" Kamusta na ang trabaho sa Rancho Star? Hallen?" Tanong ni señyora habang sama sama kaming nasa hapag kainan." it's okay mom, Star and I have finished that work." Wika ni hallen at napasulyap sakin." Mabuti naman kung ganun." Sambit ni señyora at napatitig sa dalawa niyang anak na kanina pa din tahimik na kumakain." Kayong dalawa pansin ko na parang tahimik kayo, may problema ba Harris? Hero?" " Wala Mom." Sabay na sagot nila.Ilang araw din ang lumipas ng mag tapat sakin si Hallen, at pilit ko na silang iniiwasan dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa alam ang isasagot ko sa kaniya. Oo gusto ko na din si Hallen, pero ayoko naman na pag mulan pa yun ng away nila ni Harris." Next week balak ko na isama na ulit si Hallen sa manila, Harris at Star kayo na muna ang bahala sa Rancho." Wika ni Señyora at bakas sa mukha ni Hallen ang pag kagulat, at kahit ako ay nabigla din sa sinabi ni Señyora. Noon pa paalis alis na talaga dito sa mansion si Hallen hindi ko alam kung bakit masyado ako
In a world that is cruel to me and in my life that is full of sadness, Destiny brought me to this place to meet the man who will fill the missing part of my heart.Ang nag iisang lalake na nag padama sakin ng unang pagibig, at pinadama sakin na isa akong bituin na hinahangad ng iba. Hindi man naging maganda ang unang pagtatagpo namin, napuno man kami ng pag aaway at madalas na pagtatalo kahit sa maliit na bagay lang, naging rason yun para mas makilala pa namin ang isa't isa at matutunan na tanggapin ang mga mali namin." Sakay na Star!" Aniya na nauna ng maupo sa kabayo, Hinawakan niya ang kamay ko at dahan dahang inangat para makasampa sa unahan." Maglibot muna tayo sa Rancho bago ako umalis mamaya." Aniya at mahigpit na hinawakan ang bewang ko ng isa niyang kamay." I will miss holding you so tightly Star." Bulong niya at nag simula ng patakbuhin ang kabayo niya." Gaano ka ba katagal dun?" Tanong ko." Ilang buwan din siguro , kilala mo naman si Mommy marami din siyang inaasikaso
Since he left, every movement of the clock suddenly slowed down and it seemed to excite me. because every minute, second and hour I did nothing but wait for him to come back to me.Dahil sa Nangyari sa amin ni Mama noong umalis siya, nagkaroon ako ng matinding takot dahil pakiramadam ko lahat ng taong aalis at magpapalam sakin ay hindi ko na muling makikita. Pakiramdam ko wala ng saysay pa ang pangako dahil kahit isumpa mo pa ito magagawa mo parin itong hindi tupadin." Happy birthday Star!" Wika ni Hero at inabot sakin ang malaking box na dala niya." Salamat nag abala ka pa!" Nakangiti kong sabi sakaniya. " Maya maya ba baba na tayo marami na ang bisita na nag hihintay." Aniya.Muli akong bumaling sa malaking salamin at pinagmasdan ang kabuuhan ko. Suot ko ay isang lace gown na kulay pula na galing kay señyora at Gold necklace na binigay sakin ni Harris.Ang totoo hindi ko naman gusto ng ganitong Celebration, nahiya lang ako na tanggihan ang mga gusto ni Señyora dahil baka sabihi
"Bakit ginabi ka na Star?" Tanong ni hero sakin habang papasok ako ng mansion." Ahm..may mga tinapos lang ako sa library napag utusan kasi ko"" Sana nag pasundo ka nalang sakin, Gabi na paano kung napano ka pa diyang sa kalsada?" Wika ni hero at bakas sa mukha niya ang pag aalala sakin." Ano ka ba! Wala naman nangyari sakin." Sagot ko at tumawa ng mahina habang nanatiling nakakunot ang noo ni hero sakin. " Halika na kumain na muna tayo, hinintay talaga kita para naman may kasabay ka." Aniya at inakbayan ako at nag tungo kami sa dining area.Isang linggo na ang nakalipas mula ng matapos ang Birthday ko, masasabi ko na pinipilit ko lang na maging okay sa bawat araw. Tinuon ko yung atensyon ko sa pag aaral kahit pa hanggang sa school ay may nang gugulo sakin, hindi ako nag pa apekto sa pang bu bully kahit pa ipalinis pa nila sakin araw araw ang mga banyo at pag ayusin ng mga libro sa library. Oo nasasaktan ako kapag ginagawa yun sakin pero ano bang magagawa ko? Para lang akong basura
" Congrats Star!" Bati ni Señyora matapos niyang makababa ng kotse niya. Huli na ng makarating siya dito sa Endrelton para dumalo sa Graduation ko dahil galing pa siya ng manila at nahiya naman ako dahil bumiyahe pa talaga siya para sakin." Salamat po Señyora! Kung hindi po dahil sayo baka wala ako ngayon dito sa Endrelton high." Wika ko sa kaniya at agad naman siyang kumapit sa balikat ko." Walang anuman iha hindi mo naman sinayang ang mga ginawa ko na pag tulong sayo. I am also grateful Star because someone like you brought honor to this school." Nakangiting sabi ni Señyora, napakabait ni Señyora kaya Nakakaramdam na din ako ng konsensya dahil kahit gaano ko pa pagbutihin ay hindi ko parin maabot ang Katangian na gusto niya para sa anak niya. At sa oras na malaman niya ang mga nangyayari siguradong magagalit siya sakin."Congrats Star!" Bati ni Hero at inabot sakin ang Bouquet. Naupo ako sa mahabang mesa kung saan kaharap ko sa hapagkainan si Senyora ang mga anak niya at si Sab.
"Mukhang puyat ka ata?" Napadilat ako ng marinig ang boses ni Harris. Naupo siya sa sofa sa tabi ko at nakataas ang kilay habang nakatitig sakin." Hindi lang ako masyadong nakatulog." Simple kong sagot sa kaniya.Paano ba naman ako makakatulog kung ginugulo ako ni Hallen. Pareho kaming walang tulog at mukhang ngayon siya bumabawi dahil maaga na siya nung mapaalis ko sa kwarto ko. Komportable na akong kasama siya ang kaso wala siyang titigil kakakulit sakin." Star Baka next week Mapipilitan akong sumama kay Mommy. Kung hindi man baka mauna ako sa kaniya dahil kailangan ko na din doon mag take ng Exam."" Sa states ka na mag aaral?" " Yup. Pero babalik din ako kaya sana mahintay mo ako." Aniya at matamis na nakangiti sakin. Nginitian ko din siya pabalik at kaagad siyang ang iwas ng tingin." Hindi ba kayo nag uusap ni kuya?" Tanong niya at Napalunok ako sa tanong niya na tila may nag bara sa lalamunan ko." Hi...Hindi pa bakit?" " Uhm Wala naman. Nag taka lang ako feeling ko may k
My mind bothers me every day because of a mistake. My heart was filled with fear.Natatakot ako na baka dumating ang araw na malaman ni Hallen at hindi niya maintindihan ang nangyari. Alam namin ni Harris na may ihinalo sa inumin namin kaya ganun kalakas ang epekto nito at sigurado naman ako na walang nangyari samin ni Harris Ang kinakatakot ko lang ay baka hindi maintindihan ng iba kaya plit namin itong tinago ni Harris." Star ayos ka lang ba?" Wika ni Hero at inilapag sa mesa ko ang dala niyang Juice." Ayos lang naman. Ikaw? Grounded ka parin?" " Yeah. " natatawa niyang sagot.Napabuntong hininga na lamang ako sa kinahinatnan ng pag sasaya namin nung gabi na yun. Nalaman yun ni Señyora at galit na galit siya dahil isanama pa daw ako ng Dalawa na konsensya naman ako dahil sila lang ang napag sabihan habang ako nakaligtas sa Sermon." Sa susunod na ang alis ni Kuya Harris tayo na lang ulit dito. Ano kaya ang pwede natin gawin ngayong bakasyon?" Hindi ko pansin ang pang dadaldal sa
" Iha ngayon lang kita nakita dito kamusta ang Mama mo?" Tanong sakin ng dati naming kapitbahay na si Aling sena." Nasa manila na po siya."" Ganun ba? E ikaw saan kana tumutuloy? Dalagang dalaga kana!" Masaya niyang sabi sakin at Pilit ko siyang nginitian." Sa Mansion ng Endrelton po. Doon na po ako nakatira." Bakas sa mukha niya ang Gulat at mukhang balak pa niyang mag tanong ngunit kaagad din akong nag paalam sa kaniya.Ngayon ko lang ulit binisita ang dati naming bahay ni Mama. Lumang luma na yun at nasira na dahil sa mga bagyong dumating. Sira na din ang mga gamit namin dahil napabayaan na.Mabigat ang dibdib ko habang nag lalakad pabalik sa Mansion. Balak akong samahan ni Hero pero tinanggihan ko siya dhail gusto ko din mapag isa kahit saglit." Star! Ang tagal mo nasa loob si kuya at nag wawala sa galit." Natatarantang sabi ni Hero at agad naman akong nakaramdam ng matinding kaba." B...Bakit?" " Hindi ko pa alam Star. Dahil sila ni Mommy ang nag usap sa opisina gusto kong