Share

Tainted Hearts 06

"We have a record of your academic performance from your old school. You got one in all your subjects this semester. You are the possible holder of the highest honour if you could maintain your good records until graduation."

Muntik na akong mapaangat mula sa pagkakaupo. Nasa harapan ako ni Mrs. Umali, senior school head ng unibersidad. Akala ko'y nagkaroon ng problema kaya ako biglang pinatawag.

"Totoo po?"

Nakangiting tumango ang kausap ko. Napatakip ako ng bibig at malaki ang pagkakangiti.

"I will not give you my words if it's not. Congratulations in advance, Ms. Peña Vega. This is a big step of your journey, so I'm expecting only good news from you."

"Thank you, Ma'am."

Hindi mawala ang saya ko pagkalabas sa opisina niya. Kailangan ko lang ma-maintain ang grades ko o mas mapataas pa kung kakayanin. Pinaglalaruan ng kaliwang kamay ko ang ibabang labi ko habang tulalang naglalakad. Napapangiti kasi ako ng malawak at pinipigilan ko iyon.

"Something's good happened?"

Naibaba ko ang kamay. Hindi nawala ang ngiti ko kahit nang humarap ako kay Sir Lennox. Nakapamulsa siya at nakasandal sa gilid ng isang classroom. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya rito gayong wala naman siyang klase sa building na ito pero hindi na ako nagtanong.

Simula nang ihatid niya ako'y naging madalas ang pagliban niya sa school. Mayroon nags-substitute pero si Sir Lennox pa rin ang nagbigay ng grades. Akala ko noo'y mababa ang makukuha kong grado sa kanya dahil nga iniiwasan ko siya at tuwing umuulan lang ako napipilitang tanggapin ang alok niyang paghatid sa akin sa bahay. Katulad na lang kahapon.

"Are you busy right now, Sir?" Nagtatanong ako habang humahakbang at nakangiting lumalapit.

Napaayos siya ng tayo. Pinanuod niya ako habang unti-unting kumukunot ang kanyang noo. Malamang ay nagtataka dahil ako ang kusang lumapit ngayon.

"Why do you ask?"

"It's lunch time. I want to treat you, Sir. Bayad ko sa paghatid mo sa akin," nakangiti pa rin na alok ko.

"Treat? Lunch?" Tumawa siya. Naghalukipkip siya't bumalik sa pagkakasandal sa pader. "I don't need your dirty money."

Tinagilid ko ang ulo ko at tinitigan siya. I really don't get him. Minsan para bang nagmamasid siya. Minsan agresibo ang approach. Minsan nilalagpasan ako na parang hindi kilala. Minsan bastos. Minsan...ewan.

"What do you mean dirty, Sir?"

Ang nakahalukipkip niyang kamay ay ibinaba niya at ipinamulsa. Nakangisi siya nang humakhang palapit sa akin.

"How much did you pay for your workshop to be that good in acting?"

Every time he uttered a word that I didn't understand, I was speechless.

"Workshop?" Umasim ang mukha ko. "Kung ayaw mo naman na i-treat kita, ayos lang. You don't have to say confusing things."

Lito akong humakbang palayo bago pa tuluyang mapalitan ng pait ang masayang mood ko. Naramdaman ko siyang sumunod.

"Tsk! Fine, let's go but I'll pay."

Hinablot niya ako sa pulso at saka ako kinaladkad papunta sa parking lot. Habang nakaupo, hindi ko mabasa kung ako ang mood niya. Pumayag nga siya pero parang labag naman sa loob.

"Saan tayo pupunta?"

Ang balak ko sana'y sa cafeteria lang o sa mga kainan sa tapat ng school dahil hanggang doon lang ang kaya ko.

"You don't want students to talk about us, don't you?"

Napatitig.

"Ah..." Oo nga pala. "Pero saan tayo pupunta?"

"Do you expect me to eat at cheap restaurants? I have my own lunch reservation at fine dining restaurant."

"Naka-uniform ako!" Nag-aalala na turan ko.

"So, what?"

"Is this even allowed? Baka hindi ako papasukin—"

"Then change."

"Change? Saan? Ano ipampapalit ko? Nasa locker ang damit ko!"

Sinulyapan niya ako at pinasadahan ang suot ko na damit. Maikli ang palda ng uniform ko. Ang top ay fitted. Ang suot ko na scarf, hinubad ko na kanina. Nakasuot din ako ng two inches heels black shoes. Hindi ako nagsusuot ng stockings dahil naiinitan ako kaya nakalabas ang balat ko. Kung sabay kaming papasok, magmumukha siyang sugar daddy ko.

"Tss," he coldly looked away after checking my clothes.

Pagkarating sa parking lot ng restaurant, pinigilan niya ako sa tangka kong pagbaba. Sinundan siya ng mata ko nang abutin niya sa backseat ang itim na coat. Inilahad niya iyon sa akin.

"Get out of my car and wear it."

Kinuha ko 'yon. Nakasimangot akong bumaba at mabilis na isinuot ang coat. Malaki iyon sa akin kaya't naitago nito ang suot ko na skirt. Coat niya lang ang idinagdag, nagmukhang pormal kaagad ang suot ko. Siguro'y dahil pang-mayaman ang tela at design nito.

Tumunog ang sasakyan niya hudyat ng pag-lock no'n. Lumapit siya sa akin. Tiningala ko siya para malaman kung ayos na ba ang ayos ko sa kanya. Hindi pa ako nakakain sa ganitong klaseng restaurant kaya't hindi ko alam.

"That will do."

Nakabuntot ako sa kanya nang pumasok siya sa restaurant. Malapad na likod niya ang kaharap ko. Maraming tao ngunit mga tahimik lang na kumakain. Mahihinang usapan at tunog ng mga kubyertos ang maririnig.

"This way, Sir," the waitress guided us to a room.

Halatang mamahalin ang mga pagkain at gamit. Sa labas ay maganda ang istruktura. Lalo na rito sa loob. Mayroon malalaking chandelier sa itaas, sa ibabaw ng lamesa. Mayroon ding mga nakaayos na kubyertos sa lamesa. Marami iyon dahil mahaba ang mesa. Sa gitnang mesa ay ang vase na mayroon sariwang bulaklak.

Sa mga picture ko lang ito nakikita pero ngayon nasa harapan ko na. Nakakakabang makabasag ng gamit. Pag-ikot ko'y nasalubong ko ang mga mata ni Sir Lennox. Hindi ko alam kung kanina pa ba niya ako pinapanuod dahil nagtama ang mata namin paglingon ko.

"What's with you? It's not your first time at this kind of restaurant, is it?" He asked, seemingly confused by my reaction.

"First time ko kaya!" Nae-excite kong sagot.

Nalusaw ang ngiti ko nang maalala na nasabi ko sa kanya na ako ang magbabayad. Hindi ko pa nakikita ang presyo ng mga pagkain dito pero base sa itsura ng restaurant na ito'y siguradong mahal. Agaran ang lapit ko sa kanya. Nakatingala ako dahilan ng agwat ng height namin. Bahagya siyang nakayuko at nakatitig sa akin. Salubong ang mga kilay niya.

"Hindi kita kayang i-libre rito! Wala akong pambayad dito!"

Umawang ang labi niya at lalong nalukot ang mukha.

"Hindi ba puwedeng lumipat na lang tayo? Ako na lang ang pipili ng kakainan natin? May alam ako na hindi mura at hindi sobrang mahal ang pagkain."

Nakangiti ako at nakasimangot siya. Pumasok ang waitress at waiter na mayroon dala-dalang menu at pitsel na mayroong laman na tubig. Ang isa roon ay mayroong bitbit na wine na nagsisimula nang magsalin sa baso. Umupo si Sir Lennox at hindi pinansin ang suhestiyon ko. Ganoon na rin ang ginawa ko dahil nagsimula nang salinan ng waitress ang baso ko.

"Libre ba itong wine?"

Natigilan ang babae at bahagyang natawa sa tanong ko. Pagkaraa'y umiling siya.

"No, Ma'am."

Nagawi ang mata ko kay Lennox na masama ang tingin sa akin. Bakit? Dahil nagtanong ako? Kanina pa hindi maipinta ang mukha niya. What really is his problem? Hindi na lang ako nagsalita at hinintay ang waiter at waitress na matapos at lumabas. Natahimik kaming pareho nang lumabas ang dalawa.

"Stop acting like ignorant. You are embarrassing me."

Hindi na ako umimik. I'm not sure if the wine is free so I asked. Ano ba ang nakakahiya sa itinanong ko? I bit my lip as I flipped through the pages of the menu. Bawat lipat ko'y padiin nang padiin ang kagat ko sa ibabang labi ko. Sumakit bigla ang tiyan ko. Sobrang mahal nito. Hindi ko yata malulunok kung oorder ako. Kung hindi lang magagalit si Sir Lennox baka tumakbo na ako palabas.

Isang slice lang ng cake, dalawang libo? Anong icing ba ang gamit dito? Ilang buong cake na ang mabibili ko riyan para sa mga kapatid ko. Kabado akong tumikhim at ibinaba ang hawak na menu. Nagbuga ako ng malalim na paghinga at nag-angat ng tingin sa harapan. Nakaabang na ang tingin niya sa akin at salubong pa rin ang kilay. Para bang nagtataka siya at nagagalit sa ikinikilos ko.

Hindi naman porket nakakapag-aral ako sa mamahalin na eskuwelahan ay mayaman na ako kagaya ng ibang mga estudyanteng nag-aaral doon. May pera ako sa bangko dahil sa naiwan ni papa pero para sa pamilya ko iyon at hindi para sa luho. Hindi ko balak mabawasan iyon dahil malapit na naman akong makapagtapos at makahanap ng trabaho. Para na lang iyon sa mga kapatid ko. Isa pa, si Mr. Andromeda ang nagbibigay ng allowance ko kaya dapat pahalagahan ko dahil hindi ko naman ito sariling pera.

"What are you doing?" Tanong niyang tunog galit.

Napalunok ako. "Puwede ba na hindi na lang ako kumain?"

"Are you fucking kidding me?" Isinara niya ang menu.

"Ang mahal kasi ng mga pagkain. Parang hindi ko sila kayang kainin," kagat labing amin ko. "Sinabi ko na iti-treat kita pero sinabi mo na ikaw ang magbabayad. Kaya lang, kahit pa siguro libre hindi ko ito kayang kainin—"

"Just order and eat the food I will pay for! You're used to it so stop the act already, Xena!" He shouted as if my words and actions offended him.

Nanlaki ang mata ko. Napupuno na ako sa asta niya. Sinusubukan kong makipag-communicate ng maayos kaya bakit tila pasama nang pasama ang timpla niya?

"What? What do you mean?"

Napasigaw na rin ako. Panandalian kong nakalimutan na guro ang kaharap ko.

"I mean there's no need for you to act innocent in front of me! I know what are you! You are acting ignorant and that it is your first time to experience eating in this kind of place even though the truth is that you are used to this kind of place!"

Napatayo ako dahil sa pagsigaw niya. Mabilis na rin ang paghinga ko dahil sa mga walang kabuluhan na sinasabi niya.

"Ano ba ang problema mo? Kung may galit ka sa akin bakit hindi mo ako diretsahin at kailangan mo pa akong dalhin sa restaurant na ito? Paulit ulit ka rin sa stop acting mo na iyan! Sino ba ang umaarte rito? Nasa shooting ba ako para umarte sa harapan mo?"

Natahimik siya pero masama pa rin ang tingin niya sa akin. Madiing nakasara ang labi na para bang pinipigilan niya 'yong bumuka dahil mayroong pinipigilan na masabi. Tumingala ako't humugot doon ng hangin. Mabigat kong ibinuga iyon bago ulit humarap sa kanya at nagsalita.

"Alam mo, ikaw na lang ang kumaing mag-isa," kalmado akong nakatayo. "Ayokong masira ng tuluyan ang lunch mo. Mas mabuti kung uuwi na lang ako."

Sanay akong magpasensya dahil kailangan iyon sa gusto ko na trabaho. But not to the point that I will let someone disrespect and insult me. Buti sana kung mayroong sense at naiintindihan ko ang point niya. But no, he's pointless. I'd rather leave before it gets worse.

Humakbang ako palabas ng restaurant na hindi nagpapaalam. Nasa labas na ako nang maalala na suot ko pa ang coat niya. Pumikit ako at huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili at palamigin. Ilang sandali bago ko napagdesisyunan na itulak ang salamin na pinto ng restaurant para bumalik sa loob.

"Get out—"

"Don't tell me you will let her fool you too?"

"Addi, could you please stop?"

Nakabukas ng kaonti ang pintuan kaya't itinulak ko na iyon pabukas. Napatingin sa pinto si Lennox. Akala siguro'y waiter lang kaya nang ako ang makitang bumungad, napatayo siya sa upuan niya.

"What are you doing here? How long have you been there?" I sensed panic.

Nagtataka kong pinakita ang coat niya.

"Kadarating ko lang. 'Yung coat kasi kaya bumalik ako. I'm sorry...if I interrupted something?"

Binalingan ko ang babae sa tabi niya. Mataray ang tingin nito sa akin habang kinukuha ni Sir Lennox sa kamay ko ang coat niya.

"Stay here. You can go home later. Let's eat first."

Hindi pa natatapos, umiiling na ako. Sinulyapan ko ulit ang babae bago ako nagdahilan.

"Hindi na. Baka naghihintay din kasi si mama."

Huminga siya ng malalim. Kalmado siya ngayon hindi katulad kanina na nagsisigawan kami. Ipinagsawalang bahala ko na lang ang mga sinabi niya kanina at ayoko nang palakihin pa. The last thing I want is a bad record in my grades. As long as he won't repeat what he did before, I'll let him slide.

"Alright. I'll just take you home then—"

"Hindi na, Sir!" Agap ko. "Kaya ko nang umuwing mag-isa!"

I smiled. He didn't speak and didn't move. He just stared at me, particularly at my smiling lips. Carefully, I stepped back. I didn't give him a chance to insist, I waved my hand and left.

Miss IYA

Unedited po ang Erotic Island Series. Expect grammatical errors, spelling, and typos. My Series are all work of fiction and purely Author's imagination. Any resemblance to actual person or actual events is purely coincidental. It contains sensitive scenes and only for mature Readers. Read at your own risk! If you have any question, you can drop in comment section. Enjoy Reading!

| 3
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jekk
Kilala ka ni Lennox X kaya ganon nlng mga sinasabi nya.. na wow mali xa sa akala nya.. hehe
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status