"Bakit ngayon ka lang? At saan ka natulog?" Salubong sakin ni Mama." K-Kay Elle po Ma." Nauutal at kabadong sagot ko.Dire-Diretso lang ako na naglakad at nilagpasan ko si Mama pero agad niyang nahablot ang braso ko. May bakas na ngisi sa labi niya at tila nakakalokong nakatitig sakin." Bakit po Ma?" " Hindi si Elle ang kasama mo I know." " Ma naman kung ano na naman iniisip mo diyan!" Sambit ko at natawa lang siya ng bahagya at napakunot na lamang ang noo ko." Oh siya! Mag ayos kana doon at mag hahain nako siguradong pagod ka sa buong gabi." Aniya at tinulak pa ako paakyat sa hagdan.Hindi na ako nakaimik pa sa inasal ni Mama at kaagad na lang ako nag lakad patungo sa kwarto ko. Nang makapasok ako ay kaagad nang hina ang mga binti ko at napa upo na lamang ako sa kama.Nanginginig ang katawan ko at tila nakikipag karera ang puso ko sa sobrang bilis ng kabog nito. Napapikit na lamang ako ng mariin nang muling sumagi sa isip ko ang mga nangyari kagabi. I'm very drunk and I can't im
Happy memories, sweet promises, every words of his that gives life to my heart has completely disappeared because of a mistake. My heart seemed to be stabbed by the blade of his gaze on me, at Ang dati ay maamong mga tingin ay agad napalitan ng galit at pagkabigo." Don't lie, this picture tells the truth." Seryosong sabi ni hallen habang hawak parin ang larawan namin ng kapatid niyang si harris." Malandi ang babae na yan, nung una kay hallen siya dumidikit ngayon naman kay harris? Ibang klase ka rin no? Ganiyan kana ba ka desperada para gamitin mo na ang katawan mo para akitin si harris?" Wika ni sab" Hindi yan totoo!" Sigaw ko habang mariin na naka kuyom ang kamay ko sa sobrang galit. " Wala akong alam sa picture na yan, at kayang patunayan ni harris yan sa inyo mag kaibigan lang kami!"Tila wala silang naririnig sa paliwanag ko, walang naniniwala sakin kahit pa si hallen. Ganun na ba kababa ang tingin niya sakin? Ganun na ba ka desperada ang tingin sakin ng pamilyang ito?" I am
Simpleng buhay, simpleng pamilya, simpleng mga pangarap ang binuo namin ni mama sa lugar na ito. Hindi ko man nakita ang papa ko bago niya kami iwan, naging maayos naman ang buhay namin dahil sa pag sisikap ni mama."Star anak papunta ako sa bayan ngayon, huwag kang lalabas ng bahay naiintindihan mo ba?" Wika ni mama habang dala dala ang basket na pag lalagyan niya ng mga bibilhin niya. Tumango lang ako sa kaniya at agad naman siyang umalis.Tahimik akong nakatanaw sa malaking bintana ng kubo namin, habang nakangiti kong pinag mamasdan ang mga puno at dahon na sumasayaw sa hangin." Nakakainip naman, siguradong mamaya pa uuwi si mama." Bulong ko Umalis ako sa kinauupuan ko at nakapag desisyon na lumabas ng kubo, gusto ko na mag libot libot muna dito sa kileyo siguro naman mamaya pa uuwi si mama dahil medyo may kalayuan din ang bayan dito.Masaya akong nag lalakad habang pinipitas ang mga bulaklak na nadadaanan ko, siguradong matutuwa si mama kapag binigyan ko siya ng mga bulaklak.Sa
" Mama? Mama?" Sigaw ko habang papasok ako sa bahay namin.Kakauwi ko lang galing sa pakikipaglaro sa mga batang kapitbahay namin, mabuti nalang at pinayagan ako ni mama." Mama?" Paulit ulit kong sigaw, pumasok ako sa kwarto at nataranta ako ng makita ko si mama na umiiyak habang inaayos ang mga damit niya." Ma? May problema po ba?" Nag aalala kong tanong, bumaling siya sakin at napatitig ako sa namumugto niyang mga mata dahil sa kakaiyak." Anak makinig ka sakin, kailangan kong lumuwas ngayon dahil nakatanggap ako ng tawag mula sa kaibigan ko sa maynila. Nakauwi na dito sa bansa ang papa mo at kailangan ko na mapuntahan siya agad dun." Aniya habang hawak ako sa mga braso ko." Hindi mo ako isasama Mama?" Naluluha kong tanong sa kaniya." Hindi pwede Anak, hindi ko alam kung anong buhay ang nag hihintay sakin sa paghahanap sa papa mo. Mas ligtas ka dito at alam ko na malalampasan din natin ito" Paliwanag niya sakin.Yumuko nalang ako dahil sa lungkot na naramdaman ko, hindi ako maaa
"Congratulations iha, kahit kailan hindi mo ako binigo!" Masayang puri sakin ni Señyora" Maraming salamat po, Sinikap ko po talaga ito para kahit papano naman hindi masayang yung pag tulong niyo sakin." Sagot ko at matamis akong nginitian ni Señyora." Kumain ka ng marami, sabihan mo ako kung ano pa ang mga kailangan mo sa pag aaral mo" Aniya at sinuklian ko lang siya ng ngiti.Walong taon na ang nakalipas mula ng kupkupin ako ng pamilya Endrelton, walong taon kong pinilit mabuhay habang binablot ng kalungkutan ang puso ko dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako binalikan ni mama, maraming nag sasabi na wag na daw akong umasa na babalik pa siya pero kahit minsan hindi ko naisip na tumigil na sa pag hihintay.Isang taon nalang at Graduate na ako ng highschool, Siniguro ko na hindi masasayang ang pag tulong sakin ni Señyora nag pursigi ako sa pag aaral at hindi naman ako nabigo dahil palagi akong nangunguna sa school na pag mamay ari din ng Endrelton." Congrats Star, Top 1 ka na na
" Star! Hey Star!" Sigaw sakin ni Hero habang ka bababa lang ng kotse niya.Halos pag tinginan kami ng mga estudyante dahil sa lakas ng sigaw niya sa pangalan ko, kaagad akong Tumigil sa paglalakad at hinintay ko siyang makalapit sakin." Naglakad ka lang? Sabi ko hintayin mo ako sabay tayong papasok diba?" Aniya habang naka kunot ang noo." Kaya ko naman mag lakad, tska malapit lang naman ang school hero." " Suss...ayaw mo lang akong kasabay e." Sagot nito sakin at agad na umakbay sa mga balikat ko. Ang malaki niyang braso ay nag bigay ng bigat sakin ngunit hinayaan ko nalang siya na akbayan ako habang nag lalakad kami papasok sa gate ng school." Napaka landi talaga ng Star na yan e! " " kaya nga lahat nalang ng lalake talagang dinidikitan niya, at ang mga Endrelton pa talaga!" Bulong bulungan ng mga estudyanteng Babae habang nag lalakad kami." Akin na nga yang bag mo Star!" Wika ni Hero at agad na inagaw sakin ang Bag ko. Hindi na ako nakatanggi dahil sa bigla niyang pag hablot
"Star, Sakay na!" Tawag sakin ni Harris na hinintuan pa ako ng kotse.Nilibot ko ang tingin ko sa paligid at kita ko ang ang mga estudyante na nag sisimula na naman mag bulungan." Wag na Harris mag lalakad nalang ako." Sagot ko at kumunot naman agad ang noo niya sakin." Tara na Star, mas lalo silang magagalit kapag binuhat pa kita papasok sa kotse." Wika niya.Dahil sa ayaw ko naman na buhatin pa niya ako ay agad nalang akong sumakay. Inayos niya ang seatbelt ko habang nakasilay ang ngiti sa labi niya." kamusta ang araw mo? Nauna ka na naman pumasok." Aniya habang iniistart ang kotse." Oo, sabi ko naman hindi ko na kailangan sumabay pa sa inyo. Sana maintindihan niyo din, ayoko naman na pare pareho tayong pag isipan ng hindi maganda ng ibang tao." " Bakit ba lagi mong iniisip ang iba? E ano kung malapit ka samin? Mula bata magkakasama na tayo Star kaya wag kang mag pa apekto sa ibang tao okay?" Aniya habang nakatuon ang tingin sa kalsada Hindi ko siya sinagot, hindi ko alam kun
Our heart is like a rain, we cannot stop it from pouring dahil Habang palakas ng palakas ang buhos nito, nakakaramdam tayo ng panlalamig at naghahangad ng makakapag bigay sa atin ng init sa pamamagitan ng pagmamahal." Hintayin nalang natin tumila, baka madisgrasya pa tayo kung pipilitin natin makauwi." Wika ni Hallen habang nakaupo sa mga dayami at dahan dahang hinihimas ang paborito niyang kabayo na si herculesNaupo ako sa tabi niya at isinandal ko ang likod ko sa kahoy na dingding. Kanina pa kami naka pirmi dito sa kuwadra dahil naabutan kami ng ulan. " I have something to ask you." Aniya at napabaling naman ako agad sa kaniya." Ano? Kung bakit maliit ako? Nasa lahi na namin ito pero tatangkad pa ko wag ka masyadong paepal!" Sabi ko at inirapan siya." Hindi yan ang itatanong ko bakit ba masyado kang defensive? " Aniya habang nakataas ang kilay." E diba masaya ka kapag nilalait mo ako?" Wika ko at seryoso parin siyang nakatitig sakin." Nililigawan ka ba ni Harris?" Seryoso niy