Bago pa may makahalata sa kaaway ay lihim na siyang tumalilis. Nagkagulo na rin ang mga tao sa mansion dahil sa labis na sakit ng ulo na nararamdaman ni Tamara. Someone called the doctor while Andrei grabbed his visitor and brought her back to the room. Pulang-pula ang mukha ni Tamara dahil sa hirap na nararamdaman niya at ganoon din si Andrei na first time nakaranas ng takot sa buong buhay niya.
“Are you alright? Ano ba ang nangyayari sa iyo?” tanong ni Andrei habang unti-unting hinahaplos ang buhok ni Tamara. Hinahawi rin niya ang mga hibla noon na tumatabing sa mukha ng dalaga.
“Huwag ka ngang mang-tsansing.” Kahit masama ang pakiramdam ay nagawa pa rin ni Tamara na hawakan ng mahigpit ang braso ni Andrei. “Pipilipitin ko ito.”
Napatigil si Andrei dahil sa ginawa ni Tamara. At dahil nakahiga ang huli at siya ay nakaupo sa gilid ng kama kaya ang malikot niyang utak ay gumana. 'Sing bilis ng kidlat na hïnalikan niya sa labi ang nabiglang dalaga.
Parang isang mabangis na leon na nanlisik ang mga mata ni Tamara. Kahit bahagyang uminit ang pakiramdam niya sa ginawa ng pangahas na binata ay hindi niya kayang palampasin ang kabastusan nito. Walang pag-aalinlangan na iniuntog ng dalaga ang masakit niyang ulo sa noo ng binata.
"Tamara, naalog yata ang utak ko," reklamo ni Andrei.
"Deserve mo iyan!" Umingos ang dalaga.
"Oo, deserve ko talagang hindi makalimutan kung gaano katamis ang mga labi mo."
"Bástós!"
Walang pagdadalawang-isip na hinila ni Tamara ang binata. Halos lumuwa naman ang mga mata ni Andrei sa sobrang gulat. Hindi kasi n'ya inaasahan na madadaganan n'ya si Tamara. Subalit ang pilyong binata ay nakalimutan na masama ang pakiramdam ng dalaga kaya mabilis niyang inilapit ang mukha niya rito.
"Damn! Pa-eskor naman muna bago mo ako patayin," nahihirapan na saad ni Andrei nang mapailalim siya kay Tamara at lagyan nito ng malakas na pwersa ang leeg n'ya.
Tamara exerted more effort. She doesn't want this man to continuously lure her weakness. She's ready to avenge dahil sa mga pangbabastos na naranasan niya nitong mga nakaraang araw, but unfortunately, the doctor came in kasama si Yaya Nora.
"God… Oh, what a view," bulalas ng doctor.
"Hi, doc," bati ni Andrei sa doctor na nasa almost forties na.
Nawala sa focus si Tamara, and Andrei took advantage of the situation. Muli niyang naibabawan ang nahihiyang dalaga. Hindi na muna lumaban si Tamara at pinakiusapan n'ya na lang si Andrei na bitawan siya. Agad din siyang bumangon at nag-Indian seat sa ibabaw ng kama.
"Mukhang walang may sakit sa inyo. I guess, nakakaistorbo na ako." Tumalikod na ang doctor.
"Doc, don't leave. My fiance needs your help," wika ni Andrei.
"Okay na po ako, doc," pabulong na sabi ni Tamara.
"Talaga? Gumaling ka ba agad dahil sa…"
Sinulyapan ng masama ni Tamara ang pilyong si Andrei kaya tumahimik ito. Panay din ang taas-baba ng mga kilay ng binata kaya hindi napigilan ni Tamara na bahagyang sampalin ito.
"Ouch! Sampalin mo pa nga ako ulit, honey, para maramdaman ko naman ang mapanakit mong pag-ibig," turan ni Andrei habang hawak ang pisngi. "Iba ka talaga magmahal. Nakakayanig ng buong pagkatao."
Si Nanay Nora ay nakangiti habang pinapanood ang alaga niya at ang bisita nila. First time n'ya kasing nakita na ganoon ang kilos ng alaga niya simula nang namatay ang ama nito.
"Magpapa-check-up pa po ba ang pasyente?" tanong ng doktor.
No.
Yes.
Magkasabay na sabi nina Andrei at Tamara. Nalilito na napangiti ang doktor. Subalit dahil sa katigasan ng ulo ni Tamara kaya hindi na rin siya tiningnan pa ng manggagamot. Hindi rin siya pinilit ng binata dahil batid nitong kaya ganoon si Tamara ay dahil sa naganap na aksidente noong teenager pa lang ito.
"Sigurado ka bang hindi mo kailangan ng doktor?" tanong na lang ni Andrei sa dalaga.
"Oo," maikling sagot ni Tamara.
"You know what, ngayon ko lang nalaman na magaling pala akong manggagamot. And because of that…" Inilapit ni Andrei ang mukha niya sa dalaga. "...palagi kang makakatikim ng halik mula sa akin."
Pasimpleng natawa ang doktor at si Yaya Nora sabay talikod. Si Tamara naman ay hindi umimik dahil amoy na amoy niya ang mabangong hininga ng binata.
"Ano kayang toothpaste nito? Ang ganda ng ngipin at ang bango pa ng hininga," bulong ng isip ng dalaga.
Andrei snapped his fingers near Tamara’s face. Kumikislap ang mga mata niya habang nakatingin sa kaniyang bisita. “Wooh! Hinihingal ako. Kanina pa kasi ako tumatakbo sa isip mo,” sabi niya sabay hawak sa dibdib.
“Tumatakbo? Patawa ka. Napapatanga lang ako sa mga nangyayari. Hindi ko kasi alam kung saan kumukuha ng kapal ng mukha ang taong nasa harap ko,” pasaring ng dalaga sa binata.
“Ouch, double kill!” Umarte si Andrei na parang tinamaan siya ng bala. “Iiwan muna kita rito para makapagpahinga. Sasamahan rin kita kapag gusto mong umikot sa mansion. Lt. Andrei Montillano is at your service, honey.”
Dahil likas na tahimik kaya hindi umimik ang dalaga. Nakakaramdam pa kasi siya ng sakit ng ulo kaya mas gusto niya munang magpahinga.
Nang lumabas ng silid si Andrei ay napabuga siya ng hangin. Gamit ang up kaniyang palad, ilang beses niyang tinambol ang kaniyang dibdib. Lingid kasi sa kaalaman ni Tamara ay matinding kaba ang nararamdaman niya sa tuwing malapit siya sa dalaga.
Habang naglalakad sa corridor ay binabati niya ng may ngiti sa labi ang mga kasambahay. The maids were surprised to see him happy and cheerful. Madalas kasi ay seryoso siya at hindi halos makausap ng mga katulong, hindi dahil takot sila kung hindi dahil alam nilang nalulungkot pa rin siya sa pagkamatay ng kaniyang daddy. However, the maids are aware of their boss's kindness.
“Hijo, how are you?”
Isang masaya at familiar na tinig ang agad narinig ni Andrei paglabas niya ng elevator.
“Uncle! Kailan ka pa dumating? I am absolutely fine. How about you?” Parang may mga pakpak ang paa ng binata nang lumapit siya sa kaniyang Uncle David. Kapwa nakabuka ang kanilang mga braso at bakas ang matinding pananabik nila sa isa’t isa.
“I am still alive and kicking. It’s so good to see you again. Mabuti na lang at na-inform ako nitong si Melvin na umuwi ka raw dito.
Kumaway kay Andrei ang balbas-sarado na kanang-kamay ng kapatid ng kaniyang ama. Bahagyang kumunot ang noo ni Andrei pero gumanti rin siya ng kaway sa lalaki. Noon pa man kasi ay hindi niya gusto ito. He feel unsafe sa tuwing nakikita niya ang lalaki.
“Mukhang hindi halatang fifty-three years old ka na. Ang bangis mo pa rin, Uncle David. Sino ang latest mong dinala sa mansion sa Quezon City?”
Andrei’s uncle laughed wholeheartedly. Inakbayan nito ang pamangkin at lumakad ang dalawa papuntang dining area. Hindi matapos-tapos ang kumustahan nila dahil tatlong taon din silang hindi nagkita.
“What is your plan?” tanong ni David Montillano sa kaniya. “Gusto mo na bang pamahalaan ang Montillano Empire?”
Nahigit ni Andrei ang kaniyang hininga. Wala pa sa isip niya ang pamahalaan ang negosyo ng kaniyang ama na ipinamana sa kaniya. Tutal ay mapagkakatiwalaan naman ang Uncle David niya kaya wala siyang ibang gusto sa ngayon kung hindi hanapin ang taong pumatay sa kan'yang daddy. Alam niyang malapit na niyang magawa iyon sa tulong ni Tamara. Kailangan niya na lang talagang galingan para makuha niya ang tiwala ng dalaga.
“Andrei, I am talking to you,” untag ng kan’yang Uncle David. “Hanggang ngayon ba ay naka-focus ka pa rin sa pumatay sa iyong ama?”
“I haven't found him, uncle.”
“I already told you na mahirap kalaban ang mga miyembro ng mafia. They are ruthless, with no rules and no government. Ayaw kong mapahamak ka, Andrei. You are the only family I have.”
Bakas sa mga mata ni David ang matinding pag-aalala para sa pamangkin niya. Mula naman sa malayo ay nakatingin lang sa mag-uncle si Melvin at nakangisi ito. Maraming mga bagay ang naglalaro sa isipan ng lalaking maitim ang budhi.
“Uncle, please let me continue what I started a long time ago. Ilang taon na rin ang ginugol ko rito. Believe me, I am almost at the finish line.” Halos magmakaawa si Andrei sa uncle niya lalo na at simula pa lang ay tutol ito sa gusto niyang mangyari.
“May magagawa pa ba ako, Andrei? Maraming taon na rin ang sinayang mo sa murderer na iyan. Sana hinayaan mo na lang ang mga police na gumawa ng trabaho nila. You are a Montillano, ang nag-iisang tagapagmana ni Kuya Jeff. You should not waste your whole life searching for someone na malabo mo nang makita dahil baka patay na rin siya. You know naman ang buhay sa mafia world, full of evils and wars.”
“Uncle, hanggang hindi ko nakikita ang libingan ng taong iyon, hindi ako matatahimik.”
“It’s up to you, Andrei. Ang akin lang naman ay isang paalala. Mas mabuti pa niyan ang maghanap ka ng babae. Marry her and leave the army. Bigyan mo naman ako ng apo bago ako lamunin ng lupa.”
Samantala, saktong pasok ni Tamara sa dining area dahil hinahanap niya si Yaya Nora at iyon ang narinig niya. Uurong pa sana ang dalaga pero agad na siyang nakita ni David Montillano.
“Who is this beautiful lady in the mansion?” tanong ng maginoong lalaki.
“Tamara! Akala ko ba ay matutulog ka.” Agad na tumayo si Andrei at nilapitan ang nahihiyang dalaga.
“I’m sorry po kung naka-istorbo ako.” Magalang na yumuko si Tamara kay David na tumayo na rin at lumapit sa kaniya.
“Andrei…” Nagtatanong ang mga mata ni David habang nakatingin sa pamangkin niya.
“Uncle, let me introduce to you my fiancee- Tamara.” Binalingan ni Andrei ang nabiglang dalaga. “Tamara, meet my Uncle David. He is my father’s younger brother.”
“Fiancee?” David's face was filled with surprise. “Welcome to the family, hija.”
Napalunok si Tamara. Hindi niya alam ang gagawin lalo na nang abutin ni David ang kaniyang mga kamay para sa isang handshake. Napatingin siya kay Andrei na nakangiti ng malapad at hinihintay siyang mag-react.
“Uhmm, sorry po. Hindi po…”
“Hindi siya sanay pang makipag-usap sa mga tao, uncle,” dugtong ni Andrei sa sasabihin ni Tamara. “He came from a remote area in the province where only a few people live."
“Hindi tama ito,” mga katagang naglalaro sa isipan ni Tamara. “Kailangan ko nang umalis sa bahay na ito bago pa ako mapahamak. Sinungaling ang Andrei na ito.”
“I see. I understand. Okay.” Tumango-tango si David at saka nagpaalam na magpapahinga raw muna siya.
Nang maiwan sina Andrei at Tamara, agad nagpaalam ang huli na aalis na siya ng mansion. Although she was so persistent, Andrei begged her to stay.
“May utang ka sa akin. Iniligtas kita sa mga gustong pumatay sa iyo kaya tulungan mo naman ako,” bulong ng binata sa dalaga. “Hindi kasi ako titigilan ni uncle hanggang hindi ako nagpapakilala sa kaniya ng fiance or girlfriend.”
“Wala akong utang sa iyo, Lieutenant. Iba ang utang sa charity.” Ngumiti si Tamara. “Kusang loob ang ginawa mong pagtulong at hindi ko hiningi o inutang kaya wala akong babayaran.”
“Utang na loob iyon, honey. Utang.”
“Ah, so, binabayaran na pala ngayon ang utang na loob." Diniinan ni Tamara ang salitang utang. "Pwes, aalis na po ako, Lieutenant, para hindi na madagdagan pa ang utang na loob ko sa iyo.”
“Who is leaving?” tanong ni David. Bumalik ito sa dining area dahil nakalimutan nito ang cellphone.
“Wala po, uncle. Nagbibiruan lang po kami ni Tamara.”
Masaya na iniwan sila ulit ng tiyuhin ng binata. Nang malayo na ito ay sinabi ni Andrei na gusto raw si Tamara ng tiyuhin niya kaya nagmakaawa ito sa dalaga na mag-stay muna sa mansion ng mga Montillano hanggang naroon din si David.
Hindi gusto ni Tamara ang idea na iyon kaya lumayo siya kay Andrei at agad tinawagan at sinabihan si Kryzell na babalik na siya ng Bulacan o kaya sa Manila. Nagtataka naman ang asawa ng mafia boss sa biglaang pagbabago ng plano ni Tamara. Kilala kasi ito sa pagiging lider na hindi basta-basta nagbabago ng desisyon.
“May problema ka ba, Tamara?” nag-aalala na tanong ni Kryzell.
“Wala. Gusto ko lang umuwi na. Nami-miss ko lang ang mga bata.”
“Wait. Nasaan ka ba ngayon?”
“Nasa bahay ng taong nagligtas sa akin.”
“Stay ka lang muna riyan. Safe ka riyan. Ako na ang bahala kay Kaizer.”
Napatingin si Tamara sa lalaking nasa 'di kalayuan. Ang lapad ng ngiti nito at trying hard magpapansin sa kaniya. Hindi man sabihin ni Kryzell ay alam na ni Tamara ang nangyari.
Muli siyang lumapit kay Andrei at sinita ito.
“Tinawagan mo ba ang asawa ni Boss Kaizer?” tanong ng dalaga kay Andrei.
“Oo. At alam kong boto siya sa akin. Hindi ko na yata kailangan pang makipagbarilan sa boss mo para lang pumayag siya na pakasalan kita.”
"Lieutenant, paano mong nakuha ang number niya?"
"Nawalang heredera siya ng Torquero. They are our business partners. Simula pa sa mga ninuno namin ay malaki na ang ugnayan ng families namin."
Nawalan ng imik si Tamara. Masyadong paladesisyon ang lalaking nasa harapan niya. She doesn't want it. She’s an independent lady who doesn't want to obey kung hindi lang din naman sina Kaizer at Kryzell ang nag-uutos sa kaniya.
Iniwan ni Tamara si Andrei sa dining area. Gusto niyang mag-isip kung ano ba ang tamang gawin. Hindi man kasi aminin ni Kryzell ay batid niyang itinutulak siya ng kaibigan sa bagong lalaking nakilala niya. Habang naglalakad sa corridor ay isa-isa ni Tamara na tiningnan ang mga pictures. Humanga siya sa ganda ng ina ni Andrei na dating modelo pala. Nagpatuloy siya sa pagmamasid hanggang sa muli na namang dumako ang mga mata niya sa picture ng ama ni Andrei.
“Ang weird. Sumasakit ang ulo ko sa tuwing nakikita ko ang picture ng ama niya,” she whispered.
Habang malayang naglalaro ang isip ni Tamara ay napalingon siya dahil sa isang malalim na boses ang bigla na lang nagmula sa likuran niya.
“Kilala mo ba kung sino siya?” tanong ni Melvin.
“Hindi, sir. Iniisip ko nga kung saan ko siya nakilala o nakita kasi familiar ang mukha niya,” tugon ng dalaga.
Ngumisi si Melvin na parang nakaka-insulto. Magtatanong pa sana si Tamara pero tumalikod na ang lalaki. Nang mga sumunod na araw ay laging napipikon si Tamara sa tuwing nagkikita sila ni Melvin. Hindi niya iyon masabi kay Andrei dahil hindi rin siya comfortable sa binata at maging sa uncle nito. Tanging kay Yaya Nora lang siya palagay ang loob.
Dahil sa kagustuhan na maalala niya kung saan nakita o nakasama ang ama ni Andrei kaya nagdesisyon si Tamara na mamalagi sa mansyon ng mga Montillano. Hindi tumitigil si Andrei ng pangungulit sa dalaga ngunit balewala iyon kay Tamara. Walang araw o oras kasi na hindi niya naaalala si Samuel. Naroon pa rin ang sakit na tanging siya lang ang nakakaramdam.
“Bakit naman nakasimangot ang honey ko?” tanong ni Andrei sa dalaga nang nakita niya itong nasa terrace at nakatingin sa malaking buwan at mga bituin. “Nalulungkot tuloy ang puso ko.”
“Iwanan mo muna ako, please.” Bahagyang pinunas ni Tamara ang mga luhang kanina pa umaagos mula sa mapupungay niyang mga mata.
“Umiiyak ka ba?” tanong ulit ng binata.
Hindi sumagot ang dalaga. Akala niya ay iiwan na siya ni Andrei subalit napaigtad siya nang yakapin siya nito mula sa likuran.
"I will hug you until the pain in your heart subsides. I am here willing to listen if you are ready to tell me your problem,” anas ng binata sa may punong-tainga ni Tamara.
Nangilabot ang buong katawan ng dalaga. She was unable to move. Lahat ng depensa niya ay hindi gumana. Hinayaan niya lang si Andrei na yakapin siya. Eventually, she felt a sense of relief.
Kinabukasan, habang nag-aalmusal sila kasabay si David, masayang nag-uusap ang mag-tiyuhin. Tahimik na nakikinig lang naman si Tamara. Hanggang sa magsalita si David ng, “Ako na ang bahala sa kasal ninyo. My friend’s daughter is a wedding coordinator. She can help you with the preparation.”
Biglang naibagsak ni Tamara ang kutsara. Hindi siya makapaniwala na sa isang iglap ay magiging Mrs. Montillano na siya agad. Habang nakatingin kay Andrei, naitanong niya sa sarili ang mga katagang, “ Bakit kaya sila nag-aapura na maging parte ako ng pamilya nila? Ano ang kaugnayan ko sa ama ni Andrei at bakit laging sumasakit ang ulo ko sa tuwing nakikita ko ang picture niya?”
Hello readers. Mula sa The Mafia's Hidden Angel, narito po ang isa na namang kwento na tatalakay sa buhay ni Tamara. Siya ang bestfriend ni Kryzelle sa The Mafia's Hidden Angel na aking libro. Mababasa n'yo rin po ito dito sa GoodNovel. I personally dedicate this book to my family, Heartbabies, and most specially to the following persons: Miguel Angelo Pestañas and Camille Plaza. Thank you also to Ate Levy Pestañas and Maria PBB. Dahil sa inyo nagkaroon ako ng models sa librong ito. Sana po suportahan ninyo ito gaya ng pag-support ninyo sa iba ko pang libro. Sending hug to all!
Hindi agad nakasagot si Tamara nang tanungin siya ni David kung ano ang gusto niyang mangyari sa kasal niya. Hindi kasi siya handa para roon. Natapos ang pagkain na tanging ‘hindi pa po namin ni Andrei napag-uusapan iyan’ ang nasabi ng dalaga. She tried to talk to Andrei after ng naganap sa hapag-kainan subalit sobrang abala masyado ang binata. Madalas ay umaalis ito at naiiwan siya sa mansion ng mga Montillano.Isang araw, lumapit sa kaniya si Melvin. Iiwas pa sana ang dalaga pero huli na. Lihim na naghanda si Tamara kung paano siya lalaban kung sakaling may gawin na hindi maganda ang lalaki. “Nandito ka pa rin pala. Ano ang binabalak mo?” Walang pag-aalinlangan na tanong ng lalaki. Hinarap siya ni Tamara na para bang walang dating sa kaniya ang narinig niya. Although she suspected already na may alam ang kaharap niya sa kung ano ang background niya. “Sabihin mo ang gusto mong sabihin at makikinig ako,” saad ng dalaga sa matatag na tinig. “Kilala kita, Tamara. Lahat ng tungkol sa
Nagising si Tamara dahil sa paulit-ulit na sigaw ni Andrei. Nang mahimasmasan ay agad niyang hinawakan ang kwintas ng binatang pawis na pawis na. "How do you feel?" tanong ni Andrei kay Tamara. "Ito, gusto kong malaman kung sino ang may-ari nito," pautal-utal na saad ng dalaga. "Ako ang may-ari niyan. Lahat kaming mga sundalo ay may suot na ganiyan." "Hindi, lieutenant. Sino ang may-ari nito?" "Tamara, this is mine," diin ng binata habang hawak ang kaniyang kuwintas. Hindi na umimik pa ang dalaga. Natauhan na kasi siya. Ilang ulit tinanong ni Andrei si Tamara kung bakit ganoon ang reaksyon nito sa kuwintas niya ngunit hindi ito nagsalita. Napatingin na lang ito sa mga taong nakatingin din sa kanila. "Bakit nandito na ako agad?" tanong ni Tamara. Ang kaniyang mga mata ay gumagala sa buong silid niya sa mansion ng mga Montillano. Sinabi sa kaniya ni Andrei ang nangyari sa may lawa. Wala siyang reaksyon habang nakikinig. Tahimik din na hinayaan lang ni Tamara ang doktor nang ting
Hindi binitawan ni Andrei ang kamay ni Tamara habang naglalakad sila kahit pa hinawakan din ni Allan ang isang kamay ng dalaga. Wala siyang plano na makihati sa iba lalo na kung ang paghahatian ay ang babaeng matagal na niyang gusto. "Don't touch my fiancee," ma-awtoridad na sabi ni Andrei sa nabiglang pinuno ng Triangulo. "She's mine," matapang na sabi ni Allan. "Tumigil nga kayo," saway ni Tamara sa dalawa bago pa sila nakapasok sa entrance ng park. "Kung maka-ari kayo, parang isang bagay lang ako na binili ninyo sa kanto. Allan, lakad namin ito nina Andrei at Rod. Pasensya ka na." Kahit gustong sumabog sa galit ng pinuno ng Triangulo, nagbigay daan siya. Hindi siya makagawa ng action dahil walang kaalam-alam si Tamara sa tunay niyang pagkatao. Ang alam lamang ng dalaga ay empleyado siya ng Torquero Group of Companies kaya naging malapit silang dalawa sa isa't isa. "Magkita na lang tayo sa mga susunod na araw," wika ni Allan kay Tamara. "Tawagan mo ako. Iyon pa rin ang numbe
Kapwa walang imik sina Andrei at Tamara habang binabaybay ang daan pauwi sa mansion ng mga Montillano sa Quezon City. Nagkakahiyaan sila dahil muntik na silang makalimot sa loob ng sasakyan. To lighten the tension, Andrei turned on the car stereo. A pop music played while they are both silent. Nang hindi nakatiis ay tumikhim si Andrei. Tamara… Andrei… Magkasabay nilang tinawag ang pangalan ng isa't isa. "What would you like to say?" tanong ni Andrei sa dalaga. "Ikaw na muna ang mauna," sabi naman ni Tamara. "I love you. I really wanted to marry you, Tamara." "Gusto ko na munang umuwi. Ayaw ko kasing magpabigla-bigla ng desisyon. Masyadong mabilis kasi ang nangyayari sa ating dalawa. Hindi ko gustong magsisi sa huli," sabi ng dalaga. Nawalan ng kibo si Andrei. Nakatutok lang ang tingin niya sa kalsada. Hindi na niya gustong mawalay pa sa dalaga. Aminado ang binata na ang unang plano niya ay gamitin si Tamara para mahanap niya ang pumatay sa kaniyang ama pero ngayon… mahal
Pinagpapawisan ng malapot si Andrei habang nagmamaneho. Hindi niya alam kung paano magpapaliwanag kay Tamara na galit na galit sa kaniya. Gusto niyang daanin sa biro ang lahat pero hindi pwede dahil batid niyang mapanganib ang babaeng kasama niya sa sasakyan kahit ubod ito ng ganda at sexy. Baka maiputok din nito ang baril na nakatutok sa kaniya. "Ano ang plinaplano ng mga kasamahan mo, Lt. Montillano? Bakit mo ginagamit ang puso ko?" Nangingilid ang luha ni Tamara pero pilit n'ya iyong pinaglalabanan. "Hindi kita ililigtas kung kakampi nila ako. I love you at hindi ako nagsisinungaling sa bagay na iyon kahit pa patayin mo ako," seryoso na sabi ni Andrei. "Pero may alam ka sa gustong mangyari ng grupo mo, tama ba?" "Honey, wala. Hindi ko pa nakakausap ang mga kasama ko. Tumawag lang sa akin si Rod na nakita ka raw ni Gen. Gomez sa mall at susugod sila kaya ibinigay niya ang address at pangalan ng mall para unahan ko sila. Mabuti na lang at malapit ako sa area dahil may nilakad ako
"Sir, good morning, sir," sabay na bati nina Andrei at Rod sa galit na heneral. Nakatayo sila ng ubod tikas sa harapan ni Gen. Maximo Gomez habang nakasaludo rito. Hindi nagawang iputok ni Gen. Gomez ang hawak niyang baril. Agad niyang pinababa ang mga kamay ng mga sundalong special na sinanay para paghandaan ang pakikipaglaban nila sa mga miyembro ng mafia.Habang pinapapasok ni Gen. Gomez ang magkaibigan ay nakikiramdam siya sa mga ito. Walang kibo naman ang dalawa na nakatayo lang ng tuwid sa makalat na silid."Ano ang narinig n'yo?" tanong ng heneral sa magkaibigan. "Sir, wala po, sir," sabay na tugon nina Andrei at Rod. "Kung ano man ang inyong narinig ay kalimutan na ninyo dahil buhay ninyo ang katumbas noon," sabi ni Gen. Gomez. "You know what I mean, right?""Sir, yes, sir," sabay na tugon ng magkaibigan. "Lumabas na kayo ng opisina ko! Ipatatawag ko na lang kayo kapag kakausapin ko na kayo," sigaw ng heneral. Nang makalabas ng opisina ni Gen. Gomez sina Andrei at Rod ay
Bumagsak si Andrei sa malambot na kama dahil sa sobrang kalasingan. Hawak niya pa rin ang baril na dapat sana ay ipuputok niya kay Tamara. Nagising si Tamara at halos tumalon sa higaan dahil sa sobrang gulat. "Ano ba ang nangyayari sa lalaking ito?" tanong ni Tamara habang inaayos si Andrei. "Lasinggero ba ito o may problema lang?" Tiningnan ni Tamara ang orasan. Almost seven pa lang ng gabi. Plano na sana niyang tumayo ngunit bigla siyang hinapit sa baywang ng lasing na lasing na lalaki. "I love you," sabi ng binata. "Tamara, you are my everything." Napangiti ang dalaga. Hinaplos niya ang mukha ng tulog na binata at masuyong tiningnan ito. "Mahal na ba talaga kita?" tanong ni Tamara sa kaniyang isip. "Samuel, I'm sorry. Hindi ko sinasadyang mahulog ang loob ko sa lalaking ito."Nang maalala ang dating nobyo ay nangilid ang luha ng dalaga. Losing Samuel was the most painful heartaches she experienced. Umasa kasi siyang magkakaroon na siya ng maayos na buhay. Plinano niya pa noon
Sinulit ni Andrei ang mga panahon na kasama niya si Tamara. Lahat ng pagmamahal at pag-aalaga ay ibinigay niya sa dalaga para iparamdam kung gaano ito kahalaga sa kan'ya . Hanggang sa ipinatawag sila ni David. Kumuha na pala ang tiyuhin ni Andrei ng wedding planner dahil nababagalan ito sa pamangkin niya. "Ano ang gagawin natin? Kung ako kasi ang tatanungin ay mas gusto muna kitang makilala," sabi ni Tamara. "Masyadong mabilis kasi ang nangyayari sa ating dalawa." "Hayaan mo lang si Uncle David. Gan'yan lang siya dahil ayaw niya na akong manatili sa pagiging sundalo. Kung ano ang gusto mo, iyon ang susundin natin. Ang mahalaga kasi sa akin ay ang kaligayahan mo," wika ng binata. "Thank you. Ayaw ko kasing pumasok sa isang commitment na hindi ako sigurado," sabi ni Tamara. Ngunit nang nalaman ni David ang naging pasya ng magkasintahan ay tinawag sila nito. Sa opisina ni David sa loob ng mansyon ay para silang mga batang paslit na senermunan ng tiyuhin ni Andrei. "What are you wai