LOGINWESLEY'S POV:Nakatitig lamang siya kina Kieran at Nikita. Parang may mabigat na kamay na unti-unting pumipisil sa kanyang dibdib habang pinagmamasdan ang dalawa sa kabilang bahagi ng hallway.Halos nakahandusay na sa sahig si Kieran sa sobrang panghihina, namumutla ang mukha nito, namamaga ang mga mata dahil sa pag-iyak.Ang lalaking kilala niyang matapang, palaban, at halos hindi nagpapakita ng emosyon sa harap ng ibang tao ay ngayon ay mistulang batang nawawala at hindi alam kung paano haharapin ang takot.Mahigpit naman itong niyayakap ni Nikita, paulit-ulit na hinihimas ang likod nito, pinapakalma at pinapalakas ang loob.Napapikit siya. Kung wala siyang alam sa buong katotohanan isipin niyang isa lamang itong normal na eksena, isang magkapatid na nagdadamayan sa gitna ng trahedya. Ngunit alam niya... alam niya ang lahat., at iyon ang dahilan kung bakit mas lalo siyang nasasaktan.Kanina habang kausap niya ang mga pulis, napansin niya agad ang pagdating ng dalawa... magkahawak an
Pagdating nila sa ospital ay nadatnan nilang kausap ni Tito Wesley ang ilang pulis. Agad niyang napansin ang hitsura nito... namumugto ang mga mata na tila kanina pa umiiyak. Gusot ang buhok nito at lukot ang suot na damit na para bang hindi na nito naisip pang ayusin ang sarili matapos ang nangyari.Mukha rin itong walang tulog. Hindi ito ang karaniwang Wesley na nakikita niya, ang lalaking laging kalmado, maayos, at may kontrol sa lahat ng sitwasyon. Ngayon ay para itong taong unti-unting dinudurog ng takot.Agad itong napalingon nang makita silang paparating."Dad!"Mabilis na tumakbo si Nikita at niyakap ang ama ng mahigpit. Samantalang siya ay halos hindi na nakapag-isip. Dere-diretso siyang lumapit."Kamusta si Mommy, Tito?" Mabilis niyang tanong. "Kamusta siya?"Ngunit hindi agad sumagot si Wesley. Sa halip ay tila natigilan ito, nakatitig lamang ito sa kanya at nagpalipat-lipat ng tingin sa kanila ni NikitaMay kung anong sakit sa mga mata nito na lalong nagpalakas sa kaba sa
KIERAN POV"Are you ready, wifey?"May ngiti sa labi niyang tanong habang hinihintay si Nikita na matapos mag-ayos sa harap ng vanity mirror.Buong magdamag silang magkasama sa hotel suite na iyon. Isang gabing hindi niya kailanman malilimutan habang siya'y nabubuhay.Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang nangyari ang lahat. Hindi niya alam kung epekto pa ba iyon ng drugs o sarili na talaga nilang damdamin ang umiral nang mga sandaling iyon. Ngunit isang bagay ang sigurado siya na hindi niya pinagsisisihan ang kahit ano.Sa unang pagkakataon, pakiramdam niya ay kumpleto siya… Sobrang saya.Tumayo si Nikita mula sa harap ng salamin at dahan-dahang lumapit sa kanya. Hindi niya mapigilang mapangiti nang makita ang bahagyang pagngiwi nito habang naglalakad. Alam niya agad ang ibig sabihin noon... masakit pa rin ang katawan nito.Bahagya siyang natawa sa sarili. Hindi naman siya masisisi ni Nikita. Kung tutuusin, wala talga siyang planong angkinin ang dalaga hanggat hindi niy
WESLEY'S POV:Pagod na pagod si Wesley nang tuluyan siyang makapasok sa loob ng mansion.Kadarating niya lang mula sa opisina kung saan siya nagpalipas ng gabi. Pero kahit magdamag siyang naroon, ni isang saglit na mahimbing na tulog ay hindi niya naranasan. Magdamag siyang nakatitig sa kisame ng kaniyang opisina, nilalamon ng samu't saring isipin.Parang hindi na siya sanay na hindi katabi si Vivian. Sa loob ng maraming taon, kahit gaano pa sila mag-away o magkaroon ng hindi pagkakaunawaan, alam niyang sa huli ay uuwi pa rin silang dalawa sa iisang kama... Ngunit kagabi ay iba.Humugot siya ng malalim na buntong-hininga habang tinatanggal ang kaniyang amerikana. Paano niya sasabihin kay Vivian ang tungkol kina Nikita at Kieran? Paano nila maitutuloy ang plano nilang kasal kung ang mga anak nila mismo ang may lihim na relasyon?Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matanggap. Gusto niyang magalit, gusto niyang magwala, gusto niyang pigilan ang lahat bago pa tuluyang maging komplikado.
Nagising si Vivian kinaumagahan na mabigat ang pakiramdam. Halos hindi siya nakatulog buong gabi. Malalim ang mga mata niya at halatang pagod nang tumingin siya sa salamin.Paulit-ulit pa ring sumasagi sa isip niya ang nangyari kagabi… Ang pagbabanta ni Ralph Santiago.Kilala niya ang lalaki. Hindi ito basta-basta sumusuko kapag may gusto. Mapanlinlang, tuso, at sanay na nakukuha ang lahat ng nais nito. Kaya kahit pilit niyang kinukumbinsi ang sarili na pananakot lamang iyon, hindi pa rin maalis ang kaba sa kanyang dibdib."Sana naman hindi niya totohanin ang mga sinabi niya..." bulong niya sa sarili.Napatingin siya sa kabilang bahagi ng kama.. walang tao. Muli siyang sinundot ng lungkot. Hindi nga talaga umuwi si Wesley.Alam naman niyang may posibilidad na hindi ito makakabalik kagabi, ngunit may isang bahagi pa rin ng puso niya na umaasang bubukas ang pinto ng kanilang silid at yayakapin siya nito bago matulog.Pero wala, mag-isa siyang natulog, mag-isa siyang nagising.Napabunton
VIVIAN POV:Kasalukuyan siyang nasa kwartong ilang buwan na niyang pinapangarap na maging tahanan nila ni Wesley bilang mag-asawa. Nakatitig siya sa relong nakasabit sa dingding. alas-nuwebe na ng gabi.Napabuntong-hininga siya habang mariing niyayakap ang unan. Dati-rati, bago pa man sumapit ang ganitong oras ay naririnig na niya ang tunog ng sasakyan ni Wesley sa driveway. Para bang palaging excited itong makita siya. Kahit gaano pa ka-busy sa kompanya, nagagawa pa rin nitong umuwi nang maaga para sabay silang maghapunan.Pero ngayon… pakiramdam niya ay unti-unti siyang iniiwasan nito.Hindi niya alam kung bakit. Kung kailan nalalapit na ang kasal nila, saka naman tila nanlamig ang lalaki. Noong nasa Cebu sila para asikasuhin ang expansion project ng Tala Airways, masaya naman silang dalawa. ... Pero pagbalik nila sa Manila, parang may nagbago.“May iba na kaya siya?” mahina niyang tanong sa sarili.Napakunot ang kaniyang noo. Isa iyon sa mga bagay na pinakaayaw niya sa lahat... ang







