Share

CHAPTER 275: The Contract

Penulis: YULIANNE
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-15 09:57:50

ALAS OTSO NG gabi silang nagkita sa isang mamahaling hotel. Kabado si Amanda kanina pang naglalakad siya papunta sa binook na kwarto ni Theo. Namamawis din ang kaniyang kamay. Pinilit niyang kalmahin ang sarili hanggang sa narating na niya ang kwarto.

Madilim ang buong kwarto na halos wala ng maaninag si Amanda. Pero may ilaw pa naman at medyo dimmed nga lang.

Si Theo ay nakatingin lang sa labas na tila malalim ang iniisip. Natagpuan ni Amanda ang lalaki at halos mahigit niya ang hininga nang makita kung gaano kalakas ang dating nito sa simpleng pagtayo lang. May aura talaga ito na nakakapanginig ng tuhod. Nakakaintimidate kahit tindig pa lang nito.

Naramdaman ni Theo ang presensya ni Amanda kaya agad itong napatingin sa direksyon nito.

"Nandito ka na pala," ani Theo.

Hindi sumagot si Amanda pero naglakad na siya papunta sa direksyon ng lalaki. At habang papalapit ito, napalunok na lang si Theo dahil agad niyang napansin ang hubog ng katawan nito. Bagay na bagay ang suot nitong dress
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Marian Reyes
tumal mag update ni author, paisa isa di pa maganda... kaya pb author???
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 275: The Contract

    ALAS OTSO NG gabi silang nagkita sa isang mamahaling hotel. Kabado si Amanda kanina pang naglalakad siya papunta sa binook na kwarto ni Theo. Namamawis din ang kaniyang kamay. Pinilit niyang kalmahin ang sarili hanggang sa narating na niya ang kwarto.Madilim ang buong kwarto na halos wala ng maaninag si Amanda. Pero may ilaw pa naman at medyo dimmed nga lang.Si Theo ay nakatingin lang sa labas na tila malalim ang iniisip. Natagpuan ni Amanda ang lalaki at halos mahigit niya ang hininga nang makita kung gaano kalakas ang dating nito sa simpleng pagtayo lang. May aura talaga ito na nakakapanginig ng tuhod. Nakakaintimidate kahit tindig pa lang nito.Naramdaman ni Theo ang presensya ni Amanda kaya agad itong napatingin sa direksyon nito."Nandito ka na pala," ani Theo.Hindi sumagot si Amanda pero naglakad na siya papunta sa direksyon ng lalaki. At habang papalapit ito, napalunok na lang si Theo dahil agad niyang napansin ang hubog ng katawan nito. Bagay na bagay ang suot nitong dress

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 274: The Arrangement

    DALAWANG ARAW ang lumipas at natapos na ang oras ni Theo kasama ang anak niya."D-Daddy! Ayaw kong umalis ka!" tawag ni Baby Alex sa ama na halos ayaw ng humiwalay. Ayaw man ni Theo na ihatid ang mag ina niya pabalik at gusto na lang makasama ang mga ito, hindi naman pwede lalo pa at ayaw naman talaga ni Amanda. Ayaw niyang ipilit ang gusto niya dahil baka mas lalong mainis lang ang babae.Nakayakap lang si Baby Alex kay Theo. Parang binibiyak ang puso ni Theo dahil kaunting kalabit na lang ay iiyak na ang anak niya. Pero niyakap lang din niya ito pabalik at hinaplos haplos ang likod nito upang pakalmahin ito.Ang tanging nagawa lang ni Amanda ay ang umiwas ng tingin sa mag ama. Hindi niya maitatanggi na kahit naman sandali palang nagkakilala si Baby Alex at Theo, talaga namang matibay na ang bond ng mga ito. Walang maipipintas si Amanda sa pagiging ama ni Theo dahil talaga namang ibinibigay nito ang lahat na atensyon sa anak.At ngayon na nakikita niya ang anak nilang halos hindi mai

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 273: The Hotel Is Fine

    BUMALIK DIN naman agad si Theo sa mag ina niya. Inosenteng nakatingin sa kaniya si Baby Alex na nagising na kanina pa dahil sa ingay ni Therese. Kinagabihan ay bumuhos ang ulan sa labas. Hindi tuloy makaalis sina Amanda. Wala siyang choice kundi magstay sa isang bubong kasama si Theo. Si Baby Alex naman ay tuwang tuwa dahil mas makakasama pa nila ng matagal ang ama nito."Dito na muna kayo. Ang lakas ng ulan sa labas. Marami namang kwarto," paalala pa ni Theo.Tumango si Amanda. "Magtatabi kami ng anak ko tapos ikaw ay pwedeng matulog na lang kung saan ka natutulog ngayon," sabi niya.Pinagbigyan na lang ni Theo si Amanda kahit na labag sa loob niya. Syempre, gusto niyang makatabi sana ang mag ina niya pero ayaw naman ni Amanda. Hinayaan niyang matulog ang dalawa sa isa sa mga kwarto habang siya ay mag isa sa usual room na tinutulugan nito.ALAS SINGKO nang magising si Amanda. Hindi pa rin talaga siya makapaniwala. Nasa dating bahay na niya siya ulit. Hindi niya inaakala na makakabal

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 272: The Old Wound

    LUMABAS na sila sa kotse. Si Theo na ang bumuhat kay Baby Alex na kyuryusong nakatingin kay Amanda."Daddy, bakit po nagcacry si mommy?" inosenteng tanong ni Baby Alex."Kasi... bad si Daddy, anak. May nagawa akong kasalanan sa mommy mo kaya sad siya," sagot ni Theo sa anak at malungkot na lang na ngumiti.Naguluhan lang ang bata lalo. Gusto pa nitong magtanong pero hindi na ginawa dahil alam niyang pang 'adult' nga lang ang rason kung bakit emosyonal ang kaniyang mommy. Kumalma rin naman kalaunan si Amanda dahil naalala niyang nakatingin ang anak niya. Inaya na rin sila ni Theo na pumasok na sa loob ng bahay. Agad silang sinalubong ng pamilyar na kasambahay na naging malapit na rin kay Amanda."M-Ma'am Amanda!" bulalas ng kasambahay, bakas na bakas ang gulat sa ekspresyon nito.Ngumiti si Amanda. "Amanda na lang po. Hindi niyo naman na ako amo, eh," aniya.Bahagyang lumungkot ang ekspresyon ng kasambahay. Pero wala namang magagawa si Amanda dahil iyon naman talaga ang totoo. Napatin

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 271: The Family House

    NAESTATWA SI GERALD sa narinig. Hindi siya makapaniwala. Paanong nangyari iyon? Isa iyong malaking imposible! Pinagloloko lang siya nitong si Gianna!"Totoo ang sinabi ko, Gerald. Buntis ako! Buntis ako sa anak mo! Ang dinadala ko ngayon ay dugo't laman mo rin! Hinding hindi mo mababago ang katotohanang iyon kahit bali baliktarin mo pa ang mundo!" dagdag pa ni Gianna.Isang mapang uyam na tawa ang pinakawalan ni Gerald. Nanindig ang balahibo ni Gianna doon. Mapanganib ang tawang iyon na nagmula sa lalaki na nagpabilis ng tibok ng puso ni Gianna. Halos hindi siya nakatingin ng deretso kay Gerald."Sa tingin mo maloloko mo ako, huh?" ani Gerald at napangisi pa.Kahit na natatakot, pinatapang pa rin ni Gianna ang ekspresyon niya. Hindi niya bibigyan si Gerald ng satisfaction na makita siyang natatakot!"Totoo ang sinasabi ko!" Sabi pa ni Gianna kay Gerald."Ano ngayon? Edi ipanganak mo ang batang nasa sinapupunan mo at 'wag mong asahan na magbabago pa rin ang tingin ko sa iyo," sagot ni

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 270: The Pregnancy

    TATLONG TAON NA ANG lumipas at tuluyan ng pinutol ni Loreign ang kung ano man ang meron siya noon kay Gerald. Ayaw na niyang makibalita sa nangyayari sa lalaki dahil wala na rin naman siyang pakialam.At ngayong nandito na sa harapan niya si Gerald, parang ang hirap paniwalaan. Parang produkto lang ito ng imahinasyon ni Loreign.Gano'n pa rin naman ang ere ni Gerald, malalaman mo agad na galing ito sa mayamang angkan. Nakakaintimidate pa rin ito pero siyempre, hindi na si Loreign ang babae na madaling maapektuhan pagdating kay Gerald. Marami na ring nagbago sa kaniya sa mga nagdaang panahon.Bumaba ang paningin ni Gerald muli sa box kung nasaan ang kwintas na bigay ni Gio kay Loreign. Alam niyang galing iyon kay Gio dahil nabalitaan niyang nakuha nga nito ang pinakamataas na bid sa party na pinuntahan nito. Hindi siya makapaniwala na magugustuhan ni Gerald si Loreign. Ang huling balita rin naman niya kasi ay si Amanda ang gusto nito. Pero ganito bigla.Bakas ang tuwa sa mga mata ni Lo

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status