Share

KABANATA 45

Penulis: J.K
last update Tanggal publikasi: 2026-02-09 22:17:36

Pagkabuhat ni Emillio kay Therese palabas ng banyo, sobrang pagod na siya. Ayaw na niyang magsalita at gusto na lamang humiga nang tahimik sa kama upang magpahinga.

Ngunit nang maihiga siya ni Emillio, at makita niya ang malapad nitong balikat, makitid na baywang, matigas at kaakit-akit na tiyan at abs, pati ang magandang V-line ng katawan nito, biglang kumabog ang kanyang dibdib. Hindi niya napigilang itanong ang matagal nang gumugulo sa isip niya.

“Talaga bang may gano’n kalakas ang epekto ng
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Tamed by the Obsessive Billionare   KABANATA 47

    Lumipas ang limang taon na parang isang kisapmata lamang.Nagbalik sa ulirat si Therese. Huminga siya nang malalim, binuksan ang pinto ng sasakyan, at bumaba mula sa driver’s seat. Umikot siya papunta sa passenger side at, sa abot ng kanyang makakaya, ay nagsalita nang mahinahon.“Mr—”Iniabot niya ang susi ng kotse kay Emillio.Hindi sumagot si Emillio. Nakasandal lamang siya sa upuan, ang mga kamay ay nakapatong sa kanyang hita, at bahagyang nakapikit, mukhang pagod na pagod.Sa sandaling iyon, may neon light na dumaan at tumama sa kanyang mukha, na lalong nagpakita ng kanyang malalim at malamig na anyo.Doon napansin ni Therese na may uban na siya sa gilid ng kanyang buhok.Hindi lang iyon, kung tititigan nang mabuti, makikita rin ang malalalim na bakas ng panahon sa gilid ng kanyang mga mata.Habang pinagmamasdan ang mukhang iyon ni Emillio na tila pinagod ng panahon, nakaramdam si Therese ng kirot at lungkot sa kanyang dibdib.Ang lalaking dati’y puno ng sigla at kayang pasanin a

  • Tamed by the Obsessive Billionare   KABANATA 46

    Gusto sanang manatili pa ni Therese sa ward at makasama nang mas matagal ang kanyang lolo. Tahimik ang silid—may tunog lamang ng makina ng ospital at ang marahang paghinga ng matanda sa kama. Sa bawat segundo, pakiramdam ni Therese ay unti-unting nauubos ang oras na maaari niyang ilaan para sa pamilyang nagpalaki sa kanya. Ngunit nang mapansin niya ang malamig at hindi magiliw na asal ng kanyang madrasta, unti-unting bumigat ang dibdib niya. Alam niyang mas lalong iinit ang sitwasyon kung magtatagal pa siya.Tumayo siya, inayos ang sarili, at marahang nagsalita.“Lolo Ador, babalik na po ako sa trabaho. Kailangan ko na pong umalis.”May panghihinayang sa tinig niya, ngunit pilit niyang pinanatiling kalmado ang boses. Kinuha niya mula sa kanyang bag ang tatlong libong piso—matagal na niyang inihanda iyon, pinag-ipunan mula sa maliit na kinikita at maingat na inilapag sa mesa sa tabi ng kama.“Pambili po ’yan ng vitamis at gamot n’yo. Huwag po kayong magtipid, at huwag n’yo ring hayaang

  • Tamed by the Obsessive Billionare   KABANATA 45

    Pagkabuhat ni Emillio kay Therese palabas ng banyo, sobrang pagod na siya. Ayaw na niyang magsalita at gusto na lamang humiga nang tahimik sa kama upang magpahinga.Ngunit nang maihiga siya ni Emillio, at makita niya ang malapad nitong balikat, makitid na baywang, matigas at kaakit-akit na tiyan at abs, pati ang magandang V-line ng katawan nito, biglang kumabog ang kanyang dibdib. Hindi niya napigilang itanong ang matagal nang gumugulo sa isip niya.“Talaga bang may gano’n kalakas ang epekto ng juice na ’yon?”Iniangat ni Emillio ang kanyang talukap at binalikan siya ng tanong.“Ano sa tingin mo?”Kumurap si Therese gamit ang kanyang malinaw at basang mga mata.“Paano ko malalaman? Hindi naman ako ang uminom.”Yumuko si Emillio at idiniin ang hinlalaki sa kanyang mga labi.“Gusto kita. Gusto kita bilang babae. Wala ’yon kinalaman sa kung ano man ang ininom ko.”Nginuso ni Therese ang kanyang labi at marahang bumulong,“…Ok, sabi mo e.”Ngumiti si Emillio, lalo pang yumuko at hinalikan

  • Tamed by the Obsessive Billionare   KABANATA 44

    Mahigpit na niyakap at inalo ni Emillio si Therese nang ilang sandali, hanggang sa sabihin nitong nagugutom na siya. Doon lamang siya pinakawalan ni Emillio.Sinundan ni Therese si Emillio patungo sa isang marangyang pribadong silid sa ikalawang palapag ng hotel para sa hapunan. Pagdating nila roon, may tatlong tao nang nakaupo sa loob. Isa na rito ang punong-abala—si Romualdo.Mas bata si Romualdo kaysa sa inaasahan ni Therese. Hindi siya mukhang tatlumpung taong gulang, tila nasa dalawampu pa lamang. Higit din siyang gwapo kaysa sa inaakala niya, at mas maayos ang kanyang dating at kilos.Sa isip ni Therese noon, inaakala niyang si Romualdo ay isang matabang, panot na lalaking nasa 40’s ang edad. Ngunit laking gulat niya nang makita itong pino, elegante, at may dignidad tila isang huwarang negosyanteng may mataas na posisyon o tila isa ding CEO.Ang dalawa pa ay si Jarret Montenegro, ang ikalawang anak ng pinakamayamang pamilya sa Taguig City—unang beses pa lamang siyang nakilala ni

  • Tamed by the Obsessive Billionare   KABANATA 43

    Isang Buwan?Gusto sanang sagutin ni Therese si Emillio ng, “Bakit hindi mo na lang sabihing isang araw?” Ngunit hindi niya magawang sabihin iyon. Dahil alam niya, kung sakaling sabihin niya iyon, baka sa loob lang ng isang araw ay tunay nga siyang mapaibig ni Emillio.Isang buwan pa kaya?Sa pakiramdam niya, kahit bigyan pa siya ng isang buong taon, malabo talagang mahulog ang loob niya kay Emillio.Hindi dahil kulang o hindi nya type si Emillio.Kundi dahil malinaw sa kanya na ang relasyon nila ay hindi maaaring seryosohin—lalo nang hindi dapat lagyan ng damdamin.“Hindi ba masyadong maikli ang isang buwan?” yakap ni Therese sa baywang ni Emillio habang nagpapabebe. “Emillio, sobrang ikli ng isang buwan. Bigyan mo pa ako ng kaunting panahon.”Tinanong siya ni Emillio, “Sa tingin mo, gaano katagal kaya?”Nag-isip sandali si Therese bago maingat na sagot, “Isang taon… pwede ba?”Ngumiti si Emillio at marahang kinurot ang pisngi niya. “Tatlong buwan lang ang maximum.”Wala nang nagawa

  • Tamed by the Obsessive Billionare   KABANATA 42

    Mahigit isang buwan nang magkasama sina Therese at Emillio—magkasabay kumain, magkasama sa iisang bahay, at gabi-gabing natutulog sa iisang kama.Sa loob ng mahigit isang buwang iyon, kahit pa ayaw man niyang lubusang kilalanin si Emillio, unti-unti pa rin siyang may natutunan tungkol dito.Alam na alam niya kung gaano kaseloso si Emillio, kung gaano ito mapang-angkin at nakakatakot kapag nawawala sa kontrol.Noon, nang minsang sumama siya kay Emillio sa bahay ng isang kaibigan nito, mga kaibigan lang ni Emillio ang naroon. Ngunit dahil napatingin lamang siya ng ilang beses sa isa sa mga lalaking kaibigan nito, agad siyang nadamay.Pag-uwi nila nang gabing iyon, nawala sa sarili si Emillio. Hindi siya pinakawalan hanggang alas-singko ng umaga. Dahil doon, dalawang araw siyang hindi makabangon sa kama.At nang sa wakas ay kaya na niyang bumangon, hindi pa rin siya pinayagang lumabas—kahit man lang sa tarangkahan ng Tang Garden. Tatlong araw siyang ikinulong bago siya muling pinayagang

  • Tamed by the Obsessive Billionare   KABANATA 7

    Nakita ni Therese ang tatlong kuting na nakahiga mismo sa kandungan ng lalaki. Maliit ang mga ito, basa ang balahibo, at mahina ang iyak na parang nauubusan na ng lakas pero pilit pa ring humihingi ng atensyon. Ang tunog ng kanilang *meow* ay manipis at nakakadurog ng puso, lalo na sa gitna ng mala

  • Tamed by the Obsessive Billionare   KABANATA 6

    Pagkababa ni Gian ng tawag, biglang nag-iba ang aura niya. Kanina lang chill siya, pero ngayon, seryoso ang mukha niya, yung tipong parang may mangyayaring sobrang bigat, na parang may desisyong babago sa takbo ng kapalaran ng buong bansa. OA man pakinggan, pero ga

  • Tamed by the Obsessive Billionare   KABANATA 5

    Pabalik na sana si Therese sa kanyang silid matapos ang tawag nang tawagin siya ni Gian mula sa malayo.“Therese.”Lumingon si Therese, “Pasensya na, lola ko ang tumawag. Hindi niya ako nakita ng mahigit kalahating taon, at madami siyang kwento, kaya medyo nagtagal ako sa tawag.”Tiningnan siya ni

  • Tamed by the Obsessive Billionare   KABANATA 4

    “Hoy, hindi mo ako puwedeng tawaging *Luna*. Ang pangit pakinggan.” Kumikilos-kilos ang dalaga sa yakap ng lalaki, pilit na kumakawala.Mahigpit ang bisig ng lalaki sa baywang niya, at nakapatong ang baba nito sa kaniyang leeg, isinasayaw siya ng marahan. “Maganda ang tunog. Malambot. Gusto ko yun

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status