Beranda / Romance / TIE OF LOVE / THE WEDDING CRASHER

Share

TIE OF LOVE
TIE OF LOVE
Penulis: LadyGem25 / eMGie

THE WEDDING CRASHER

last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-06 19:11:20

CHAPTER ONE

_

CAGAYAN DE ORO CITY

-

ISLA DEL CASTRO, HOTEL AND RESORT

"We are gathered here today in the sight of God and these witnesses to join together with Marco and Trixie in holy matrimony; which is an honorable estate, instituted of God, since the first man and the first woman walked on the earth.

'Therefore; it is not to be entered into unadvisedly or lightly, but reverently and soberly. Into this holy estate, these two persons present come now to be joined.

'Therefore, if anyone can show just cause why they may not be lawfully joined together, let them speak now or forever hold their peace..."

"Itigil n'yo ang kasal!"

Buong lakas at tapang akong sumigaw na natitiyak ko na narinig rin ng lahat. Kung alam lang nila kung gaano ang inipon kong lakas ng loob para lang masabi ko ang mga katagang ito.

Batid ko na maaaring sa mga oras na ito nakatutok na rin ang mga mata ng lahat sa akin. Dahil sa eksenang ginagawa ko na ngayon.

Subalit wala na akong pakialam. Dahil ang tanging misyon ko lang ay ang mapigilan ang kasalang ito na hindi dapat mangyari.

Kasalukuyang nasa Resort kami na pag-aari ng mga Del Castro kaanak ng Groom at dito rin ako nagtatrabaho bilang Senior Staff ng Organizing Team.

Kung alam ko lang sana hindi na ako nag-effort pa na pagandahin ang magiging resulta ng kasalang ito. Kaya hindi na ako magtataka kung wala na rin akong trabaho simula bukas.

Magmula sa pagiging Wedding Organiser, mukhang magtatapos ako sa pagiging Wedding Crasher?!

Pagkatapos kong sumigaw buong tapang akong lumakad palapit sa harap ng Obispo at nang dalawang ikakasal ng taas noo at walang pag-aalinlangan. Narito na rin lang ako kaya itutuloy ko na ito.

Bahala na!

Ngayon ko lang naman ito gagawin at wala na akong balak ulitin pa kahit kailan... Pangakong ibinulong ko sa aking sarili, hanggang sa muling magsalita ang Obispo na halatang nagulat rin at matamang tumingin sa akin.

"Anak maghunos dili ka, anong ginagawa mo dito? Bakit kailangan mong pigilan ang kasal ng dalawang ito na kusang loob namang pumarito para magpakasal?" Wika ng Obispo.

"P-pasensiya na father, pero h-hindi sila maaaring magpakasal!" Bahagya akong nabulol ngunit agad ring nakabawi at buong tapang akong muling humarap sa mga ito. Kahit dumadagundong pa sa kaba ang aking dibdib.

Hanggang sa dalhin ako ng aking paningin sa direksyon ng Groom na kanina lang napansin kong butil butil ang pawis. Ngunit ngayon tila umaliwalas na ang mukha habang ang katabi nitong Bride na todo kapit sa Groom. Bigla na lang umasim ang mukha at tila handa na rin akong sabunutan, ngunit nagpipigil lang...

Siguradong nakikilala niya ako dahil halos araw-araw kaming magkasama nitong mga huling araw. Dahil sa dami ba naman ng mga requested at demand niya sa kasal na ito.

Nakaramdam ako ng bahagyang tuwa sa isang banda pala may makukuha rin akong benefits sa sitwasyong ito.

"Ngayon ikaw naman ang mataranta!" Bulong ko sa aking sarili. Hindi naman ako gumaganti, nagkataon lang na siya ang magiging biktima ko.

"Ano bang ibig sabihin nito Marco, ano bang nangyayari ha?" Naaalarma nang lumapit ang ama ng Groom na si Atty. Anton Cervantes.

Lumalakas na rin kasi ang mga konotasyon sa paligid na tila mga bubuyog.

This is it, ito na 'yung pinakamahirap na pagganap...

Ano na ngayon ang gagawin ko?

Pambihira, ano ba ang balak ng lalaking ito mag-isa ko lang ba itong gagawin? Tukoy ko kay Marco na kaharap ko na at ngani-ngani ko nang sipain.

Halos mulagat na ang mga mata ko kakaparamdam ngunit tila wala yata itong balak tulungan ako. Parang gusto pa yata nitong buhatin ko ito palayo dito ah'?

Nga-nga talaga!

Habang nanggigil sinikap ko pa ring makapag-isip ng next move.

Habang nag-iisip ibinaling ko ang aking paningin sa direksyon ng mga tao sa paligid na tila ba dito ako makakakuha ng sagot.

Kahit pa alam kong may mga mapanuring mga mata ang nakatingin sa akin. Pakialam ko ba?!

Subalit napukaw ang aking atensyon ng lalaking kahit sa unang tingin pa lamang makikita nang angat sa karamihan. Dahil sa natatangi nitong awra, magandang kutis at pangangatawan na tiyak alaga rin sa pag-eehersisyo, halata naman sa kabila ng suot nitong modern business suit.

Marahil hindi na rin nito nagawang magbihis at halatang kagagaling lang nito sa isang Business Trip.

Huh, si Rigo!

"Putik! Bakit siya narito?" Aba s'yempre naman pinsan kaya siya ni Marco! Biglang bawi ko rin sa loob ko.

Pero sa pagkakaalam ko nasa Sweden siya this past few days ah? Dahil kasi sa mga Marites sa loob ng Resort madali lang para sa'kin ang makasagap ng latest. Lalo na nga kung ang topic ay tungkol sa nag-iisang tagapagmana ng mga Del Castro.

Si Rigo Del Castro ang acting CEO ng Del Castro group of companies. Dahil sa absence ng Abuelo lalo na ng ama nito, dito lang naman ipinagkakatiwala ang lahat ng mga negosyo na pag-aari ng pamilya. Kabilang na s'yempre ang Hotel and Resort na ito.

Oh' hindi ba, ang dami kong alam? Pero hindi po Marites ang pangalan ko kun'di Aleyha!

Hindi kasi ito kabilang sa Entourage group kaya ang buong akala ko hindi ito darating.

"Ano naman bang problema kung dumating siya o hindi? Pagsita ko sa aking sarili.

Ahh, wala lang naman sumasagap lang po ako kung ano ba ang latest tsismis nothing more, nothing less! Bakit ba?"

Kaya hindi ko na namalayan...

Minutes after!

Laking gulat ko na lang ng biglang may humila sa'kin palayo. Napilitan rin tuloy akong tumakbo, nang mahamig ko ang aking sarili hawak na pala ni Marco ang mga kamay ko.

Wow! Feeling ko tuloy ako si Julieta at kasama ko ang aking Romeo. Ang lakas lang ng tibok ng puso ko... tsug, tsug, tsug!

Ooops! Erased...

Pambihira!

Kikilos rin naman pala, pinaglakbay pa ang diwa ko. Hindi tuloy ako informed tatakbo na pala?!

Teka nga,

Take note; ang alam ko pangarap ko talaga ito noon pa ah? Ang hawakan ni Marco ang hugis kandila kong mga kamay. Buti na lang uso na ang Washing Machine kaya hindi nauwi sa hugis ng sampalok.

"Bilisan mo nga! Baka mahuli pa tayo sa flight." Reklamo pa nito na nagpabalik sa akin sa realidad.

Aba, Aba beast mode ba?! Hindi ba ako na nga ang gumawa ng paraan para lang matakasan nito ang kasal. Bulong na reklamo rin ng isip ko ngunit...

"Heto na nga 'diba tumatakbo na! Halos madapa na nga ako." Pinili ko pa rin na hindi ito kontrahin at magpakahinahon kahit nakakainis na ang lalaking ito.

"Bakit naman kasi iyan pa ang isinuot mo? P'wede namang nagrubber shoes ka na lang!" Reklamo sa akin ni Marco sa three inches stilleto shoes na suot ko.

"Hello? Kasal kaya ang pinuntahan ko, natural a-awra ako no?!" Umiirap kong tugon.

"Pambihira, feeling mo ba papasa kang Ninang?" Aba, ang singaw na'to!

"Grabe ka naman sa akin, Ninang agad hindi ba p'wedeng secondary sponsor lang muna? Hindi naman ako yayamanin para maging Ninang no!" Reklamo ko habang halos kaladkarin na niya ako.

Hanggang sa makarating kami kung saan nakapark ang sasakyan nito.

_

Subalit saglit kaming napatigil...

"Marco tumigil ka, bumalik ka dito!" Sigaw ni Atty. Cervantes malapit na sana kami sa sasakyan ng abutan kami ng Daddy ni Marco.

"Nakita mo na, ikaw kasi ang bagal mo!" Paninisi pa ni Marco sa'kin habang patuloy pa rin ito sa pagkaladkad sa akin.

"Sir, pasensya na po!" Paghingi ko muna ng paumanhin sa ama ni Marco kahit hirap akong lingunin ito.

"Halika na, bilisan mo na, sakay!" Halos itulak na rin kasi ako ni Marco sa loob ng sasakyan. Ang sarap siguro nitong sipain sa loob loob ko.

Pagkatapos...

"Pabayaan mo na ako Dad, alam mong hindi ko gustong magpakasal kay Trixie ikaw lang ang nagpumilit. Babalik ako kapag natanggap mo na siya!' Sigaw ni Marco sa kanyang Ama. Dahil wala na talaga itong balak bumalik pa at magpatali sa babaing hindi nito gustong pakasalan.

Habang ako tahimik na lang na sumilip sa bintana ng sasakyan. Hindi ko alam kung magi-guilty ba ako? Inisip ko na lang isang beses ko lang naman itong gagawin at hindi na mauulit pa katwiran ko.

Tanaw ko pa ang nagaganap na kaguluhan sa labas, ang pag-uumpukan ng mga bisita habang nagbubulungan.

Open area pa naman dahil nasa tabi kami ng dagat. Kitang kita rin ang pagwawala ni Trixie habang pigil ito ng sariling Ama. Bigla tuloy akong napaisip ano kaya ang pakiramdam nito ngayon, ang sama ko ba?

Saglit akong natigilan ng maramdaman ko ang pagsakay ni Marco sa sasakyan at nang tuluyang paandarin ito. Subalit muli ko rin ibinalik ang tingin sa labas kaya muling napukaw ang aking atensyon sa lalaking sumakay sa kasunod naming sasakyan.

This time sigurado ako na nakatingin ito sa amin o sa akin at ano itong nakikita ko sa kanyang mukha? Tila ba may naglalarong ngiti sa labi nito.

Ano kaya ang naglalaro sa isip ni Rigo Del Castro? Saglit na naging palaisipan tuloy ito sa akin.

Hanggang sa tuluyan kaming makalayo ni Marco sa Resort walang namutawing salita sa amin. Alam ko naman na iisa lang ang nasa isip nito ngayon, kaya minabuti ko na huwag na lang basagin ang katahimikan nito.

Dahil wala rin naman akong maisip sabihin o hindi ko lang talaga alam kung saan ako magsisimula?

Ngunit hindi ko naiwasan na paliguan siya ng tingin, hindi ko rin napigilan ang mapabuntong hininga habang ginagawa ko ito.

Actually halos pareho lang sila ni Sir Rigo angkan yata sila ng mga gwapo at maganda wala kang itutulak puro kakabigin o iibigin.

Si Marco ang first love ko, para bang gusto ko tuloy mangarap ngayon?

Habang patuloy kong minamasdan si Marco gusto kong mangarap...

Kahit ngayon lang, tutal naman huli na ito. Gusto kong isipin na, ang lahat ng ito ay totoo at walang halong pagkukunwari.

Totoong hinawakan niya ang aking mga kamay kanina upang isama sa pagtakas, para iwan ang lahat. Dahil ako ang pinili niya, ang gusto niyang makasama kahit pa sa kabila ng pagtutol ng pamilya nito.

Ang isasama niya sa Switzerland at du'n magpapakasal. Bubuo ng isang pamilya at magsasama ng masaya kasama ng aming magiging mga anak.

Ano kaya ang pakiramdam kapag talagang magkasama na kami?

Lalo na't alam ko na mahal na mahal niya ako ang sarap sa pakiramdam ang isipin na may isang tao na nagmamahal sa'yo at gagawin ang lahat para lang sa'yo.

Ang tao ring iyon ang pinakamamahal mo at ang lahat lahat sa'yo. Ako na yata ang pinakamasayang babae sa balat ng lupa at ang swerte swerte ko naman talaga, kaya lang...

_

Gumising ka na, Aleyhandra Soriano malapit na kayo sa Airport, ilang sandali na lang mawawala na siya sa paningin mo.

Kaya dapat mo nang tapusin ang kahibangan mo ngayon pa lang...

Gising, Aleyhandra!

*****

06-06-25

By: LadyGem25

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • TIE OF LOVE    FIRST DAY IN WORK

    CHAPTER NINE: ___ "What the hell.. Saang bundok ka ba nanggaling ha, hindi mo ba ako kilala?" Mataray na tanong ng babaing nakasalubong ko sa may entrance door. Dapat ba kilala ko siya? "Sorry po ma'am tama po kayo, hindi ko nga po kayo kilala e!" Malakas ang loob na sagot ko. "B*ba, no one in this building does not know me." Muling tungayaw nito sa akin. Gusto ko rin sanang sabihin.. no one has the right to tell me that word too. Dahil hindi ako b*ba. "Nakupo! Ma'am ako na po ang humihingi ng dispensa pasensya na. Bago pa lang po kasi siya dito kaya hindi pa niya kayo kilala." Saglit na lumingon si Maam Divina sa akin at hinawakan ang aking kamay. "Sige na, humingi ka ng dispensa." Pabulong nitong utos sa akin. Tumututol ang isip ko ngunit alam kong kailangan kong sundin si Ma'am Divina. Dahil iyon rin ang alam kong pinakatama kong gawin, kung nais kong tumagal pa dito. Kahit hindi ko pa batid kung sino nga ba ang babaing kaharap ko? "S-sorry po ma'am hindi ko po talaga

  • TIE OF LOVE    LOVE PREVENTION

    CHAPTER EIGHT:___Bakit ba hindi ko maiwasang mapangiti kapag naiisip ko ang babaing iyon. Hindi naman siya espesyal na tao pero bakit ba ang lakas ng dating niya sa akin. Kanina bigla akong nakaramdam ng hiya sa aking sarili. Bakit nga ba naisip kong itanong ang bagay na iyon, kailan pa ako naging interesado sa status ni Rigo?Pero hindi naman talaga kay Rigo ako interesado, alam ko itanggi ko man may bahagi sa akin ang ginugulo ng babaing iyon. Pero hindi ko na ito dapat palawigin pa dahil malapit na akong ikasal.Kahit kailan naman hindi ko naisip na pagtataksilan ko si Althea kaya ano bang nangyayari sa akin ngayon?Ilang sandali pa ang mga katok sa pinto ang biglang pumukaw sa akin."Tok, tok!" "Huh, sino 'yan?""Boss, ako ito papasok na ako ah?" Si Divina ang aking sekretarya.Hindi ko na inangat ang aking ulo may binabasa kasi akong documento kanina pa at hindi ko pa rin tapos basahin. Kaya hindi ko napansin na may kasama pala si Divina na pumasok sa opisina ko."Boss, may

  • TIE OF LOVE    MEET MR. IVO SEBASTIAN

    CHAPTER SEVEN:___"Anong itinawag mo sa akin?" Bakit ba sa dami naman ng p'wede kong makasabay sa elevator ang lalaking ito pa? "Hi Sir ikaw pala 'yan, dito ka rin ba nagtatrabaho Sir?" Sinubukan kong ibahin na lang ang usapan."Bago ka ba dito?" Hindi naman na niya inulit ang tanong kanina. Hayst salamat naman.."Opo bago lang po ako, ikaw ano pa lang ginagawa n'yo dito Sir?" Muli hindi nito sinagot ang tanong ko."Ikaw bakit ka narito, wala ka bang makitang iba at si Rigo pa ang sinamahan mo?" Lumapit pa ito sa akin.Ano daw, at ano naman kayang problema nito kay Sir Rigo?"Eh Sir, may problema ba kay Sir Rigo? Siya po ang Boss ko, actually tinulungan lang niya ako. Inilipat lang niya ako dito galing ako ng Cagayan de Oro at matagal na po akong nagtatrabaho sa Resort." May kalakip pang pagmamalaki ang huli kong sinabi. Baka kasi isipin nito na babae ako ni Sir Rigo na gustong ipasok sa kumpanya. Kaya naman itinaas ko talaga ang noo ko na napansin kong ikinataas rin ng kilay ni

  • TIE OF LOVE    THE CRY'NG LADY UNDER THE SUN & MR. LONG LEGGED

    CHAPTER SIX: ___ Nagising ako ng maramdaman ko ang paglapag ng sinasakyan naming private plane sa Airport ng Maynila. Mula sa Cagayan de Oro City hindi ko na namalayang nakatulog pala ako sa buong biyahe. Haysst! Ikaw ba naman ang sumakay ng private plane na hindi mo na kailangan pumila at makipagsiksikan sa ibang pasahero. Plus may service deluxe pa, grabe talaga kapag yayamanin. "Hey! Are you okay, nahirapan ka ba sa biyahe natin?" Tanong sa akin ni Sir Rigo marahil napansin nito na tahimik ako. Ang hindi nito alam ang sarap nga ng tulog ko at excited na ako sa muli kong pagtuntong ng Maynila at s'yempre sa pagkikita namin ng Papa. Ang natatandaan ko dinala ako dito noon ng Papa nasa Elementary pa lamang ako. Kung hindi ako nagkakamali magsisiyam na taon yata ako at tatlong taon naman ang nakalipas mula ng mamatay ang Mama. Ipinasyal pa nga ako ng Papa sa isang malaking mall at sa Manila zoo. Hindi pa nagtatrabaho noon sa S&DC Group ang Papa pero pagbalik namin ng Cag

  • TIE OF LOVE    UNDER THE SOLES OF THE FEET

    CHAPTER FIVE: ___ Pagmulat ng mga mata ko bahagya akong nagtaka, puting kisame, puting ding-ding at asul na kurtina. Ito ang unang bumungad sa aking paningin ngunit tila ito pamilyar? Tinangka kong bumangon subalit bigla akong napaigik dahil sa biglang kirot na aking naramdaman. Tama! Hindi ako maaaring magkamali nasa loob ako ng klinika, clinic sa loob mismo ng Resort, pero bakit naman ako narito? Muli akong pumikit upang balikan ang lahat sa aking isip... A-ang huli kong naaalala, may bumabang anghel este' si Sir Rigo siya ang nakita ko na nagligtas sa akin. P-pero nasaan na kaya siya ngayon? Pinilit kong tumayo sa kabila ng aking pagkaliyo, ngunit saglit lang umayos rin ang aking pakiramdam. Dahil mas masakit pa rin ang tinamo kong galos at pasà sa katawan. Paika- ika akong lumakad ng maalala ko nga pa lang wala akong sapin sa paa. Nag-palinga-linga ako sa paligid upang hanapin ang aking sinelas ngunit... Sinelas? Sandali hindi naman sinelas ang suot ko kanina ah,

  • TIE OF LOVE     KNIGHT IN SHINING ARMOR

    CHAPTER FOUR: ___ “M-ma’am Trixie!” Halos takasan ako ng kulay ng makumpirma ko ang boses na iyon. Kung p’wede lang sana na lumubog muna ako at saka na lang ako aahon pero hindi, imposible! Kasing imposible ng pagkakataon na matakasan ko pa ang galit nito ngayon. “Halika nga dito, wal***hiya ka!” Agad na hinablot nito ang buhok ko at hinila ako kung saan may liwanag. Marahil sadyang gusto niya akong ipahiya. Ang alam ko wala naman talaga akong kasalanan, sumunod lang rin naman ako sa utos ng superior ko. Dahil isa rin si Marco sa sinusunod sa Resort na ito. Si Marco ang Head Supervisor ng Supervising team. Ang pagkakamali ko lang kahit pa labas na sa trabaho ko ang sundin ang ipinagawa niya sa akin ay ginawa ko pa rin... Kaya nga gusto ko mang magprotesta hindi ko magawa. Gusto ko mang manlaban ngunit paano nga ba? Kahit na ramdam na ramdam ko ng mga oras na iyon ang tila pagkabanat ng anit ko sa aking ulo. Ang sakit sakit ng pakiramdam ko ngunit wala naman akong magagaw

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status