Hindi agad nakasagot si Tamara nang tanungin siya ni David kung ano ang gusto niyang mangyari sa kasal niya. Hindi kasi siya handa para roon. Natapos ang pagkain na tanging ‘hindi pa po namin ni Andrei napag-uusapan iyan’ ang nasabi ng dalaga. She tried to talk to Andrei after ng naganap sa hapag-kainan subalit sobrang abala masyado ang binata. Madalas ay umaalis ito at naiiwan siya sa mansion ng mga Montillano.
Isang araw, lumapit sa kaniya si Melvin. Iiwas pa sana ang dalaga pero huli na. Lihim na naghanda si Tamara kung paano siya lalaban kung sakaling may gawin na hindi maganda ang lalaki.
“Nandito ka pa rin pala. Ano ang binabalak mo?” Walang pag-aalinlangan na tanong ng lalaki.
Hinarap siya ni Tamara na para bang walang dating sa kaniya ang narinig niya. Although she suspected already na may alam ang kaharap niya sa kung ano ang background niya.
“Sabihin mo ang gusto mong sabihin at makikinig ako,” saad ng dalaga sa matatag na tinig.
“Kilala kita, Tamara. Lahat ng tungkol sa iyo ay puro kasinungalingan. Galing pala sa remote area, huh. Iyon ba ang sinabi mo kay Lt. Montillano?”
Ngumiti si Tamara. Hindi na nakapagtataka na bilang kanang-kamay ni David ay magsagawa si Melvin ng background check sa kaniya. Sa kabila ng posibleng pagkakalantad ng kaniyang katauhan, hindi man lang na-rattle ang dalaga. She just patiently waited sa kung ano ang ibabatong salita ni Melvin.
“Tapos ka na bang mag-frofiling sa akin?” Walang emosyon na tanong ni Tamara sa kausap niya.
“Huwag kang gagawa ng masama. Alam ko na miyembro ka ng elite force ng Devil’s Angel Mafia Organization. Binabantayan kita,” saad ni Melvin.
“Okay,” simpleng sagot ng dalaga. "Gusto mo bang alamin ko rin ang background mo? Sa itsura mong iyan, alam kong marami kang itinatago."
Naging malikot ang mga mata ni Melvin. Agad itong tumalikod at iniwan ang naniningkit na dalaga.
"Huwag kang magkakamali sa akin, Melvin. Kapag ako ang kumilos, siguradong kahit anong butas ay papasukin mo makaligtas lang sa akin," banta ni Tamara.
Nakahalukipkip ang dalaga habang sinasabi niya ang mga katagang iyon. Matalim din ang kan'yang mga mata habang nakatingin sa likod ni Melvin na agad tumalikod nang ipinaramdam sa kan'ya ni Tamara na hindi ito takot sa kaniya. .
"Naging busy lang ako, ibang tao na agad ang laman ng isip mo." Napatalon si Tamara sa sobrang gulat. Agad niyang siniko ang lalaking humalik sa kaniya subalit napakaliksi rin nito kaya hindi man lang tumama rito ang siko ng dalaga.
"Lieutenant!" bigkas ng dalaga sa mataas na boses. "Huwag kang basta-basta sumusulpot dahil baka masaktan kita. Ayaw ko rin magkaroon ng sakit sa puso."
"Don't worry, honey. Hindi sasakit ang puso mo dahil kahit tagos diyan ang pagmamahal ko, hindi ko susugatan iyan." Kumindat si Andrei pagkatapos sabihin iyon.
Napataas ng kilay niya ang dalaga. Hindi niya maiwasan ang mapahalakhak dahil pakiramdam niya ay gumagana ang pagiging bolero ng kaharap niya.
"Lieutenant, sa sobrang lakas ng hangin, tinatangay na pati ang puso ko." Pagkasabi noon ay biglang tumapang ang kanina lang ay mala-anghel na mukha ng dalaga. "Hindi ako katulad ng ibang babae na mabilis naniniwala sa matamis na salita ng mga lalaki. Ibahin mo ako."
"Kaya nga gusto kita kasi naiiba ka," hirit ulit ni Andrei.
Presko ang dating ng binata sa nagtitimping dalaga. Kulang na lang ay suntukin siya ng nanggigigil na si Tamara pero dahil gusto ng huli na malaman kung sino ba talaga ang ama ni Andrei kaya iniwan n'ya na lang ito.
Tumuloy si Tamara sa kusina kung nasaan nagmamando sa mga katulong si Yaya Nora. Kunwari ay nakikipagkuwentuhan lang siya sa matanda pero ang pakay niya talaga ay malaman kung sino ang ama ni Andrei. Subalit wala siyang ibang makuhang impormasyon kung hindi isa itong negosyante, pinatay sa sunog ng isang mafia boss na natalo sa casino, ama at kapatid. Simple lang ang buhay dati ng ama ni Andrei kahit na ubod ito ng yaman at nagmamay-ari ng mga multi-billionaire na negosyo dahilan para ideklara itong richest man in Asia noong nabubuhay pa ito.
"Kung pinatay ng mafia boss ang ama ni Andrei, bakit hindi siya galit sa isang mafia member na katulad ko? Hindi kaya…" Biglang napatayo si Tamara.
"Hija, akala ko ba ay kakain ka. Saan ka na pupunta?" tanong ni Yaya Nora.
"Mamaya na lang po, yaya. Hahanapin ko lang po muna si Andrei."
Mabilis na inihakbang ng dalaga ang mga paa niya. Hindi para hanapin si Andrei kung hindi para umalis na sa mansion ng mga Montillano.
Subalit habang binabaybay niya ang corridor ay nakita siya ni Andrei.
"Saan ka pupunta? Bakit ang bilis ng mga hakbang mo?" tanong nito.
"Lieutenant, alam kong pinatay ng mafia boss ang ama mo pero wala akong kinalaman doon kaya bago mo pa ako maisahan, aalis na ako sa mansion mo," matapang na hayag ng dalaga.
Andrei couldn't hide his emotion. Pulang-pula ang mukha niya dahil sa galit at pagkabigla. Kunwari lang na okay sa kan'ya ang umalis si Tamara pero deep inside him ay ang malaking pagtutol. Hindi siya papayag na malayo sa kaniya ang babaeng tangi niyang pag-asa para mas makapasok pa sa mundong kinabibilangan nito- ang mafia world.
"Tamara, gano'n ba kasama ang tingin mo sa akin? Do you think I am just using you for revenge?"
"Ikaw ang nagsabi n'yan, Lieutenant."
"Mali ka. Bakit naman kita gagamitin kung kay Kryzell Toquero Gerzon ay pwede na akong makakuha ng mga information? Business partners kami kaya pwede kong gamitin ang pagiging boss ko sa company, 'di ba?"
Ipiniling ni Tamara ng kaniyang ulo. Lately ay nagiging emotional siya kaya hindi gumagana ang utak niya. Huli na nang na-realize niyang dapat ay hindi siya masyadong vocal kay Andrei katulad ng nakasanayan na niya sa buhay niya.
"Let's go." Hinawakan ni Andrei ang kamay ng dalaga. "Maaga pa kaya pwede pa tayong gumala."
Parang robot na sumunod lang si Tamara. Ni hindi niya nagawang bawiin kay Andrei ang mga kamay niya. Nang inalalayan siya nito na sumakay sa isang tractor ay hindi na tumanggi pa ang dalaga.
"Oh, baka isipin mong kinikidnap na naman kita. Mamamasyal lang tayo," turan ni Andrei.
"Bakit mo ba ito ginagawa?" tanong ni Tamara sa mahinang tinig.
"I want you since the first time I laid my eyes on your picture."
"Picture? Anong picture, Lieutenant?"
Sa kawalan ng sasabihin ay ngumiti na lang si Andrei. Nag-isip agad siya ng pwedeng idahilan lalo na at sa tingin niya ay walang alam ang babaeng katabi niya sa kung sino ito sa nakaraan.
"Lieutenant?" untag ng dalaga sa natahimik na binata.
"May picture kasing nakunan ang employee ko sa isang business meeting nila ni Kryzell. You were there pero medyo malabo. I decided to search for you. Wala lang, nasilo kasi agad ng maganda mong mga mata ang puso kong pagala-gala."
Hindi nakahalata si Tamara na nagsisinungaling lang ang kausap niya. Ang mga mata niya kasi ay sa dinadaanan nila ni Andrei naka-focus. Ang naglalakihang puno ng mga mangga ay para bang nagpapayabangan kung sino ang bida. Naalala niya ang mga magulang at kapatid na namatay dahil sa isang bakbakan. Dati-rati raw ay palagi rin silang nag-aaway na magkakapatid sabi sa mga kuwento-kuwento.
"Whooh! Nakakapagod talaga." Agad napalingon si Tamara kay Andrei nang bigla itong sumigaw. "Tumatakbo na naman kasi ako sa isip ng magandang dalaga sa tabi ko."
"Hindi ako natutuwa sa mga jokes mo," masungit na saad ni Tamara.
"Don't deny it. Baka magkakulani ka sa kilikili mo, ikaw din."
"Wow!" Inis na inis na saad ng dalaga. "Hindi talaga ako natutuwa sa mga walang-kwenta mong mga hirit."
Biglang itinigil ni Andrei ang sasakyan sa tabi ng isang malaking puno ng mangga. Namangha ang dalaga sa linaw ng isang lawa na nasa 'di kalayuan lang. Agad siyang bumaba sa sasakyan at hindi na hinintay pa si Andrei na ipagbukas siya ng pintuan.
Dumiretso ng lakad si Tamara sa tabi ng lawa. Tuwang-tuwa na isinawsaw niya ang mga daliri sa napakalinaw na ilog. Mas lalo pang namangha si Tamara sa buong paligid nang mahagip ng mga mata niya ang napakagandang mga bulaklak sa kabilang bahagi ng lawa. Para bang sadyang itinanim iyon doon.
"Tara doon sa kabila," yaya ni Andrei kay Tamara.
Hindi agad nakakilos ang dalaga. Tiningnan niya ang kamay ni Andrei na may hawak na basket at ang isa pa na may dala rin na mat. Nagtatanong ang mga mata niya nang umangat siya ng tingin.
"Ano ito? Date?" Hindi napigilan na tanong ni Tamara.
"Yes, honey. This is our first date."
Kinilig ang dalaga. Biglang hindi mapakali ang puso niya. Daig pa n'ya ang kinukuryente dahil parang naiihi siya na ewan.
No one has ever tried to win her heart the way Andrei did it. Naitanong tuloy ng dalaga sa sarili niya ang mga katagang, "What if pagbigyan ko ito, magiging masaya kaya akong muli?"
"Nakuha ko na ba ang one-sixteen ng puso mo?" tanong ni Andrei nang hindi na kumibo si Tamara.
"Ano?"
"You are beautiful."
"Alam ko."
"Pwede na ba tayong magpakasal?"
"Kung ayaw mong lunurin kita sa lawa na iyan, titigil ka sa kahibangan mo."
"Nakakatakot talaga magmahal ng isang mafia member," parinig ni Andrei. "Mamatay man ako, buhay na buhay pa rin ang pag-ibig ko sa iyo."
Napahawak si Tamara sa bibig n'ya. Aminado ang dalaga na paunti-unti ay nagagawa na niyang tumawa sa mga linya ni Andrei na parang daig pa ang makata.
Habang inilalatag ni Andrei ang mat ay masusi siyang tinitingnan ni Tamara. Ang dalagang walang kibo ay pilit na binabasa ang kilos ng magiting na alagad ng batas.
"Lieutenant, bakit alam mo na may gustong pumatay sa akin?"
"Honey…"
"Tamara ang pangalan ko."
"Wala akong pakialam sa pangalan mo lalo na at 'di mo naman alam ang apelyido mo."
Napatawa si Tamara sa sinabi ni Andrei. Agad siyang sumalampak sa mat na inilatag ng binata. Naiiyak na tumingala siya sa langit. Naalala niya kasi si Samuel.
Itinapat ni Andrei ang mukha niya sa mukha ni Tamara. Umarte siyang umiiyak. Ang nalulungkot na dalaga ay biglang naging masaya. Hindi n'ya napigilan ang mapahalakhak.
"Ayan, tumawa ka na rin. Hindi ko gustong burahin kung sino man ang nariyan sa puso at isip mo pero hayaan mo akong makapasok kahit paunti-unti," seryosong sabi ng binata.
Titig na titig si Tamara sa mukha ni Andrei. There is something in him that she wants to trust the person, but she is afraid to do so. Sundalo ito at kaaway nila dati. At kahit na maayos na ang relasyon ng Devil's Angel Mafia Organization sa gobyerno, pinag-iingat pa rin sila ng kanilang boss.
Nanlaki ang mga mata ni Tamara nang biglang naghubad ng pang-itaas na damit si Andrei. Hindi dahil sa maskulado nitong katawan o sa nakakahimatay nitong abs subalit dahil sa kuwintas na nakasuot sa leeg nito.
"Gusto mo bang hawakan ang katawan ko?" tanong ni Andrei sa natulalang dalaga.
Subalit hindi sumagot si Tamara. Ilang saglit pa ay namumutla na ito habang pilit inaalog ni Andrei ang balikat.
"Tamara! Tamara! Ano ba ang nangyayari sa iyo?"
Ilang butil ng luha ang umagos sa pisngi ng dalaga bago ito nawalan ng malay habang si Andrei ay napasigaw na lang ng ubod lakas.
Kasama si General Gomez, dinalaw nina Andrei at Tamara ang libingan ng mga magulang ng huli. May mga dala silang pagkain dahil ilang oras din silang magtatagal doon. Si Polan ay susunod na lang bandang tanghali dahil abala pa ito sa pag-asikaso sa bahay na pinaaayos nilang magpinsan. Unang beses iyon na dinalaw ni Maximo ang libingan ng mga magulang ni Tamara kaya naman hindi niya maiwasan ang maging emosyonal. Abot-langit ang paghingi niya ng tawad sa kapatid na kay tagal niyang inaasam na makasama pero siya rin pala ang naging mitsa ng kamatayan nito. Hinayaan lang ng mag-asawa na ilabas ni General Gomez ang emosyon nito. Nanatili lang silang naka-upo sa upuan sa gilid. Dama ng mag-asawa ang matinding pagsisisi ni General Gomez kaya naman nakaramdam sila ng awa sa lalaking walang ibang ginusto sa buhay kung hindi ay mahanap ang kaniyang kapatid. Isang araw lang namalagi sa San Fernando ang mag-asawa. Si General Gomez ay mas pinili na doon na lang din siya tumira kasama si Polan p
Sobrang bilis ng mga pangyayari. Pilit na hinostage ni Allan ang isa sa mga police na malapit sa kaniya ngunit hindi inaasahan na magaling pala ito sa karate. Sinikap niyang lumaban para hindi siya mahuli kaya napilitan na ang mga alagad ng batas na paputukan siya. “Bakit sobrang sakit mong mahalin, Tamara? Hindi ba talaga ako karapat-dapat na ibigin?” nanghihina na tanong ni Allan. Nangingilid ang mga luha niya sa mata habang nakatingin siya sa babaeng buong buhay niyang inasam.“I’m sorry, Allan. I can not teach my heart to love you. Kung sana marunong ka lang tumanggap ng pagkatalo, hindi sana aabot sa ganito.” Lumuhod si Tamara sa tabi ni Allan at hinawakan niya ang kamay nito. “Patawarin mo ako.” Huling katagang namutawi sa labi ng lider ng Triangulo. Napapikit si Tamara. Hindi niya gustong makita si Allan sa huling paghihirap nito. Maraming sana sa isip at puso niya pero kahit isa man sa mga iyon ay hindi niya nasabi. Biglang bumalik sa isip niya ang mga alaala noong magkasa
Habang abala si David sa pagtakas ay hindi niya napansin ang pagtakbo nina Andrei at Allan palapit sa kaniya. Subalit dahil sa mga tauhan niya kaya hindi agad siya nalapitan ng magkaribal. Nauwi kasi sa bakbakan ang lahat. At dahil grupo ni David ang nasa taas kaya dehado ang grupo nina Allan, General Gomez, Kaizer at Gener. Tumawag si Kaizer kay Kryzell at hiniling niya sa kan'yang asawa na padalhan siya ng isang chopper na pwedeng magbagsak ng bomba sa kinatatayuan ni David. "Huwag mong gagawin iyan. Hindi natin alam ang totoong nangyayari sa pagitan nina Andrei at Allan. Baka kapag ginawa mo iyan ay mapahamak ang pamangkin ko," saway ni General Gomez kay Kaizer. "May punto ang dating heneral, Kaizer. Hindi tayo pwedeng makialam sa kung ano ang nangyayari ngayon hanggang walang ibinibigay na go signal si Andrei," sabi ng lider ng Sabado Boys. "Bakit pa tayo nandito kung tutunganga lang po pala tayo, Daddy?" tanong ni Kaizer kay Gener Torquero. "Naiintindihan kong gusto mong tul
Kasama ang ilang mga tauhan, pinuntahan ni Allan ang kan’yang dating bahay. Hindi niya inalintana ang dilim at matinding panganib para lang makita niya si Tamara. Subalit gano’n na lang ang kan’yang panlulumo nang makita niyang walang katao-tao sa bahay na dati ay punong-puno ng kan’yang mga tauhan. Lalong hindi niya matanggap na hindi na niya naabutan pa sa basement ang babaeng pinakamamahal niya. Muling bumalik sa hotel si Allan. Lingid sa kaalaman ng lahat, ang hotel na iyon ay pagmamay-ari niya at ni Rod. Subalit dahil kilala siyang pinuno ng Triangulo kaya ang alam ng karamihan ay si Rod lang ang may-ari noon. Ang mga tauhan ng nasabing hotel ay mga miyembro rin ng Triangulo. Sa silid niya ay nag-pakalunod si Allan sa alak. Habang naghihintay siya ng ulat kung nasaan ngayon si Tamara, pinili niyang mapag-isa. Ayaw kasi niya maging katawa-tawa sa harapan ng kan’yang mga tauhan. Batid niyang hindi uso ang pagmamahal sa kanilang grupo kaya pilit siyang nagpapakalalaki kahit durog
Napanood ni David sa television ang nangyaring labanan sa bahay ni Allan. Dahil hindi niya matandaan na sinabi niya kay General Gomez ang address ng bahay na iyon kaya takang-taka siya kung paano nalaman ng Devil's Angel Mafia Organization ang tungkol sa bahay ni Allan. Subalit bukod sa nangyari sa bahay ng dati niyang kakampi, may mas matindi pang iniisip si David. Iyon ay kung sino ang nasa likod ng dalawang anunsyo na inilabas ng Montillano Empire. Excited na muling tinawagan ni David si General Gomez. Kunwaring nakikisakay naman ang huli sa kalokohan ng dating negosyante. "We don't have to risk our life now, General. The Devil's Angel Mafia Organization is doing a great favor on us," masayang balita ni David. "You're absolutely correct, David. Balak mo pa rin bang gantihan si Allan?" tanong ni General Gomez. "Yes. It is now easier to do it than yesterday kaya hindi ko na palalagpasin pa ang pagkakataon," sabi ni David. Simpleng kumustahan na lang ang sumunod na napag-usapan n
“Hùbad!” Malakas na sabi ni Allan. Hindi natinag si Tamara. Hindi niya gustong makita ni Allan ang takot na nararamdaman n’ya. Iyon kasi ang isa sa mga iniiwasan niya, ang pagsamantalahan ni Allan ang kahinaan niya. Kahit nakatutok na sa kaniya ang baril ng lalaking halos sambahin siya ay hindi man lang inisip ni Tamara ang sarili niya. Ang nasa isip niya ay si Gab. Hindi niya gustong lumaki ito ng walang ina lalo na at ang alam niya ay wala na rin si Andrei. Susundin mo ba ako o papatayin na lang kita? Masyado mo nang inaapakan ang pagkalalaki ko,” sigaw ni Allan. “Paano akong maghuhúbad kung nakaposas ako?” tanong ni Tamara. Alam niyang mali ang naisagot niya pero kusa na lang iyong lumabas sa bibig niya. Pinanindigan na lamang niya iyon dahil hindi na niya mababawi pa. Ngumisi si Allan. Ngising demonyo iyon kaya naghanda si Tamara. Bigla niyang nakita ang galit na mukha ni Andrei. Kinilabutan si Tamara. Pakiramdam niya ay minumulto na siya ng asawa niya.“Ako na lang ang maghu