Share

CHAPTER TWO

Tahimik lang akong naka-upo sa tabi ni mama. Hawak-hawak ko pa rin ang paper bag na binigay sa akin ni Dustan; I already want to open his present to me.

The couple are laughing, as if walang ano mang sagutang nangyari kaninang umaga. Well lagi naman silang ganito tuwing may sagutan na nangyayari sa amin. Daldal sila nang daldal, telling how they miss the man in front of us. Habang si Karuiq ay nakikinig lang sa mga sinasabi nila at minsan naman ay ngingiti.

I rolled my eyes, wala na akong panahon para makinig at panoorin pa sila. After the introduction earlier, hindi na rin naman na ako kinausap ni Karuiq at ayaw ko rin naman siyang makausap.

“Ma, I think we should get a rest first.” Napabaling ang tingin sa akin ni mama.

She clapped. “Oh.. sure! Mukhang pareho naman kayong pagod.” she said at nilingon kaming pareho bago bumaba ang tingin sa paper na hawak ko.

Nagtagal ang tingin niya ron bago nag-iba ang ekspresyon ng mukha. It became blank. An expresion when she’s mad, kaya naman napatingin na rin ako sa paper bag na hawak ko.

“Anastasia...” may pagbabanta na ang boses nito.

And there, I saw the reason why she got mad suddenly. Nanlaki ng bahagya ang mga mata ko nang makitang lumitaw ng kaunti ang isang set ng paint brush. Tumayo ako at itinago ko sa likod ang hawak, kampante naman ako na hindi siya gagawa ng eskandalo lalo na at nandito ngayon ang lalaking papakasalanan ko raw.

Mariin itong tumingin sa akin. “We already talk about this.”

“Hon.” Tumayo at umalo na ‘agad si papa dahil alam niya kung saan mapupunta ang usapan.

“Go upstair, Ana. Bring Zeij with you, you are going to sleep in the same room.”

Tumayo naman at tumango si Zeij sa sinabi ni papa. Umawang ang bibig ko, napatingin ako kay Karuiq na nakatingin sa akin ngayon. Gusto ko mang mag protesta ay hindi ko na ginawa para makatakas kay mama.

“Damn you, Dustan.” I whispered. Kung alam ko lang na ganito ang regalo na sinasabi niya, eh ‘di sana nag-ingat ako.

Baliw pa naman ng babaeng Verbo kapag nalalaman na hindi ko pa tinitigilan ang lahat. Argh what a control freak.

Nasa unahana ako habang nakasunod lang sa akin si Zeijan hanggang sa huminto kami sa loob ng kwarto ko at binuksan iyon gamit ang susi.

I’m always locking my door because of some reasons. Nang makapasok parehas ay ni-lock ko iyon.

“Why did you lock the door?” I look at him, nakakunot ang nuo nito at nakaupo na sa sofa.

I shrugged. “No one is allowed to enter my room.” kapal ng mukha siya pa unang nakapasok dito.

Umikot ang tingin niya sa loob ng k’warto. “ But this is Anastasia’s room.” he said like informing me. Eh, alam ko naman.

Tinalikuran ko na lang ito at saka ibinuhos ang laman ng paper bag sa kama. My eyes twinkled when I saw a new set of art materials. Ang galing ng timing ni Dustan.

“You changed the interior design. Why?” Akala ko ay mananahimik na lang siya.

Nang tignan ko siya ay nakatingin na naman siya sa akin. I sighed, hindi alam kung sasabihin sakaniya ang rason. Pero kahulian ay mas pinili ko na lang mag kibit-balikat.

“None of your business.”

Tinuro nito ang buhok ko. “Your short hair. Is your hair color really a shade of violet?” he asked again. Damn so many questions.

“You asking too much, p’wede bang manahimik ka na lang?” Iritado ko ng sabi.

Pumunta ako sa kaliwang bahagi ng kama at kinuha sa ilalim ang isang malaking wooden box na naka-lock. Isa-isa kong inayos ang mga laman non dahil idadagdag ko ang mga bagong gamit na galing kay Dustan.

“I’m just curious, Anastasia. You dressed like her. Although, the attitude is pretty different.” I just rolled my eyes at him.

“I’m prettier than her.” I whispered, sapat na para hindi niya marinig.

“Are you saying something, Anastasia?” Tanong nito na hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba dahil nahihimigan ko ng pang-aasar ang boses niya, and why he keeps calling me Anastasia? It’s making me irritated!

“Those materials, why Mrs. Verbo get upset when she saw that?” He asked, he’s now watching me arranging my things.

Hindi ko siya pinansin at nag patuloy lang sa ginagawa. Bakit na ang daldal niya ngayon? Habang kanina ni hindi man lang siya makapag salita sa harap ng mag-asawa. Bakit hindi ang Verbo ang kausapin niya tutal sila naman ang may gustong kausap siya?

Nang-aasar ba ‘tong lalaki na ‘to? Dahil kung oo, asar na asar na ako sakaniya!

“I’m asking you, Anastasia.”

I glared at him. “Can you shut your mouth? Ang ingay mo, and oh gosh stop calling me Anastasia! I—” he cut my sudden burst out.

“But your mother introduced you to me as Anastasia.” I glared at him, but he just smirked. There is something in his eyes that I don’t know how to name. Maybe pang-aasar?

I inhale deeply. “Just... Just stop calling me 'Anstasia'.” Dang  naiirita na talaga ako rito at sakanila. Anastasia sila nang Anastasia, I have my own name.

I smiled, but not the smile that someone usually shows off. Ngiting pangaasar ang ibinibigay niya sa akin ngayon.

“Okay, hon.” I cringed when he said that using his teasing voice.

“My name is Crishiah!” I shouted. Inis na minadali ko na ang pagliligpit sa gamit ko bago iyon itinago at bago dumeretso sa pintuan ng cr.

Bago buksan ‘yon ay humarap pa ako sakaniya.

“Don’t you dare to open the door.” I warned him.

He chuckled softly, “do you think I will sneak while your taking a bath?” He cocked his head. And there again, I saw the glimpse of playfulness on his eyes.

“That’s not what I mean,” I poited the main door if my room. “That door, ‘yun ang tinutukoy ko Karuiq.”

“The hell? Did you just call me by my second name?” I just rolled my eyes to him.

I looked at myself from the mirror as I entered the bathroom. Hinawakan ko ang short hair ko na kulay violet. They want my hair to be short and color violet dahil ganon daw ang ayos ng buhok ni Anastasia.

Inalis ko ang wig na suot at inayos ang wavy auburn hair ko na umabot hanggang itaas ng baywang ang haba. I enjoy soaking my body in water. I need to calm myself, I know na hindi na naman magiging madali ang susunod kong araw.

Of course, by just thinking na may pasok na naman ako next week ay sumasakit na ang ulo ko. Paano pa kaya kapag nasa mismong loob na ako ng classroom? Idagdag mo pa sa sakit ng ulo ang mag-asawa at pati itong si Karuiq.

Nang matapos maligo ay lumabas ako, suot na ang dress night wear ko. Nakita ko naman si Zeij na nasa labas na parang may kausap sa cellphone. Hindi ko siya pinansin at sinimulan na na ang daily night routine ko.

“Someone called on your phone.” Nagulat na lang ako ng marinig ang boses niya sa likuran ko.

I stared at him from the vanity mirror, and there, he’s looking at me too using he’s cold stare. He handed my phone to me na ‘agad ko namang kinuha sakaniya.

Bumababa ang kamay nito sa balikat ko at saka iyon pinisil ng mahigpit.

“So, Mrs. Verbo words are true? You have your damn mistress.” He gritted his teeth.

Tinanggal ko naman ang palad niya mula sa braso ko. “I don’t have a boyfriend so he’s not my mistress. Our relationship is not forbidden.” I said in fact.

He scoffed. “I’m your fiance,” he said; still looking at me with his piercing eyes.

Tumayo ako at hinarap siya.

“Anastasia is your fiance, and not me. You don’t own me.” reminding him that I’m nothing to him. Na kahit anong mangyari ay hindi magnabago na walang pwedeng mamagitan sa aming dalawa dahil hindi ako si Anastasia and I will never be her.

Tumaas lang sulok ng labi nito sa sinabi ko. Damn he looks hot, a démon.

“Your mine. The Verbo couple and I have a contract stating that you're mine, Crishiah.” He said and now he’s smiling. A wicked smile, saying that I can’t escape him. That he owned my whole existance.

But damn, why does my name sounds so sexy when he’s the one who’s saying it? Sh*t am I seriously saying that thoughts? Nababaliw na ba ako?

Napaatras naman ako at umiling. Inalis ang iniisip ko at hindi pinaniniwalaan ang mga sinasabi niya. A contract? As if the Verbo couple sold me to him! How could they—How cruel they are to do that? I’m not a thing a lan or whatever na p’wede nilang paglaruan o pagpasa-pasahan!

Napitlag ako ng maramdaman ang daliri niya humahaplos sa pisngi ko pababa sa leeg ko. Hindi ko man lang magawang makagalaw ngayon, hindi ko man lang siya maitulak palayo. Hindi pa rin ma-proseso ng utak ko ang narinig.

Bahagya nitong inilapit ang bibig sa bandang tainga ko. “And now you’re forbidden to see your doctor.” he said that words like I don’t have any other choice but to obey him or else, I won’t like what he will going to do.

“Sleep now.” Umalis na siya sa harap ko at nagtungo sa pintuan, bago iyon buksan  ay humarap pa ito sa akin.

“Don’t lock the door, papasok pa ako mamaya. Still remember what your dad said earlier? If you don’t then I’ll remind you, your sad said we are going to sleep in the room. Good night, Anastasia.” His voice now sounds sweet, pero hindi ko nagustuhan ang pangalan na itinawag niya sa akin.

Mapagpanggap...

Nang maalala ang sinabi niya kanina ay binalingan ko ‘agad ang cellphone ko na ibinaba niya sa vanity mirror kanina at tinignan kung sino ang tumawag. Kaa-agad ko namang dinial ang number nang makitang si Dustan ang caller kanina

“Dustan! Bakit hindi mo sinabi sa akin na puro art materials pala ang gift na sinasabi mo?” Inis na tanong ko rito.

“Huh? Bakit?” tanong nito na may pagtataka sa boses. Napapikit ako ng mariin. Hindi nga pala niya alam na pati pagpipinta ay pinagbabawal sa akin.

Umiling ako kahit hindi naman niya makikita. “Nothing. Tumawag ka raw kanina, amm.. May.. may sumagot ba sa tawag?” Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sa magiging sagot niya.

Hindi ko alam bakit ayaw kong malaman na sinagot ni Karuiq ang tawag ni Dustan kanina.

“Wala. Nagtataka nga ako bakit hindi mo sinasagot. Are you busy?” Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa naging sagot niya.

“No, I’m not, pero matutulog na ako.”

“Wala ka bang sasabihin sa akin?” Tanong nito na para bang may inaasahan siyang sasabihin ako.

“I can handle myself for now. Focus on yourself. I love you.” Malambing na boses ang ginamit ko sa huling tatlong salitang binitawan.

“I love you, too, princess.” Napangiti naman ako dahil sa naging sagot niya.

Pagka-end niya ng call ay nahiga na ako sa kama para matulog. I need ng maraming energy para sa susunod na araw ko. I don’t know where Zeij is. Bahala siya sa buhay niya at matutulog na ako.

I did not remember if I locked them or not, but I did my best para lang makatulog ka-agad. Ayaw kong maabutan pa ako ni Karuiq na gising ang diwa. And if ever na-lock ko nga ang pinto, then good.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status