Beranda / Romance / TIE OF LOVE / THE ONLY ONE THAT I HAVE

Share

THE ONLY ONE THAT I HAVE

last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-06 19:13:35

CHAPTER TWO

_

Gumising ka na, Aleyhandra Soriano malapit na kayo sa Airport, ilang sandali na lang mawawala na siya sa paningin mo. Kaya tapusin mo na ang kahibangan mo ngayon pa lang...

Gising na, Aleyhandra! Bulong  ko sa aking sarili.

Dahil hindi totoo ang lahat ng ito, isa lang itong pangarap, pangarap na hindi na matutupad pa kahit kailan!

Pero hindi ba dapat ako naman talaga ang nasa posisyong  ito kung hindi lang sana siya dumating, kung hindi mo lang sana siya nakilala...

“Baka naman matunaw na ako n’yan, bago pa kami magkita ng Bestfriend mo! Alam ko namang gwapo talaga ako kaya lang hindi para sa’yo ang kagwapuhang ito.” Itinuro pa nito ng hinlalaking daliri ang sarili.

May kayabangan rin talaga itong taglay, mukhang nasa lahi rin!

_

Until hours passed...

“Bilisan mo na ang pagbaba baka mahuli ako tiyak na naghihintay na si Marianne. P’wede mamaya ka na lang mag-ilusyon kapag nakaalis na kami.” Agad itong bumaba at mabilis na umikot palapit sa passenger seat sabay bukas ng pinto nito sa gawi ko.

Okay na sana nagpaka-gentleman pa ito para ipagbukas ako ng pinto.

Subalit...

“Bilisan mo na ang pagbaba at ilalock ko na ang kotse. Huwag ka nang sumama sa’kin sa loob ako na ang bahala sa sarili ko. Dito ka na lang bantayan mo muna ang kotse ko bago ka umalis. Kukuhanin ito ni Mang Lauro tinawagan ko na hintayin mo na lang muna. Huwag kang aalis dito ha’ hangga’t hindi dumarating si Mang Lauro maliwanag?”

Hindi ko alam kung bakit napatango na lang ako, kahit pa ang totoo gusto ko nang magprotesta. Sigurado ba talaga ito na iiwan ako sa gitna ng alanganing lugar at sa tapat pa ng init ng araw?

Paano kung bawal pala ang over staying dito anong gagawin ko?

Saka mukha ba talaga akong walang pakiramdam at hindi tatablan ng sikat ng araw?

Mabuti pa ang kotse n’ya naalala niyang pag-ingatan, mas higit ba ang halaga ng kotse kaysa sa’kin?

Hoy! Tao ako na may pakiramdam.

Ngunit nanatiling nakabitin lang ito sa aking dila, walang tumakas na isa mang salita, kaya muli itong nagpatuloy...

“Oh’ ito kunin mo, makakatulong sa’yo ‘yan sa paghahanap mo ng bagong trabaho, kung sakaling paalisin ka nila sa Resort.” Pilit nitong isinaksak sa kamay ko ang isang puting sobre na tiyak kong na pera ang laman.

Pagkatapos ay mabilis na itong lumayo.

Ni ha, ni ho wala akong nasabi at nanatiling habol ko lang siya ng tanaw. Hanggang sa unti-unti na siyang lumiit sa paningin ko.

Kung bakit nagawa ko pang buksan at tingnan ang laman ng sobre... Maybe out of curiosity?

Naglalaman ito ng sampong-libong piso, hindi ko alam kung matatawa ba ako o iiyak?

Saglit na nakatitig lang ako sa mga ito hanggang sa manlabo ang aking paningin na hilam na sa sarili kong mga luha at ang sobre at salaping hawak ko ay unti-unti na ring nababasa.

I realized that I just wanted to cry instead of laughing.

Sampong-libo para sa trabahong nakatakda nang mawala sa’kin, trabahong hindi naging ganu’n kadali bago ko pa nakuha. Ang trabahong inalagaan ko rin sa loob ng limang taon.

Sampong-libo, kapalit ng lahat nang ito at ng mga mapang-usig na tanong na tiyak na ibabato sa’kin pagbalik ko sa Resort.

Kailangan ba hindi na lang ako bumalik? Ngunit hindi kayang tanggapin ng isip ko na maging isang duwag na basta na lang tatakbo.

Saka siguradong hindi papayag ang Papa na basta na lang ako umalis sa Resort.

Lalong lumakas ang pag-iyak ko nang hindi alintana ang paligid maging ang itsura ko. Bakit pa?

Dahil wala namang halaga sa akin kahit ano pa ang sabihin nila? Gaya rin nang walang halaga sa’kin ang perang hawak ko ngayon. Hindi naman ako nanghihingi ng kapalit kahit nga “thank you” lang okay na sa akin. 

Ngunit imbes na pasalamatan ako, pera ba ang katapat ko?

Ginawa ko iyon para sa Bestfriend ko dahil gusto ko siyang maging masaya at sa isang taong minsang naging espesyal sa’kin. Ang taong minsan pinangarap ko na sana mahalin rin ako!

Pero siya ba talaga ang taong iyon na minahal ko noon?

_

“Excuse me, Miss... Kailangan mo yata ito” Bigla akong napalingon sa lalaking biglang nagsalita sa harap ko. Hawak nito ang panyo na tila ba inaabot nito sa’kin.

Ako ba talaga ang kausap niya?

Nagpalinga-linga pa ako sa paligid, lingon sa kanan, lingon sa kaliwa bago ko muling ibinalik ang tingin sa kanya.

“A-ako nga!” Medyo napalakas yata ang boses ko kasi narinig ko siyang bahagyang tumawa.

Saka sumagot pa talaga ha?!

“Duda ka ba? Ikaw lang naman ang nakita ko dito na umiiyak sa ilalim ng sikat ng araw! Kunin mo na ito, huwag kang mag-alala malinis naman ‘yan!” Pilit nitong inilagay ang panyo sa kamay ko at saka mabilis na tumalikod.

Magsasalita pa sana ako ngunit mabilis na itong nakalayo. Ang bilis-bilis nitong maglakad, iba talaga ang mahaba ang biyas. Halos nasa six footer yata ang taas nito. Ang ganda rin ng balangkas ng katawan, parang kaya ako nitong ibalibag kahit saan. Nasundan ko tuloy ito ng tingin.

Habang naglalakad ito ng mabilis, mahigpit rin nitong hawak ang backpack na nakasukbit sa kaliwa nitong balikat.

Hanggang sa tuluyan itong nawala, marahil nagmamadali ito pero nagawa pa rin akong pansinin.

Bakit nga ba, hindi ako magiging kapansin pansin, eh’ maganda naman talaga ako ah’?

_

Lumipas pa ang mga oras nagdesisyon na akong muling bumalik ng Resort.

Subalit malalim na ang gabi nananatili pa rin ako sa labas ng aming Quarters at kasalukuyan pinapapak ng mga lamok sa tabi ng isang Dwarf Coconut tree. Halos kasing laki ko lang ito pero mabuti na rin kaysa sa wala akong mapagkukublihan.

Kanina ko pa sinusubukang pumasok ngunit tila kay damot sa akin ng pagkakataon. Ang malas malas ko yata ngayong buong maghapon ah?!

Saka sumasakit na ang mga paa at binti ko...huhuhu!  Ano nga ba ang pumasok sa isip ko?

Ngayon ko lang na-realized na tama si Marco, kung bakit kasi nagawa ko pang umawra? Dapat pala nag tsinelas na lang ako!

Todo effort pa naman ako sa pag-aayos kanina, dahil si Marco ang kasama ko.

Umasa kasi ako na baka sakaling magandahan siya sa akin at totohanin na  niya, na ako ang isama sa Switzerland imbes na si Marianne.

Pero ang walanghiya hindi man lang yata napansin ang magandang hubog ng aking binti.

Syunga ka ba, paano naman niyang makikita ang nakatagong palo-palo sa haba ng saya mo gurl?

Kung bakit kasi kina-reer pa talaga ang pagsusuot ng Heels.

Nasobrahan yata ako sa pagiging assumera! As if, naman  mapapansin ni Marco ang ka-beutihan ko...

__

“Papa...” Wika ko sa paos nang tinig.

Ang nag-iisang tao na alam kong makakaramdam at makakabasa ng iniisip ko. Siguro dahil siya lang naman ang Papa ko, ang nag-iisang kaanak na kilala ko at kilala ako. Ang nag-iisang meron ako ang Papa ko lang, kaming dalawa lang buong buhay ko.

Kasi wala na si Mama...

“Huhumm! Eyang Anak napatawag ka gabi na ah, saka bakit  gising ka pa, wala ka bang pasok bukas?” Sunod-sunod ang tanong nito at halatang naabala ito sa pagtulog.

Bigla tuloy akong nagsisi, kung bakit pa ako tumawag sa kanya sa oras na ito.

Mahigit alas diyes na ng gabi natural tulog na si Papa pero heto ako at nang-iistorbo pa, ang anga-anga ko talaga!

Sigurado ring magtatatanong ito.

“Anak may problema ba?” Nag-aalalang tanong nito sa akin.

Subalit bigla akong nakaramdam ng hiya? Kaya wala na akong choice kung hindi ang magsinungaling sa kanya.

For the first time...

“Po? Hindi, w-wala po Papa wala pong problema!” Ngunit lingid sa kaalaman nito tuliro na ang isip ko kanina pa.

Batid ko kasi na mataas ang expectation niya sa akin, alam ni Papa na hindi ko gagawin o papasukin ang ganitong kahangalan. Ang ipagpalit ang maayos na sanang trabaho ko dito sa Isla para lang gumawa ng isang kahangalan, gaya ng ginawa kong eksena kanina.

Bakit ba kasi ginawa ko iyon, bakit ba ako sumunod sa kanila at hindi muna ako nag-isip. Idinamay ko pa ang sarili ko sa gulo at ngayon anong napala ko?

Iniwan lang nila ako sa ere.  Ang akala ko kasi kaibigan ko sila, mga kaibigan na hindi ako iiwang mag-isa.

Pero nasaan sila ngayon?

Habang nagpapakasaya sila sa piling ng isa't-isa wala naman silang pananagutan sa akin at wala na rin silang pakialam kahit pa mapahamak ako.

Ah’ bakit ba kasi nakialam pa ako sa kanila? Bakit ba kasi ang bait ko, mabait ba talaga ako o sadyang t*nga lang?

_

Mukhang poproblemahin ko pa tuloy ngayon ang tutulugan ko or else dito na ako magpapaabot ng umaga para makuha ko ang mga gamit ko sa loob ng Quarters.

Kung meron lang sana akong ibang matutuluyan dito sa Isla.

Dito na rin kasi sa Resort ang nagsisilbing tahanan ko. kahit paano naman meron kaming kanya kanyang tulugan kahit na halos higaan lang ang kasya at isang bangkito.

But atleast may maliit na built-in cabinet na kasya naman ang limang uniporme ko. Pero hindi naman ako nagrereklamo dahil mas mabuti na iyon kaysa naman sa wala akong matutuluyan, wala naman kasi kaming sariling bahay.

Napaupo at napasandal na lang ako sa puno ng niyog na kinatatayuan ko. Gusto ko nang umiyak ngunit kailangan kong pigilan para hindi mahalata ni Papa.

Huminga ako ng malalim upang muling i-compost ang sarili dahil kailang itago ko ang nararamdaman.

“Hey, what’s up Princess? Sigurado ka ba talagang walang problema. Alam ko naman na malakas ang baby ko kaya sure ako kakayanin mo ang ano mang problema. But always remember this my Princess, nandito lang si Papa kapag hindi mo na kaya ha’!” Paalala nito sa’kin kaya pakiramdam ko tuloy lalo akong nahiya sa katangahang ginawa ko.

“Papa...” Muli huminga ako ng malalim bago ako nagpatuloy.  “P’wede bang sumunod na lang ako sa’yo diyan sa Manila at d’yan na lang ako magtrabaho para magkasama na tayo Papa. ” Hiling ko.

Narinig ko ang malalim na paghugot niya ng paghinga, kaya sigurado ako na hindi siya sang-ayon sa gusto kong mangyari.

But I tried...

“Anak, napag-usapan na natin ito hindi ba? Hindi pa ito ang tamang panahon para magkasama tayo dito, Anak.” May diin ngunit mahinahong wika nito.

Palaging iyon ang kanyang sinasabi, ngunit bakit kailangan pa ng tamang panahon?

Minsan hindi ko maintindihan si Papa...

“Pero Papa kailan ba ang tamang panahon?!” Tanong ko na may himig ng pagrerebelde.

“Ano ba talaga ang problema Aleyha, sabihin mo na para magawan ko agad ito ng solusyon. Dahil hindi ka maaaring umalis d’yan sa Isla, hindi ang pagtakbo ang solusyon sa problema mo, anak!” Giit nito. Sabi ko na nga ba hindi ito papayag.

“Bakit pakiramdam ko ayaw mo akong makasama Papa, tayong dalawa na nga lang  gusto mo pang magkahiwalay tayong dalawa. Pakiramdam ko may itinatago ka sa’kin Papa!”

“Huwag kang mag-isip ng gan’yan Aleyha, hindi ka na bata para hindi makaintindi! Bakit sa akala mo ba madali para sa akin na pabayaan kang nag-iisa, na hindi ako nag-aalala sa’yo ha?

'Magmula ng iwan tayo ng Mama mo, ikaw na lang at ako. Hindi man kita nabigyan ng magandang buhay na nararapat para sa’yo. Alam mong ginagawa ko pa rin ang lahat para sa ikabubuti mo. Dahil para sa akin ikaw ang natatanging yaman ko.

‘You’re the only one that I have and my life is empty without you Princess! Mahal na mahal ko kayo ng Mama mo. Ikaw at ang Mama mo ang buong buhay ko.

K-kahit pa nga hindi ako ang tunay mong Ama!"

"Papa..."

****

06/06/25

@LadyGem25

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • TIE OF LOVE    FIRST DAY IN WORK

    CHAPTER NINE: ___ "What the hell.. Saang bundok ka ba nanggaling ha, hindi mo ba ako kilala?" Mataray na tanong ng babaing nakasalubong ko sa may entrance door. Dapat ba kilala ko siya? "Sorry po ma'am tama po kayo, hindi ko nga po kayo kilala e!" Malakas ang loob na sagot ko. "B*ba, no one in this building does not know me." Muling tungayaw nito sa akin. Gusto ko rin sanang sabihin.. no one has the right to tell me that word too. Dahil hindi ako b*ba. "Nakupo! Ma'am ako na po ang humihingi ng dispensa pasensya na. Bago pa lang po kasi siya dito kaya hindi pa niya kayo kilala." Saglit na lumingon si Maam Divina sa akin at hinawakan ang aking kamay. "Sige na, humingi ka ng dispensa." Pabulong nitong utos sa akin. Tumututol ang isip ko ngunit alam kong kailangan kong sundin si Ma'am Divina. Dahil iyon rin ang alam kong pinakatama kong gawin, kung nais kong tumagal pa dito. Kahit hindi ko pa batid kung sino nga ba ang babaing kaharap ko? "S-sorry po ma'am hindi ko po talaga

  • TIE OF LOVE    LOVE PREVENTION

    CHAPTER EIGHT:___Bakit ba hindi ko maiwasang mapangiti kapag naiisip ko ang babaing iyon. Hindi naman siya espesyal na tao pero bakit ba ang lakas ng dating niya sa akin. Kanina bigla akong nakaramdam ng hiya sa aking sarili. Bakit nga ba naisip kong itanong ang bagay na iyon, kailan pa ako naging interesado sa status ni Rigo?Pero hindi naman talaga kay Rigo ako interesado, alam ko itanggi ko man may bahagi sa akin ang ginugulo ng babaing iyon. Pero hindi ko na ito dapat palawigin pa dahil malapit na akong ikasal.Kahit kailan naman hindi ko naisip na pagtataksilan ko si Althea kaya ano bang nangyayari sa akin ngayon?Ilang sandali pa ang mga katok sa pinto ang biglang pumukaw sa akin."Tok, tok!" "Huh, sino 'yan?""Boss, ako ito papasok na ako ah?" Si Divina ang aking sekretarya.Hindi ko na inangat ang aking ulo may binabasa kasi akong documento kanina pa at hindi ko pa rin tapos basahin. Kaya hindi ko napansin na may kasama pala si Divina na pumasok sa opisina ko."Boss, may

  • TIE OF LOVE    MEET MR. IVO SEBASTIAN

    CHAPTER SEVEN:___"Anong itinawag mo sa akin?" Bakit ba sa dami naman ng p'wede kong makasabay sa elevator ang lalaking ito pa? "Hi Sir ikaw pala 'yan, dito ka rin ba nagtatrabaho Sir?" Sinubukan kong ibahin na lang ang usapan."Bago ka ba dito?" Hindi naman na niya inulit ang tanong kanina. Hayst salamat naman.."Opo bago lang po ako, ikaw ano pa lang ginagawa n'yo dito Sir?" Muli hindi nito sinagot ang tanong ko."Ikaw bakit ka narito, wala ka bang makitang iba at si Rigo pa ang sinamahan mo?" Lumapit pa ito sa akin.Ano daw, at ano naman kayang problema nito kay Sir Rigo?"Eh Sir, may problema ba kay Sir Rigo? Siya po ang Boss ko, actually tinulungan lang niya ako. Inilipat lang niya ako dito galing ako ng Cagayan de Oro at matagal na po akong nagtatrabaho sa Resort." May kalakip pang pagmamalaki ang huli kong sinabi. Baka kasi isipin nito na babae ako ni Sir Rigo na gustong ipasok sa kumpanya. Kaya naman itinaas ko talaga ang noo ko na napansin kong ikinataas rin ng kilay ni

  • TIE OF LOVE    THE CRY'NG LADY UNDER THE SUN & MR. LONG LEGGED

    CHAPTER SIX: ___ Nagising ako ng maramdaman ko ang paglapag ng sinasakyan naming private plane sa Airport ng Maynila. Mula sa Cagayan de Oro City hindi ko na namalayang nakatulog pala ako sa buong biyahe. Haysst! Ikaw ba naman ang sumakay ng private plane na hindi mo na kailangan pumila at makipagsiksikan sa ibang pasahero. Plus may service deluxe pa, grabe talaga kapag yayamanin. "Hey! Are you okay, nahirapan ka ba sa biyahe natin?" Tanong sa akin ni Sir Rigo marahil napansin nito na tahimik ako. Ang hindi nito alam ang sarap nga ng tulog ko at excited na ako sa muli kong pagtuntong ng Maynila at s'yempre sa pagkikita namin ng Papa. Ang natatandaan ko dinala ako dito noon ng Papa nasa Elementary pa lamang ako. Kung hindi ako nagkakamali magsisiyam na taon yata ako at tatlong taon naman ang nakalipas mula ng mamatay ang Mama. Ipinasyal pa nga ako ng Papa sa isang malaking mall at sa Manila zoo. Hindi pa nagtatrabaho noon sa S&DC Group ang Papa pero pagbalik namin ng Cag

  • TIE OF LOVE    UNDER THE SOLES OF THE FEET

    CHAPTER FIVE: ___ Pagmulat ng mga mata ko bahagya akong nagtaka, puting kisame, puting ding-ding at asul na kurtina. Ito ang unang bumungad sa aking paningin ngunit tila ito pamilyar? Tinangka kong bumangon subalit bigla akong napaigik dahil sa biglang kirot na aking naramdaman. Tama! Hindi ako maaaring magkamali nasa loob ako ng klinika, clinic sa loob mismo ng Resort, pero bakit naman ako narito? Muli akong pumikit upang balikan ang lahat sa aking isip... A-ang huli kong naaalala, may bumabang anghel este' si Sir Rigo siya ang nakita ko na nagligtas sa akin. P-pero nasaan na kaya siya ngayon? Pinilit kong tumayo sa kabila ng aking pagkaliyo, ngunit saglit lang umayos rin ang aking pakiramdam. Dahil mas masakit pa rin ang tinamo kong galos at pasà sa katawan. Paika- ika akong lumakad ng maalala ko nga pa lang wala akong sapin sa paa. Nag-palinga-linga ako sa paligid upang hanapin ang aking sinelas ngunit... Sinelas? Sandali hindi naman sinelas ang suot ko kanina ah,

  • TIE OF LOVE     KNIGHT IN SHINING ARMOR

    CHAPTER FOUR: ___ “M-ma’am Trixie!” Halos takasan ako ng kulay ng makumpirma ko ang boses na iyon. Kung p’wede lang sana na lumubog muna ako at saka na lang ako aahon pero hindi, imposible! Kasing imposible ng pagkakataon na matakasan ko pa ang galit nito ngayon. “Halika nga dito, wal***hiya ka!” Agad na hinablot nito ang buhok ko at hinila ako kung saan may liwanag. Marahil sadyang gusto niya akong ipahiya. Ang alam ko wala naman talaga akong kasalanan, sumunod lang rin naman ako sa utos ng superior ko. Dahil isa rin si Marco sa sinusunod sa Resort na ito. Si Marco ang Head Supervisor ng Supervising team. Ang pagkakamali ko lang kahit pa labas na sa trabaho ko ang sundin ang ipinagawa niya sa akin ay ginawa ko pa rin... Kaya nga gusto ko mang magprotesta hindi ko magawa. Gusto ko mang manlaban ngunit paano nga ba? Kahit na ramdam na ramdam ko ng mga oras na iyon ang tila pagkabanat ng anit ko sa aking ulo. Ang sakit sakit ng pakiramdam ko ngunit wala naman akong magagaw

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status