Naiiling na umupo si Klarise sa buhangin, habang pinagmamasdan ang dagat.“Hindi. Hindi pwede. Hindi ako mai-in love sa aroganteng ‘yon,” bulong niya sa sarili. “Over my dead body.”Pero habang pinapanood niya si Louie na masayang tumatakbo sa dalampasigan,hindi niya maiwasang mapangiti nang bahagya.Napasalampak si Klarise sa buhangin, nakatingin sa mga alon na marahang humahalik sa baybayin.Paano nangyari ‘to? Isang buwan na digmaan? Akala niya kaya niya.Pero bakit parang nagiging komplikado ang lahat?Biglang lumapit si Louie, may dala pang dalawang coconut shake na may payong sa ibabaw.Umupo siya sa tabi ni Klarise, walang paalam.“Ano na naman?!” singhal ni Klarise. “Pwede bang magka-peace and quiet kahit sandali?”Ngumiti si Louie, inabot ang isang shake. “Relax, Klarise. Honeymoon natin ‘to, diba? Baka sabihin nila broken-hearted agad si Mrs. Ray.”Napasinghap si Klarise. “Ulol! Hindi kita asawa!”Natawa si Louie. “Legally, oo. Kaya tanggapin mo na. Ikaw si Mrs. Louie Ray,
“Masanay ka na. Isang buwan tayong ganito,” sabay kindat ni Louie.Napatampal si Klarise sa noo. “Ano bang nagawa ko sa buhay para pagdaanan ‘to?”Lumapit ang waiter, binuksan ang upuan para kay Klarise.“Ma’am, please.”Napanganga si Klarise. “Wow. Ang ganda ng treatment. Parang VIP.”Napangisi si Louie. “Wifey, VIP tayo dito. We’re on our honeymoon, remember?”Napairap si Klarise. “Ewan ko sa’yo. Kung hindi lang talaga tayo napilitan, wala ako dito.”Naupo si Klarise, at sumunod na umupo si Louie sa harap niya.Inilapag ng waiter ang menu, at nagsimulang magpaliwanag.“Tonight, we have a five-course meal prepared especially for the lovely couple.”Namilog ang mga mata ni Klarise. “Five-course? Akala ko mag-aagawan tayo ng tuyo at itlog dito.”Natawa si Louie. “Anong tingin mo sa lugar na ‘to, karinderya?”Sinamaan ng tingin ni Klarise si Louie. “Hmph. Sana nga doon na lang tayo kumain.”Ngumiti si Louie. “Ang high-class mo pala pero pang-karinderya ang trip mo?”Naiirita na si Klari
Biglang bumalik sa katinuan si Klarise at mabilis na itinulak ang kamay ni Louie. “Hoy! Ano ka ba! Kaya ko ‘to mag-isa!” Natauhan si Louie at agad na umupo muli, pilit tinatago ang pamumula ng mukha. “Ewan ko sa’yo. Ang tanga mo kasi kumain.”“Wala kang pakialam!” “Fine!” Napasimangot ang dalawa, parehong iniiwas ang tingin sa isa’t isa, pero sa loob-loob nila, hindi nila maintindihan ang kabog ng kanilang mga dibdib.Samantala, sa kabilang bahagi ng resort, pinapanood ng espiya ang bawat galaw nila. Nag-dial siya sa cellphone. “Sir, mukhang may progress na… pero ayaw pa nilang aminin sa isa’t isa.”Sa kabilang linya, si Philip Ray ang sumagot. “Good. Just keep observing them. Huwag kang bibitaw. This marriage has to work.”At habang nakatingin ang espiya sa dalawa, hindi niya napigilang mapangiti. Sino’ng mag-aakalang ang dalawang ito na mortal na magkaaway, ay unti-unting mahuhulog sa bitag ng tadhana?Sa gabing iyon, habang kumikislap ang mga bituin sa kalangitan ng Coron, a
Kinabukasan, maagang kumatok ang resort staff sa pinto ng kwarto nila Klarise at Louie.“Good morning, Sir and Ma’am! Ready na po ang breakfast ninyo.At may naka-schedule po kayong island hopping mamaya. Included po ‘yan sa honeymoon package ninyo.”Napabalikwas si Louie mula sa pagkakahiga sa sofa.“Island hopping? Anong island hopping?”Nagising si Klarise sa ingay, magulo ang buhok at may linya ng unan sa pisngi.“Ano bang sinisigaw mo riyan, Louie?”Nilingon ni Louie si Klarise, tumaas ang kilay at tinaas ang papel na iniabot ng staff.“Honeymoon itinerary daw natin. May island hopping today. Ayos ‘di ba?Wala kang choice kundi sumama dahil may naka-assign na photographer na magpi-picture sa atin!”Napabangon si Klarise, hawak ang kumot na nakabalot sa katawan niya.“What?! Island hopping? Louie, wala akong balak makipag-date sa’yo!”Napailing si Louie. “Pwes, wala akong magagawa, ‘Mrs. Ray.’ Kung gusto mong hindi mabuking ng mga magulang natin na pinaplano nating maghiwalay afte
Umupo si Louie sa tabi niya,napatingin sa malawak na dagat na kumikislap sa sikat ng araw.“Sino bang nagsabing tapos na? Baka gusto mo pang makipag-karera?”Napatawa si Klarise,pero agad niya itong sineryoso.“Ang kulit mo! Anong akala mo sa akin, bata?”“Bakit? Hindi ka ba nag-enjoy?”Nakangiti si Louie, pero sa likod ng ngiti niya, may lungkot na hindi niya maipaliwanag.Klarise looked away, hiding the blush creeping on her cheeks.“Sino bang nagsabi? Wala naman akong sinabing nag-enjoy ako.”Pero sa totoo lang, kahit ayaw niyang aminin, kahit papaano… natuwa siya.“Sige na, aminin mo na,”pang-aasar ni Louie.“Sobrang saya mong tumakbo na parang batang nakawala sa kural.”“Huy! Ano ako, baka?”Napatawa si Klarise at tinampal siya sa braso.“Ang kapal mo rin eh, noh!”Tumawa si Louie,isang tawang totoo at walang halong sarkasmo.“Ikaw kasi, puro simangot ang alam. Baka naman pwede kang ngumiti paminsan-minsan?”“As if naman gusto kong ngumiti sa’yo,”sarkastikong sagot ni Klaris
Huminga nang malalim si Klarise,halos sumabog sa galit.“Good! Dahil kahit kailan, hindi ako magiging asawa mo! Kasal lang ‘to sa papel!”Ngumiti si Louie,isang mapang-asar na ngiti.“Perfect! Kasi ni minsan, hindi ko pinangarap na maging asawa ka!”Nagkatinginan sila,mata sa mata, walang gustong magpatalo.Para silang mga batang nagtatalo, pero sa ilalim ng galit nila, may kung anong tensyon na hindi nila maipaliwanag.“Fine!” sigaw ni Klarise.“Walang pakialamanan sa buhay! Magbuhay-binata’t dalaga tayo!”“Deal!” sagot ni Louie.“Kahit magka-worlds apart tayo, wala akong pake!”Nagkatitigan ulit sila,pero biglang bumangon si Louie at tumalikod.“Matulog ka na. Bukas, kailangan nating magkunwaring masaya sa island hopping na ‘to.”Napanganga si Klarise.“Ay naku! Kung hindi lang dahil sa mga magulang natin, wala akong balak makipagplastikan sa’yo!”“Eh di wag!”Pasimpleng napangiti si Louie nang hindi siya nakatingin ni Klarise.“Pero huwag kang magkakamaling umasa na magkakaroon
Pero kahit anong pilit niyang kumbinsihin ang sarili, hindi niya maalis sa isip ang imahe ni Louie—nakababad pa rin sa utak niya ang eksena kaninang umaga.“Ang katawan niya… ang mga muscles niya… ang…” “STOP!” Napahinto siya sa paglalakad at napailing. “Ano ka ba, Klarise! Tumigil ka! Wala kang karapatang humanga sa kanya!” Huminga siya nang malalim at tumuloy na papunta sa dining area kung saan naghihintay si Louie. Pagdating niya, nakita niyang nakaupo na si Louie sa isang mesa malapit sa dagat, kumakain ng tropical fruits habang nagbabasa ng brochure ng island activities. Nang makita siya ni Louie, ngumiti ito. “Oh, andyan ka na pala. Akala ko natunaw ka na sa hiya kanina.”“Tumigil ka nga!” Umupo si Klarise sa kabilang upuan, galit ang ekspresyon. “Sino bang hindi magugulat sa ginawa mo?!”“Hoy, aksidente ‘yun! Hindi ko naman sinadyang matapilok ‘yung tuwalya.” Nagkibit-balikat si Louie, pero halata ang ngisi sa sulok ng kanyang mga labi. “Besides, mag-asawa naman tayo. W
Habang abala sina Klarise at Louie sa walang katapusang asaran,may lumapit na isang bagong kasal na halatang bagong kakilala lang sa isla.“Hi! Kayo rin ba yung bagong kasal?”Tanong ng babae na may malawak na ngiti. Kasama niya ang asawa niyang halatang in-love na in-love sa kanya.“I’m Chloe, and this is my husband, Mark.”Nagkatinginan sina Klarise at Louie, sabay na nag-paste ng mga pekeng ngiti.“Ah, oo! Kaming dalawa…”sabi ni Louie, sabay hawak sa bewang ni Klarise na ikinagulat nito. “Mag-asawa nga kami!”Napapitlag si Klarise pero agad din niyang naalala ang usapan nila na magpanggap na okay sa harap ng iba.“Y-Yes! Newlyweds! Hahaha… Saya, ‘no?”ang pilit na ngiti ni Klarise habang nakatingin kay Louie na parang gusto nang sakalin ang lalaki.“Aww, ang sweet niyo naman!”kilig na sabi ni Chloe habang nakahawak sa braso ng asawa niya. “Nakakatuwa kayong tingnan! Parang ang perfect niyo!”Nagkatinginan ulit sina Klarise at Louie.Perfect? Kami? Wow, ano ‘to? Joke time?“Yeah…
Maaga pa lang ng Sabado, nasa isang mamahaling baby store na sina Klarise at Louie kasama ang kanilang mga magulang. Halata ang kasabikan ng mga ito habang nag-iikot sa mga aisle, tila ba sila ang magkakaanak.“Grabe, Klarise,” wika ni Mommy Pilita habang may hawak na apat na pirasong baby onesie na puro ruffles at may print na ‘Little Princess.’ “Ang tagal ko nang hinihintay na magkaroon ng babaeng apo. Sa wakas, may Luna na tayo!”“Mama,” natatawang sagot ni Klarise, “isang baby lang po, hindi po fashion show.”“Excuse me,” sagot ni Pilita habang tinutupi ang damit para i-test kung gaano kalambot. “Ang baby, parang bahay. Kailangan kompleto. May wardrobe, may furniture, may chandelier.”“Chandelier?” napabulalas si Louie. “Sa nursery?”“Oo naman,” sabat ni Mommy Georgina na kasalukuyang nakatuon sa section ng mga bote. “Hindi pwedeng basta ilawan lang. Apo ng trillionaire ‘yan. Dapat sosyal.”“Baka gusto niyong magpalagay na rin ng red carpet sa crib,” ani Klarise habang umiiwas sa
Hindi pa rin makapaniwala si Klarise habang yakap ang isang pink na stuffed bear.“Grabe,” bulong niya. “Hindi pa rin ako makapaniwala. Baby girl nga talaga. Si Luna. Si baby Luna.”Umupo si Louie sa tabi niya, pinisil ang kamay ng asawa. “Parang kahapon lang sinusukat ko kung kakasya ba ‘yung maliit na bassinet sa tabi ng kama natin.”“Ngayon may pangalan na siya,” sagot ni Klarise, punong-puno ng emosyon ang tinig. “May identity na. May pink closet na nga rin siya. Apat na drawer puro booties at headbands.”“‘Yung isa doon, puro milk bottles,” natatawang tugon ni Louie. “Ang dami, akala ko may milk factory ka sa loob.”“Kasalanan mo ‘yun,” umirap si Klarise pero nakangiti. “Ikaw bumili ng apat na set ng bottle warmer. Para raw hindi na ako maglalakad-lakad sa gabi.”“Syempre. Ayoko nang pinapawisan ka kahit midnight. Ako na ang taga-init. Ako na rin ang taga-burp. Ako na rin ang yaya. Basta ikaw, pahinga lang.”“Pangako mo ‘yan ha.”“Pangako ko ‘yan. Basta pangako mo rin, huwag mo n
“Pero Mahal, please, ‘wag mong kagatin agad ang cake bago ko sabihin ang line,” warning ni Klarise.“Eh kung gutom na ako?” biro ni Louie.“Makakalimutan ko talaga ‘yung gender, ikaw talaga.”Sa gabi bago ang party…Magkayakap sina Klarise at Louie sa kama, nakatingin sa kisame.“Bukas na…” bulong ni Klarise. “Malamang ilang oras na lang, malalaman na natin kung little princess or little prince.”“Kahit sino pa siya, Mahal, ang mahalaga… ikaw ang mommy niya. At ako ang daddy. That’s already perfect.”“May kaba ka pa ba?” tanong ni Klarise.“Meron. Pero mas excited ako.”“Same. Sobrang saya ko, Mahal. Kasi dati akala ko… wala na tayong chance.”“Ngayon, may isa na tayong buong mundo na sabay nating bubuuin.”Kinabukasan ay araw na Gender Reveal Party.“Okay, Klarise, last touch na lang!” sigaw ni Jenna, ang ever energetic na kaibigan niya habang inaayos ang blue and pink tassels sa veranda ng venue.“Feeling ko parang kasal ulit ‘to,” natatawang sabi ni Klarise habang nakaupo sa isang
Naka-upo sila sa couch ng condo, napapalibutan ng sample invitation cards, fabric swatches, at cake design pegs na may nakasulat na “Team Girl” o “Team Boy.”“Copy. No spoilers. Pero paano natin pipigilan si Tita Rowena na hindi magdala ng pink na balloons sa party? Alam mong may ‘instinct’ daw siya, ‘di ba?”“Ugh! Hindi ko makakalimutan ‘yon!” tawa ni Klarise. “Noong baby shower ni Cams, may dala na agad siyang onesie na may embroidery na ‘It’s a girl!’ Eh lalaki pala!”“Classic Rowena. Siguro ang strategy natin… distraction,” sagot ni Louie, sabay kindat.“Like what?” kunot-noong tanong ni Klarise habang sinisimsim ang mainit na gatas.“Tayo mismo ang gumawa ng fake hula! Parang ‘hmm feeling ko boy to, grabe akong magsuka eh’ tapos sasabihin ko naman ‘siguro girl, sobrang clingy ka lately.’ Tapos sila na mismo ang malilito!”Natawa si Klarise. “Ay gusto ko ‘yan. Psychological warfare!”“Exactly. Labas ang pagka-Dr. Strange natin. Multiverse of gender confusion!”Sumunod na araw, sa
Kinabukasan. “Love, siguradong may parking dito?” tanong ni Klarise habang nakasandal sa passenger seat, suot ang komportableng maternity dress at light pink cardigan. Bitbit ang folder ng mga prenatal records.“Meron, Mahal. Maaga tayong umalis ‘di ba? Para sayo, laging may reserved spot sa puso ko—at sa parking,” sabay kindat ni Louie habang pinapihit ang manibela.“Corny,” sabay ngiti ni Klarise. “Pero cute ka pa rin.”Pagkarating sa clinic ni Dr. Angelica Rosales, ang OB-GYN nila, agad silang pinaupo ng assistant at binigyan ng tubig. Panay ang tapik ni Louie sa hita ni Klarise habang naghihintay.“Excited ka?” tanong niya habang minamasahe ang likod ng kamay nito.“Super. Pero kabado rin. Lalo na’t second trimester na,” sagot ni Klarise habang hawak ang tiyan. “Sana okay si baby…”“Si baby Luna o baby Liam…” pahabol ni Louie.“Wala pang pangalan ang opposite, Mahal. Huwag mo munang i-claim,” natatawang singit ni Klarise.Ilang saglit pa, tinawag na sila ng nurse. “Mr. and Mrs. R
Limang buwan na mula nang unang narinig ni Louie ang tibok ng puso ng anak nila sa ultrasound. Limang buwan na ring tuloy-tuloy ang pag-aalaga niya kay Klarise—mula sa pag-grocery ng mga craving nito sa kalagitnaan ng gabi, hanggang sa pagiging tagabantay tuwing may prenatal check-up. At ngayong gabi, ibang katahimikan ang bumalot sa condo nila.Umuulan sa labas, mahina lang, parang himig na pampatulog.Nasa kama sina Louie at Klarise, magkayakap sa ilalim ng kumot. Nakapatong ang kamay ni Louie sa tiyan ng asawa—isang bagay na naging routine na sa kanila tuwing gabi.“Mahal…” bulong ni Klarise habang nakasubsob ang mukha sa dibdib ng asawa.“Hmmm?”“Hindi mo ba naiisip na parang… kahapon lang ‘yung kasal natin?”Napangiti si Louie. “Tapos ngayon, may pa-kick na sa loob ng tiyan mo?”“Ang bilis ng panahon. Parang hindi pa rin ako makapaniwalang may maliit na tao sa loob ko na bunga ng pagmamahal natin.”Marahang hinaplos ni Louie ang tiyan ni Klarise. “Gusto mo bang lalaki siya o baba
Sa loob ng isang home design store.“Tingnan mo ‘tong wallpaper na ‘to, Louie! May mga elepante, giraffe at clouds. Parang safari sa langit,” turo ni Klarise.“Perfect! Remember our idea? Gabi at araw. Pwede nating i-divide ang wall. Kalahati clouds, kalahati safari.”“Ang kulit mo talaga,” tumatawang sagot ni Klarise. “Pero gusto ko ‘yan. Para kahit saan siya tumingin, may adventure.”Lumapit sa kanila ang sales assistant. “Ma’am, Sir, first baby po?”“Yes,” sabay nilang sagot.“Congrats po. Meron din po kaming lighting fixtures na may stars and moon, bagay po sa theme niyo.”Nagkatinginan ang mag-asawa. “Sige nga, pakita mo,” sabi ni Louie.Habang isa-isang pinapakita ng sales assistant ang mga decor, tila ba unti-unting nabubuo sa imahinasyon ni Klarise ang mundo ng anak nila. Isang munting kaharian ng kulay, liwanag, at pagmamahal.Pag-uwi nila sa bahay, magkaagapay nilang binuhat ang mga bag ng biniling baby essentials. May mga stuffed animals, ilang bibs, isang maliit na crib na
Makalipas ng ilang linggo, kailangan nang bumalik sa trabaho si Louie at tinatawagan na siya ng kanyang sekretarya dahil may mga nakatakdang operasyon na kailangan niyang gawin.“Three more surgeries, Doc,” sabi ng assistant ni Louie habang patakbo itong naglalakad kasabay niya sa hallway ng klinika.“Okay. Ready na ba ang OR?” tanong ni Louie, hindi na tumitingin sa paligid.“Prepped and waiting, sir.”Mula sa seventh floor ng White Aesthetique Clinic, walang hinto ang paggalaw ni Louie. Mula alas-siyete ng umaga hanggang alas-diyes ng gabi, punô ng pasyente ang schedule niya. Hindi lang local celebrities ang kliyente niya ngayon—pati international models at beauty queens ay bumabyahe pa mula ibang bansa para lang magpa-enhance sa kanya.Habang abala siya sa pagpapaganda ng mundo, sa bahay naman…“Nanny, pakikuha nga ng prenatal vitamins ko sa drawer,” tawag ni Klarise mula sa loob ng silid.“Ma’am, andiyan na po,” abot ng yaya.Napaupo si Klarise sa kama, hawak ang kanyang tiyan. Ta
Huminga ng malalim si Klarise at tumango. "Sige. Tara na. Let's do this."Pagdating sa Olive MansionPagbukas ng pinto, sinalubong agad sila ni Pilita. Naka-long dress ito at may hawak na tasa ng tsaa."Ay naku, anak! Napakaaga n'yo namang dumalaw. May okasyon ba?" tanong niya, sabay yakap sa anak na babae."Ma, gusto sana naming makausap kayo ni Dad... privately," sagot ni Klarise, hawak pa rin ang kamay ni Louie."Halika, sa veranda. Nandun ang daddy mo."Pagpasok nila sa veranda, si Hilirio ay nakaupo sa recliner, nagbabasa ng dyaryo. Nang makita ang anak at manugang, agad itong ngumiti."Aba, may dalang regalo ah. Anong meron at parang kasal ulit ang datingan?"Nagkatinginan sina Klarise at Louie. Kumabog ang dibdib ni Klarise, pero ngumiti siya."Pa... Ma... may gusto po sana kaming sabihin."Umupo sila sa harap ng kanilang mga magulang. Kinuha ni Louie ang kahon at inilagay ito sa gitna ng mesa."Ano 'to?" tanong ni Pilita habang pinagmamasdan ang kahon."Buksan n’yo po," sabi n