Share

CHAPTER 254

Author: dyowanabi
last update publish date: 2026-08-29 21:12:02

Habang naglalakad sila papunta sa restaurant na nasa loob din ng mall, biglang may tumawag sa kanya.

“Miss Nikita!”

Agad siyang napalingon. Kasabay niya ring lumingon sina Tita Vivian at Daddy Wesley. Nanlamig ang kanyang mga daliri nang makita kung sino ang tumatawag… Ang manager ng infant section.

Napatingin siya rito nang may bahid ng kaba. Hindi niya inaasahan na tatawagin siya nito, lalo na’t kasama niya sina Tita Vivian at ang kanyang daddy.

“Mabuti bumalik ka?” masayang bungad ng manager
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 256

    “There you are.”Napatingin ito sa kanilang dalawa.“Andun na ang order natin. Bumalik na kayo sa table.”Napatango agad siya. “O-okay, Dad.”“Mag-CR lang din ako sandali,” dagdag nito.At bago pa sila makapagtanong, dumiretso na si Wesley sa restroom. Naiwan silang dalawa sa labas, parehong natulala. Parang sabay na nanigas ang kanilang mga katawan sa kinatatayuan.Ilang segundo silang walang imik hanggang sa marahan siyang napalingon kay Kieran.“Do you think Dad saw us?” pabulong niyang tanong.Napalunok si Kieran. “I-I think no.”“Sure ka?”“Kung nakita niya tayo, eh di sana sinabi niya.”Napaisip siya... may punto ito, kung talagang nakita ng kanyang daddy ang paghalik niya kay Kieran, malamang ay hindi ito basta-basta magpapanggap na walang nangyari. Sigurado siyang magagalit ito, o kaya naman ay pagagalitan agad silang dalawa... Pero wala... walang tanong, walang sigaw at walang kahit anong reaksyon.Napabuntong-hininga siya. “Siguro nga hindi niya nakita.”“See?” nakangiting s

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 255

    “Mag-order na kayo, mga anak,” sambit ni Tita Vivian habang iniabot sa kanila ang menu book.“Please order for me, Niks. Kung ano ang order mo, iyon na rin ang order ko,” sabi ni Kieran.Sandali siyang napatingin dito. Parang wala man lang itong pakialam na nasa harapan nila ang kanilang mga magulang. Gayunpaman, dahil napagdesisyunan na niyang makiayon sa gusto nitong magpanggap na normal ang lahat, wala na siyang sinabi pa.“Okay,” maikli niyang sagot.Tinawag niya ang staff at sinabi ang kanilang order. Nang makaalis na ang staff, muli siyang napasulyap kay Kieran. Tila masaya naman ang kanilang mga magulang habang pinagmamasdan silang dalawa. Para bang natutuwa ang mga ito na nakikita silang nagkakasundo at komportable sa isa’t isa.Napasimangot siya sa kanyang loob. Paniwalang-paniwala ang mga ito na magkapatid na lang talaga ang turing nilang dalawa sa isa’t isa.... Kung alam lang nila ang totoo.Mabilis niyang inalis ang tingin kay Kieran at nagkunwaring abala sa pakikinig sa k

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 254

    Habang naglalakad sila papunta sa restaurant na nasa loob din ng mall, biglang may tumawag sa kanya.“Miss Nikita!”Agad siyang napalingon. Kasabay niya ring lumingon sina Tita Vivian at Daddy Wesley. Nanlamig ang kanyang mga daliri nang makita kung sino ang tumatawag… Ang manager ng infant section.Napatingin siya rito nang may bahid ng kaba. Hindi niya inaasahan na tatawagin siya nito, lalo na’t kasama niya sina Tita Vivian at ang kanyang daddy.“Mabuti bumalik ka?” masayang bungad ng manager nang makalapit sa kanila. “Pasensya ka na ulit tungkol kahapon, ha. Mamimili ka na ba ngayon para sa---”“No, Manager!” Mabilis niyang pinutol ang sasabihin nito.Bahagyang napakunot ang noo ng manager, habang kapwa naman napatingin sa kanya sina Tita Vivian at Daddy Wesley.“Ano ang bibilhin mo diyan sa infant section?” nagtatakang tanong ng kanyang daddy.Sandali siyang natigilan. “Ah… wala, Dad,” mabilis niyang sagot, pilit na ngumiti. “Nagtingin-tingin lang ako roon kahapon kaya natandaan a

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 253

    Napailing siya sa sarili niyang iniisip at mabilis na ibinaling ang tingin sa mga damit na nakasampay sa kanilang harapan.Well… iyon ay kung matatanggap ng kanilang pamilya ang relasyon nila ni Kieran. At kung darating man ang araw na handa na silang sabihin sa lahat ang totoo.Sa ngayon, wala muna siyang magagawa kundi samahan si Tita Vivian, hawakan ang kamay nito, at hayaan itong tuparin ang munting pangarap na matagal na nitong hinihiling… ang magkaroon ng isang babaeng makakasama sa lahat ng bagay na hindi nito kailanman naranasang gawin kasama ang sariling anak.“All done, girls?”Napalingon sila ni Tita Vivian nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Dumating sina Kieran at ang daddy niya, kapwa nakangiti habang papalapit sa kanila. Si Wesley ay diretso ang tingin sa mga paper bag na halos nakapalibot na kay Tita Vivian, habang si Kieran naman ay saglit lang na tumingin sa mga pinamili bago ang mga mata nito ay kusang napunta sa kanya. At tulad ng dati, hindi niya maiwasang

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 252

    Sa loob ng kotse, si Kieran ang nasa manibela. Ang daddy niya naman ang nakaupo sa passenger seat, habang sila ni Tita Vivian ay nasa likuran.Sa una ay tahimik lamang ang biyahe. Hindi naman sa walang gustong magsalita, sadyang may dalawang taong pilit na nagpapanggap na walang anumang namamagitan sa kanila.Si Tita Vivian at ang daddy niya lang ang halos walang tigil sa pagkukuwentuhan. Paminsan-minsan ay nagtatawanan pa ang dalawa habang siya naman ay tahimik na nakatingin sa labas ng bintana.At si Kieran? Tahimik din, pero alam niyang hindi ito nangangahulugang wala itong ginagawa.Paminsan-minsan ay nahuhuli niya itong palihim na nakatingin sa kanya gamit ang rearview mirror. Sa tuwing magkakasalubong ang kanilang mga mata roon, mabilis niya itong tinititigan nang masama.Tumigil ka nga. Para bang narinig naman nito ang tahimik niyang reklamo dahil bahagyang gumalaw ang mga labi ni Kieran sa isang mapanuksong ngiti.Lalo lang siyang nainis. Kaya naman agad niyang ibinaling ang t

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 251

    “Shut up, Kieran!” inis ngunit mahina niyang sambit bago mabilis na naglakad papunta sa hagdan.Pero hindi pa man siya nakakalayo ay agad siyang nahawakan ni Kieran sa kamay. Sa isang iglap, muli na naman siyang napasandal sa matibay nitong dibdib.“Kieran, please,” mahinang sabi niya habang pilit na kumakawala sa mga bisig nito. “Hindi ka ba natatakot na mahuli nila tayo?”Ngumisi si Kieran, tila walang anumang pag-aalala sa maaaring mangyari kapag nakita sila ng kanilang mga magulang.“Hindi na ako natatakot, wifey.”Nanlaki ang mga mata niya. “Kieran!”“Bahala na sila kung ano ang magiging desisyon nila,” pagpapatuloy nito habang mas hinigpitan nang bahagya ang hawak sa kanyang kamay. “Kung magalit sila, kung isumpa nila tayo, o kahit wala na akong mamanahin...” Bahagya itong yumuko upang magtama ang kanilang mga mata. “Basta ikaw ang pipiliin ko.”Napatigil siya. Para bang biglang nawala ang lahat ng nais niyang sabihin. “Kieran...”Pero bago pa siya tuluyang makapagsalita ay bigl

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 3

    FLASHBACK FIVE YEARS AGO (Fourth Year High School):“Kiss! Kiss! Kiss!”Parang binuhusan ng malamig na tubig si Nikita Valencia nang kunin ang kanyang piring sa mata. Nasa loob siya ng kissing booth, at ang kanyang kaharap ay walang iba kundi si Kieran Del Toro!Si Kieran ay ang kanyang long-time c

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 2

    Bakit naman kasi napaglaruan siya ng tadhana? Ang nag-iisang lalaking crush niya simula ng high school ay anak pa ng girlfriend ng kanyang ama!... and worst, magiging step-brother niya!Matagal na siyang inaawitan ng kanyang daddy na umuwi para siya naman ang tumulong sa negosyo, pero ayaw niya. Fl

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 1

    NIKITA MAGDRIGAL POV: "Keiran..." Halos pabulong na anas niya habang ang hininga ay naghahabol sa bawat dampi ng labi ng lalaki. "Yes, wifey? Masarap ba, hmmm?" malat na tanong ni Keiran. Ang boses nito ay parang humahaplos sa kanyang pandinig, mapanukso at puno ng pag-uudyok. "Baka... baka may

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 5

    Napatingin siya sa lalaki. Hindi niya alam na marami palang nakakakilala sa kanya... lalo na si Kieran, tinawag siya nito sa kanyang pangalan kanina.Pagdating nila sa wedding booth ay ganoon na lang ang kanyang pagkagulat nang doon din si Kieran at tila may hinihintay.“Bro, here’s your bride.”“H

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status