로그인LUNA AMARIS
Hindi nagawang kausapin ni Daddy si Theo dahil nang magtungo ito sa mansion ng mga Alcaraz ay wala ito doon. Ayon kay Dad ay walang nakakaalam kung nasaan si Theo, maging si Candice ay ilang araw na ring hindi umuuwi dito sa bahay pero hindi man lang nag-aalala sa kaniya si Tita Camille kaya posibleng alam niya kung nasaan si Candice. Kaya ang hula ko maaring magkasama silang dalawa. Hindi ko mapigilang maasar. Akala ko magiging successful na ang plano ko lalo na at nahuli kami nina Tita Maris pero sa kabila ng lahat, wala pa ring nangyayari. Tita Camille was also mad at me. well, wala akong pakialam sa galit niya. Lagi naman siyang galit sa akin pero nagagalit siya ngayon dahil ako raw ang dahilan daw sa akin, ng lahat ng gulong nangyayari sa pamilya namin. Sinisisi niya ako kung bakit hindi magkasundo si Dad at Tito Micheal, ang ama ni Theo. Well, alam ko naman na may kasalanan talaga ako, pero nagmamatigas ako sa kaniya. Hindi pwedeng ngayon pa ako umako ng mga kasalanan ko. Hanggang sa umabot na ng ilang linggo. Nakauwi na muli sa San Simon si Theo ayon kay Kelsie kaya ilang beses ko siyang sinubukang kausapin pero lagi niya akong iniiwasan. Medyo napapagod na rin ako, pero hindi naman ako pwedeng sumuko. Gaya na lang ngayon. Muli ko siyang sinubukang puntahan pero busy raw ito at walang oras na harapin ako. Sinubukan ko pang maghintay sa lobby ng Luntian para lang makausap siya pero masakit na ang pang-upo ko ay hindi pa rin niya ako hinaharap kaya asar na akong tumayo at nagmamarchang umalis. Hindi maipinta ang mukha ko habang pabalik ako sa opisina ko. Nauubos na ang pasensya ko dahil sa ginawagawa ni Theo. Nasa dalawang oras akong naghihintay sa lobby ng Luntian Resort pero sa huli ay nalaman kong umalis na raw si Theo. Alam kong iniiwasan niya ako pero wala ba talaga siyang balak na harapin ako kahit saglit lang? Pagdating ko sa opisina ko ay nagulat ako nang maabutan ko si Candice na naghihintay sa akin. Ngumisi siya ng makita niya ako. May mapang-uyam na ngiti sa mga labi niya. Hindi ko siya pinansin at nagtungo ako sa upuan ko. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya ngayon rito. Mag-iisang linggo na mula nang makabalik si Theo pero ngayon ko lang ulit siya nakita at siya pa mismo ang nagpakita sa akin. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kaniya. Sumandal ako sa kinauupuan ko at bored na tumingin sa kaniya. "I heard you went to Theo. Umaasa ka pa rin ba na makukuha mo siya sa akin?" nakataas ang isang kilay na tanong niya habang may mapang-asar na ngiti. Naningkit ang mga matang tumingin ako sa kaniya. "Hindi ko siya kinukuha sa iyo, binabawi ko siya." Sarkastikong tumawa si Candice sa sinabi ko. "Binabawi? Kahit kailan hindi siya naging sa iyo, Luna. Bakit mo babawiin ang isang bagay na hindi mo naman pagmamay-ari. Hindi ko siya inagaw sa iyo, hindi ko kasalanan na mabagal ka." "Mabagal ba talaga ako o sinungaling ka lang talaga?" palabang tanong ko sa kaniya. "Mahal mo ba talaga siya o mahal mo lang ang estado niya sa buhay? You want to be an Alcaraz, hindi ba? Gusto mong mapabilang sa pamilya niya upang umangat ka. You are just using him, Candice," may diing saad ko. Ngumisi siya sa akin. Nanatili naman akong nakatingin sa kaniya, walang ngiti sa mga labi ko. "Huwag mong ibaling ang sisi sa akin para lang i-justify ang ginawa mo. Hindi ka ba nahihiya? You slept with my boyfriend. Anong pagkakaiba mo sa isang pota? Ha?" nangigigil na saad niya. "Why are you here? Why are you mad? Sabi mo nga hindi niya ako pipiliin, bakit parang hindi ko makita ang confidence sa sinasabi mo? Sigurado ka ba talagang hindi ko siya makukuha sa iyo?" hamon ko sa kaniya. Alam kong sa sitwasyon naming dalawa. Kung sakaling may makakarinig ako ang mali. Ako ang mang-aagaw. Ako ang naninira ng relasyon, pero wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Ngumisi siya sa akin. "In your dreams, ito ang pakakatandaan mo. Kung madumi kang maglaro, mas madumi ako kaya huwag kang pasisiguro palagi. Sa ating dalawa, ikaw lang ang magiging laging talunan," mayabang na wika niya. "Kaya galingan mo. Hindi ko man magagawang kalbuhin ka ngayon, pero kapag pinush mo pa rin ang pang-aagaw kay Theo, masasaktan ka lang. He loves me and you were just his ex-friend." Kinuyom ko ang kamao ko. Labas na labas ang sungay niya ngayon dahil kaming dalawa lang ang magkaharap. Malayo sa mabait na image niya sa harap ng ama ko at pamilya ni Theo. "Just think about it, Luna. Sa tingin mo, ano ang ginawa namin ni Theo sa mahigit dalawang linggong magkasama kaming dalawa," dagdag pa niya. "Ops..." tinakpan pa niya ang labi niya na parang nang-aasar. "Huwag mo na palang isipin, masasaktan ka lang," tumatawang saad niya bago mabilis na tumalikod at umalis ng opisina ko. Naasar na binagsak ko ang kamao ko sa table. Nangigigil ako pero wala akong magawa. Alam kong mahal siya ni Theo, pero bakit siya pa? Bakit hindi na lang ako? Ngayong bumalik na siya, alam kong mas mahihirapan ako. Pero hindi ako papayag na matalo niya. Marahas ang paghinga ko. Ilang beses kong pinilig ang ulo ko upang huwag isipin kung ano ang mga ginawa nila ni Theo noong mga panahong umalis silang dalawa. Pinilit kong bumalik sa trabaho ko kahit na magulo ang isip ko dahil sa mga sinabi ni Candice. Pero nagulat ako nang biglang bumukas muli ang pinto ng opisina ko at dumating si Theo. Kita ko ang galit sa mga mata niya. "What did you do?" galit na bungad niya sa akin kaya nagtatakang tumingin ako sa kaniya. Kanina lang ay ayaw niya akong harapin at tinakasan pa niya ako pero bigla siyang susulpo dito na para bang may ginawa akong masama. "What do you mean?" "Wala akong pakialam sa kabaliwan mo, Luna. Pero huwag na huwag mong sasaktan ang girlfriend ko, kung ayaw mong ako ang makalaban mo," pagbabanta niya. Hindi makapaniwalang natawa ako ng bahagya sa sinabi niya. Asar na sinalubong ko ang mga mata niya. Tila ba gustong-gusto niyang pilipitin ang leeg ko ng mga oras na ito. "Hindi ko alam ang sinasabi mo," tanggi ko. "She said you slapped her!" mataas ang boses na saad nito. Pasigaw na iyon. "And you believed her?" Hindi makapaniwala at the same time ay nasasaktang tanong ko. Ang bilis niya akong akusahan sa isang bagay na hindi ko naman ginawa. Hindi man lang niya ako tinanong kung totoo ba iyon. "Kung sasaktan ko siya, hindi lang sampal ang gagawin ko. Lulumpuhin ko siya," matigas na sagot ko sa kaniya. Umigting ang panga niya sa sinabi ko. Mas lalong naningkit ang mga mata niya. "Don't you dare, Luna. Binabalaan kita, lubayan mo na kami. Lubayan mo na ako. Huwag na huwag ka nang pupunta sa Luntian. Dahil kahit anong gawin mo, hindi kita gusto. Ano man ang namagitan sa ating dalawa, kalimutan mo na iyon. Hindi ako magpapakasal sa iyo," may riing saad niya at mabilis na tumalikod. Napanganga na lang ako bago marahas na sumandal sa sandalan ng upuan ko. Gaano ba niya kamahal si Candice para maging uto-uto? Mariin kong pinaglapat ang mga ngipin at labi ko ko. Hindi ako papayag na hindi ako ang pakasalan niya. Sisiguraduhin kong mailalayo ko siya sa two-faced bitch na iyon. Wala akong pakialam sa magiging galit niya pero balang-araw maiintindihan din niya kung bakit ko ito ginagawa.LUNA AMARISSabay kaming nag-lunch ni Katniss.“Anong pinaglilihian mo? May food ka ba na ayaw kainin?” tanong pa niya habang umoorder kami.“Hindi ko pa alam, minsan kasi may bigla na lang akong gustong kainin. Pero ayaw na ayaw ko sa amoy ng bawang at sa ketchup ngayon,” sagot ko sa kaniya.“Okay, hindi tayo oorder ng may tomato sauce,” wika niya at tumingin muli sa menu.Pumili din ako ng kakainin ko.Ngumiti ako kay Katniss matapos namin umorder. Nagpapasalamat ako sa kaniya na kahit alam kong busy rin siya sa trabaho ay naaalala pa rin niya ako.“Mabuti mabait sa’yo ang mother-in-law mo. Alam mo naman sa ibang mother-in-law, sila iyong witch sa buhay ng mga napapangasawa ng anak nila. Lalo na sa gaya nina Theo na alam mong mayaman. Sure ka bang mabait siya sa iyo?”“She’s nice naman. Lagi nga niyang inaalala ang kalagayan ko.”“Talaga?” parang hindi pa makapaniwalang tanong niya. “Sa pagkakatanda ko kasi medyo ma-ere siya. Gayong dagdag lang din naman siya sa mga Alcaraz.” Medyo
LUNA AMARIS Papasok ako ngayon sa trabaho. Medyo masama ang pakiramdam ko dahil sa morning sickness ko kaya late na naman akong nagising ako pero hindi naman ako nagmamadali dahil pwede naman ako pumasok kahit na anong oras. Nakita ako ni Theo kanina na nagsusuka pero hindi man lang niya ako tinanong kung kumusta ang pakiramdam ko. Sanay na rin ako dahil sa almost one-month mula nang kinasal kami, kinakausap lang niya ako kapag kaharap ang pamilya niya. Tatlong linggo na mula nang ikasal kami at kahit kunti, walang pagbabago ang pakikitungo sa akin ni Theo. Nagtyatyaga pa rin siyang matulog sa sofa, huwag lang tumabi sa akin. Dahil sa morning sickness ko ay hindi na ako nakakapasok sa trabaho ko minsan, mabuti na lang at ako ang boss kaya walang magtatanggal sa akin. Pero ngayon ay nagpasya akong pumasok sa trabaho ko. Hindi ko lang maintindihan kung bakit pumayag siyang magpakasal kami para sa bata pero parang wala naman siyang pakialam sa pinagbubuntis ko. “Luna.” Lumingon ako
LUNA AMARIS Sabay kaming napalingon ni Manang Lena kay Mommy Maris. Matalim ang tingin niya sa kasambahay na nagmamadaling tumayo. “Sige, Ma’am Luna. May kailangan pa pala akong tapusin sa labas,” paalam niya at nagmamadaling lumabas. Naiwan kami ni Tita Maris. Agad siyang ngumiti sa akin. “Pasensya ka na sa mga kadaldalan ng mga katulong natin. Puro talaga tsismis minsan kahit hindi naman nila alam ang totoo,” saad ni Mommy Maris. Tumingin siya sa akin, para bang sinasabi niya na huwag ko paniwalaan ang sinabi ni Manang Lena. Pero naisip ko rin. Kung bawal mabuntis ang namayapang Donya, bakit dalawa pa ang naging anak niya? Pero matagal na si Manang sa mansion kaya possible rin na may alam talaga siya. “Okay lang po, wala naman pong sinabi sa akin na kung ano si Manang Lena,” saad ko. Tumango si Mommy Maris. “At kapag may sinabi siya, huwag mo na lang pansinin. Matanda na rin kasi iyang si Manang Lena, minsan nga ulyanin na iyan,” saad niya. Ulyanin? Wala naman akong napapan
LUNA AMARIS “Ma’am Luna, okay lang po ba kayo?” nag-aalalang tanong sa akin ni Manang Lena habang inaabot niya sa akin ang isang baso ng tubig. Bumaba ako para sana kumuha ng tubig pero nasuka ulit ako kaya napatakbo ako sa lababo. Pakiramdam ko ay bumabaliktad ang sikmura ko pero wala naman akong masyadong maisuka. Late na rin akong nagising kaya tapos nang mag-almusal ang lahat ng bumaba ako. Hindi man lang ako ginising ni Theo. “Opo, normal lang daw naman po ito kapag buntis,” nakangiting saad ko kahit medyo nanghihina ako.. “Hay naku, Ma’am, hindi po biro ‘yan. Halika po, maupo kayo nang maayos,” maingat niyang sabi habang inalalayan ako sa upuan. “Kukuha po ako ng mainit-init na sabaw o kahit tinapay man lang para may laman ang tiyan ninyo.” “Salamat, Manang Lena… okay lang po ako,” mahina kong tugon, pilit na pinapakalma ang sarili. Umiling siya at bahagyang ngumiti, pero halata ang pag-aalala sa kanyang mga mata. “Ganyan din po ako noon, Ma’am, noong ipinagbubuntis ko ang
LUNA AMARIS Hindi ko alam kung anong oras na pero bigla akong nagising sa kalagitnaan ng gabi. Parang kumakalam nag sikmura ko kaya agad kong binuksan ang lampshade at bumangon. Nagmamadali akong bumaba at naghanap ng makakain. Parang gusto ko ng Banana cue. Kaya nanghalungkat ako ng saging na saba na pwede kung lutuin sa may dirty kitchen. Mag-aala una na ng madaling araw, pero dahil natatakam talaga akong kumain ng banana cue wala akong choice. Gusto ko ring maiyak, dahil naiinis ako nang wala akong makitang saging. May sagingan sina Theo, kaya bakit walang saging na pwedeng maluto sa kusina? Muli akong nangalkal at saka pa lang ako nakahinga ng maluwag nang makita ko ang saging na nakalagay sa isang bamboo basket. Agad akong kumuha ng ilang piraso bago ako bumalik sa main kitchen sa loob ng bahay. Pero muntik na akong mapatalon sa gulat nang makita ko si Theo na nakatayo sa may pintuan at nakatingin sa akin. “What are you doing?” tanong niya sa akin. Mukhang bagong gising pa
LUNA AMARIS Almost six nan ang dumating ako ng mansion. Medyo madilim na kaya naabutan ko na si Lolo Thomas na nakaupo sa may patio. Agad akong lumapit sa kaniya at bumati. “Mukhang busy ka masyado,” aniya. “Hindi ba dapat hindi mo na pinapagod ang sarili mo dahil buntis ka?” “’Lo, okay lang po ako. May kaibigan lang po akong dumating, kaya inilibot ko siya sa San Simon,” paliwanag ko sa kaniya. “Kaibigan, sana ay inimbitahan mo rito.” “Bumalik na po siya ng Manila. Pumarito lang siya para i-check ang lugar dahil magtatayo raw ng Villa ang kliyente niya.” “You mean Engineer Solano?” “Kilala n’yo po si Kane?” “I just met him this morning, mas kilala ko nag kliyente niya,” sagot ni Lolo pero hindi naman niya nabanggit kung sino ang kliyenteng iyon. Nagkataon lang ba na kilala ni Lolo Thomas ang kliyente ni Kane? Kunsabagay, kilalang-kilala si Lolo Thomas sa bayan ng San Simon at sigurado akong mayaman ang kliyente ni Kane kaya maaring kakilala ito ni Lolo. Hindi ko na lang pin







