Share

CHAPTER 6

Author: Magic Heart
last update Last Updated: 2022-08-05 09:03:40

Nagising si Tamara dahil sa paulit-ulit na sigaw ni Andrei. Nang mahimasmasan ay agad niyang hinawakan ang kwintas ng binatang pawis na pawis na. 

"How do you feel?" tanong ni Andrei kay Tamara. 

"Ito, gusto kong malaman kung sino ang may-ari nito," pautal-utal na saad ng dalaga. 

"Ako ang may-ari niyan. Lahat kaming mga sundalo ay may suot na ganiyan." 

"Hindi, lieutenant. Sino ang may-ari nito?" 

"Tamara, this is mine," diin ng binata habang hawak ang kaniyang kuwintas. 

Hindi na umimik pa ang dalaga. Natauhan na kasi siya. Ilang ulit tinanong ni Andrei si Tamara kung bakit ganoon ang reaksyon nito sa kuwintas niya ngunit hindi ito nagsalita. Napatingin na lang ito sa mga taong nakatingin din sa kanila. 

"Bakit nandito na ako agad?" tanong ni Tamara. Ang kaniyang mga mata ay gumagala sa buong silid niya sa mansion ng mga Montillano. 

Sinabi sa kaniya ni Andrei ang nangyari sa may lawa. Wala siyang reaksyon habang nakikinig. Tahimik din na hinayaan lang ni Tamara ang doktor nang tingnan nito ang lagay niya. 

"Sino ang lalaking may-ari ng kaparehong kuwentas ni Andrei? Bakit bigla siyang pumasok sa isipan ko?" tanong ni Tamara sa sarili niya. 

Nakamasid lang si Yaya Nora sa mga nagaganap. Maya-maya pa ay hinila nito si Andrei. 

"Anak, may sakit ba ang batang iyan?" tanong ng matanda. "Napapansin kong kakaiba ang ikinikilos niya. Maayos naman siya kanina, bakit bigla na lang siyang hinimatay?" 

"Okay lang po siya, Yaya Nora. Kailangan lang po niya ng taong nasa tabi niya kapag sumasakit ang ulo niya."

Hindi na kumibo ang matanda at tumahimik na lang. Habang si Andrei ay humalukipkip na lang at sumandal sa pader. 

"Unti-unti mo nang naaalala ang lahat, Tamara. Alam kong sumagi sa isipan mo ang tunay mong ama kaya ganoon na lang ang tingin mo sa aking kwintas," mga katagang nasa isip ng binata.

Nang lumabas ang doctor sa silid ng dalaga ay tinawag nito si Andrei. Pumasok sila sa isang silid at masinsinan silang nag-usap. 

Samantala, humahangos na tumungo si David sa silid ni Tamara. Pansamantala nitong iniwan ang trabaho sa kaniyang opisina sa mansion at agad-agad ay dinalaw ang fiance ng pamangkin niya nang mabalitaan nito ang nangyari. 

"How are you feeling, hija? Are you alright?" tanong nito sa dalagang nakaupo lang sa ibabaw ng kama. 

"Opo. Wala po kayong dapat alalahanin," saad ni Tamara.

"Next time, kapag umaalis kayo ni Andrei, make sure na may dala kayong umbrella. We have an extreme weather condition due to climate change kaya kapag ten onwards in the morning, dapat may payong na para maiwasan ang ganito," paalala ni David sa dalaga. Wala kasi itong alam sa totoong nangyari kay Tamara.

Dahil sa mga narinig at sa nakitang pag-aalala ng mga taong nasa paligid niya kaya nakaramdam si Tamara ng security. Alam niyang mabubuting tao ang nasa paligid niya kahit kahina-hinala pa ang intensyon ni Andrei. 

Nang iwan siya ng lahat ay bumalik sa isip ni Tamara ang dahilan kung bakit siya nawalan ng malay. Nang nakita niya kasi ang kuwintas ni Andrei ay biglang sumakit ang ulo niya at hindi niya iyon natiis. Sa isip niya ay pabalik-balik ang isang eksena kung saan may batang babae na nilalaro ang kwintas na iyon habang nakasabit sa leeg ng isang lalaking hindi kita ang mukha. Masaya ang bata at maging ang lalaki. 

Tumayo si Tamara sa higaan at saka lumapit sa may bintana. 

"Ano ba ang nangyayari sa akin?" tanong ni Tamara sa sarili niya. 

Habang nagmumuni-muni ay may napansin si Tamara sa ibaba. May bagong bisita na dumating at sinalubong ito ni Andrei. Sa tingin niya ay isa rin itong sundalo ayun sa kilos, pananamit at gupit nito. 

Nagtataka ang dalaga kung bakit ang mga sundalong ito ay nasa labas ng kampo at hindi kasama ng mga kasamahan ng mga ito. Pinag-aralan mabuti ni Tamara ang kilos ng dalawa habang nagtatago siya sa kurtina ng bintana.  

Dahil hindi mapakali kaya tumawag si Tamara kay Ruel. 

"Huwag kang magparamdam nang magparamdam dahil baka hindi ako maka-move-on sa iyo," biro ng kausap niya sa kabilang linya. 

"Kailangan ko ang tulong mo," agad na sabi ni Tamara. 

"Ano ang problema mo, Tamara? Hinahabol ka pa rin ba ng mga gustong pumatay sa iyo? Ang sabi ni boss ay nasa bahay ka raw ngayon ng isang sundalo." 

"Tahimik ang buhay ko rito pero gusto kong malaman ang pagkatao ng mga kasama ko rito. Magagawa mo ba silang lihim na imbestigahan. Ipapasa ko sa iyo ang mga pictures nila, Ruel."

"Iyon lang ba, Tamara?" 

"Oo. Kung pwede huwag mo munang sabihin kay boss o kaya kay Kryzell," pakiusap ng dalaga. 

"Ikaw sana ang dapat gumawa nito. Alam mo naman na ikaw ang pinakamahusay na detective sa ating lahat, pero sige na nga, gagawin ko." 

Saktong katatapos lang mag-usap nina Ruel at Tamara nang may kumatok sa pintuan. Dali-dali na bumalik sa higaan si Tamara at saka nagtalukbong ng kumot. 

Tinawag ni Andrei ang pangalan ni Tamara at kunwari naman na sumagot ng mahina ang huli. Agad kinumusta ng binata ang dalaga pagkapasok pa lang nito ng silid. 

"Pwede ba akong mag-apply ng trabaho sa inyo?" tanong ni Tamara sa nabiglang lalaki.

"What? Bakit kailangan mong gawin iyan?" Hindi maitago ang pagdududa sa isip ng binata. 

"Lately kasi ay may mga gustong pumatay sa akin, 'di ba? Gusto ko muna sanang magpalamig muna, lieutenant. Alam kong hindi ako safe kung babalik ako sa mga Gerzon kaya maghahanap muna ako ng trabaho para may pagkakitaan naman ako kahit na nandito ako." 

"Hindi mo kailangan ang magtrabaho sa bahay na ito dahil dito, ikaw ang amo. You are my fiance. Don't forget that." 

"Lieutenant, seryoso ka ba talaga sa mga sinasabi mo?" 

"Bakit akala mo ba ay nagbibiro ako? Gusto kita, Tamara, at magiging asawa kita." 

Napapikit ang dalaga. Hindi n'ya kasi malaman kung alin ang totoo o biro sa mga sinasabi ni Andrei. 

Samantala, sa underground world, ang inaakala ng lahat na nabuwag nang grupo ng Triagulo Mafia Group ay muling nabuo sa pamumuno ng isang Allan Loreco. Tuso at mayabang ang tatlumpu't limang taon na lalaking ito. Wala rin siyang awa, mukhang pera at hindi marunong magmahal ng kapwa. Simula't sapol ay wala siyang ibang gusto kung hindi ang makisali sa away ng ibang mafia group at ng mga alagad ng batas. Paraan niya iyon para pagdating ng araw ay mabuwag na ang mga grupo ng mafia at tanging Triangulo na lang ang maiiwan. Bilang anak ng kanang-kamay ng dating lider ng grupo, dati pa man ay pangarap na niyang pamunuan ang Triangulo. 

"Boss, hindi na namin nakikita si Tamara. Ang nalaman ng mga kasamahan natin ay may gusto raw pumatay rito kaya nagtatago ito," ulat ng isang matabang lalaki kay Allan. 

"Hanapin n'yo siya. Hindi pwedeng mawala siya sa aking paningin." 

The mafia soldiers know how madly inlove Allan is sa magaling na babaeng kinakatakutan ng lahat sa mafia world. Noon pa man kasi ay bukang-bibig na ng lalaki ang paghanga nito kay Tamara kahit pa nakalaban na n'ya ito sa isang engkwentro na namagitan sa Devil's Angel Mafia Organization at sa Triangulo Mafia Group.

"May nakapagsabi sa akin na nasa isang lugar daw siya kasama ng bago niyang nobyo," sabi naman ng isa pa. 

"Papatayin ko kung sino man ang kasama ngayon ni Tamara." Hindi kakikitaan ng kahit na anong pag-aalinlangan si Allan habang sinasabi niya iyon. 

Tahimik na nakinig lang kay Allan ang mga kasamahan niya. Batid kasi ng mga ito na patay na patay kay Tamara ang kanilang boss. At walang kahit isa sa kanila ang pwedeng komontra sa kung ano ang gusto nito dahil buhay nila ang kapalit. 

Habang panay ang utos ni Allan na alamin ng mga tauhan nila ang latest location ni Tamara, sa mansion ng mga Montillano ay ipinapakilala ni Andrei si Tamara sa kaniyang kaibigan. Abot-tainga ang ngiti ni Lt. Rod Almario nang nakaharap na niya ang dalaga. 

"So, ikaw pala…" Siniko ni Andrei ang kaibigan. "Ikaw pala ang babaeng kinalolokohan ng kaibigan ko." 

Walang kangiti-ngiting tiningnan lang ni Tamara ang sundalong nasa harapan niya. Pinakikiramdaman niya ito at pilit binabasa ang laman ng utak nito. Bilang respeto ay inabot n'ya rin ang kamay nitong nakikipagkamay sa kaniya. 

Tumikhim si Rod bago nagsalita. "Sobrang seryoso pala ng fiance mo, Lt. Montillano," saad niya. 

Siniko ulit ni Andrei ang kaibigan niya. 

"Excuse me," saad ni Tamara. 

"Honey, pagpasensyahan mo na…"

"Tamara. Tamara ang pangalan ko," diin ng dalaga habang titig na titig sa mukha ni Andrei. 

Pigil na pigil ang tawa ni Rod habang mataman silang tinitingnan ni Tamara. Subalit nang makatalikod na ito, parang sirang plaka ang magiting na sundalo sa pang-aalaska sa kaibigan niya. 

"Honey pala, huh. Mukhang hindi gagana ang pangmalupitan mong moves sa member ng elite force ng Devil's Angel. Gusto mo bang tulungan kita, buddy?" 

"Magiging akin din siya. Hindi ako papayag na hindi ko siya makuha kahit daanin ko s'ya sa dahas," seryosong sagot ni Andrei kay Rod. 

"Paano ang order ni Gen. Maximo Gomez? Balitang-balita sa kampo na darating daw siya para bigyan ng atensyon ang planong pagpatay kay Tamara Nicole Austria mo. Ano ang gagawin mo?" 

Andrei was silent for a moment. Naitanong niya rin sa sarili ang tanong sa kaniya ni Rod. Nahalata naman ng kaibigan niya ang magkahalong emosyon na bumalatay sa mukha n'ya. 

"Problemado ka, ano? Buddy, ngayon pa lang ay pag-isipan mo ang mga desisyon mo. Ayaw kong dumating ang araw na maglaban tayo dahil sa mga prinsipyo natin," seryosong saad ni Rod. 

"Kapag dumating ang araw na iyon, piliin natin ang tama pero ngayon pa lang sinasabi ko na sa iyong sigurado akong pakakasalan ko si Tamara dahil biktima siya at hindi salarin, Rod." 

"Ako, biktima? Nino?" tanong ni Tamara na hindi namalayan nina Andrei at Rod na bumalik pala. 

Nagkatinginan ang dalawang magkaibigan. Kapwa nag-iisip kung ano ang isasagot nila sa mapanuring dalaga. Batid nilang kaunting pagkakamali ay pwede silang magkagulo. 

"Wala kaming ibig sabihin ni Rod. Batid kasi namin na ang mga nasa underground world ay hindi lahat masama dahil ang ilan sa inyo ay mga biktima rin," saad ni Andrei habang nakangiti. 

"O-oo, iyon nga. Iyon nga ang pinag-uusapan namin." Ipinakita ni Rod na masaya rin siya. 

"Hindi ako naniniwala sa inyong dalawa," matapang na turan ni Tamara. 

"Mukha ba akong sinungaling?" tanong ni Andrei habang nakatingin sa mga mata ng dalaga. 

"Oo." Maikli subalit punong-puno ng katapatan na sabi ni Tamara. 

Nagkatinginan sina Andrei at Rod. Nagsenyasan silang dalawa. Alam nilang hindi nagbibiro si Tamara at kailangan ni Andrei kumilos kung gusto talaga nitong makuha ang puso ng dalaga. 

Hindi nagdalawang-isip si Andrei na sundan ang dalaga nang lumakad na ito palayo. Habang pinapanood sila ni Rod ay nilapitan ito ni Melvin. 

"Lieutenant, mukhang hindi nagkasundo ang dalawang iyon," sabi ni Melvin. Napalingon naman sa kaniya si Rod na noon ay nag-aalala sa sitwasyon. 

"Sino ka?" tanong ni Rod kay Melvin. 

"Kanang-kamay ako ni Sir David Montillano at kilala ko si Tamara. Sir, mapanganib siya. Hindi siya pwedeng basta-basta pinagkakatiwalaan."

"Bakit mo nasabi iyan?" 

"Lieutenant, killer ang babae na iyan. Marami na siyang pinatay at pinahirapan." 

Natahimik si Rod. Bilang kaibigan ay hindi n'ya gustong mapahamak si Andrei subalit ano ang gagawin niya kung ang kaibigan n'ya ay hindi na mabago ang isip? 

Pinagmasdan ni Rod sina Andrei at Tamara. Nakikita niya kung pa'no nahihirapan magpaliwanag ang buddy n'ya sa babae na sinabi ng kausap niya kanina na mapanganib daw.

Dahil sa sulsol ni Melvin, ang kaninang nananahimik na binata ay biglang naging malikot ang isip. Sa isang iglap ay masama agad ang tingin niya kay Tamara at kalaban na ang tingin niya rito. 

Subalit ang babaeng siniraan ay hindi lamang naapektuhan kahit nakita niyang lumapit si Melvin sa bisita ni Andrei. Ang isip at puso niya ay nakatutok sa lalaking nakasunod sa kaniya at pilit na nagpapaliwanag. 

"Honey, huwag ka naman magalit," pakiusap ni Andrei sa kaniya 

"Galit? Hindi ako galit. Ayaw ko lang na nagsisinungaling sa akin ang tao. Ramdam ko iyon," himutok ng dalaga. 

"Nagsasabi nga ako ng totoo. May proof ka ba na nagsisinungaling ako?"

Hindi nagsalita ang dalaga lalo na at palapit si David. Bilang respeto sa mabait na matanda ay hindi muna siya kumibo. 

"Do you have problem?" tanong ni David sa dalawang nasa corridor at halatang nag-aaway. 

"Wala po," saad ni Tamara.

"Meron po," sabi naman ni Andrei. 

"Ayusin ninyo iyan. You two should learn to resolve your problem immediately. Huwag nang pahabain pa," payo ng matanda. 

"Opo," sabay na tugon ng dalawa. 

Nang makalayo na si David Montillano ay dumiretso si Tamara sa kaniyang silid pero sumunod din si Andrei. Hindi papayag ang huli na hindi maayos ang gusot sa pagitan nilang dalawa dahil ayaw ng binata na mawalan ng tiwala sa kaniya ang dalaga. Sa may pintuan ay natigilan sila. Gusto rin kasing pumasok ni Andrei ngunit hindi kumportable ang dalaga. 

"Tigilan mo nga muna ako," inis na turan ni Tamara. 

"Hindi. Hanggang hindi mo ako pinaniniwalaan, hindi kita titigilan." 

Kahit duda ay pinilit ni Tamara na kunwari ngumiti at sabihin kay Andrei na naniniwala na siya. Ayaw n'ya kasing makipag-away rito lalo na at marami pa siyang gustong malaman kaya nananatili siya sa Montillano Mansion. 

"Huwag mo nang alalahanin iyong kanina. Binibiro lang kita," ani ng dalaga. 

Nangislap ang mga mata ng binata. Isang mabilis na nakaw na hälik sa labi ng dalaga ang ginawa nito. Namula ang pisngi ni Tamara at 'di sinasadya na napahawak siya sa kaniyang labi. 

"I love you," saad ni Andrei. 

"Love? Halos two weeks pa lang tayong magkakilala, love agad?" kontra ng dalaga. 

"There is no time frame in being in love," seryoso at punong-puno ng emosyon na sabi ng binata. 

Biglang kumabog ng ubod lakas ang puso ng dalaga. Hindi niya napigilan ang pagguhit ng isang matamis na ngiti sa kaniyang labi.

"Umalis ka na," taboy ng dalaga sa binata pero ang totoo ay gusto pa niyang makipag-usap rito. 

Bago umalis si Andrei ay kumindat muna siya sa namumulang si Tamara sabay arte na sobrang in-love na in-love siya sa dalaga. Napabungisngis ang matapang na mandirigma ng Devil's Angel Mafia Organization kahit hindi niya gusto. 

Makalipas ang isang linggo, naisip ni Andrie na isama sa Manila si Tamara nang magyaya si Rod na pumunta ng Ocean Park. At dahil hindi pa nagagawa ni Tamara ang makapamasyal doon kaya sumama siya kahit may banta sa kaniyang buhay. 

Excited na sumakay ng sasakyan ang dalaga. Magkatabi sila ni Andrei sa hulihan at si Rod ang nagmamaneho ng mamahalin na sasakyan ng binata. 

"Buddy, maganda pala kapag mamahalin ang sasakyan, ang smooth. Parang relasyon lang ito, kapag bago pa, maayos. Habang tumatagal, nagloloko." 

Binatukan ni Andrei ang kaibigan niya at napahagalpak naman ito ng tawa. Tahimik lang si Tamara habang nakikinig sa kanila at nakatingin sa labas ng bintana. 

Pagkababa pa lang ng grupo nila sa parking lot ay may isang guwapong lalaki ang agad tumawag sa pangalan ni Tamara. Ang kanina ay seryosong mukha ng dalaga ay umaliwalas nang nakilala niya ang bumati sa kaniya. 

"Allan! Bakit nandito ka?" tanong ni Tamara sa dating kakilala. 

"Na-detect kasi ng puso ko na papunta ka rito kaya pumunta rin ako dito." Sinadya ni Allan na marinig ng mga kasama ni Tamara ang sinabi niya. 

Tumawa si Tamara pero hindi sina Andrei at Rod. Nakakuyom ang kamao ni Andrei habang nakahanda naman si Rod sa posibleng mangyari. Hindi man kasi magpakilala ang kaharap nila ay batid nilang miyembro ito ng mafia. 

"Let's go, honey." Andrei emphasized the word honey. 

"Loves, sa amin ka na sumama," yaya naman ni Allan sa dalaga. 

The tension intensifies in a short span of time. Pero si Tamara ay walang pakialam. Lumakad lang siya papasok sa entrance without thinking kung ano ang pwedeng susunod na mangyayari. Sumunod sa kaniya ang dalawang grupo habang nagpapakiramdaman ang mga ito. 

Ngunit hindi papayag si Andrei na maisahan siya ng kung sino lang. Mabilis niyang hinabol si Tamara. Agad niyang hinawakan ang kanang kamay nito habang sinasabi n'ya ang mga katagang, "You're mine." 

    

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (13)
goodnovel comment avatar
Mari Cris
haba ng hair ni Tamara hehe.. kakakilig nmn.. hahah
goodnovel comment avatar
Lyn F. Caluttong
Grabe Andrei Mine talaga ayw paagaw sa iba si Tamara.. thank you Author
goodnovel comment avatar
Dimple
ang sipag humalik Andrei......
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Tamara, The Mafia's Gem    EPILOGUE

    Kasama si General Gomez, dinalaw nina Andrei at Tamara ang libingan ng mga magulang ng huli. May mga dala silang pagkain dahil ilang oras din silang magtatagal doon. Si Polan ay susunod na lang bandang tanghali dahil abala pa ito sa pag-asikaso sa bahay na pinaaayos nilang magpinsan. Unang beses iyon na dinalaw ni Maximo ang libingan ng mga magulang ni Tamara kaya naman hindi niya maiwasan ang maging emosyonal. Abot-langit ang paghingi niya ng tawad sa kapatid na kay tagal niyang inaasam na makasama pero siya rin pala ang naging mitsa ng kamatayan nito. Hinayaan lang ng mag-asawa na ilabas ni General Gomez ang emosyon nito. Nanatili lang silang naka-upo sa upuan sa gilid. Dama ng mag-asawa ang matinding pagsisisi ni General Gomez kaya naman nakaramdam sila ng awa sa lalaking walang ibang ginusto sa buhay kung hindi ay mahanap ang kaniyang kapatid. Isang araw lang namalagi sa San Fernando ang mag-asawa. Si General Gomez ay mas pinili na doon na lang din siya tumira kasama si Polan p

  • Tamara, The Mafia's Gem    WAKAS

    Sobrang bilis ng mga pangyayari. Pilit na hinostage ni Allan ang isa sa mga police na malapit sa kaniya ngunit hindi inaasahan na magaling pala ito sa karate. Sinikap niyang lumaban para hindi siya mahuli kaya napilitan na ang mga alagad ng batas na paputukan siya. “Bakit sobrang sakit mong mahalin, Tamara? Hindi ba talaga ako karapat-dapat na ibigin?” nanghihina na tanong ni Allan. Nangingilid ang mga luha niya sa mata habang nakatingin siya sa babaeng buong buhay niyang inasam.“I’m sorry, Allan. I can not teach my heart to love you. Kung sana marunong ka lang tumanggap ng pagkatalo, hindi sana aabot sa ganito.” Lumuhod si Tamara sa tabi ni Allan at hinawakan niya ang kamay nito. “Patawarin mo ako.” Huling katagang namutawi sa labi ng lider ng Triangulo. Napapikit si Tamara. Hindi niya gustong makita si Allan sa huling paghihirap nito. Maraming sana sa isip at puso niya pero kahit isa man sa mga iyon ay hindi niya nasabi. Biglang bumalik sa isip niya ang mga alaala noong magkasa

  • Tamara, The Mafia's Gem    CHAPTER 103

    Habang abala si David sa pagtakas ay hindi niya napansin ang pagtakbo nina Andrei at Allan palapit sa kaniya. Subalit dahil sa mga tauhan niya kaya hindi agad siya nalapitan ng magkaribal. Nauwi kasi sa bakbakan ang lahat. At dahil grupo ni David ang nasa taas kaya dehado ang grupo nina Allan, General Gomez, Kaizer at Gener. Tumawag si Kaizer kay Kryzell at hiniling niya sa kan'yang asawa na padalhan siya ng isang chopper na pwedeng magbagsak ng bomba sa kinatatayuan ni David. "Huwag mong gagawin iyan. Hindi natin alam ang totoong nangyayari sa pagitan nina Andrei at Allan. Baka kapag ginawa mo iyan ay mapahamak ang pamangkin ko," saway ni General Gomez kay Kaizer. "May punto ang dating heneral, Kaizer. Hindi tayo pwedeng makialam sa kung ano ang nangyayari ngayon hanggang walang ibinibigay na go signal si Andrei," sabi ng lider ng Sabado Boys. "Bakit pa tayo nandito kung tutunganga lang po pala tayo, Daddy?" tanong ni Kaizer kay Gener Torquero. "Naiintindihan kong gusto mong tul

  • Tamara, The Mafia's Gem    CHAPTER 102

    Kasama ang ilang mga tauhan, pinuntahan ni Allan ang kan’yang dating bahay. Hindi niya inalintana ang dilim at matinding panganib para lang makita niya si Tamara. Subalit gano’n na lang ang kan’yang panlulumo nang makita niyang walang katao-tao sa bahay na dati ay punong-puno ng kan’yang mga tauhan. Lalong hindi niya matanggap na hindi na niya naabutan pa sa basement ang babaeng pinakamamahal niya. Muling bumalik sa hotel si Allan. Lingid sa kaalaman ng lahat, ang hotel na iyon ay pagmamay-ari niya at ni Rod. Subalit dahil kilala siyang pinuno ng Triangulo kaya ang alam ng karamihan ay si Rod lang ang may-ari noon. Ang mga tauhan ng nasabing hotel ay mga miyembro rin ng Triangulo. Sa silid niya ay nag-pakalunod si Allan sa alak. Habang naghihintay siya ng ulat kung nasaan ngayon si Tamara, pinili niyang mapag-isa. Ayaw kasi niya maging katawa-tawa sa harapan ng kan’yang mga tauhan. Batid niyang hindi uso ang pagmamahal sa kanilang grupo kaya pilit siyang nagpapakalalaki kahit durog

  • Tamara, The Mafia's Gem    CHAPTER 101

    Napanood ni David sa television ang nangyaring labanan sa bahay ni Allan. Dahil hindi niya matandaan na sinabi niya kay General Gomez ang address ng bahay na iyon kaya takang-taka siya kung paano nalaman ng Devil's Angel Mafia Organization ang tungkol sa bahay ni Allan. Subalit bukod sa nangyari sa bahay ng dati niyang kakampi, may mas matindi pang iniisip si David. Iyon ay kung sino ang nasa likod ng dalawang anunsyo na inilabas ng Montillano Empire. Excited na muling tinawagan ni David si General Gomez. Kunwaring nakikisakay naman ang huli sa kalokohan ng dating negosyante. "We don't have to risk our life now, General. The Devil's Angel Mafia Organization is doing a great favor on us," masayang balita ni David. "You're absolutely correct, David. Balak mo pa rin bang gantihan si Allan?" tanong ni General Gomez. "Yes. It is now easier to do it than yesterday kaya hindi ko na palalagpasin pa ang pagkakataon," sabi ni David. Simpleng kumustahan na lang ang sumunod na napag-usapan n

  • Tamara, The Mafia's Gem    CHAPTER 100

    “Hùbad!” Malakas na sabi ni Allan. Hindi natinag si Tamara. Hindi niya gustong makita ni Allan ang takot na nararamdaman n’ya. Iyon kasi ang isa sa mga iniiwasan niya, ang pagsamantalahan ni Allan ang kahinaan niya. Kahit nakatutok na sa kaniya ang baril ng lalaking halos sambahin siya ay hindi man lang inisip ni Tamara ang sarili niya. Ang nasa isip niya ay si Gab. Hindi niya gustong lumaki ito ng walang ina lalo na at ang alam niya ay wala na rin si Andrei. Susundin mo ba ako o papatayin na lang kita? Masyado mo nang inaapakan ang pagkalalaki ko,” sigaw ni Allan. “Paano akong maghuhúbad kung nakaposas ako?” tanong ni Tamara. Alam niyang mali ang naisagot niya pero kusa na lang iyong lumabas sa bibig niya. Pinanindigan na lamang niya iyon dahil hindi na niya mababawi pa. Ngumisi si Allan. Ngising demonyo iyon kaya naghanda si Tamara. Bigla niyang nakita ang galit na mukha ni Andrei. Kinilabutan si Tamara. Pakiramdam niya ay minumulto na siya ng asawa niya.“Ako na lang ang maghu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status