Share

CHAPTER 330

Author: dyowanabi
last update publish date: 2026-10-11 22:10:07

Ilang sandali silang nagtitigan. Sa huli ay marahang hinawakan ni Kieran ang kamay niya, pero hindi agad gumanti ng hawak si Nikita.

Hindi niya gustong palakihin ang usapan. Ayaw rin niyang maging dahilan para lalo pang mabalisa si Elara, na malinaw namang hindi pa nakakabawi sa takot na pinagdaanan nito.

Pero hindi rin niya kayang magkunwaring ayos lang ang lahat. Minsan, hindi naman talaga ang mismong desisyon ang pinagmumulan ng tampuhan. Kundi ang pakiramdam na hindi man lang siya isinama s
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Lenlen Esquillo Monterozo
haiiiisssssttttt
goodnovel comment avatar
Arlyn Opada Rapatan
just give an ending na of this story, pasama ng pasama na ng takbo, haisst!
goodnovel comment avatar
Jannett Padernilla
thank you sa update......
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF   CHAPTER 409

    Samantala…Kasalukuyang nasa isang ospital sa Singapore si Philip.Hindi niya lubos maisip na sa halip na makasama ang mga kaibigan sa paghahanda para sa kasal nina Nikita at Kieran, mauuwi siya sa ospital at mag-aalala sa kalagayan ng isang taong hindi niya kayang pabayaan.Nasa emergency room si Sarah.Ilang oras na ang lumipas mula nang isugod ito roon, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya mapakali sa paghihintay ng balita mula sa doktor.Paulit-ulit siyang napapatingin sa pintuan ng emergency room, umaasang lalabas na ang doktor para sabihin sa kanyang maayos na ang lagay ni Sarah.Hindi niya maaaring iwan ang babae sa ganitong sitwasyon. Hindi niya kayang basta na lang umalis at magkunwaring walang nangyayari, lalo na't alam niyang wala itong ibang malalapitan sa oras na ito.Kaya naman kahit ilang beses nang nagtanong ang mga kaibigan kung bakit hindi siya nakadadalo sa kanilang mga pagkikita, wala siyang nagawa kundi magbigay ng simpleng dahilan.Hindi niya maaaring sabihi

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF   CHAPTER 408

    Pagkaraan ng ilang araw, naging abala na silang lahat sa paghahanda para sa nalalapit na kasal nina Nikita at Kieran. Ilang detalye na lang ang kailangang ayusin bago tuluyang maging handa ang lahat para sa pinakahihintay na araw ng dalawa.May kinuha namang events organizer si Nikita para mangasiwa sa kabuuang preparasyon ng kasal. Gayunpaman, dahil gusto niyang matiyak na magiging maayos at naaayon sa gusto nila ni Kieran ang bawat detalye, personal pa rin niyang sinusubaybayan ang mga paghahanda. Mula sa dekorasyon hanggang sa pagpili ng mga pagkain na ihahain sa kanilang mga bisita, nais niyang makasiguro na walang makaliligtaan.Kaya naman, kahit may events organizer na silang tumutulong, madalas pa rin siyang kasama ng mga kaibigan sa bawat kailangang asikasuhin.Kasalukuyan silang nasa isang kilalang hotel kung saan gaganapin ang wedding reception. Naroon silang magkakaibigan para samahan sina Nikita at Kieran sa food tasting. Gusto nilang matiyak na masarap at de-kalidad ang m

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF   CHAPTER 407

    Kung ibang pagkakataon siguro, matutuwa si Ces na makitang kinakausap at kinukumusta ni Philip si Sarah. Pero sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, may kakaibang bigat sa dibdib niya habang pinagmamasdan ang dalawa.Hindi ba dapat ay maging awkward ang sitwasyon? At bakit parang mas binibigyan pa ni Philip ng atensiyon si Sarah kaysa sa kaniya?Bigla siyang nakaramdam ng selos. Hindi ba dapat siya ang hinahanap-hanap nito? Hindi ba dapat siya ang kinukumusta nito nang ganoon? Pero bakit tila mas interesado ito sa kalagayan ni Sarah?Napayuko siya at pilit na itinago ang nararamdamang pagkainis. Wala naman siyang karapatang magselos. Hindi naman sila ni Philip. At kung tutuusin, siya mismo ang naglagay ng distansiya sa pagitan nila."Sige, tutulong ako," muling sabi ni Philip. "Bukas, babalik ako rito. Ipagda-drive ko kayo, girls, para makapamili kayo ng mga kailangan sa wedding preparations.""Wow! Thanks, Philip! Ang bait mo talaga!" masayang sambit ni Nikita.Pagkatapos ay makahulu

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF   CHAPTER 406

    Pagdating nila sa Manila, dumiretso silang apat sa bahay ni Nikita. Nagpaalam na ang mga boys at nagsiuwian na sa kani-kanilang mga bahay. Samantala, nag-alok si Nikita na sa mansion na muna sila manatili ni Sarah kahit mayroon naman siyang sariling condo sa Manila.Wala naman silang pagtutol ang dalawa, lalo pa't gusto rin ni Nikita na makasama pa sila nang mas matagal.Kasalukuyan silang nakaupo sa mahabang sofa sa sala habang nagpapahinga mula sa mahabang biyahe. May ilang katulong na nag-aasikaso ng kanilang mga gamit at naghahanda ng maiinom para sa kanila."Sige na, sissy. Dito muna kayo ni Sarah. I'm gonna miss you kasi. Ilang araw din tayong magkasama sa resort mo. Maninibago ako kapag bigla tayong magkakahiwalay," mapilit na sabi ni Nikita kay Ces."Anu ba 'yan?" kunwari'y reklamo ni Ces habang nakangiti. "Parang ayaw mo na kaming pauwiin.""Sige na. It's my way of thanking you kasi tinulungan mo ako noong panahong nilayasan ko itong si Kieran." Nakangiting biro ni Nikita sab

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF   CHAPTER 405

    Samantala…Habang abala sa pag-aayos ng kanilang mga gamit, hindi pa rin maunawaan ni Ces kung bakit bigla na lang nagdesisyon si Sarah na sumama pabalik ng Manila. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o mas dapat siyang mag-alala.Aminado siyang gusto na rin niyang bumalik sa Manila, lalo na dahil kay Philip. Ngunit kasabay ng kagustuhang iyon ay ang pangamba niya para kay Sarah.Hindi niya maiwasang isipin kung bakit bigla itong nagbago ng isip. Kanina lang ay gusto nitong magpaiwan sa resort upang makapagpahinga, pero ngayon ay tila nagmamadali na itong bumalik sa Manila.Dahan-dahan siyang napalingon sa direksiyon ng kama… Nakapagbalot na si Sarah ng kumot hanggang balikat at mukhang mahimbing na ang tulog. Bahagya siyang napangiti.Mabuti naman kung ganoon. Sarah needed to rest. Masyado na yata nitong ibinubuhos ang sarili sa trabaho nitong mga nakaraang araw at tuluyan nang napapabayaan ang sariling kalusugan. Ilang beses na rin niya itong pinagsabihang huwag masyadong magpakap

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF   CHAPTER 404

    Samantala…Hindi mapakali si Sarah. Nangangamba siyang baka tuluyan nang maghinala si Ces sa kanya. Napapansin na kasi nito ang mga pagbabago sa kanyang katawan. Hindi man ito direktang nagtatanong, alam niyang may mga bagay na hindi nakalalampas sa mapanuring mga mata ng nobya.Bakit kasi gusto pa nitong magpaiwan sa resort? Kung siya lang ang masusunod, wala naman sanang problema. Kaya niyang alagaan ang sarili niya. Hindi niya kailangan ng taong magbabantay sa kanya. Ang higit niyang inaalala ay baka mag-alala si Ces kapag nalaman nitong may problema siya. Ayaw niyang makitang malungkot ito o mag-alala dahil sa kanya.Hindi maaari. Kailangan na niyang umalis bago pa man tuluyang matuklasan ni Ces ang katotohanan. Pero saan siya pupunta? Paano kung bumalik na lang siya sa Singapore? Doon, malayo siya sa mga taong posibleng makapansin sa kanyang kalagayan.Ngunit hindi rin maaari. Malapit nang ikasal sina Nikita at Kieran. Hindi puwedeng wala siya sa mahalagang araw na iyon. Sigurado

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF   CHAPTER 4

    Napadilat siya nang marinig ang bulong ni Kieran. Napahiya siya dahil nakaawang pa ang kanyang mga labi, as if she wanted more. Hindi niya napansin na tapos na pala siyang halikan nito.“Get off me!" Tinulak niya ito palayo, pero parang walang nangyari, ni hindi ito gumalaw sa kinatatayuan.“Bakit

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF   CHAPTER 3

    FLASHBACK FIVE YEARS AGO (Fourth Year High School):“Kiss! Kiss! Kiss!”Parang binuhusan ng malamig na tubig si Nikita Valencia nang kunin ang kanyang piring sa mata. Nasa loob siya ng kissing booth, at ang kanyang kaharap ay walang iba kundi si Kieran Del Toro!Si Kieran ay ang kanyang long-time c

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF   CHAPTER 2

    Bakit naman kasi napaglaruan siya ng tadhana? Ang nag-iisang lalaking crush niya simula ng high school ay anak pa ng girlfriend ng kanyang ama!... and worst, magiging step-brother niya!Matagal na siyang inaawitan ng kanyang daddy na umuwi para siya naman ang tumulong sa negosyo, pero ayaw niya. Fl

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF   CHAPTER 1

    NIKITA MAGDRIGAL POV: "Keiran..." Halos pabulong na anas niya habang ang hininga ay naghahabol sa bawat dampi ng labi ng lalaki. "Yes, wifey? Masarap ba, hmmm?" malat na tanong ni Keiran. Ang boses nito ay parang humahaplos sa kanyang pandinig, mapanukso at puno ng pag-uudyok. "Baka... baka may

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status