Share

8. VAGRANT

Manila Area 2015

Theo

I just told Nitoy to leave because I could feel pain in my body. Nitoy divided the money into two while we were walking down the street, and I couldn't believe our reward was just 3000 pesos. Halos buwis buhay ang ginawa ko pakikipaglaban at pakiramdam ko ay nabali pa ang ilong.

“Ang liit naman ng premyo. Nabugbog na nga ako at nagkapasa tapos ito lang mapapala,” pagrereklamo ko.

“Huwag ka ng mareklamo dahil wala ka pang pangalan at nag-uumpisa pa lang,” tugon ni Nitoy.

“Bakit fifty-fifty pagkakahati?” tanong ko.

“Ako ang manager mo at ako gumagapang para makipag-usap sa mga tao. Kailangan din natin maglagay, diskarte ba?” pagyayabang na sagot ni Nitoy sabay akbay sa ‘kin. “Saan ka nga pala magpapalipas ng gabi?” bigla nitong tanong.

Kanina ko pa ‘yan iniisip dahil hindi puwedeng sa kanila ako makitulog dahil sampu ang kapatid nito at siksikan sa kanilang barung-barong.

“May naisip na ‘ko tutuluyan,” sagot ko sabay kuha ng knapsack na pinabitbit sa kaniya kanina
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status