Gabriel Del Fuego. Possessive and hardworking when it comes to business. But, being Millionaire can’t make him happy. He tries to win Carmela’s heart. Pag-angkin na inaakala niyang ikasasaya niya, kung sa huli ay matutuklasan niyang kakambal pala ng kanyang nobya ang babaeng nasa piling niya—si Almira Ocampo, ang babaeng nakatakdang ikasal sa kanyang kapatid. Saan siya dadalhin ng galit, maitatama ba ang pagkakamaling kahit kailan ay hindi na mabubura?
View MoreNAKATUTOK sa harap ng computer monitor si Almira nang biglang lumabas ang isang mensahe galing sa kanyang email account. Bahagyang kumunot-noo niya ng mabuksan ito dahil na rin naka-spam message at mula iyon sa isang anonymous account. Nang mabasa niya ang mensahe ay tumambad sa kanya ang ilang kuha ng larawan niya, may nakaupo at nakangiti habang kausap niya sa larawang iyon si Mylene, kaibigan niya.
Pagkatapos niyang basahin ang naka-subject ay napatakip na lamang siya sa kaniyang bibig. Bumundol ang matinding kaba sa dibdib niya at nanginginig ang kaniyang kamay habang tumipa para ibuhos sa taong iyon ang kanyang nadaramang galit at inis. Dali-dali niyang ini-report ang account na iyon at binura ang mensahe nito bago pa man bumalik sina Vlad at ang mga kaibigan niya na nasa labas at masayang nagku-kuwentuhan.Nasa kuwarto siya sa mga sandaling iyon kung kaya't mabilis niyang pinatay ang kanyang laptop ‘tsaka lumabas ng kanyang silid. Paglabas niya ay nadatnan niya ang kanyang nobyong si Vladimir, nakangiti ito at mabilis siyang ginawaran ng halik sa labi. Tumugon siya ng halik rito at napatingkayad na rin dahil sa may katangkaran ang binata sabay angkla ng kaniyang mga braso sa leeg nito.“Briggete wants to meet you,” ani Vladimir pagkatapos nilang m********n dalawa.“Really? Akala ko ba ay mabubuo ang world war 3 sa pagitan naming dalawa,” nakangiting wika niya bagay na ikinahalik ni Vladimir sa noo niya.Vladimir is genuinely smiles while staring at her, “Forgive her, sweety. She made a promise, hindi na siya tumututol sa relasyon nating dalawa. And besides, wala na siyang laban pa sayo. We’re getting married soon at titiyakin kong walang makakapigil pa roon,” malambing na saad sa kanya ni Vladimir.Hinawakan niya ang mukha ng binata at tumitig dito habang may ngiti sa labi nang hagkan niyang muli ito.“I love you, Vlad,” malambing niyang sambit bagay na ikinangiting malapad naman ng huli.“Then, I will love you more my soon to be Misis Savedra,” nakangiting tugon sa kanya ni Vladimir.Naputol lamang ang kanilang pag-uusap dahil sa taong tumikhim sa kanilang likuran. Si Aska ito nang mapagsino ni Almira. Nakangiti sa kanila si Aska, kasabay niyon ay ang pagpasok ng kanilang mga kaibigan. Kaniya-kanyang dala ng mga pagkain at mga inumin bagay na ikinailing nilang pareho.They’ll celebrate, ‘cause it was her birthday.KINABUKASAN, ay naging laman ng kantyawan sa opisina si Vladimir, dahil sa hindi pa raw nito nagalaw ang babaeng papakasalan. Malaki ang respeto niya kay Almira at naniniwala siyang may perfect timing para sa bagay na iyon. May ilan ang bumilib ngunit, mas marami ang hindi dahil kilala siyang casanova at campus heartthrob noon.He smile, ngunit nabura kaagad ang ngiti sa labi niya. Nasa hallway siya patungo sa kanyang cubicle nang nakasalubong niya si Gabriel Del Fuego, ang CEO at kilalang batang milyonaryo na nagmamay-ari ng Tierra de hacienda sa Mindanao.Sa totoo lamang ay hindi niya gusto ang pamamalakad ng kapatid niyang ito na naging Boss na rin niya. Marami-rami na itong napabagsak na malaking kompanyang ka-kompetensya at marumi rin itong maglaro pagdating sa negosyo.Huminto ito saglit habang nakatitig din sa kanya ng deretso.“Staring at me while cursing me in your head, Mr. Savedra?” nakangising usisa nito bagay na ikinayuko niya ng ulo ‘tsaka humingi ng paumanhin dito.“No, sir! I'm sorry,” paghingi niya ng tawad.Bahagya itong tumango sa kanya. Ngunit, hindi niya maunawaan kung bakit tila may galit ito sa kanya sa tuwing magkaharap silang dalawa.“I need your presence after the meeting,” maawtoridad nitong sabi saka humakbang at iniwan siyang nmag-isa.Bumuntonghininga siya nang makalayo mula sa kanya ang boss niya at naiiling na inayos ang kuwelyo ng kanyang suot na Turquoise Blue long sleeve.SA kabilang banda ay ngiting-ngiti si Almira habang hawak niya ang kanyang cellphone at ka-text ang kasintahan. Sumingit naman si Mylene sabay inabutan siya ng mango flavor ice cream.“Oh! Kain muna bago landi!” paangil nito bagay na ikinatawa na lamang niya ng bahagya ‘tsaka tinanggap ang iniabot nito.“Sagutin mo na kasi si Bart. Ang bitter mo kasi,” nakangiting pang-asar ni Almira.Isang matinding pag-irap ang pinakawalan ni Mylene bago ito umupo sa tabi ni Almira.“Sa tingin mo ba, is he destined for me talaga? What if, makakatagpo pa ako ng mas better?” nagdadalawang isip tanong sa kanya ni Mylene bagay na ikinahalakhak na lamang niya.“Naks! Ang choosy ah, may pa-what if ka na niyan? Huwag na kasing choosy bestpren, tingnan mo kami ni Vlad. . . mula ng naging kami, talagang malaki na ang pinagbago niya, and I can't wait to be Misis Savedra,” nakangiting sabi niya sabay pagdila at kinagat ang hawak-hawak na ice cream.“Haba ng hair, uwu! Akin na nga 'yan. Putulin ko na, ang haba na ei!” pabirong sabi ni Mylene habang kinikilos ang kamay mula ulo hanggang paa ni Almira.Nagtawanan silang dalawa hanggang sa inimbita siya ni Mylene na pupunta ng birthday party para sa pinsan nito bukas. Nauwi sila sa pamimili ng mga damit at hindi na niya nagawang magpaalam kay Vladimir, kung kaya't matapos nilang bumili ay saka pa niya binuksan ang kanyang cellphone bagay na ikinanlaki ng kaniyang mga mata dahil, umabot iyon ng 55 miscalls at 30 message galing kay Vladimir.Kaagad niya itong tinawagan pagkarating niya sa bahay matapos siyang maihatid ni Mylene. Ngunit tumutunog lamang ang cellphone ng binata at hindi ito sumasagot. Bigla niyang naibaba ang tawag at napakagat-labi.Nilingon niya ang kaibigan ng magsalita ito, “Relax! Sasagot din iyan. . . siyanga! Mauna na ako bes, basta bukas huwag kang magsasabing aayaw kung ayaw mong tuktukan ko ng takong iyang bungo mo!” nagpapaalalang sabi ni Mylene.“Oo na, umuwi ka na!” ngiting pagtaboy dito ni Almira ngunit binelatan lamang siya ng kaibigan bago pumasok sa sasakyan nito.She waved at her hanggang sa nawala ito sa kaniyang paningin saka pa tumunog ang cellphone niya bagay na ikina-kislot niya nang bahagya. Nang mabasa niya sa screen display ang pangalan ni Vladimir ay awtomatiko niya itong sinagot.Lumapad ang ngiti sa labi niya at biglang na-excite.“Hon?” agad niyang sambit sa katawagan.“Oh! Sweety. Jeez! I have called you many times, but your phone is out of reach. I'm f*cking worried here, where have you been, Mira?” magkasunod-sunod na usisa ni Vladimir at nahahalata sa boses nito ang sobrang pag-aalala.“I'm sorry, Hon. Nakalimutan kitang i-text, nawala sa isip ko dahil sa sobrang kakulitan ni May. Kilala mo si Mylene, napaka niya—Kakauwi ko pa lang, sorry if I made you worried again and again,” naluluhang pangatwiran ni Almira.Isang malalim na buntonghininga at matamlay na boses ang narinig niya mula kay Vladimir bagay na lalong ikina-konsensya niya.“I understand, but please. . . be safe always, sweety. Malayo ako sayo at hindi kita makikita ng ilang araw dahil nasa probinsya ako,” ani Vladimir bagay na ikina-kunot-noo niya.“You didn't pick up your phone, kaya hindi na ako nakapagpaalam sayo. But don't worry, one week lang ako rito,” pagpapatuloy ni Vladimir.Nawala ang ngiti sa labi ni Almira at nawalan na rin ng gana.“Magkasama ba kayo ni—” putol ang nais niyang sabihin at iniba ang usapan. “It’s okay, mag-iingat ka riyan. Don't worry about me, I'm okay. . .” pekeng ngiting aniya.“No, you're not. . . kilala kita, kasama ko man siya pero trust me, trabaho ang pinunta ko rito,” paliwanag ni Vladimir.Napatango na lamang siya at pilit na pinasigla ang boses.“I trust you, Vlad. And I know how you keep your promises. . . sana, matapos na ang trabaho mo riyan dahil ngayon pa lang na mi-miss na kita,” nakangiting saad niya bagay na ikinatawa ng mahina ni Vladimir.She smile back,ang tawa ni Vladimir na yata ang pinakamasarap sa kaniyang pandinig kung kaya't bumalik muli ang pagsigla ng kaniyang boses habang kausap ito.“Good night, Hon!” paalam niya.“Good night, my Angel! Take your time. Mag-iingat ka.”She blushed, wala man si Vladimir sa harapan niya ngunit, pakiramdam niya ay kaharap niya ito ngayon.“Be safe always, Vlad.”“Yeah! I love you, I really do!”She giggled, biteng her nails. “I love you more, bye. I'll hang up this now, baka abutan tayo ng umaga.”She heard Vladimir chuckled and hang his phone.Nang matapos ang palitan nilang salita ay nagpasya na si Almira pumasok sa apartment nito upang makapagpahinga na rin dahil ginabi na siya makauwi.KINABUKASAN ay sinundo ni Mylene si Almira at tinungo nila ang reception kung saan gaganapin ang welcome party ng pinsan nitong kakauwi galing Barcelona. Kasama nito si Bartolome o mas kilalang Bart bagay na ikinaawang ng bibig ni Almira. Ito rin kasi ang naging driver nilang dalawa kung kaya't may ngiting pilya siyang tumitig kay Mylene.“Stop that, Mira! Nagkusa lang siya, diba Bart?” depensang ani Mylene at tila nagkukulay kamatis na ang mukha nito.“Yes of course, my love. I won’t made you upset! That's why, I'll voluntarily be your driver and servant for tonight but still your loyal suitor!” nakangiti at proud na buong tugon ni Bart.Nagkasakubong ang mga kilay ni Mylene at padabog na tumalikod habang tinatago ang kilig.“Asus! Anong pagpipigil 'yan, May? Naku! Sige ka. . . nakakamatay pa naman ang pagpipigil,” pilyang ani Almira.“Heh! Tara na nga, baka ma-high blood pa ako riyan sa unggoy na 'yan!” paasik na sabi ni Mylene ng tumigil ang sasakyan sa isang kilala at tanyag na hotel.Nagtuwaan sina Almira at Bartolome dahil sa inasta ni Mylene, bagay na ikinairap naman nito sa kanilang dalawa. Nang makababa mula sa sasakyan si Almira ay bumungad sa kanya ang ganda ng paligid. Matao at high-class ang mga bisita.“Bes, pasok na tayo. Naghihintay na sa loob ang pinsan ko,” yaya sa kanya ni Mylene.Napangiti siya rito saka sumabay kay Mylene, habang nasa likuran nilang dalawa ang binatang si Bartolome.KALAUNAN ay nagsimula na ang party at okupado para sa kanila ang isang mesa. Ipinakilala ni Mylene sa kanilang dalawa ni Bartolome ang lalaking matikas, mala-model na mukha, maputi, at umaapaw ang dugong maharlika. Chinito at kulay abo ang mga mata nito, matangos ang ilong, at manipis ang mamula-mulang labi.She totally described him.Kung ikukumpara kasi ito kay Tom Cruise ay pagkakamalan mong kamag-anak niya ito.“Leigh, this is Almira Ocampo, and Bartolome Del Fuego,” nakangiting pagpapakilala rito ni Mylene.Kunot-noo, bumakas ang pait sa mukha ni Bartolome.“Almira, Bart, siya si Leigh. . . pinsan kong buo,” nakangiting dugtong ni Mylene na tila sinadya niyang patagalin ang sinabi.“Great!” tawang naibulalas ni Bart. “Buti naman!” anito at nabuhay ang kaninang pagtamlay.Leigh, with a wide smile on his face extended his arms to Bartolome and also to Almira. Ngunit, kaagad na inawat ni Mylene, ang pinsan mula sa paghawak nito sa kamay ng bespren niya.“Girls party muna kami ng bespren ko, Leigh! Salamat sa pagpunta,” anito.“No problem, cousin. . . here I go, I have a friend I need to meet. Just see you later,” saad ni Leigh, saka ningitian si Almira bago tumalikod at iniwan sila nito.Nakatunganga lamang si Bartolome nang tapunan ito ni Mylene ng masamang tingin.“Oh! Ikaw. . . dun ka! Mamaya ka na bumuntot,” pagtaboy nito.“Ang harsh!” naibulong na lamang ni Almira at kinurot ang tagiliran ng kaibigan.“Kapag 'yan, nakahanap. . . sinasabi ko, magsisisi ka rin!” dagdag nitong sabi bagay na ikinairap na lamang din ni Mylene.Ngumiti lamang si Bartolome, ngunit hindi umabot iyon sa kaniyang mga mata bago ito magpaalam sa kanilang dalawa.GABI na kung kaya't mas lalong dumarami ang mga bisitang nagsidatingan sa party na iyon. Hindi naman hinayaang mag-isa ni Mylene si Almira, kung kaya't hindi ito nakaramdam ng out of place. Ka-text kasi ni Almira sa mga oras na iyon ang nobyo niyang si Vladimir, sa na lagi na namang nagpapaalala.Habang abala sa ka-text ay nagpaalam sandali sa kanya si Mylene, kung kaya't naiwan siyang mag-isang nakatayo sa isang sulok habang umiinom ng ladies drink.SAMANTALA, mula sa kinaroroonan ni Almira, ay may mga matang nakatingin, nagmamasid at nagmamatyag.Nakangisi ang isang lalaking tahimik na nakatayo hindi kalayuan ni Almira. Matangkad ito, suot nito ang Blue Indigo tux with red dotted tie. Nababagay sa perpektong mukha nito ang manipis na mustache. Nagtangis ang panga nitong inilagok ang natitirang alak sa hawak na wine glass habang hindi inaalis ang kaniyang mga mata sa dalaga.Nang dumaan sa gawi nito ang isang waiter na may dala-dalang mga inumin ay agad niya itong ningitian.“Give me two,” aniya.“Sure!” tanging sabi ng kaharap at iniabot sa kanya ang dalawang cocktail wine.Nagngitian silang dalawa ng waiter at inabutan ito nang limang libo kapalit sa inutos nito.Isang sleeping pills.Inilundag iyon ng waiter sa inumin at sinadyang inilaan para sa isang tao. Umalis ito at tinungo ang kinaroroonan ni Almira, at tamang-tama iyon dahil wala ng laman ang hawak nito kung kaya't inalukan naman ito ng waiter na siyang ikinatanggap ng dalaga.Bago pa man tuluyang makaalis ang waiter ay lumingon muna ito sa kinaroroonan ng lalaki at nakangising aso ito bago tuluyang umalis at iniwan ang dalaga. Naparami ng nainom si Mylene dahil, nakita niyang may kausap na ibang babae si Bartolome. Dahil sa inis na lumukob sa loob niya ay nagpakalasing siya ng todo. Kaya ngayon ay kantodo kapit nito sa leeg ni Bartolome, na kulang na lamang ay mapupunit na ang damit nito.Kahit medyo hilo sa mga sandaling iyon si Almira, ay pinipilit niyang inaawat ang kaibigan. Maging si Leigh, ay nahiya sa inasal ng pinsan nito.“Jeez! This little brat didn't change,” naibulalas ni Leigh.“It's okay Leigh, sanay na ako riyan,” ani Almira at bumaling kay Bartolome. “Bart, ihatid mo si May sa kanila,” utos niya rito.“Paano ka?” tanong sa kanya ni Bartolome.Bahagya siyang ngumiti rito, “Magta-taxi ako. Ingatan mo si Mylene, dahil, nambugbog iyan sa tuwing nalalasing!” tugon niya.“No worries, dude! I can help her. Puwede kong ihatid si Almira,” pagpresinta ni Leigh, ngunit tumanggi rin si Almira.“Thank you, Leigh, pero, huwag ka ng mag-abala. Malapit lang dito ang apartment ko. Siya! Mauna na ako.”Hinayaan na lamang siya ni Leigh, bago ito tumalikod sa kanya at pumasok pabalik sa loob ng hotel. Habang si Bartolome, naman ay hirap na hirap kay Mylene, dahil lumilikot ito at kantodo alis sa braso nito dahil kinakabit ni Bartolome, ang seatbelt.Nakaalis ang sasakyan ni Bartolome, habang nag-aabang ng masakyan si Almira, sa tabing daan hinihilot-hilot niya ang kaniyang sintido upang kalabanin ang antok na kanina pa niya nararamdaman. Kalaunan ay pumarada sa tapat niya ang isang 1998 Ferrari 550 Maranello.A stranger gave her a hand,bagay na ikinatitig niya sa taong iyon ngunit nanaig ang antok na kaniyang naramdaman hanggang sa bumigay ang katawan niya at biglang nawalan ng balanse ngunit, mabilis ang lalaking nakaharap at kaagaran siya nitong nasalo, nahawakan din upang hindi tuluyang bumagsak sa semento.A guy wearing his cheshire cat smile staring at the girl with an angelic face. He adores her, but he knows. . . she's getting married soon to his bastard brother.SA mga araw na lumipas ay naging mahirap para kay Almira na harapin ang bukas. Hindi niya maalis sa sarili ang pagiging isang ina. Sa mga sandaling ito ay inaaliw niya ang sarili sa pagiging personal nurse ni Gabriel. Hindi siya nagmukmok dahil kapag ginawa niya iyon tiyak na ikakabaliw niya.“Ang señorito mo?” usisa ni Madam Kate ng pumasok ito sa kuwarto ng binata.“Nasa loob po, naliligo.”Napakagat-labi ang ginang, ngumiti ito at saka kinuha mula sa kaniya ang hinawakan.“Almira, hayaan mo na iyan. Si Aling Lordes na ang gagawa niyan. Ang pagiging taga-alaga na lang ni Gabriel ang gagawin mo,” saway sa kanya ni Madam Kate nang hawakan niya ang unan para ayusin ito.“Wala naman po akong gagawin bukod sa pagpapaalala lang kay Gab—kay Señorito Gabriel sa iinumin niyang gamot,” kaagad niyang sabi at muntik niyang sambitin ang ngalan ng binata sa gusto niyang itawag dito.Ngumiti ang ginang sabay tap nito sa balikat ng dalaga.“You don’t have to. Sige na, ihanda mo na ang susuotin ng se
NAPANGITI si Almira at natuwa sa batang karga niya. Napakaganda ng ngiti nito at tinutunaw nito ang kalungkutan niyang nadarama. Ngunit, ganun na lamang ang takot niya ng unti-unti itong nawala sa bisig niya. Napaiyak siya at humagulhol. Hanggang sa nagising siya mula sa pagkakatulog.“Almira, Diyos ko salamat at nagising ka na anak,” naisambit ng kanyang ina. Mugto ang mga mata nito ng matitigan ng dalaga.“Nay? Umiyak ka ba?” Usisa niya at akmang babangon ay mabilis siyang pinigilan ni Gabriel na naroon nakatayo sa kanyang tabi.“Don’t move, Almira. Makakasama sayo ang kumilos kaagad,” puno ng pag-aalalang anito.“Ayos lang ako Gabriel, salamat sa pag-aalala.”Napatitig si Almira sa binata ng hawakan nito ang kaniyang kamay at pisilin ito. Nanubig din ang matang tinitigan ng inay niya si Almira bagay na ipinagtaka ng dalaga.“Nay? May problema ba?”“Anak, kasi—” gumargal ang tinig ng inay niya at tuluyan itong humagulhol. “Ang anak mo. . .wala na siya,” nahirapan nitong sabi.Natigi
“Almira,” nabosesan niyang sambit ni Vladimir nang iangat niya ang mukha at tingnan ang kaharap.Nanubig ang matang nagtama ang kanilang mga mata.“Almira,” muling sambit ng binata at niisang hakbang si Almira upang ikulong sa bisig nito.Hindi makaimik at tanging pagbagsak lamang ng luha ang nagawa ni Almira. Naipikit niya ang kanyang mga mata at hinayaang yakapin siya ni Vladimir.“It’s you. God! Ikaw nga, Almira. Kaytagal na kitang hinanap. Babe, I really missed you,” nabasag ang tinig na sambit ni Vladimir.“Vlad,” gumaralgal ang tinig na sabi ni Almira. “Vlad, let me go. Wala ng tayo, Vladimir.”Lumuwag ang pagyakap ng binata, gumuhit sa mukha nito ang pait at pilit na ngiti.“I’m sorry Almira. Forgive me, nabigla lang ako ng makita kita. Hindi ko inaasahan na matatagpuan kita rito.”Nawala ang ngiti sa labi ni Almira ng makita ang hawak ni Vladimir. Bulaklak iyon, isang kumpon ng white rose. Kagat ang labi upang pigilan ang sariling hindi maluha. Ngunit, bumuo na naman ng luha a
UMIGTING ang pangang nakipagsukatan ng tingin si Vladimir kay Gabriel. Nakapaglakad na ito gaya sa impormasyong nakalap niya. Ngunit, hindi na gaya noon ang pagtitig nito sa kanya nang masama. Tila, may nag-iba na rito.“Magandang gabi señorito Gabriel, may naghahanap sayo kanina at nagpapasabing tawagan mo na lang daw siya pabalik. Siya raw po si Victoria,” paliwanag ni Cherry.Naintrigang dumekwatro ng upo si Vladimir. Sumulyap sa kanya ang kapatid bago ito humakbang paalis.He smirked,He don't want to stay long. Hindi dahil, ayaw niyang tumira kasama ang kapatid pero ayaw niya lang maalala ang presensya ng babaeng naging dahilan kung bakit gusto niyang magpakalayo. Si Carmela, matagal man itong nawala ngunit, hindi niya maalis pa rin sa puso, ang mangulila.“Forgive me, Mela, please help me to find Almira,” naisatinig ng kaniyang isipan.Tangan ang kopitang may laman ng alak nang madatnan siya ni Bartolome sa sala. Nakabalik ito mula sa Maynila at mukhang kakarating lang nito.Bar
NANG sumunod na araw ay ipinagpatuloy ni Almira ang paninilbihan kay Gabriel. Pansin niya pagbabago sa binata, mula sa pagiging masungit ay lagi na itong nakangiti sa tuwing kasama siya. May improvement na rin sa pagsusumikap nitong ginagawa para makapaglakad muli.Kaagad niyang kinuha mula sa bag ang malinis na bimpo. Nang tumigil mula sa pag-e-enerhisyo ang binata ay kaagad niyang iniabot dito ang hawak.“Trapuhin mo ang pawis mo, masama sa katawan ang matuyuan ng pawis,” utos niya rito.Ngumiting tipid si Gabriel at saka humakbang palapit sa kanya, “Bakit hindi ikaw ang gumawa? Masakit ang mga muscles ko, parang ang hirap ikilos,” kunwari nito.Nataranta si Almira at wala nang nagawa pa kundi ang gawin ang sinabi nito. Dahil sa may katangkaran ang binata ay hirap siyang abutin ang noo nito bagay na ikinaatras niya nang iyuko ni Gabriel ang ulo at pumantay sa kanya.“Ayos na ba?” Nakakalokong ngiting tanong sa kanya ni Gabriel.Naiwas niya ang paningin at tinuyo ang pawis nito gamit
TAHIMIK lang bumyahe pauwing Tierra Fuego sina Kate, Bartolome at Vladimir. Paglipas ng isang linggo ay naka-recover ang binata mula sa natamo nitong aksidente. Sa makalawa ang death anniversary ng kanilang kanilang papa kung kaya ay napa-desisyon ni Kate na isama pauwin ang dalawang binata. Binalingan niya ng tingin si Vladimir na noon ay nakapikit lamang ang mga mata at mukhang nakatulog ito. Si Bartolome naman ay pansin niya ang lungkot sa mga mata nito. She heaved a sighed, nabalitaan niyang nagalit ang babaeng pinopormahan nito dahil hindi niya inaming siya ang boss nito. Naawa man siya ngunit, ayos din iyon upang bigyan ng leksyon ang pilyong anak.“Jeez! Why she can't forgive me? Ginawa ko lang naman iyon para makasama siya?” she heard Bartolome's mumbled.“Give her time, son. It's your fault, you lied to her,” Bumuntonghininga si Bartolome at sinubukan muli nitong tawagan ang numerong nakarehistro sa kanyang cellphone pero out of reach na ito. Napasandal na lamang ito sa
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments