Se connecterBAKIT NA KAY Theo na ang singsing? Iyon ang paulit-ulit na tanong ni Amanda sa sarili. Hindi naman na nakakagulat masyado na nasa kaniya na ulit iyon dahil kayang-kaya nitong lahat gawan ng paraan. Ipinahanap siguro ni Theo ang buyer at binili ulit.
Ibinabalik niya ulit sa kaniya ang singsing. Kung sa ibang pagkakataon, baka sobrang tuwa na ni Amanda. Pero wala siyang maramdaman. Wala siyang ibang ginawa kundi titigan lang ang singsing. Wala naman nang silbi iyon ngayon dahil makikipag-divorce na siya.Imbes na ubusin ang oras ni Amanda ang pag-iisip tungkol sa singsing sa sumunod na araw, inabala na lang niya ang sarili niyang bisitahin ang Kuya Armando niya sa kulungan."Ayos ka lang ba dito, Kuya?" tanong ni Amanda nang makaharap si Armando."Ayos lang ako dito. 'Yung bahay... nabenta mo na ba?" tanong ni Armando.Tumango si Amanda. "Oo, Kuya. Pero hindi gaanong kalaki 'yung pera pero ayos lang. Kahit papaano, nakatulong naman sa medication ni Daddy at para sa ibang gastusin."Isang buntong hininga ang naisagot ni Armando. Sa nakikita ngayon ni Amanda, ang laki ng ipinagbago ng kapatid niya. Hindi na ito 'yung dating Armando na hinahabol ng mga kababaihan. Hindi na ito kagaya ng dati na may magandang reputasyon. Nawala na lang lahat ng iyon sa isang iglap nang nakulong siya."May ipapakiusap sana ako sa 'yo..." ani Armando bigla matapos ng ilang segundong pananahimik nito."Ano 'yon, Kuya?""Hanapin mo ang abogado na si Atty. Victor Hernaez."Kumunot ang noo ni Amanda. "Victor Hernaez? Parang narinig ko na noon ang pangalang 'yan, Kuya.""Siya lang ang makakatulong sa akin... sa atin. Magaling siyang abogado."Inisip pa nang maigi ni Amanda kung saan niya narinig ang pangalan ng lalaki. Pero naputol iyon nang biglang may gwardiya nang kumuha sa atensyon nila."Tapos na ang oras ng dalaw, Ma'am. Sa ibang araw ulit," saad ng gwardiya bago hinawakan sa braso si Armando, pinapatayo na sa kinuupuan nito.Gusto pa sanang makausap nang mas matagal ni Amanda ang kapatid pero wala na siyang nagawa pa."Mag-ingat ka lagi, Amanda." Iyon ang huling sinabi ni Armando bago siya tuluyang pumasok ulit sa loob ng kaniyang selda.Pagkalabas ni Amanda sa city jail ay kaagad siyang nakatanggap ng tawag. Kinakabahan pa siya nang sagutin iyon dahil mula pa sa unknown caller. Pero nang makausap ito ay napagtanto niyang ang pinag-apply'an niya pala iyong music institution.Malungkot lamang siyang napabuga ng hangin dahil sa naging resulta ng application niya. Hindi siya natanggap. At mukhang alam na niya kung bakit. Baka ginawan na naman ni Theo ng paraan. Ginigipit talaga siya nito gaya ng mga naunang inapply'an niya. Kung hindi lang siya tinulungan ni Loreign noong isang araw, hindi pa siya makakatugtog para kumita.Habang naglalakad papalayo, nakatanggap na naman siya ng tawag. Mula naman kay Theo iyon. Ayaw niyang sagutin iyon pero may kung ano sa instinct niyang nagsasabing dapat niyang sagutin."Ano na naman ba, Theo?"Tumawa ng sarkastiko si Theo sa kabilang linya. "Kailangan nating mag-usap ngayon din, Amanda. Puntahan mo ako ngayon dito sa opisina ko."Tumaas ang kilay ni Amanda. "At bakit ko naman gagawin iyon? Hindi mo ako utusan!""Kasi marami akong kayang gawin, alam mo 'yan, Amanda."Naparolyo ng mata si Amanda. "Akala mo hindi ko alam na ikaw ang sumasabotahe sa lahat ng mga inaapplyan ko? Ang sama mo talaga kahit kailan, Theo!""Sabihin mo sa akin ang lahat ng iyan dito mismo sa harapan ko." Ibinaba na nito kaagad ang telepono. Nanggigigil naman si Amanda sa inasta ni Theo. Wala siyang nagawa kundi ang sumunod sa sinabi nito dahil baka kung ano na naman ang gawin at paganahin na naman ang pera niya sa mga masasamang plano niya sa buhay.Pagkarating niya doon ay kaagad siyang sinamahan ni Secretary Belle kahit parang medyo masama pa ang tingin nito sa kaniya. Hindi na lang pinansin iyon ni Amanda.Nang sa wakas ay nakarating na siya sa loob ng opisina ni Theo ay umalis din kaagad si Secretary Belle. Halos magngalit si Amanda nang makitang tila relax na relax na nakasandal si Theo sa swivel chair nito habang naninigarilyo. Ngumisi kaagad ang lalaki nang natanaw si Amanda."Bakit hindi ka muna maupo, Amanda?" Tila nang-uuyam na tanong ni Theo bago tiningnan si Amanda mula ulo hanggang paa at napatawa. "Nakakapanibago lang. Noon, paborito mong dalhan ako ng makakain dito sa opisina ko.""'Yan ba ang rason kung ba't mo ako pinapunta dito? Ang alalahanin ang nakaraan?" sarkastikong tanong ni Amanda.Ngumisi si Theo. "Well, gusto ko lang naman kumustahin ang asawa ko. Masama ba 'yon?""Soon to be ex-wife," mariing pagtatama niya sa sinabi nito."Hindi mangyayari 'yan. At tsaka... naisip ko lang, kung magbabago ang desisyon mo at naisipan mong kalimutan na lang ang lahat ng mga sinabi mo... ang tungkol sa divorce... baka mas gumaan ang lahat ng bagay sa 'yo. Kaya ko namang ibigay ang lahat ng sa 'yo, Amanda, eh. Sabihin mo lang.""Walang magbabago doon!"Tumalim nang bahagya ang tingin ni Theo sa kaniya. "Nagtatapang-tapangan ka pa talaga, ah? Bakit ka ba nagmamatigas, Amanda? Alam ko namang gipit na gipit ka ngayon, eh. 'Yung pagbebenta mo ng bahay at ng singsing, alam mong hindi magkakasya iyon!""Wala ka nang pakialam do'n!""Tss. Galit na galit ka sa akin at kating-kati nang makipaghiwalay pero aminin mo, Amanda... sa akin lang nagrereact ang katawan mo dahil..." Ngumisi ito. "... pagmamay-ari kita noon pa man.""Ako lang ang nagmamay-ari sa katawan ko, Theo! At tsaka, tigilan mo na 'to! Kapag nagdivorce naman tayo, wala namang mawawala sa 'yo, eh. Maraming babaeng willing na magpagamit sa 'yo! Sa iba na lang!""At ano? Para pagtawanan ako ng mga tao at sabihing nagfailed ang marriage ko? Maaapektuhan ang image ko maging ang reputasyon ko!""'Yang pesteng image mo lang ang importante sa lahat, 'no?" Tumawa nang mapakla si Amanda bago mas tumalim ang titig na ipinukol kay Theo. "Sige! Kung ayaw mo, hahanap ako ng ibang lalaking hindi ako sasaktan. Ang lalaking kayang ibigay ang lahat ng gusto ko! Mas masisira ang image mo lalo kapag nagkataon!"Napatayo na sa kinauupuan si Theo at mabilis na nilapitan si Amanda. Hinawakan niya ang baba ng babae habang nakaigting ang kaniyang panga bago hapitin ito sa bewang na siyang naging sanhi ng paglalapat ng kanilang mga katawan."Subukan mo lang 'yang binabalak mo, Amanda at makikita mo kung paano ako tunay na magalit. At ano sa tingin mo, magiging madali sa 'yo 'yang naisip mong solusyon? Ipapaalala ko lang sa iyo na ako lang ang nakakahawak sa iyo ng ganito. Ako lang ang may kakayahang lapitan ka ng ganito kalapit. At higit sa lahat, ako lang ang may kayang paligayahin ka sa lahat ng aspeto... sa kama.." Ngumisi ito.Aminin man o hindi ni Amanda, tama si Theo doon. Si Theo lang naman ang lalaking tunay na minahal niya noon pa man kaya siya lang ang nakakapaghatid ng iba't ibang pakiramdam sa katawan niya.Imbes na sumagot ay umiwas lang ng tingin si Amanda. Nagpatuloy naman sa pagsasalita si Theo."Bumalik ka lang sa akin bilang butihin kong asawa, kakalimutan ko ang lahat. Magsisimula tayo ng bago..."Muntik nang bumigay si Amanda. Naglakas loob siyang itulak si Theo at sinikap na walang kahit anong emosyon ang mababasa sa kaniyang mga mata."Maghanap ka ng ibang babaeng kayang lahat gawin ang mga kondisyon mo, Theo. Pagod na akong maging mabuting asawa mo."NANGINGINIG PA RIN talaga ang tuhod ni Amanda pagkalabas ng bahay. Parang kinakapos siya ng hininga dahil sa maikling interaksyon nila ni Theo. Pero hindi niya maiwasang mas mainis sa sarili.Bakit hanggang ngayon ay apektado pa rin siya kay Theo?Nandoon pa rin ang malakas na tibok ng kaniyang puso na hindi na niya napigilan pang mapasapo doon. Napapikit na lang siya ng mariin. Hindi na niya alam kung paano siya nakauwi nang matiwasay sa gabing iyon.Pagkarating niya sa bahay ay para bang nanghihina siya bigla. Kumuha siya ng malamig na tubig sa loob ng ref at nilagok iyon sa nanginginig na kamay.Mayamaya pa ay biglang tumawag si Damien sa kaniya. Kinalma naman niya ang sarili bago sinagot iyon."H-Hello?""Hi. Nadisturbo ko ba ang pagpapahinga mo?" bungad na tanong ni Damien."Ah... hindi naman. Bakit?" sagot ni Amanda. Hindi nga pala nito alam na hindi naman siya dumiretso agad ng uwi."Wala naman. Gusto lang kitang kumustahin. Mayamaya ay uuwi na rin ako. Nagbook ako ng malapit n
"IPAPAHATID NA kita," pag offer ni Theo matapos matahimik ni Amanda ng ilang segundo. Nang nakabawi ay iniba na lang ni Theo ang usapan. Napansin niyang kanina pa gustong umuwi ni Amanda kaya naman hindi na napigilan pa ni Theo ang mag offer na ihatid ito.Agad na umiling si Amanda. "Hindi na kailangan. Kaya ko ang sarili ko," pagtanggi niya.Tumango si Theo. "Pero... pwede ba kitang samahan umuwi na lang?" lakas loob na tanong niya."At bakit?""Kasi... gusto kong makita ang mga anak natin," pag amin ni Theo.Pakiramdam ni Amanda ay binuhusan siya ng malamig na tubig. Hindi niya naisip na darating agad ang araw na ito. Pero hindi naman maiiwasan. Mangyayari at mangyayari pa rin ito. Hindi niya pwedeng alisin na lang basta si Theo sa buhay nila lalong lalo na sa mga anak nila. May karapatan pa rin ito bilang ama ng mga bata."Sige," tipid na sagot ni Amanda.Parang gustong magtatalon bigla ni Theo sa tuwa. Pero pinigilan niya ang sarili. Sa halip ay nagpasalamat na lang siya sa babae
"'WAG PO KAYONG mag alala, Ma'am. Wala po akong sasabihin kay Sir Damien tungkol dito," makahulugan na sabi pa ng driver.Natigilan nang bahagya si Amanda doon. Bakit pakiramdam niya nagtataksil siya kahit na hindi naman? Wala naman siyang gagawing masama. Tumango lang si Amanda at kalaunan ay naglakad na papasok sa dating bahay.Tahimik ang paligid. Para bang mas lalong naging walang kabuhay buhay ang lugar. May kung anong bigat siyang nararamdaman sa loob loob niya habang naglalakad.Rumagasa muli sa isipan niya ang mga alaala sa bahay. Hindi naging maganda ang mga memorya niya doon pero hindi rin naman niya maitatanggi na kahit papaano, may mga bagay na talaga namang masasabi niyang sumaya siya. Nagsama sila nila Theo at ang anak nila na tila isa silang normal na pamilya. Pero may lamat nga lang dahil hindi naman sila okay ni Theo.Mas naglakad pa patungo sa loob si Amanda at muli siyang sinalubong ng katahimikan. Nang mas pumasok pa siya, nagulat siya nang nakita si Theo sa may
SA LOOB LOOB NI THEO ay parang pinapatay na siya sa sakit. Sa kabila ng kaniyang ngiti ay sobra siyang nasasaktan. Inaasahan naman na niyang tuluyang makakamoved si Amanda sa kaniya. Pero ang sakit sakit pa rin pala kapag isinasampal na mismo sa mukha niya ang katotohanan.Tinalikuran na siya ni Amanda at hindi pa man din ito gaanong nakakalayo, saka naman dumating ang lalaking sinasabi nito. Nilapitan ni Damien si Amanda at nagpatong ng coat sa balikat nito upang hindi ito lamigin.Umigting ang panga ni Theo dahil sa sobrang selos. Siya dapat iyon, eh. Pero dahil ganito ang sitwasyon niya, ni wala man lang siyang magawa.Parang ang sweet sweet nilang dalawa. May pinagbubulungan sila na sila lang ang nakakaalam. Pasikretong kumuyom ang kamay ni Theo dahil do'n."Malamig..." ani Damien kay Amanda matapos ipatong ang coat.Napahawak doon si Amanda upang hindi mahulog ang coat. Pero para siyang natuklaw ng ahas nang may mapagtanto. Ang perfume sa coat ay parang kaamoy ng kay Theo. Sa is
SUMAPIT ANG PANIBAGONG taon. Bumalik si Amanda sa syudad nang walang pinagsasabihan na iba para dumalo sa isang importanteng okasyon. Inimbitahan siya ni Mrs. Madriaga para doon.At dahil nga kahit papaano ay close sila ng babae, nagkwentuhan na sila ng kung anu ano at hindi na nga mapigilan pang ungkatin ang tungkol sa buhay ni Amanda."Kumusta ka na, Amanda?" tanong ng ginang habang may maliit na ngiti sa labi."Maayos naman po. So far, nakakayanan naman namin ng mga anak ko araw araw kahit na mahirap," sagot ni Amanda."Mabuti naman kung gano'n. Eh, 'yung kaibigan mo? Ano nga ulit pangalan no'n? Loreign ba?"Tumango si Amanda. "Opo. Ayon nga... medyo hindi maayos ang lagay ng kaibigan kong iyon. Namatay kasi ang asawa niya..." pagkukwento niya. Nalulungkot pa rin siya sa sinapit ng kaibigan niya pero wala naman na siyang magagawa do'n. Nangyari na at ang tanging ipinagdarasal na lang niya ay sana balang araw, maging maayos din ang lagay ng kaibigan niya.Naiba pa ang usapan hanggan
"DADDY, NASAAN po kayo?"Halos maluha si Theo pagkarinig iyon sa kaniyang anak habang kausap ito sa telepono. Halatang kyuryuso ang bata kung ano na ang nangyayari sa kaniya pero hindi niya masabi ang totoo."A-Ah... nasa abroad si Daddy, anak," sagot ni Theo at kinagat ang ibabang labi upang mapigilan ang sariling maging emosyonal.Hindi sumagot si Baby Alex. Pero halatang dismayado ito. Naiintindihan naman iyon ni Theo. Syempre, sino ba namang anak ang hindi makakaramdam ng tampo kung hindi man lang niya nakikita ang ama nito.Naging madalang ang komunikasyon nilang mag ama kalaunan. Hanggang sa natigil na nga iyon nang tuluyan. Kasabay nang pagbigat ng loob ni Theo ay ang paglala rin ng kondisyon niya. Sa halos isang taon, nakawheelchair lang siya lagi at minsan, nakatitig sa kawalan. Mabuti na lang at kahit papaano nakakapagtrabaho pa rin siya sa bahay. Hindi naman niya pwedeng pabayaan ang kompaniya ng basta. At isa pa, mas nakakatulong iyon sa kaniya para maging okupado ang uta







