CHAPTER THREE
___
"Papa..."
This time, alam kong nasaktan ko ang kalooban ni Papa.
"Pa, sorry na po! Kahit kailan naman hindi ko inisip na hindi ikaw ang Papa ko para sa'kin ikaw lang ang nag-iisang Papa ko at hinding-hindi kita ipagpapalit sa kahit anong yaman sa mundo. Dahil mahal kita, mahal na mahal kita Papa!" Puno ng pagmamahal na salita ko.
Para sa'kin nag-iisa lang si Papa, si Alejandro Soriano siya ang Papa ko at si Cassandra Castelo ang Mama ko sila lang dalawa ang pamilya ko.
"Mahal din kita anak, mahal na mahal ko kayo ng Mama mo. Pasensya ka na kay Papa ha' kung kailangan na iwan kita d'yan ng mag-isa.
'Darating ang araw na maiintindihan mo rin ako anak. Kung bakit kailangan na hindi tayo palaging magkasama. Sana intindihin mo na lang si Papa ha'?" Wika nito sa malungkot na tono.
"Naiintindihan ko naman po Papa, pasensya na kung pinag-alala kita nami-miss lang talaga kita." Muling tugon ko.
"Anak, sabihin mo na lang sa'kin kung ano ang problema?" Muling giit nito sa akin.
Subalit dahil sa ayaw ko nang dagdagan pa ang sama ng kanyang loob kaya naisip ko sarilinin na lang muna ang problema ko ngayon. Kung tutuusin naman maliit na bagay lang ito at hindi ko na dapat idamay si Papa.
"Naku! Huwag n'yo na pong intindihin 'yun Papa, o-okay lang po ako talaga at saka wala naman pong problema. Mabuti pa magpahinga na po kayo masyado ko na pala kayong naabala." Sinikap kong huwag magpahalata.
Kasabay nang hiling na sana balewalain na lang ni Papa ang mga sinabi ko kanina. Dahil hindi ko na alam kung ano pa ang p'wede kong gawin para lang mapaniwala ko siya na okay ako, kahit pa hindi ganu'n kadali.
Narinig ko siyang muling humugot ng malalim na paghinga bago pa siya nagsalita ulit ng tila may pag-aalinlangan.
"Okay, Anak mabuti pa nga siguro magpahinga na muna tayo pareho. Tutal naman gabing gabi na. Baka bukas mas malinaw na ang ating isip.
'Sige na anak parehong maaga pa ang pasok natin bukas kaya io-off ko na para makapagpahinga ka na rin. Galingan mo lang palagi sa trabaho mo anak at saka huwag na huwag kang gagawa ng mga bagay na makasisira sa'yo. Dahil tiyak na pagsisihan mo rin sa huli! Lagi mo sanang tatandaan iyon ha', anak." Bilin pa nito na pakiramdam ko tila bigla na lang humiwa sa dibdib ko.
Ang higit na masakit yung gustuhin ko mang pagsisisihan ang ginawa ko huli na. Dahil nangyari na ang lahat, mayroon nang nasira at mayroon ding nabuo. Ang mahirap lang ang sitwasyon ko ngayon ay nanatiling nasa balag pa rin ng alanganin.
"M-mabuti pa nga po Papa kasi inaantok na rin po ako eh', sige po bukas na lang ulit Goodnight po!" Hindi ko na hinintay na sumagot pa ito. Agad ko nang in-off ang Phone ko.
Hindi ko na rin kasi kayang itago ang nararamdaman ko that time. Ang hirap pigilin ng emosyon lalo na kung gusto mong itago sa taong pinakamahalaga sa'yo. Kasabay ng pamamalisbis ng luha sa aking mga mata ang muli kong pagmumuni muni.
He is not my biological father and so what if he is not my own father? Kahit kailan hindi naman niya ipinaramdam sa akin na hindi niya ako Anak. He raised me very well. Hindi ko naramdaman na may kulang sa buhay ko. Not unless when my mother's early lost.
Kung tutuusin si Papa rin ang naging Ama at Ina sa akin. My mother's died when I was 4 years old.
Halos hindi ko na nga maalala ang kanyang wangis. We have the only photo of her but it was taken 18 years ago.
Pero si Papa kahit yata nakapikit ako makakaya kong iguhit ang kanyang mukha.
Papa is enough for me to maintain my happiness at iyon rin ang dahilan kung bakit hindi na ako interesado pa na makita ang Biological Father ko.
Alejandro is enough figure as a father for me not to mentioned his ability and intelligence.
Dahil sa kanyang pagsisikap kahit kailan hindi niya pinaranas sa akin ang magutom o magkulang sa materyal na bagay. Kahit pa wala kaming masasabing legal na tahanan at palipat-lipat kami ng lugar mula pa noon hanggang ngayon.
Nagkaroon pa rin kami ng maayos na buhay hindi man gaya sa alta sosyedad, ngunit nabibilang pa rin sa middle class society.
Minsan naiisip ko siguro kung tunay niya akong anak marahil namana ko rin ang galing at talino niya. Baka isa na rin akong magaling na Accountant tulad ni Papa. Marami kaya ang nakakakilala sa kanya sa husay at galing niya pagdating sa trabaho.
Subalit nanatili ang loyalty niya sa mga Del Castro. Yes, iisa lang ang may-ari ng kumpanya kung saan kami nagtatrabaho. Ako dito sa CDO Resort at si Papa sa Main Office ng mga Del Castro sa Quezon City.
Pero kahit kailan hindi ko hiningi ang tulong ni Papa para magpalakas dito sa Resort. Kung natanggap man ako dito dahil iyon sa sarili kong pagsisikap, hindi dahil anak ako ng Chief Accountant ng mga Del Castro. Baka nga ilan lang ang nakakaalam na ang Papa ko at ang Chief Executive Accountant ng Head office ay iisa lang...
I'm so proud to Papa pero kahit kailan hindi ko ito ipinagyabang para lang makakuha ako ng atensyon. Kaya nga mas nag-aalala ako ngayon na malaman ng lahat ang kaugnayan ko sa kanya.
Dahil ayokong mahaluan ng kahihiyan ang magandang record ng Papa ko lalo na kung iyon ay dahil sa kagagawan ko.
Kaya ngayon kailangan kong makahanap ng solusyon sa sarili kong problema bago pa ito malaman ni Papa. Pero saan naman ako hahanap ng bagong mapapasukan dito sa gitna ng Isla.
Gayung kailangan ko pang sumakay ng bangka bago pa makarating sa kabilang Resort.
Ano na, ngayon ang gagawin ko?
-
"Huh?!" Daig ko pa ang binuhusan ng malamig na tubig sa pagkabigla. Ikubli ko man ang aking sarili ngunit huli na!
Talaga nga namang kung kailan nais mong magtago saka ka naman nakikita...
“Aleyha! Anong ginagawa mo d’yan?” Isa sa kasamahan ko sa Hotel ang nakakita sa akin at hindi ko na ito naiwasan pa.
Pakiramdam ko isa akong daga na nasukol na ng pusa at wala na akong choice kundi ang dumaan sa kanyang harapan.
“Madel ikaw pala, gusto ko lang sanang pumasok sa loob para kunin ang mga gamit ko at makibalita." Alanganing ngiti ang pinamalas ko upang pagaanin ang sitwasyon.
“Ano ka ba? Dapat hindi ka na lang muna bumalik! Pinalamig mo muna sana ang sitwasyon. Alam mo bang pinapahanap ka na, ni Ma’am Trixie? Dahil alam na niya ang ginawa mo at galit na galit siya sa’yo!” Saad nito hindi ko lang matukoy kung nag-aalala ba talaga siya sa akin?
Bahagya pa itong nagpalinga linga na tila ba sinisigurong walang tao sa paligid.
Bigla tuloy akong napalunok at nakaramdam ng panganib. Lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib.
“Ha, a-anong ibig mong sabihin?” Naaalarma tanong ko.
“Mas makabubuti sa’yo na lumayo muna dito at huwag ka munang magpakita kay Ma’am Trixie, galit na galit siya at nagwawala kanina. Kanina pa rin siya umiinom na mag-isa sa Bar at walang sino man ang makapigil sa pagwawala niya. Maging si Mrs. Lopez galit rin dahil sa nangyari. Parehong nagwawala ‘yung mag-ina kaya siguradong ikaw ang sisihin nila kapag nakita ka!”
Sunod-sunod na salita nito kaya naman mas lumakas pa ang kaba ko. Ano nang gagawin ko ngayon, hindi ko rin alam kung saan ako pupunta?
“A-anong gagawin ko wala naman akong mapupuntahan?!” Nahihintakutang tugon ko.
“Bakit kasi ginawa mo iyon, sana hindi ka na lang nakialam sa kanila! Sinabihan pa kami ni Ma’am Trixie na huwag lalapit sa’yo at sa oras na tulungan ka namin ay madadamay kami sa galit niya. Ang sabi pa nila siguro daw binayaran ka ni Sir Marco ng malaking halaga kaya nagawa mong sirain ang Kasal nila ni Ma'am Trixie.” Dagdag pa nito sabay tingin nito sa dala kong shoulder bag na hindi ko namalayang nakabukas pala at bahagyang nakalitaw ang sobre na naglalaman ng perang ibinigay sa’kin ni Marco kanina.
Awtomatikong hinuli niya ang aking tingin at ano man ang nasa isip niya ngayon ayoko nang hulaan pa...
Dahil isa lang ang patutunguan nito, pagdududa.
Napahigpit tuloy ang hawak ko sa bag ko kasabay ng mabilis kong pagtanggi.
“H-hindi, hindi totoo ‘yan! B-bakit ko yun gagawin hindi naman ako mukhang pera!”
Tugon ko sa garalgal na tinig, ngunit bakit pakiramdam ko meron akong kasalanan. Dahil alam kong nanginginig ang mga kamay ko ng mga oras na iyon.
Gusto ko nang umiyak ngunit pilit kong pinatatag ang aking sarili.
“Kung ganu’n anong dahilan at ginawa mo iyong eksena kanina? Alam mong isa yung seryosong aktibidad at hindi isang shooting sa pelikula na p’wede kang um-extra. Maiintindihan ko pa sana kung ikaw si Ma’am Marianne eh’ pero hindi!” May paninising tanong nito sa akin.
“K-kasi mga kaibigan ko sila.” Pakiramdam ko ng mga oras na iyon walang sense ang sinabi ko.
“Kaibigan? Hello!” May pagkasarkasmo itong tumawa bago pa muling nagpatuloy sa pagsasalita. “Alam mo naman siguro na hindi makikipagkaibigan sa’yo si Sir Marco at si Ma’am Marianne sa simula pa lang batid mong ginagamit ka lang naman niyang tulay para mapalapit siya kay Sir Marco. Hindi ka naman siguro tanga para hindi mo maramdaman iyon?!” Dagdag na salita pa ulit nito.
Saglit akong napatitig sa kanya na tila lumalagos lang ang tingin. Daig ko pa ang paulit-ulit na sinampal ng dahil sa sinabi niya. Dahil sa totoo lang kanina ko pa rin kinukumbinsi ang sarili ko na hindi ako tanga!
Pero ano itong nararamdaman ko ngayon, bakit nga ba ang tanga tanga ko? Paulit ulit kong bulong sa isip ko, habang patuloy rin ang pagbalong ng luha sa aking mga mata.
This time, isa lang ang ibinubulong ng puso at isip ko... Papa, tulungan mo ako!
Hanggang sa...
“Totoo pa lang narito ka na, p*****a ka!”
Matinding gulat at halos sabay pa kaming napalingon ni Madel sa pinagmulan ng tinig...
“M-ma’am Trixie?!”
Huli na ba, huli na ba para tumakbo?
KUNG P’WEDE LANG SANA KAININ NA LANG AKO NG LUPA!
*****
06-06-25
BY: LadyGem25