binuksan nito ang takip, kumuha ng dalawa o tatlong puting tableta, at isinubo ang mga ito nang walang tubig.

Nginuya nito ang mga gamot nang pino, sobrang linaw ng tunog ng pagnguya nito sa loob ng tahimik na kotse at parang may kakaibang panganib ang tunog na iyon.

Natigilan naman si Calista at sandaling nakalimutan ang sinasabi ni Tristan. Anong gamot ang iniinom ng bagong asawa niya? May sakit ba ito?

Tiningnan naman siya bigla ni Rowan, itinaas ang isang kilay at inabot sa kanya ang botelya ng gamot. "Want some?"

Hindi umimik si Calista, samantala sa kabilang linya narinig naman ni Tristan ang malalim na boses ng lalaki sa kabilang linya. Biglang lumalim at naging mapanganib ang tono nito. "Sino yang kasama mo? Calista, who the hell is that man?!"

Bago pa makapagsalita ulit si Tristan, pinatay na ni Calista ang tawag at tuluyang pinatay ang kanyang cellphone. Naging tahimik ang loob ng kotse, maliban sa mahinang tunog ng aircon at sa nakakatakot ngunit kalmadong presensya ng lalaki sa tabi niya.

"Boyfriend?" tanong ni Rowan, binitawan ang lighter.

"No," mabilis na sagot ni Calista habang umiling. "Ex-boyfriend."

Gumawa lang si Rowan ng isang mahinang tunog, parang hindi sigurado kung naniniwala siya o pinalalampas lang ang usapan. Tiningnan niya nang matagal ang mukha ni Calista bago tumingin sa labas ng bintana. Bumalik sa seryoso at malamig na tono ang boses niya. "Since we’re married now, there are rules we need to make clear," dahan-dahan niyang sinabi. "First, while our agreement is active, you are Mrs. Mercadejas. Mind your words and actions."

Tumango agad si Calista, dahil naiintindihan naman niya iyon at lalo na pumasok siya sa ganitong sitwasyon. "I understand."

"Second, the Mercadejas family is complicated. Don't ask about things that don't concern you, and don't meddle where you shouldn't. If anyone causes trouble for you, tell me."

"Okay." Sagot ulit ni Calista.

"Third," huminto si Rowan at lumingon muli sa kanya. Tinitigan niya si Calista nang mabuti sa mga mata. "Keep your personal life clean. I don't care about your past, but from now on, I don't want to see people I shouldn't see or hear things I shouldn't hear." Direkta at pinal ang mga salita nito, parang isang makapangyarihang pinuno na nag-uutos sa kanyang nasasakupan.

Tiningnan siya ni Calista sa mata at kahit kabado, pinilit niyang panatilihing matatag ang kanyang boses. "Mr. Mercadejas, don't worry. Since I signed the agreement, I will follow the rules. I expect you to do the same."

Itinaas ni Rowan ang kanyang kilay, parang nagulat na may lakas ng loob itong sumagot sa kanya ng direkta. Tinitigan niya si Calista bago bahagyang ngumiti—isang ngiting mabilis din namang nawala. "Of course."

Pagkatapos ng usapan, naging tahimik na naman sa loob ng kotse. Tumingin si Calista sa labas habang papalapit sila sa eksklusibong bahagi ng Cebu kung saan matatagpuan ang mga mansyon ng mga Mercadejas. Lalong bumibilis ang tibok ng puso niya. Malalaman na niya kung anong klaseng buhay ang pinasok niya at makikilala na niya ang matandang matriarka ng pamilya Mercadejas na may hawak ng malaking kapangyarihan.

Lies dieses Buch weiterhin kostenlos
Code scannen, um die App herunterzuladen

Aktuellstes Kapitel

Weitere Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status