LOGINHindi ko na maalala kung gaano katagal na ba akong nakatulala sa hawak kong flash drive. Para akong nahulog sa isang maze na walang exit — bawat daan may tanong, bawat sulok may banta.
Dalawa na. Dalawang ebidensya. Dalawang kuwento. Pero alin ang totoo? Napasapo ako sa noo at mariing napapikit. Kung anuman ang nasa loob ng flash drive na ‘to, sigurado akong hindi magugustuhan ni Sebastian na hawak ko 'to. Pero paano kung ito lang ang paraan para malaman ko kung sino talaga siya? Kung anong klase ng tao ba talaga siya? Napalundag na lamang ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Dali-dali ko naman itong nilapitan at saka tiningnan ang caller ID. Ngunit nagtaka ako nang makitang hindi ito naka-register sa contacts ko. Nagdadalawang-isip pa nga ako kung sasagutin ko ba 'yon o hindi. Hindi ko naman kasi talaga ugaling sumagot lalo na't hindi ko kilala ang caller. Nakatitig lang ako sa screen ng cellphone ko hanggang sa mamatay ang tawag. Ngunit ilang sandali pa lang ay muli na naman itong nag-ring. Nang sandaling 'yon ay nagpasya akong sagutin na lang dahil baka emergency. Pinulot ko ang cellphone na nakapatong sa study table ko at saka dahan-dahan 'yong sinagot. “H-hello?” Static lang sa una. Tapos may boses na malamig at mahina. “Stop digging, Miss Navarro. Or you’ll end up like him.” Click. Natigilan ako. Sino ‘yong “him”? At paano nila nalamang nagsisimula na akong maghinala? May alam kaya sila tungkol sa nga files na hawak ko? Hindi ko na napigilan ang panginginig ng kamay ko. Napasandal ako sa dingding na para bang nawawalan na ng hininga. At saka ko lang napansin ang isang liwanag na mula sa labas ng bintana. Isang pulang laser dot na gumagalaw sa kurtina. “Sh*t,” mahina kong mura. Mabilis kong hinila ang kurtina at saka sumilip. Wala akong makita, pero ramdam kong may nakatingin. Bago pa ako tuluyang lamunin ng panic ay muli na naman akong nakarinig ng mga katok sa pino. Malakas. Mabilis. Hindi na kagaya ng kay Ethan kanina — mas mabigat ngayon at mas nagmamadali. Tumambol nang malakas ang dibdib ko hanggang sa magsalita ang taong nasa labas ng apartment ko. “Isla! Open the door.” Parang gusto kong maiyak nang marinig ko ang boses niya. Matalim at puno ng urgency. May kung ano sa utak ko ang bumubulong na hindi ko siya dapat basta-bastang pagkatiwalaan. Pero nang mga sandaling 'yon ay tila may sariling utak ang mga paa ko at nadatnan ko na lang ang sarili kong naglalakad papunta sa pinto. Kinalas ko ang safety chain na nakakabit doon at pagkatapos ay mabilis 'yong binuksan. Bumungad sa akin ang galit niyang mukha. Ngunit sa kabila no'n ay may nakikita akong bahid ng pag-aalala. Nakasuot pa rin siya ng dark suit pero magulo ang buhok na parang nagmamadaling umalis mula sa kung saan man siya galing. “What happened?” tanong niya agad, pumasok na parang siya ang may-ari ng lugar. Hinila niya ang kurtina at sumilip sa labas, hawak ang phone niya na tila may sinusubaybayan. “May tumawag,” mahina kong sagot, nanginginig pa rin. “Sinabi nilang… tumigil na raw ako kung ayokong magaya sa kaniya. Tapos… m-may laser light sa bintana.” Nakita kong nanigas ang panga ni Sebastian. “You should’ve called me the second it happened.” “Excuse me? At bakit ko naman gagawin yon? Boss kita pero hindi ibig sabihin no'n, magiging dependent na 'ko sa 'yo,” buwelta ko, pero halatang nanginginig pa rin ang boses ko. Lumapit siya, sobrang lapit, hanggang halos magtama ang aming hininga. “You don’t understand, Isla. This is not a game. Whoever’s behind this — they’re not bluffing.” At sa mga mata niya, nakita ko ang isang bagay na hindi ko madalas makita — takot. Hindi para sa sarili niya… kundi para sa akin. “Pack your things. You’re staying with me tonight,” utos niya. Natawa ako ng mapait. “Oh, great. Para mas lalo akong pag-usapan ng buong mundo?” “Let them talk,” malamig niyang sagot. “At least you’ll still be alive to hear it.” Natigilan ako. Gusto kong kumontra, pero ang tono niya… walang bahid ng biro. Habang nagmamadali akong nag-impake ng ilang gamit, ramdam ko ang titig niya sa bawat galaw ko. Para bang sinusukat niya kung hanggang saan ko kayang dalhin ang sitwasyong ito. Bago kami lumabas ng apartment, dumaan siya sa mesa kung saan nakapatong ang laptop ko. Napatigil siya nang makita ang bukas na inbox at ang subjectless email. His voice dropped, mabigat. “Where did you get this?” Kinagat ko ang labi ko. “Walang pangalan. Wala ring sender. Basta na lang dumating sa akin kanina…” Napatingin siya sa akin, malamig pero may bakas ng kaba. “And you opened the attachment?” Hindi ko alam kung aamin ba ako. Pero nakita kong alam na niya ang sagot kahit hindi pa naman ako nagsasalita. Dahan-dahan siyang humakbang palapit, hanggang sa halos madama ko ang bigat ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. “Listen to me, Isla. Whatever you saw, whatever you think you know… it’s only half the truth. And half the truth can kill you.” Hindi ko alam kung bakit nanginginig ang tuhod ko. Hindi dahil sa takot lang. Kundi dahil habang tinititigan niya ako, ramdam kong may tinatago siyang mas malaki pa kaysa sa kaya kong imagine-in. At bago ako makapagsalita, kinuha niya ang flash drive mula sa mesa. “This stays with me.” “Sebastian—!” protesta ko, pero huli na. Nasa bulsa na niya iyon. Lumapit siya at saka bumulong... marahan pero mariin. “Do you trust me?” At doon ako natigilan. Dahil hindi ko alam ang sagot.Unti-unting kinakain ng apoy ang buong safehouse habang tumatakbo kami sa madilim na kakahuyan. Ang hangin ay amoy pulbura at sinunog na metal. Ramdam ko ang bawat tibok ng puso ko sa lalamunan habang hinahabol namin ang hininga. Si Marcus ay hawak pa rin ang kaniyang tablet habang si Sebastian ay nakataas ang baril, maingat sa bawat hakbang.“Sebastian, saan tayo pupunta?” hingal kong tanong.“May lumang bunker sa ilalim ng ridge,” mabilis niyang sagot. “Doon tayo makakapag-reconnect sa network nang hindi nila mate-trace.”Habang patuloy kami sa pagtakbo, biglang sumabog ang lupa ilang metro sa unahan namin—isang drone missile ang tumama dahilan para mapasigaw ako.“Go! Go!” sigaw ni Sebastian, hinila ako palayo.Nang makarating kami sa isang lumang gusali na halos gumuho na, mabilis niyang sinipa ang pinto. Amoy kalawang at alikabok ang loob. May mga sirang terminal sa paligid at mga lumang cable na parang ugat ng isang matagal nang patay na makina.“Marcus, activate the jammer,” ut
Tahimik ang naging biyahe namin pabalik. Tanging ang makina lang ng sinasakyan naming van ang maririnig, habang sa labas ay unti-unti nang sumisikat ang liwanag ng umaga. Ramdam ko pa rin ang lagkit ng natuyong pawis sa balat ko, at ang bigat ng bawat paghinga.Pasimple akong bumaling kay Sebastian. Tahimik lamang siyang nakasandal habang nakatanaw sa labas nh bintana. Si Marcus naman ay walang tigil ang pagtingin sa screen ng kanyang tablet, binabasa ang laman ng mga flash drive na nailigtas namin.“Any luck?” tanong ko, halos pabulong.Umiling si Marcus. “Encrypted lahat. Pero may isa akong nabuksan—isang video feed, 'yon nga lang, corrupted. Ang title file…” tumigil siya sandali bago tumingin kay Sebastian, “…‘Project: Seraph – Phase Two Initiation.’”Muling napatingin si Sebastian sa bintana. “Phase Two…” bulong niya. “So hindi pa tapos ang proyekto.”Habang tumatakbo ang van sa madamong kalsada, bigla kong napansin ang kakaibang tunog mula sa radyo—isang mahina at paulit-ulit na
Hindi na ako nagdalawang-isip. Kinuha ko ang isa sa mga red levers sa dingding, niyakap nang mahigpit at hinila nang buong lakas. Napakapit na lamang ako sa dingding nang bigla na lamang akong nakaramdam ng pagyanig ng lupa.“Marcus, charges!” utos ni Sebastian. Nag-ikot si Marcus, mabilis na kinabit ang maliit na explosive charges sa panel na kumokontrol sa life support ng tangke.Habang gumagawa kami, may dalawang sundalong naka-bugle ang sumulpot mula sa lilim—mga mercenary na nagbabantay sa proyekto. Nagkatinginan kami sandali. Pagkatapos ay hindi na ako nag-isip at isa-isang pinaputukan ang mga kalaban.“Go!” sigaw ni Marcus, at pinindot ko ang detonator. Isang malakas na dagundong ang sumunod. Nawala ang isang bahagi ng kisame at lumagablab ang apoy.Habang tumitindi ang apoy, may kumilos sa isa sa mga boltahe. Ang Seraph-01 ay nagising nang bahagya. Mabilis ang kilos ng humanoid sa loob ng tangke. May kumutitap na ilaw sa mga mata nito, at para siyang umihip ng malamig na hangi
Tila ba huminto ang gabi. Sa labas ng bunker, malamig ang hangin at ang amoy ng abo ay nananatili sa bawat paghinga ko. Pero sa loob, si Marcus ay abala pa rin. Mabilis ang galaw ng mga daliri niya sa keyboard habang sinusubukang buksan pa ang mga encrypted file.Ako naman, hindi mapakali. Hawak ko pa rin ‘yung papel na iniwan ni Sebastian kaninang umaga. “Stay inside,” sabi niya. Pero paano kung sa labas siya nangangailangan ng tulong ngayon?“Marcus,” mahinang sabi ko. “Anong ibig sabihin ng Seraph Protocol?”Hindi siya agad sumagot. Nakatuon pa rin siya sa screen. Sa bawat segundo, lumalalim ang kunot ng noo niya.Pagkatapos ng ilang minuto, tumigil siya. “It’s worse than I thought.”Lumapit ako, tiningnan ang monitor. May mga dokumentong naka-display—mga laboratory records, DNA charts, surveillance photos. At sa gitna ng mga file, ang isang larawan ni Sebastian na naka-profile shot, may mga wire na nakakabit sa ulo at braso niya.“What the hell is that?” halos hindi ako makahinga.
Mabigat ang hangin nang magising ako. Masyadong tahimik na tipong anumang oras ay may mangyayari na naman.Paglingon ko sa kabilang gilid ng kama, wala na si Sebastian.“Seb?” mahinang tawag ko, sabay bangon ngunit walang sumagot.May naiwan siyang jacket sa upuan, at sa ibabaw nito ay isang piraso ng papel. Pamilyar ang sulat-kamay kaya sigurado akong sa kaniya galing 'yon.“Went out to check the perimeter. Stay inside. Don’t follow me.”Napakapit ako sa papel. Ilang saglit lang, naramdaman ko na agad ‘yong pamilyar na kaba sa dibdib. Hindi dahil takot ako, kundi dahil alam kong kapag sinabi niyang don’t follow me, may tinatago siyang mas malalim.Lumabas ako ng kuwarto. Si Marcus ay gising na rin, hawak ang tablet niya at mukhang may pinapanood.“Morning,” sabi niya, hindi man lang tumingin.“Nasaan si Sebastian?” tanong ko.“Went out an hour ago. May kailangan daw siyang ayusin sa east wing kung saan nagmula ang apoy.”Tumigil ako. “Marcus… may nakita ka bang kakaiba kagabi bago ta
Mag-a-alas singko na ng umaga nang tuluyang tumigil ang usok sa paligid. Ang hangin, amoy abo at pulbura. Ang lupa, basa ng hamog at dugo. Tahimik ang buong paligid, tanging huni ng mga ibon at hampas ng hangin sa nasirang bintana lang ang maririnig.Nasa veranda kami ni Sebastian, parehong pagod, parehong walang tulog. Si Marcus ay abala sa pag-aayos ng mga baril at mga sirang device. Ako naman, nakasandal sa poste, hawak ang isang tasa ng kape na ibinigay ni Seb.“First time ko yatang uminom ng kape pagkatapos ng barilan,” mahina kong biro, pilit tinatawanan ang tensiyon.Ngumiti siya, bakas ang pagod sa mukha. “First time ko rin yatang makakita ng babae na hindi natakot sa gitna ng pagsabog.”“Hindi naman sa hindi ako natakot,” sagot ko, sabay hinga nang malalim. “Ayoko lang na mawala ka sa focus dahil lang kailangan mo akong alalayan.”Sandali siyang natahimik. Tumingin siya sa paligid, sa mga sinunog na halaman, sa mga bakas ng bala sa dingding. “This was supposed to be our quiet







