Home / Romance / THE TYCOON'S REBEL / The Public Lie

Share

The Public Lie

Author: RosenPen
last update Huling Na-update: 2025-08-13 17:16:45

Kinabukasan, halos mabingi ako sa ingay ng cellphone ko. Notifications. Messengers. Emails.

Pero ang pinaka-masakit sa mata? Ang headline:

#HaleAffair Takes Over Social Media: The Billionaire and the Mystery Woman

May mga blurred drone shots, may mga kuha na parang mula sa balcony ng penthouse, at lahat pare-pareho ang caption: “Hale’s new love interest?”

Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa. Sa totoo lang, hindi ko nga siya gusto — tapos ngayon, buong mundo akala kami na?

Bago ko pa maiproseso ang lahat ng mga 'yon ay isang staff ang pumasok sa workroom. “Miss Navarro, the CEO wants you in the boardroom. Now.”

Napalunok ako. Ito na ba ‘yon? 'Yong meeting na matatanggal ako?

Pagbukas ko ng pinto ng boardroom, puro matatandang lalaki at babae ang nakaupo. Nakaupo sa head chair si Sebastian, parang walang nangyari, nakasuot ng perfect dark suit na para bang galing sa isang magazine cover.

“Mr. Hale,” wika ng isa sa shareholders, “care to explain why your name and this… employee’s face are all over the internet?”

Malamig ang boses ni Sebastian. “Rumors are irrelevant to the company’s performance.”

“Not when the rumors involve an employee and possible internal security leaks,” putol ng isa pa, mas mabagsik.

Bago pa tuluyang maipit si Sebastian ay tumayo na siya at naglakad papunta sa akin. Ramdam ko ang mga matang nakatingin, ang bigat ng judgment sa hangin. Hinawakan niya ang kamay ko — hindi 'yong romantic na hawak, kundi parang may ipinapakitang mensahe sa lahat.

“Ladies and gentlemen,” malakas niyang sabi, “allow me to clear things up.”

“Miss Navarro,” tumingin siya sa akin na parang may lihim na sinasabi sa likod ng mata, “is not just an employee. She is my girlfriend.”

Parang nag-slow motion ang lahat.

May narinig akong mahihinang bulungan. May isang babae sa kabilang dulo ng mesa na napailing at ngumisi.

Pero hindi iyon ang pinaka-nakakuha ng atensyon ko.

Sa gilid ng room, nakatayo si Ethan Miles. Ang kilalang corporate predator. Nakasuot ng business suit na kulay abo, hawak ang isang baso ng scotch, at may ngiti sa labi na para bang may alam siya sa lahat ng nangyayari. At nang magtagpo ang mga mata namin ay doon ko napagtantong hindi lang siya interesado sa tsismis. Para bang may iniipon siyang bala laban sa amin.

Matapos ang meeting, lumabas si Sebastian na parang walang epekto sa kanya ang buong eksena. Samantalang ako ay halos mag-collapse na sa hallway.

Pagbalik ko sa desk ko, doon ko nakita ang isang email sa inbox. Walang sender name. Walang subject line.

Pag-click ko, isang linya lang ang nakalagay:

“You think you know who you’re working for? Ask him about Paris. 3 years ago.”

At may naka-attach na isang file — filename: paris_accident.mp4

Pagbalik ko sa apartment ko kinagabihan, hindi ako mapakali. Hindi ako sigurado kung mas nakakapagod ang buong araw na nasa ilalim ng corporate spotlight, o 'yong email na dumating sa akin na hindi ko naman alam kung para saan ba.

At dahil nga ayaw akong patahimikin ng kuryosidad ko ay umupo ako sa harap ng laptop. Binuksan ko ulit ang inbox at tiningnan ang attachment: paris_accident.mp4.

Nakasabit lang ang cursor ko sa ibabaw ng filename. May parte ng utak ko ang sinasabing huwag kong buksan, pero may parte ko rin na gustong malaman kung ano nga ba talaga ang laman ng file na 'yon.

Huminga muna ako nang malalim at saka pikit-matang pinindot ang file.

Nang magmulat ako ay isang black screen ang bumungad sa akin. Tapos maririnig ang tunog ng ulan at yabag ng mga paa. Hanggang sa ilang sandali lang ay lumabas ang isang malabong frame ng isang hotel entrance. Sigurado akong mamahaling hotel 'yon base na rin sa signage.

Pero bago pa malinawan ang imahe ay may narinig akong sumigaw sa background. Isang babae. Mahina lang 'yon pero puno ng takot.

May mabilis na paggalaw ng camera, parang patakbo ang kumukuha ng video. Sa sulok ng frame, may nakita akong lalaking nakasuot ng itim na coat, papasok sa isang itim na kotse.

Nang sumara ang pinto, biglang nag-cut ang video. Wala nang kasunod.

Pinindot ko ulit para i-replay, pero ganoon pa rin — bitin. Hindi malinaw kung sino ang lalaki, pero ang hugis ng katawan at tikas ng lakad… parang pamilyar sa akin.

At mas lalo pa akong kinabahan nang sa huling frame bago mag-black out ay naaninag ko ang isang anino na may tindig na parang kay Sebastian.

Halos mapatalon naman ako nang bigla akong makarinig ng mga katok sa pinto. Mabilis... Sunud-sunod.

“Isla Navarro?” Malalim ang boses ng lalaki sa labas.

"S-sino ka? Kung sino ka mang h*******k ka, sinasabi ko sa 'yong hindi ako natatakot sa 'yo! Umalis ka diyan ngayon din kundi tatawag ako ng pulis!" nanginginig kong sigaw.

Alam kong kahit sino mang makakarinig sa sinabi ko ay hindi maniniwalang hindi ako takot. At mas lalo pa nga akong kinabahan nang marinig ko ang pagtawa ng lalaki mula sa labas.

"Why don't you open this door first, bago mo 'ko sigawan? Wag kang mag-alala. Hindi mo naman kailangang matakot sa akin."

Nang mapamilyaran ang boses ng lalaki ay tila ba may nag-udyok sa akin na pagbuksan siya. Pero para makasiguro ay ikinabit ko na muna ang safety chain sa pinto bago ko 'yon dahan-dahang binuksan. At doon nga ay bumungad sa akin ang mukha ni Ethan Miles. Pormal na naka-coat pero nakalaylay ang necktie at amoy alak na para bang galing sa isang bar.

“May kailangan tayong pag-usapan,” sabi niya at saka itinulak pabukas ang pinto. Pero dahil nga may safety chain na nakakabit ay hindi niya nagawang makapasok kaagad.

“Ano ‘to? Intrusion hour?” inis kong tanong.

Ngumisi siya at saka tumingin nang diretso sa akin. “Paris. Tatlong taon na ang nakalipas.”

Nanlamig ang batok ko. “Anong alam mo tungkol doon?”

“Enough to know you should be careful. Ang larong pinasok mo, Isla… hindi mo alam kung gaano kadumi. At sa oras na malaman mo, baka huli na.”

“Are you threatening me?”

“No,” sagot niya, habang papalapit sa akin. “Consider this… a warning.”

Hinugot niya mula sa bulsa ang isang maliit na flash drive at iniabot sa akin. “Kung matalino ka, bubuksan mo ‘yan sa lugar na walang CCTV at lalong hindi mo ipapakita kay Sebastian.”

Bago pa ako makasagot ay umalis na siya. Naiwan akong nakatayo at nakatulala habang nakatingin sa pintong bahagyang nakaawamg, may hawak na bagay na pwedeng magbago ng lahat ng alam ko.

Sa labas, rinig ko ang tunog ng isang sasakyan na umaalis. At sa loob ng apartment, ramdam ko ang bigat ng dalawang file na hawak ko ngayon — parehong tungkol sa Paris.

Pero alin ang totoo?

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • THE TYCOON'S REBEL   Lines We Can't Cross

    Parang biglang natigil ang oras. Nakatayo kami sa gitna ng dilim, habang kumakalat ang malamig na boses mula sa loob mismo ng silid. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko na para bang kulog na umaalingawngaw sa loob ng tenga ko.Sebastian’s grip on my wrist tightened, steady and unyielding. Parang siya lang ang nagsisilbing anchor ko habang nilalamon kami ng takot.“Show yourself,” malamig na sabi niya, ang baril niya nakataas, handang pumutok.Mula sa dilim ay narinig ko ang mga yabag ng taong nagsasalita. Ilang sandali lang ay nasa tapat na siya ng bintana, dahilan para makita namin siya nang bahagya sa pamamagitan ng ilaw na nanggagaling sa buwan. Maayos ang kaniyang tindig, naka-suit na perpektong nakayakap sa kaniyang katawan habang ang buhok naman niya ay tila ba nilagyan ng sangkatutak na pomada.“Sebastian Hale,” aniya, naglalakad na parang nasa sarili niyang opisina lang. “The untouchable king of his empire. And yet…” tumigil ang tingin niya sa akin, “…you brought someone fragil

  • THE TYCOON'S REBEL   Sparks in the Dark (Part 3)

    Nagulat ako sa biglaang pagsabog ng ingay mula sa labas. Para akong binuhusan ng malamig na tubig habang nakadikit ako sa sahig, hawak ang gilid ng sofa na para bang doon lang nakadepende ang buhay ko. Nanginginig ang katawan ko at ang mga mata ko ay mariin lang na nakapikit. At nang magdilat ako ay awtomatikong dumapo kay Sebastian ang tingin ko. Para siyang ibang tao nang mga oras na 'yon. Hindi na lang siya ang lalaking nakasuot ng mamahaling suit at laging seryoso... Kundi isang sundalo. Isang protektor. Isang pader sa pagitan ko at ng mga bala sa labas. “Stay low,” madiin niyang bilin habang nakayuko siya, hawak ang baril at nakatingin sa labas ng kurtina. “They’re testing us.” Nanginginig pa rin ang boses ko nang sagutin ko siya. “Testing? You call that testing? Sebastian, they’re shooting at us!” His jaw tightened, but his eyes never left the window. “If they wanted you dead, Isla, you wouldn’t be breathing right now. They want to scare us. To send us a message.” Napakagat

  • THE TYCOON'S REBEL   Sparks in the Dark (Part 2)

    Nanatili akong nakatulala habang umiikot sa isip ko ang mga sinabi niya. Marriage. Ang bigat ng salitang iyon. Parang bomba na biglang sumabog sa katahimikan ng penthouse.Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano. Dahil sa totoo lang, hindi biro ang salitang kasal.“Sebastian…” halos pabulong kong sambit, “…are you out of your mind?”Mataman niya lang akong tiningnan, diretso sa mga mata at bakas ang kaseryosohan. “This is the only way, Isla. If they see a woman by my side — legally bound to me — they’ll think twice before making a move.”Napailing ako. “So, kasal ang solusyon mo? What am I to you, some kind of… shield? A convenient prop?”“You’re more than that.” Diretso niyang sagot. Kalmado ngunit madiin ang bawat pagbitiw niya ng mga salita. Kita ko rin sa mga mata niya ang determinasyon na parang hindi ko na kayang suwayin pa ang mga sinabi niya.Naramdaman ko ang unti-unting paghigpit ng dibdib ko. Parang wala akong hangin. Paano kung totoo ang mga sinasabi niya? Paano kung kasa

  • THE TYCOON'S REBEL   Sparks in the Dark

    Hindi ko na namalayan kung gaano kabilis akong nadala ni Sebastian palabas ng apartment ko. Halos hatakin niya ako papunta sa kotse niya nang hindi man lang nag-aksaya ng oras para magpaliwanag. Para siyang may hinahabol — o may iniiwasan. Mabilibniya akong naisakay at saka kinabitan ng seatbelt bago umikot papunta sa driver's seat. Kita ko ang pag-igting ng panga niya habang pinaaandar ang kotse na para bang hindi niya na talaga nagugustuhan ang mga nangyayari.Tahimik lang kami sa biyahe. Ang tanging naririnig ko lang ay ang malakas na pintig ng dibdib ko at ang malinis na ugong ng makina ng mamahalin niyang sasakyan. Nakatingin lang ako sa labas, pinagmamasdan ang mga ilaw ng siyudad na parang kumikislap habang nadaraanan namin.Maya-maya pa ay siya na mismo ang bumasag sa nakakabinging katahimikan. “You shouldn’t have stayed there alone. Not after what happened.”Napalingon ako. Kita ko ang matalim na panga niya, ang seryosong anyo ng kaniyang mga mata. Para siyang sundalong sanay

  • THE TYCOON'S REBEL   The Trap Between Lies

    Hindi ko na maalala kung gaano katagal na ba akong nakatulala sa hawak kong flash drive. Para akong nahulog sa isang maze na walang exit — bawat daan may tanong, bawat sulok may banta.Dalawa na. Dalawang ebidensya. Dalawang kuwento. Pero alin ang totoo?Napasapo ako sa noo at mariing napapikit. Kung anuman ang nasa loob ng flash drive na ‘to, sigurado akong hindi magugustuhan ni Sebastian na hawak ko 'to. Pero paano kung ito lang ang paraan para malaman ko kung sino talaga siya? Kung anong klase ng tao ba talaga siya?Napalundag na lamang ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Dali-dali ko naman itong nilapitan at saka tiningnan ang caller ID. Ngunit nagtaka ako nang makitang hindi ito naka-register sa contacts ko. Nagdadalawang-isip pa nga ako kung sasagutin ko ba 'yon o hindi. Hindi ko naman kasi talaga ugaling sumagot lalo na't hindi ko kilala ang caller. Nakatitig lang ako sa screen ng cellphone ko hanggang sa mamatay ang tawag. Ngunit ilang sandali pa lang ay muli na naman i

  • THE TYCOON'S REBEL   The Public Lie

    Kinabukasan, halos mabingi ako sa ingay ng cellphone ko. Notifications. Messengers. Emails.Pero ang pinaka-masakit sa mata? Ang headline:#HaleAffair Takes Over Social Media: The Billionaire and the Mystery WomanMay mga blurred drone shots, may mga kuha na parang mula sa balcony ng penthouse, at lahat pare-pareho ang caption: “Hale’s new love interest?”Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa. Sa totoo lang, hindi ko nga siya gusto — tapos ngayon, buong mundo akala kami na?Bago ko pa maiproseso ang lahat ng mga 'yon ay isang staff ang pumasok sa workroom. “Miss Navarro, the CEO wants you in the boardroom. Now.”Napalunok ako. Ito na ba ‘yon? 'Yong meeting na matatanggal ako?Pagbukas ko ng pinto ng boardroom, puro matatandang lalaki at babae ang nakaupo. Nakaupo sa head chair si Sebastian, parang walang nangyari, nakasuot ng perfect dark suit na para bang galing sa isang magazine cover.“Mr. Hale,” wika ng isa sa shareholders, “care to explain why your name and this… employee’

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status