Share

Chapter 7

Chapter 7

Kinabukasan determinado na akong sabihin sa kanila kung anong meron sa'min ni Harry.

Ilang beses ko na 'tong pinag-isipan ng mabuti kagabi at siniguradong handa akong haharap sa kanila para sabihin.

I know I shouldn't force myself, but thinking how long it takes to finally tell them the truth? Tingin ko hindi ko na kakayaning itago pa ng ilang buwan o taon!

Now is the right time. Actually kahit kailan pwedeng maging 'right time'. Dipende na lang sa tao.

Dipende sa'kin kung kailan.

Pero dahil duwag ako para sabihin sa kanila umabot pa sa ganitong sitwasyon.

Ayoko nang patagalin pa lalo itong issue na'to. Kaya kung maaaring malaman nila, ipapaalam ko na dahil patuloy lang akong gagambalahin ng konsensya ko kung patuloy din itong itatago.

Mali ang desisyon ko na i-tago sa kanila itong issue na'to, in the first place.

They deserve the truth. They deserve to know. At ang tanga ko dahil hindi ko man lang sila binigyan ng chance para malaman. Pinatagal ko at humantong pa sa gano'ng pangyayare.

I know it's too late. Tapos na. Umabot na ng isang taon ang paglilihim ko pero alam kong dapat pa ring sabihin dahil kaibigan ko sila.

Whatever happens to me, they should know. Simply because they are my friends.

I really wanted to have a peace of mind. Ayoko na nang may tinatago.

Kaya tama na.

Nakakakonsensya na.

Ngayon kung sasabihin ko sa kanila, at least tapos na. Ulitin ko man yung masasakit na pangyayare, kasama ko na silang mag momove on. Kasi 'yon yung dapat.

Wala eh, wala na.

Nakakatawa nga lang dahil kung mamalalaman nilang nag karoon kami ng something pero hindi naging kami, pa'no nila ako aadvise-an na mag move on?

Wala namang dapat ika-move on. Kasi simula palang wala naman talaga.

Pero ngayon, itong mga kaibigan na meron ako sila na yung mas importante. Kaya dapat lang talaga na malaman nila na may mga ganitong kaganapan na pala sa buhay ko.

Ayoko na ng may tinatago. If there's someone who needs to know this issue it's none other than my friends kasi mahirap kung sasarilihin ko lang. What happened yesterday made me realized that. Na hindi naman nila ako maiintindihan kung hindi ko ipapaintindi.

After all, they are my friends. Sila lang ang makakaramay ko sa ano mang problema other than my family.

So now, I need to brace myself for their anger. Maiintindihan ko kung magalit sila sa'kin kasi sa totoo lang kung ako man yon, sobrang sakit. Hindi man lang ako nabigyan ng chance maging isang kaibigan dahil all this time, I was left behind. Wala akong alam sa buhay niya. Masakit isipin na hindi pa rin pala kayo open sa isat isa to know about your life. Like you've been treated like a complete stranger, kasi wala kang alam. You never have the chance to know.

Alam ko 'yon.

Alam ko na masakit' yon sa part nila.

But Harry is the center of my attention that time.

Kaya ngayon ko lang narerealize lahat ng katangahan ko.

Ngayon lang nag babackfire sakin lahat ng maling desisyon ko and so this time I want to correct it.

To repair the broken piece from the very start.

Nawala na sakin si Harry but I can't afford to lose my friends too. Sila nalang ang meron ako.

Kaya naman pag pasok ko palang kabado na ako lalo na nung kompleto na sila sa upuan ng dumating ako.

Umupo ako sa tabi Ody. Inalabas ang ilang gamit sa klase. I was silent at first dahil panay sila kwentuhan ng kung anu-ano. Hindi ko alam kung paano papakalmahin ang sarili ko. Tapos ngayon mukhang good mood pa silang lahat.

God, help me!

A moment after passed.

Hindi ako nakatiis. I approched Ody first but my attempt failed nang may mauna siyang sabihin.

"There's a quiz. Nag-review ka?" she suddenly asked.

Napatango na lang ako.

Gustong gusto ko nang sabihin pero para akong naputulan ng dila nang magtama ang tingin namin. For a moment, I fcking hesitate because of how she looked at me.

Tama ba 'tong gagawin ko?

Gosh, baka pagsisihan ko?

I gather my strength as I inhaled deeply.

It is now or never.

I cleared my throat and was about tell her but the door swung open.

Shit.

I mentally cursed when our Empowerment technology teacher walks infront us for our quiz.

***

Matapos ang long quiz namin sunod-sunod naman ang kanya kanyang specialized subject namin. I was the only ABM student in our circle of friends kaya authomatic na magkakaiba kami ng schedule kahit magkakaklase kami kaya wala akong choice kundi ipagpaliban itong plano ko.

In the end of the day,  my attempts to tell them went down the drain when we gathered in the canteen in the after noon.

Kokonti ang mga tao sa canteen. Puros mga Grade 12 halos. They were already talking when I arrived. Ako lang pala ang may class na pinaka late na dinissmis dahil kompleto na lahat sila sa usual naming upuan.

"Do you think it's too much, Ody?" worry is written in Freya's face. Tumaas lang ang kilay ni Ody sa kanya.

I sat quietly beside Max. Katabi rin nito sa kanan si Freya, samantalang kaharap ko naman si Jasper.

"Parang 'di mo naman kilala 'yan. Eh parang si Jasper lang din yan kung magpalit ng boyfriend!" Wesley let out a guff.

Nasa kaliwa siya ni Jasper at sa kanan naman nito ay si Ody.

"Excuse me. At least I never two-timed, " mataray na sagot ni Ody sabay tingin kay Jasper na parang naghahamon.

Jasper smirked. I noticed Nexus beside him and he was silent. Parang hindi siya 'yong Nexus na nakasama ko sa loob ng infirmary kahapon dahil yung normal na Nexus nanaman ang kaharap ko. Sobrang cold at Snob.

Jasper retorted. "What? Are you jealous?"

"Fucking no! You jerk! "

Napalingon ako kay Max nang kinalabit niya ako.

"Sense kong crush ni Ody 'yan kaya nakipag break," she discreetly whispered.

I look up to them to see who was she pertaining to. "Sino?"

Nginuso niya si Jasper.

"What?" I asked back with disbelief.

"Luh. Sobrang halata kaya, " huling sabi nito bago pa naagaw ng atensyon ko yung pagtingin ni Jasper sa gawi ni Ody like he's watching her every move.

Wala na yung topic kay Ody at ang napag-uusapan na ay ang paparating na Midterms kaya walang nakapansin.

I don't want to assume but there's something wrong. The way he looked at her is like... Nevermind.

Lumipas ang nga araw na parang walang nangyare. Puros pag-aaral ang inaatupag namin dahil malapit na ang midterms.

The library was always packed with students kaya most of the time kasama ko si Max na pumupuntang Science Lab para lang mag review dahil madalang na may tao doon.

Magkakalase kaming mag kakaibigan pero kakaunti lang yung oras na nagkikita kita kami dahil mag kakaiba ng strands. May time na kasama ko si Wesley may time na silang tatlo ni Max, Jasper at Ody dahil merge ang ilang subject ng ABM sa GAS at HUMMS but other than that we barely see each other because we're really busy studying our ass off.

There are times that I got to see Harry's jerk face sa corridors at sa Technical Writing subject ko dahil GAS nag strand niya pero thankful na rin ako sa paparating na exam dahil masyado akong busy para mukmok para sa kanya.

That day with Nexus really poke something in me.

I am broke but it doesn't mean that I'll stop there. Iniwan niya ako but this is still me. I could still do good and probably the best even without him.

I need to help myself in able to do it.

And motivating myself to trust with my abilities is a big step.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status