Ang mga tauhan, lugar at pangyayari sa kwentong ito ay kathang isip lamang. Kung may katulad man sa tunay na buhay ay hindi ko po sinasadya. Happy reading!
Pinagpapawisan ng malapot si Andrei habang nagmamaneho. Hindi niya alam kung paano magpapaliwanag kay Tamara na galit na galit sa kaniya. Gusto niyang daanin sa biro ang lahat pero hindi pwede dahil batid niyang mapanganib ang babaeng kasama niya sa sasakyan kahit ubod ito ng ganda at sexy. Baka maiputok din nito ang baril na nakatutok sa kaniya. "Ano ang plinaplano ng mga kasamahan mo, Lt. Montillano? Bakit mo ginagamit ang puso ko?" Nangingilid ang luha ni Tamara pero pilit n'ya iyong pinaglalabanan. "Hindi kita ililigtas kung kakampi nila ako. I love you at hindi ako nagsisinungaling sa bagay na iyon kahit pa patayin mo ako," seryoso na sabi ni Andrei. "Pero may alam ka sa gustong mangyari ng grupo mo, tama ba?" "Honey, wala. Hindi ko pa nakakausap ang mga kasama ko. Tumawag lang sa akin si Rod na nakita ka raw ni Gen. Gomez sa mall at susugod sila kaya ibinigay niya ang address at pangalan ng mall para unahan ko sila. Mabuti na lang at malapit ako sa area dahil may nilakad ako
"Sir, good morning, sir," sabay na bati nina Andrei at Rod sa galit na heneral. Nakatayo sila ng ubod tikas sa harapan ni Gen. Maximo Gomez habang nakasaludo rito. Hindi nagawang iputok ni Gen. Gomez ang hawak niyang baril. Agad niyang pinababa ang mga kamay ng mga sundalong special na sinanay para paghandaan ang pakikipaglaban nila sa mga miyembro ng mafia.Habang pinapapasok ni Gen. Gomez ang magkaibigan ay nakikiramdam siya sa mga ito. Walang kibo naman ang dalawa na nakatayo lang ng tuwid sa makalat na silid."Ano ang narinig n'yo?" tanong ng heneral sa magkaibigan. "Sir, wala po, sir," sabay na tugon nina Andrei at Rod. "Kung ano man ang inyong narinig ay kalimutan na ninyo dahil buhay ninyo ang katumbas noon," sabi ni Gen. Gomez. "You know what I mean, right?""Sir, yes, sir," sabay na tugon ng magkaibigan. "Lumabas na kayo ng opisina ko! Ipatatawag ko na lang kayo kapag kakausapin ko na kayo," sigaw ng heneral. Nang makalabas ng opisina ni Gen. Gomez sina Andrei at Rod ay
Bumagsak si Andrei sa malambot na kama dahil sa sobrang kalasingan. Hawak niya pa rin ang baril na dapat sana ay ipuputok niya kay Tamara. Nagising si Tamara at halos tumalon sa higaan dahil sa sobrang gulat. "Ano ba ang nangyayari sa lalaking ito?" tanong ni Tamara habang inaayos si Andrei. "Lasinggero ba ito o may problema lang?" Tiningnan ni Tamara ang orasan. Almost seven pa lang ng gabi. Plano na sana niyang tumayo ngunit bigla siyang hinapit sa baywang ng lasing na lasing na lalaki. "I love you," sabi ng binata. "Tamara, you are my everything." Napangiti ang dalaga. Hinaplos niya ang mukha ng tulog na binata at masuyong tiningnan ito. "Mahal na ba talaga kita?" tanong ni Tamara sa kaniyang isip. "Samuel, I'm sorry. Hindi ko sinasadyang mahulog ang loob ko sa lalaking ito."Nang maalala ang dating nobyo ay nangilid ang luha ng dalaga. Losing Samuel was the most painful heartaches she experienced. Umasa kasi siyang magkakaroon na siya ng maayos na buhay. Plinano niya pa noon
Sinulit ni Andrei ang mga panahon na kasama niya si Tamara. Lahat ng pagmamahal at pag-aalaga ay ibinigay niya sa dalaga para iparamdam kung gaano ito kahalaga sa kan'ya . Hanggang sa ipinatawag sila ni David. Kumuha na pala ang tiyuhin ni Andrei ng wedding planner dahil nababagalan ito sa pamangkin niya. "Ano ang gagawin natin? Kung ako kasi ang tatanungin ay mas gusto muna kitang makilala," sabi ni Tamara. "Masyadong mabilis kasi ang nangyayari sa ating dalawa." "Hayaan mo lang si Uncle David. Gan'yan lang siya dahil ayaw niya na akong manatili sa pagiging sundalo. Kung ano ang gusto mo, iyon ang susundin natin. Ang mahalaga kasi sa akin ay ang kaligayahan mo," wika ng binata. "Thank you. Ayaw ko kasing pumasok sa isang commitment na hindi ako sigurado," sabi ni Tamara. Ngunit nang nalaman ni David ang naging pasya ng magkasintahan ay tinawag sila nito. Sa opisina ni David sa loob ng mansyon ay para silang mga batang paslit na senermunan ng tiyuhin ni Andrei. "What are you wai
Walang direksiyon ang pagmamaneho ni Andrei. Hindi niya alam kung saan susuot para makaligtas sa mga lumilipad na bala na mula sa mga tauhan ni Gen. Gomez. Wala siyang plano na sumuko kahit na ano ang mangyari. Batid niyang hindi siya bubuhayin ng heneral na iyon. Gagawin talaga nito ang lahat para gipitin siya. Subalit wala siyang planong magpatalo. Lalaban siya hanggang sa huli. "Buddy, binabakbakan ako ng grupo ni Tiger," sabi ng binata kay Rod na siya niyang natawagan. Tinanong siya ng kaibigan kung nasaan siya at agad niya naman sinabi ang direksyon niya.Samantala, hindi mapakali si Tamara sa kaniyang silid. Mahigpit ang utos ni Kaizer na hindi siya dapat makialam sa gusot ni Andrei pero parang hindi niya kayang tiisin ang fiance niya. Parang isang bata na nagmumukmok siya sa silid habang hinihintay na tumawag si Andrei kaya nang tumunog ang cellphone niya ay agad niya iyong sinagot. "Tamara, nasaan ka? Malapit ka ba sa Manila?" tanong agad ni Rod. "Bakit, Rod? Saan mo nakuh
Hinawakan ni Andrei ang kamay ng kasintahan para magpaliwanag. Kahit kumakabog ang dibdib ay pinilit niyang magsalita para makumbinsi ang fiancée niya. "Inaalam ko pa lang ang dahilan ng grupo kung bakit ka nila hinahabol," pagsisinungaling ni Andrei kay Tamara. "At tama ka, ikaw ang misyon na ibinigay sa akin." "Kaya ka ba nakipagkilala sa akin para alamin mo ang mga kilos ko?" muling tanong ni Tamara. "Hindi. Matagal na kitang kilala. Syempre, sikat ka. Iniingatan ka ng iyong grupo dahil sa galing mo kaya ikaw ang iniiwasan din ng team na makabangga namin." "Hindi naman ako sikat," kontra ng dalaga sa sinabi ni Andrei."Akala mo lang iyon pero sa mata ng mga sundalo at ng mga alagad ng batas, ikaw ang isa sa mga kinatatakutan ng lahat.""Imposibleng ibigay sa iyo ang isang misyon nang walang dahilan, Andrei. Ano ang dahilan, bakit ako ang target mo?" "Kaya nga hindi ko sinunod ang utos kasi walang dahilan. Isa pa, wala akong pakialam sa misyon na iyan. Ikaw ang mahalaga sa akin
Nagtataka na nagising si Tamara sa isang silid na punong-puno ng mga larawan ng mga sundalo. Sa tabi niya ay nakaupo si Andrei. "Nawalan ka na naman ng malay," sabi ng binata. "Ang sakit kasi ng ulo ko kanina," saad ng dalaga. "Ang mga lugar dito, parang familiar sa akin. Hindi ko matandaan kung kailan ako nakarating dito." Hinaplos ni Andrei ang noo ng dalaga para mawala ang buhok na tumatabing doon. "Kumusta na ang pakiramdam mo, honey?" "Okay na ako. Wala ka nang dapat pang ipag-alala." Umupo ang dalaga at inalalayan naman siya ni Andrei. Noon niya lang napansin si Polan na nakatayo sa may pintuan. Nakikinig ito sa usapan nilang magkasintahan at nanonood na rin. "Hello. Pasensya na sa istorbo," saad ni Tamara. Hindi kumibo si Polan. Sa isip ng binata ay naglalaro ang mga kalokohan nila noon ni Tamara. Dahil prinsesa ang tingin ni Gen. Austria sa kaniyang nag-iisang anak kaya halos ayaw niya itong mawala sa paningin niya kapag nasa San Fernando ang heneral. May mga pagkakata
Gabi na pero hindi pa rin nagkikibuan ang magkasintahan. Habang nasa iisang silid ay parang hindi magkakilala sina Andrei at Tamara. Palihim na inilagay ng huli ang forty-five na baril sa kaniyang baywang at ganoon din ang ginawa ng binata. Pareho silang naninigurado dahil first time nilang nag-away ng ganoon katindi. Nakaupo lang si Tamara sa manipis na kama at nakasandal sa dingding. Sa likuran niya ay may malaking bintana na kung hindi man hinihingi ay planong talunin ng dalaga. Si Andrei naman ay nakaupo lang din sa bangko malapit sa may pintuan. Hindi naka-lock ang pinto para mabilis na makatakbo si Andrei kung sakali na umabot sila ni Tamara sa hindi niya gustong mangyari. Kapwa nagpapakiramdaman ang magkasintahan. Bukas ang ilaw at walang gustong kumilos ng alanganin. Wala rin nagsasalita dahil hindi nila alam ang sasabihin sa isa't isa. Habang nakatitig si Tamara sa kulay asul na bed sheets ay pinipigilan niya ang luha. Masama ang loob niya dahil sinigaw-sigawan siya kanina