Share

CHAPTER 22

Nang sabihin na pwede nang sumayaw ang lahat ay agad naman nakahanap ng partner ang bawat isa at nagkaniya-kaniyang pwesto na sila sa gitna. Napainom na lang ako ng orange juice na in-serve dahil wala naman akong balak mag-sayaw. 

Kita niyo 'tong si Aisie. Sabi ay five minutes lang sila sasayaw, pero hanggang ngayon ay nagsasayaw pa rin sila. Nakasandal pa sa dibdib ni boy. Para tuloy silang mag-jowa.

Napairap na lang ako ng biglang palitan ang music nang mas romantiko na. Ano ba naman 'to? 

"Can I have this dance?" Napaangat ako ng tingin at nakita si Xalent na nakalahad ang kamay at hinihintay na abutin ko 'yon.

"Ah... Eh..."

"Come on! Don't waste your effort in dressing up perfectly."

Bigla namang nag-init ang mukha ko kaya napayuko ako. Medyo nakararamdam ako nang hiya, lalo na at sa kaniya nanggagaling ang mga katagang iyon.

"You're so cute when you're blushing," wika niya at inilagay niya ang mga kamay ko sa balika
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status