Se connecter“Susunduin nalang kita dito mamaya. Kailangan ko lang bumalik sa trabaho ko.” Baling ni Lysander sa dalaga. Hindi na naman siya makakatanggi sa gusto ng ama niya. At ni minsan hindi pa siya sumuway sa gusto nito. Kaya naman kahit na nabigla sa narinig tungkol sa pagtira ng dalaga sa bahay nila kasama siya wala siyang magagawa.
“Don’t worry, I’ll wait.” Wika ng dalaga na ngumiti. “I am not worried.” Mahinang wika ng binata saka bumaling sa ama niya at sa lolo ni Chlorothea. “Sir. Mauuna na akong umalis. Pasensya na hindi ko----” “It’s fine. Gawin mo ang dapat mong gawin. Marami namang panahon para makapag-usap tayo. Hindi naman ito ang huling beses na magkikita tayo. We will still have another family gathering para planohin ang kasal niyo.” Wika ni Lucien. Tipid namang ngumiti ang binata saka tumango bago bumaling sa ama niya at sumaludo. Simpleng saludo din ang tugon ni Aurelian sa anak. Matapos noon agad nang umalis ang binata na hindi manlang tinatapunan nang tingin ang dalaga. “He is a military robot.” Komento ng dalaga na medyo napalakas dahilan para mapatingin sa kanya si Aurelian. “Chlorothea.” Saway ni Draven sa anak ng makita ang gulat na mukha ng matanda. Napatingin naman si Chlorothea sa matanda. “Shameless. Pagkatapos magpropose nang kasal tatawagin niyang military robot ang isang honorable general. She is crazy.” Komento naman ni Nerissa na naiinis parin dahil sa nangyari. Ni hindi sila nabigyan ng pagtataon para mapagpilian na maging kabiyak ng Heneral. Aaminin niya. Talagang nagulat siyang malaman na isang gwapong binata ang Kilalang General. Marami silang naririnig na balita tungkol sa general pero wala pa talagang nakakita sa kanya. Masyadong mailap ang General. He is a master tactician and a strategist. Marami nang na resolba na mga kaso. Pero mailap sa mata ng publiko. Kung alam lang niya na ito pala ang bunsong anak ng kaibigan ng lolo niya. She would have volunteer na maging asawa nito. But here is Chlorothea, her step-sister who ruined everything dahil sa pagiging rebelde nito. “I will not apologize, Mr. Ashcroft. That’s how I see your son.” Wika ni Chlorothea. Wala siyang pakiaalam kung anong maging tingin sa kanya ng matanda. Hindi naman siya nagpunta doon para makipagmabutihan. At naisip niyang mas mabuting alam nila kung anong ugali meron siya. Hindi niya gustong magpanggap na isang inosenteng anghel kung ang laman ng puso niya at galit. Isang malakas na tawa naman ang bumasag sa katahimikan. Isang malakas na tawa ang pinawalan ni Aurelian dahil sa narinig mula sa dalaga. “Nakakatuwa ang apo mo, Lucien. Siya ang unang tumawag ng military robot sa anak ko maliban sa mga kapatid niya.” Wika ni Aurelian saka tumingin sa kaibigan. Isa namang nahihiyang ngiti ang pinawalan ng matanda bilang tugon. “I am not offended, child. I know my son better. And yes, he is a military robot, if that’s the right description.” Wika nito saka tumingin sa dalaga. “I think I should go, May pupuntahan pa ako. Mag-usap nalang tayo sa susunod tungkol sa kasal ng dalawa.” Wika ni pa ni Aurelian. Inihatid ni Lucien at Draven si Aurelian papalabas ng Hotel. Kasuno naman nilang umalis sina Celestine at ang pamilya nito. Si Meynard naman ay nagpaalam sa mama niya dahil sa urgent na tawag mula sa opisina. “Saan ka pupunta?” asik ni Nerissa nang tangkang aalis din si Chlorothea ng makitang nagsi-alisan na ang ibang miyembro ng pamilya. Maglalakad sana siya papunta sa pinto ng harangan siya ni Nerissa at Noelle. “Aalis, hindi mo nakikita?” sakristong wika ng dalaga. “Kakaiba ka rin ano. You shamelessly propose a marriage sa isang General, Called him a military robot sa harap ng ama niya. Ano naman ang gusto mong palabasin? Na ang miyembro ng Pamilya nating mga arogante at walang pinag-aralan?” inis na wika ni Nerissa. “Ano bang ikinagagalit mo? I was the one who put my name in shame hindi naman iyo. At baka lang nakakalimutan mo. Ako ang piniling ipakasal ng lolo mo sa anak ng kaibigan niya. Pinadali ko lang ang pagdedesisyon nila. Anong problema doon? O baka, ikaw ang gustong magpakasal sa General, kaya lang hindi mo alam na hindi naman pala isang matandang nilulumot ang general Kundi isang matipunong binata. Kung sakaling nauna mo siyang nakilala I am----” biglang natigilan si Chlorothea ng biglang isang malakas na sampal ang ginawad sa kanya ni Yvette. Natigilan siya at napahawak sa pisngi niya saka napatingin sa babae. “Ayusin mo ang ugali mo. Walang miyembro ng pamilyang ito na mahilig gumawa ng gulo at hindi marunong mahiya.” Wika ni Yvette. “You are a walking contradiction of your statement, Mrs. Valderama.” “What?!” gulat na wika ni Yvette dahil sa narinig na tinawag sa kanya ni Chlorothea. “Hindi mo ba narinig? Uulitin ko ba?” gigil na wika ni Chlorothea. “Talagang wala kang modo!” gigil na wika ni Yvette saka muling sasampalin ang dalaga, pero mabilis na sinalo ni Chlorothea ang kamay ng babae saka malakas na itinulak. Dahil sa lakas ng pagkakatulak ng dalaga nabuwal sa sahig ang ginang at napaupo. “Mama!” sabay na wika ni Nerissa at Noelle na agad na sinaklolohan ang mama nila. “You---Napakapasama ng ugali mo!” wika ni Noelle sa dalaga. “Masama ang ugali? Anong tawag sa inyo?” tanong ng dalaga na nakatayo sa harap ng tatlo. “I was weak and helpless Fifteen years ago. And do you think. Tatanggapin ko pa rin lahat nang masamang pagtrato niyo sa akin? Hindi ako ang mama ko. Hindi niyo ako basta mapapatahimik at pwedeng itapon ulit. I am the rightful legitimate daughter of Draven Thessara. I refuse to live in your shadows.” Wika pa ng dalaga. Talagang hindi niya maitago ang galit sa puso niya. Habang nakikita niya ang step-mother niya Naalala niya ang nakakaawang mukha ng mama niya. How she was in pain and sorrow until her very last breath. And how she still longed for her cheating father after all that has happened. “What happened here?” Tanong ni Lucien na muling bumalik kasama si Draven. Nakita nilang nakaupo sa sahig si Yvette habang ang dalagang si Chlorothea naman ay nakatingin dito. “Lolo, this girl---” wika ni Nerissa at tumayo saka lumapit sa lolo niya at ama para humingi ng saklolo. Si Noelle naman ay tinulungan ang mama niya na tumayo. “Chlorothea---” “I am not going to explain or defend myself. Isipin niyo kung anong gusto niyong isipin.” Anang dalaga. “Why are you acting this way?” tanong ni Draven. “Really? Hindi mo alam?” hindi makapaniwalang wika ni Chlorothea. “I am your daughter! Anak mo sa babaeng pinakasalan mo, Yet, you are treating me like I am the one you had out of wedlock!” anang dalaga at mabilis na pinunasan ang luhang pumatak. “Aalis na ako.” Wika ng dalaga at naglakad patungo sa pinto. “Saan ka pupunta? Umuwi ka muna sa bahay---” “Susunduin ako ni General mamaya. And I don’t feel like na sumama sa inyo sa bahay niyo.” “Chlorothea Apo.” Helpless na wika ng matanda nag dumaan ang dalaga sa harap nag matanda. “Don’t call me that.” Wika ni Chlorothea at huminto. “You never treated me like one. Mas kinilala niyo ang mga anak sa labas ng papa ko kesa sa tunay niyong apo.” Anang dalaga at tuluyang labas nag Restaurant. Hindi naman nagsalita na ang matanda. Talagang, hindi niya mapipigilan ang galit ng dalaga. Dahil siya mismo ang dahilan noon. Kung naging mabuting lolo lang sana siya. Hindi mangyayari ang ganito. Ngayon, isa sa mga apo niya ang may matinding galit sa kanya. You can no longer cast me aside or hide me in shadows. I’ll make you all regret all the pain you’ve caused. Wika ng dalaga habang naglalakad papalabas.Tahimik ang convention hall nang bumukas ang malalaking pinto.Sabay na humakbang sina Lysander at Chlorothea patungo sa altar. Hindi magkadikit ang kanilang mga balikat, ngunit hindi rin magkalayo isang distansyang sinadya, kontrolado.Ramdam ni Lysander ang mga matang nakatutok sa kanila. Mga dignitaryo. Mga kaibigan ng pamilya. Mga taong sanay sa kasunduan at alyansa.Pero sa bawat hakbang, mas malinaw ang isang bagay: hindi ito operasyon.At iyon ang unang pagkakataong nalito siya.Huminto sila sa harap ng altar. Ang officiant ay nagsalita mga salitang pamilyar sa kasal ngunit hindi iyon ang naririnig ni Lysander. Ang naririnig niya ay ang tibok ng sariling dibdib. Steady. Pero mas mabigat kaysa dati.“Do you, Lysander Ashcroft-----”Tumayo siya nang tuwid. Automatic. Parang nasa formation.“----Take Chlorothea Thessara as your lawfully wedded wife?”Isang segundo ang lumipas.Isang seg
“Are you sure ayaw mong ihatid kita sa altar?” tanong ni Draven habang nakatayo sa gilid ng dressing room.Araw iyon ng kasal ni Chlorothea at Lysander. Sa malaking convention hall ng Empire Mall, pag-aari ng mga Ashcroft,idaos ang seremonya. Isang linggo pa lamang mula nang ipahayag ng dalawang matanda ang kasunduan, ngunit agad na itinulak ang kasal. Parang may hinahabol. Parang may kinatatakutan, lalo na’t lantad ang pagtutol ng dalaga mula pa sa simula.Hindi agad sumagot si Chlorothea. Nakatayo siya sa harap ng salamin, tuwid ang likod, hindi nanginginig ang kamay.“You don’t need to,” wika niya, malamig ang tinig. “It’s not like I’m marrying this man because I like him.”Hindi siya tumingin sa ama.“Your family wanted this. I’m just a pawn.”Sa wakas, humarap siya kay Draven.“And don’t act like you’re a father to me.” Parang ma
“Nice to meet you po,” magalang na wika ni Chlorothea kasabay ng isang maingat na ngiti.Ngunit walang tugon. Hindi man lang gumalaw ang mga labi ng dalawang lalaki sa halip, tinitigan lamang siya nang diretso, malamig at mapanuri. Para bang sinusukat ang kanyang presensya, hinuhusgahan kung karapat-dapat ba siyang naroon.Unti-unting gumuhit ang pagkailang sa dibdib ng dalaga.Magkapatid nga sila, bulong ng isip niya. Parehong hindi marunong ngumiti.Pinilit pa rin niyang panatilihin ang ngiti, kahit ramdam niyang unti-unti itong naninigas.“Come,” wika ng matanda, saka siya marahang inakay papasok ng mansyon.Hindi na kumibo si Chlorothea. Sa halip, napatingin siya kay Lysander, na nanatiling tahimik at walang bakas ng emosyon sa mukha. Samantala, inutusan ni Aurelian ang mga maid servant na kunin ang mga gamit ng dalaga at dalhin sa silid ni Lysander isang utos na muling nagpabigat sa dibdib niya.Habang naglalakad pa
Matapos ang ilang minutong paghihintay sa labas ng bangko, dumating ang assistant ni Lolo Lucien sakay ng isang itim na sedan. Mahinang huminto ang sasakyan sa harap nila. Mabilis na bumaba ang lalaki at binuksan ang pinto sa likod isang kilos na sanay na sanay, walang sinasayang na oras.Hindi nagsalita si Chlorothea. Tahimik siyang sumakay, diretso ang likod, walang emosyon sa mukha.Napansin agad iyon ni Lysander.Kanina lamang, may lambot pa sa kilos ng dalaga may init kahit nakikipagtalo. But the moment the assistant arrived, parang may switch na pinindot. The softness vanished. Napalitan ng malamig, kontroladong ekspresyon.Isang maskara.Tahimik na umupo si Lysander sa passenger seat. Nang makasakay na silang lahat, agad na binuhay ng assistant ang makina at umalis ang sasakyan.Walang nagsalita.Sa loob ng kotse, tanging ingay ng makina at ng kalsada ang maririnig. Mula sa rearview mirror, sinulyapan ni Lysander ang dalaga. Nakahilig ang ulo nito sa headrest, nakapikit ang mga
“General, secure na ang perimeter. Pwede na tayong bumalik sa HQ,” mariing ulat ng binatang nakasuot ng tactical gear habang mabilis na pumapasok sa loob ng bangko.Lumapit siya kay Lysander at agad na nag-saludo. Sa gilid ng kanyang paningin, napansin niya ang presensya ni Chlorothea. Napatingin ang dalaga sa kanya at sa isang iglap, nagtagpo ang kanilang mga mata.Bahagyang tumigas ang kanyang tindig. Halata ang saglit na pagkabigla, agad ding napalitan ng disiplina. Hindi niya inaasahang makikita ang Heneral na nakikipag-usap sa isang sibilyan sa gitna ng operasyon.Sa kanyang isipan, malinaw ang isang bagay: hindi ito karaniwang sitwasyon at may dahilan kung bakit naroon ang dalaga.“Captain, ikaw na ang bahala sa natitirang operasyon. May aasikasuhin lang ako,” mariing wika ni Lysander bago bumaling kay Chlorothea.Sinundan ng tingin ng binatang Kapitan ang dalagang tinutukan ng atensyon ng Heneral. Isang segundo lamang iyon sapat upang mapansin, ngunit hindi sapat upang magtanon
“Holdap to walang kikilos.” Sigaw nang isang lalaki sa loob nang isang bangko sabay tayo. Kasunod niyang tumayo ang apat pang lalaki na nasa iba’t-ibang bahagi nang bangko. Nagpaputok pataas ang lalaki dahilan upang magkagulo ang mga tao sa loob nang bangko at napayuko. Ang mga Clerk naman sa desk at isa-isang nagtago sa ilalim nang kanilang mesa dahil sa labis na takot. Lalo pang napuno nang takot ang loob nang bangko nang biglang barilin nang lalaki ang Security guard. Agad din namang lumapit ang dalawang sa pinto upang magbantay doon.Ang dalawa pang lalaki ay lumapit sa dalawang teller at sinabihan ang mga ito na lagyan nang pera ang bag na ibinigay nila. Nanginig ang kamay nang dalawa habang naglalagay nang pera sa loob nang bag. Maya-maya pa ay biglang dumating ang mga pulis car at ilang SWAT member.“Pare mga pulis.” Wika nang isang lalaki sa pinto. Narinig nilang nagsalita ang isang pulis at sinabing Sumuko sila nang maayos upang walang mapahamak.“Hindi nila tayo mahuhuli di







