Home / Romance / THE TYCOON'S REBEL / Firelines (Part 2)

Share

Firelines (Part 2)

Author: RosenPen
last update Last Updated: 2025-08-28 23:23:17

Parang kumidlat ang tanong ko sa pagitan namin. Tahimik siyang natigilan, ang mga mata niyang dati’y puno ng apoy, biglang nagdilim.

“What if it’s you?” ulit ko, halos pabulong pero matalim, parang tinik na pilit kong iniluluwa.

Nagtagal ang katahimikan. Ramdam kong bumigat ang hangin sa pagitan namin, hanggang sa marahan siyang ngumiti nang mapait.

“So that’s what you think of me?” mababa at malamig ang boses niya.

“Hindi ko sinasabi na ikaw ang kalaban, Sebastian,” sagot ko agad, nanginginig. “Ang sinasabi ko… baka ikaw rin ang apoy na hindi ko kayang hawakan nang matagal. Ang mundo mo, ang paraan mo — lahat ng ito. Maybe it will consume me, too.”

Lumapit siya, dahan-dahan, parang predator na hindi sigurado kung yayakapin ka o lulunukin nang buo. Tumigil siya sa harapan ko, at marahan niyang hinawakan ang pisngi ko. Mainit ang palad niya na para bang humaplos hanggang sa puso ko.

“Kung ako man ang apoy, Isla,” bulong niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko, “then I’d rather
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • THE TYCOON'S REBEL   Shadows at Dawn

    Mataas na ang araw nang magising ako kinabukasan. Hindi ko na nga maalala kung anong oras na akong nakatulog matapos ang banayad na halik at masinsinang pag-uusap namin kagabi. Ramdam ko pa rin ang init ng labi ni Sebastian sa akin, at kasabay ng init na iyon ang bigat ng katotohanan, na mas lalo pang kumakapal ang dilim sa paligid namin.Marahan akong bumangon sa kama at saka nag-inat ng katawan bago tuluyang tumayo. At paglabas ko ng silid, naroon na agad si Clara, nakatayo sa may hallway na parang guwardiya.“Good morning, Miss Isla,” bati niya, pero halata sa boses niya ang tensyon.“Clara… what’s happening?” tanong ko habang naglalakad papunta sa kusina.She hesitated, then whispered, “Mr. Hale left early. May emergency meeting with the board and his legal team. But…” Tumigil siya, bahagyang nag-alala ang mga mata. “…he asked us to tighten security around you. Twice the men, twice the checkpoints.”Namilog ang mata ko. “What? Bakit?”“Someone leaked a story to the press,” sagot n

  • THE TYCOON'S REBEL   Firelines (Part 3)

    Parang nabibingi ako sa katahimikan. Nakaupo ako sa harap ng mesa, hawak-hawak pa rin ang isa sa mga litrato. Nanginginig ang mga daliri ko habang tinititigan ang sariling mukha sa papel. Ang mga mata ko roon ay walang kamalay-malay sa panganib na nagbabanta.Pero ngayon… parang hindi ko na kilala ang babaeng iyon.“Sebastian…” mahina kong bulong. “Kung kaya nila akong sundan, kaya rin nilang gawin ang mas malala.”“I know,” aniya, may bahid ng galit ang boses. “That’s why they have to be stopped.”Umiling ako, halos mawalan ng hininga. “Stopped? You mean… eliminated.”Hindi siya kumurap. “Yes.”Naramdaman ko ang pamamanhid sa dibdib ko. Ganito ba palagi? Brutal? It's like he has only two options. Strike or get destroyed.“Do you even hear yourself?” sigaw ko bigla, napahawak sa mesa. “You sound like… like you’re ready to kill just to keep control!”His jaw tightened, pero hindi siya sumigaw pabalik. Sa halip ay mabagal siyang lumapit sa akin. “I’m ready to do whatever it takes to kee

  • THE TYCOON'S REBEL   Firelines (Part 2)

    Parang kumidlat ang tanong ko sa pagitan namin. Tahimik siyang natigilan, ang mga mata niyang dati’y puno ng apoy, biglang nagdilim.“What if it’s you?” ulit ko, halos pabulong pero matalim, parang tinik na pilit kong iniluluwa.Nagtagal ang katahimikan. Ramdam kong bumigat ang hangin sa pagitan namin, hanggang sa marahan siyang ngumiti nang mapait.“So that’s what you think of me?” mababa at malamig ang boses niya.“Hindi ko sinasabi na ikaw ang kalaban, Sebastian,” sagot ko agad, nanginginig. “Ang sinasabi ko… baka ikaw rin ang apoy na hindi ko kayang hawakan nang matagal. Ang mundo mo, ang paraan mo — lahat ng ito. Maybe it will consume me, too.”Lumapit siya, dahan-dahan, parang predator na hindi sigurado kung yayakapin ka o lulunukin nang buo. Tumigil siya sa harapan ko, at marahan niyang hinawakan ang pisngi ko. Mainit ang palad niya na para bang humaplos hanggang sa puso ko.“Kung ako man ang apoy, Isla,” bulong niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko, “then I’d rather

  • THE TYCOON'S REBEL   Firelines

    PAGKAUWI namin sa penthouse ay hindi ako mapakali. Kaagad akong napaupo sa sofa at saka napatakip ng mukha gamit ang namamawis ko nang mga kamay. Para akong nakakulong sa sarili kong isip at paulit-ulit na naririnig ang mga salitang binitawan ni Ethan kanina.“Are you ready to burn with him when the fire spreads?”Parang echo na hindi mawala-wala sa tenga ko. Kahit nakaupo lang ako sa sofa, ramdam ko ang bigat ng bawat salita.“Isla.”Napapitlag ako nang biglang magsalita si Sebastian mula sa kabilang dulo ng sala. Nakahawak siya sa isang basong may dark liquor, at kahit walang bakas ng pagod sa postura niya, halata sa mga mata ang pag-aalab ng emosyon.“You’re too quiet,” dagdag niya, malamig ang tono pero may halong pag-aalala.“I'm thinking,” mahina kong sagot.“And what are you thinking about?” aniya habang marahang humahakbang palapit sa kinaroroonan ko.“Kung worth it ba lahat ng 'to.”Umigting ang panga niya. “Don’t.”“Don’t what?” Kumawala ang boses ko, mas malakas kaysa sa i

  • THE TYCOON'S REBEL   Lines We Can't Cross (Part 5)

    Kinabukasan, paglabas ko ng kwarto, nadatnan ko siyang nakaupo sa sala, nakasuot ng itim na suit, hawak ang isang tasa ng kape. Parang walang pinagbago, pero halata sa ilalim ng composed na ekspresyon niya ang tensyon. “You didn’t sleep,” mahina kong sabi. He glanced at me, parang hindi siya nagulat. “Neither did you.” Umupo ako sa tapat niya, pinisil ang tasa ng kape na iniabot ng staff. Ilang minuto kaming tahimik. Hanggang sa siya na ang bumasag ng katahimikan. “Ethan asked for a meeting,” aniya, malamig ang tono. My head snapped up. “What? Why?” “Because he wants to test me. Us.” He leaned forward, elbows on his knees. “And I’m going to let him.” Namilog ang mga mata ko. “Sebastian, that’s crazy! He’s dangerous, he’s unpredictable—” “So am I.” Napatigil ako, pero hindi ko napigilan. “And what happens if he tries something? What happens if he uses me against you?” That’s when he said it — the words that froze me to my core. “Then you’ll finally see why I need y

  • THE TYCOON'S REBEL   Lines We Can't Cross (Part 4)

    Parang kusang huminto ang oras sa pagitan naming dalawa. Ramdam ko ang init ng kamay niyang nakahawak sa akin, pero hindi ko maiwasang manlamig sa bigat ng desisyon na dapat kong harapin.“I just want to remind you that it’s not about ownership, Isla. Hindi kita binibili, hindi kita kinukulong. I’m offering myself, too. I don’t share power, you know that. But with you—” tumigil siya sandali, parang nilulunok ang pride niya, “—I’m more than willing to give it.”“Hindi ko alam kung totoo ‘yan o magandang linya lang na gusto mong paniwalaan ko,” sagot ko, pilit na nagtatapang-tapangan. “You don’t exactly have a reputation for compromise.”He smirked. “Then let me prove it. One step at a time.”Huminga ako nang malalim, sinubukang timbangin ang puso at isip ko. Pero bago pa man ako makasagot ay bigla na lang tumunog ang cellphone niya. Mabilis niya naman 'yong kinuha mula sa bulsa ng sweat pants na suot niya. Nakita ko ang pag-igting ng panga niya kaya alam kong hindi maganda ang balita n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status