Share

That One Fated Summer Night
That One Fated Summer Night
Author: LoveChinita

Prologue

“Boss ayaw magbigay. Matigas talga ang matandang Lee.”

 Ang narinig na sabi ng binatilyo sa isang armadong lalaki at kausap ang boss nito. Ang boss na may dahilan kung bakit siya ngayon ay may piring sa mga mata at nakatali pa. Halos di na rin siya makagalaw sa sobrang sakit ng kanyang katawan. Kung susuriin ay may mga gasgas siya sa mga braso at may ilang pasa sa katawan. Pilit kasi siyang nanlaban sa mga tauhan ng lalaking nagpakidnap sa kanila ng kakambal niya. Mas lalo pa siyang nagalit ng paggising niya kanina ay wala na ang kapatid at hindi niya alam kung saan ito dinala.

“Ate, ayaw daw magbigay.”

Narinig niya pang may kausap ulit ang isang lalaking kumidnap sa kanila. Kung pagbabasehan ay isang babae ang kausap nitodahil tiinawag itong ate at parang pamilyar sa kanya ang boses ng babae pero hindi niya matandaan kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon base sa lakas ng boses nito.

“P*****a naman Donny! Ito nalang ang alas natin. Pero kung wala hala idespatsa na itong isa.”

Ang sabi ng may-ari ng boses na iyon. Nangilid ang luha sa mga mata ng binatilyo. Hindi para sa buhay niya kundi sa buhay ng kapatid. Hindi niya na alam ang mga mangyayari pa. Noong isang araw ay kinailangan nilang umuwi. Silang dalawang kambal ang nasa mansion sa US kasama ang mga kasambahay na pinoy at pinay. Ang mga magulang ay parating out of the country dahil sa negosyo. Ang ilang mga nakakatandang kapatid ay nasa iba’t ibang dako din ng mundo para mag-aral. Ang ilang mansion nila sa Pilipinas ay halos walang nakatira at pawang mga tauhan lamang ang nagmementain nito. Nang sabihing kailangan nilang umuwi ay naging excited sila. Nasa grade 9 na sila at kakatapos lang ng final grading sa isang exclusive na paaralan na malapit sa subdivision ng mansion ng mga Lee.  Masaya pa silang dalawang nagbibiruan habang pauwi mula sa US. Emergency ang pag-uwi ng dalawa dahil ikakasal ang panganay nilang kapatid na babae. Sa katunayan ay sa edad na labing-apat ay alam na nila ang sasapitin ng bawat anak sa pamilya. Ipapakasal sila sa hindi nila kakilala o kaya ay iniibig pero mayaman. Nangako silang magkakambal na hindi sila tutulad sa ibang kapatid at pinsan. Nangako sila na sa araw na sila ay magpapakasal ay hindi sa taong ipinilit sa kanila kundi sa taong talagang tinitibok ng kanilang puso at magkatugma. Sakay sila ng private plane na pagmamay-ari ng pamilya at susunduin papuntang Baguio. Doon ay naghihintay ang kanilang mga magulang, kapatid at ilang kamag-anak para sa kasal. Paglapag nila sa airport ay sinundo sila ng tatlong sasakyan. Convoy iyon at pawang mga buddy guards at dalawang alalay ang nakasakay. Nasa ikalawang sasakyan sila ng kapatid at sa unang sasakyan at sa hulihan ay mga buddy guards nila. Pero hindi pa man nakakakyat ng baguio ay may apat na malalaking sasakyan ang humarang sa kanila at pinagpuputukan ang mga bantay. May isang lalaki ang pumasok sa sinasakyan nila ng kapatid at kitang-kita kung paanong pagbabarilin ang dalawang babaeng alalay na nasa likuran, ang driver at isang buddy guard na nakaupo sa harap. Nakita niyang nakaradyo pa ang body guard nila sa mga kasamahan bago tuluyang nalagutan ng hininga. Silang dalawa naman ay nanlaban ngunit may panyong inilagay sa kanilang mga mukha at tuluyan silang nawalan ng malay. Nagising na lamang silang dalawa ng kakambal na nakatali na at may busal sa bibig. Nasa isang warehouse sila.  Narinig niyang ayaw daw magbigay ang Don ng 3 million para sa kanilang dalawa ng kapatid. Naikuyom niya na lamang ang mga kamaong nakatali patalikod. 3 million is just 3 million. Sisiw lang iyon sa pamilya. Pero nagtataka ang binatilyo kung bakit hindi ito ibinigay ng lolo sa mga kumidnap sa kanila. And the rest was history.

Pakanta-kanta pa ang batang babae ng favorite song niyang asereje habang pasigang naglalakad at hinihigop ang buko juice na nasa plastic at sa kaliwang kamay niya ang partner na paborito nitong kamote que at may isang nakatuhog pa na bananacue. Binili niya ito sa may kanto papasok sa subdivision nila. It was hot summer afternoon at galing siya sa practice sa taekwondo at arnis gym na pinag-enrollan sa kanya ng tatay niya. Walking distance lang sa subdivision nila ang taekwondo gym. Hindi na siya nagpapahatid o nagpapasundo pa. Sa edad na 12 years old ay kayang-kaya na niyang lumabas ng bahay at magcommute, pero dahil malapit lang naman ang taekwondo gym ay nilalakad niya lang ito. Nang may mapansin siyang isang lumang sasakyan sa isang talahiban. Medyo malayo pa iyon sa mga kabahayan doon mismo sa loob ng subdivision. Sa kabilang kalsada ay ang on-going construction ng kapilya nila sa subdivision. Walang mga karpentero doon dahil may pameeting daw ang president ng home owner’s association. Yon ang dinig niya sa ale na nagbebenta ng buko juice at mga kakanin sa kanto nang bumili siya.

“Bakanteng lote naman ang sa kabila pero may sasakyan at bakit parang umuuga?”

Ang tanong ng bata sa sarili.

Walang alinlangang lumapit siya doon at sinilip ang bintana na hindi tinted ng mapamulagat siya sa nakita. Isang batang lalaki na halos kaedad niya. Nakatali ang mga kamay sa likod, at may busal ang bibig. Inuuga niya ang boong sasakyan. Nakita siya nito kung kaya’t mas inuga po nito ang sasakyan.

“Hala may tawo! Wait lang gid oy kay buksan ko ining pirtahan sang van.” Ang sabi ng batang babae sa lengwaheng Ilongo.

(Hala may tao! Wait lang ha, bubuksan ko itong pinto ng sasakyan)

At sinubukan nga ng batang babae na buksan ang pinto pero di niya ito mabuksan. Nanghihina na rin ito dahil mahigit isang linggo na itong nakidnap at halos di sila pinapakain ng mga kidnappers. Tatakbuhin sana ng batang babae ang guard house pero medyo malayo ito. Wala naman siyang cellphone kaya’t nag libot siya para humanap ng isang batong ipampupokpok sa bintana. Pero wala siyang batong makita sa paligid ng maalalang may construction pala sa kabila. Siguradong may makukuha siyang malaking bato doon. Agad niyang tinakbo ang kabilang kalye at naghanap ng malaking bato tsaka siya bumalik at sinimulan ng basagin ang bintana sa may driver’s seat. Nabasag nga niya ang bintana at inabot niya ang pambukas sa pinto. Pero dahil sa mga basag na salamin at sa pahirapang pag-abot sa handle para mabuksan ay aksidenteng nasugatan ang kanyang kamay pero hindi niya iyon ininda.

Umaagos na rin ang dugo sa kamay niya habang pinipilit buksan ang pinto. Naabot nga niya at nabuksan. Saka naman pumasok siya sa loob para buksan ang pinto sa kinakalagyan ng bata.  Agad niyang kinuha ang plaster sa bibig ng batang lalaki. Susubukan niya rin sanang kalagin ang tali pero masyadong mahigpit ang pagkakatali doon. Nagkakandasugat-sugat na rin ang palapulsuhan nito dahil sa higpit ng pagkakatali. Wala naman siyang dalang gunting o kung anong matalim na bagay.

“Noy, ayos ka lang?”

 Ang nag-aalang tanong ng batang babae.  Umiling ito at nagsalita.

“Nauuhaw ako.”

At halatang nanghihina na ito sa sobrang paos na boses at nanginginig pa ito habang tinititigan ang kamay ng batang babae na walang humpay ang pag-agos ng dugo.

“Wait lang.”

 At kaagad na kinuha ng batang babae ang tumbler nito sa loob ng bag at inalalayan na makainom ang batang lalaki. Pinakain din niya ang dalang bananacue.  Nang makainom na ito ay sinabi niyang dadalhin siya sa headquarters ng mga guards sa subdivision. Dinala nga niya ang batang lalaki doon. Nagulat pa ang mga guards.  Ikinuwento ang lahat nang mga pangyayari ng batang lalaki sa mga guards at ibinigay pa ang numero sa telepono ng bahay nila. Nagulat ang mga security at agad tumawag ng back-up sa mga police. Pinuntahan din nila ang bakanteng lote. Doon nakumpirmang tinangay pala ang batang lalaki na mula pala sa maynila at iniwan lang sa subdivision. Doon sa bakanteng lote. Palaisipan pa kung bakit doon at wala namang nabalitaang batang nawawala. Hanggang sa may mga dumating na tatlong mamahaling sasakyan. Sa bawat sasakyan ay may mga lumabas na mga malalaking lalaki na naka polo uniform at sa napapagitnaan ng sasakyan ay may lumabas na isang napakagandang babae. Medyo may edad na ito pero bakas ang kagandahan sa mukha. Makinis ang napakaputing balat. Hanggang sa nagkagulo na dahil may mga reporter na dumating at ang mga malalaking lalaki ay inalalayan na ang magandang ginang papasok sa headquarters ng mga guard sa village.

Hindi na niya masyadong maintindihan ang lahat dahil may mga reporters nang nagtatanong at kumukuha na rin ng mga larawan sa batang lalaki. Ang kanyang kamay ay nilagyan ng bandage ng isang guard ang kanyang kamay na wala pa ring tigil sa pagdugo at namamanhid na rin ang kanyang pakiramdam. Saka naman dumating ang nanay at tatay ng batang babae at bigla siyang tinakpan ng jacket ng tatay niya. Napansin niyang ang batang lalaki ay isinakay na ng kanyang mama sa magarang sasakyan pero di ito pumasok. Bumalik ito at sumenyas na lumapit sa kanya. Kumalas siya sa pagkakayakap ng papa niya at tumakbo sa batang lalaki.

“Maraming salamat bata. Sana’y magkita tayo sa susunod. Sana maging magkaibigan tayo o kaya higit pa doon. Pakakasalan kita.”

 At ngumiti pa ito. Nasisyahan ito sa batang babae. May mga biloy kasi ito at napaka-amo ng mukha. May inilagay ito sa kanyang kamay at nang sipatin ng batang babae ay isang gold na bangle bracelet ito. 

“Walang anuman bata.  Sana magkita tayong muli. Malakas yata to.” At tinaas pa ang kanang kamay at nagdemo na strong ito at ipinakita ang akala ay may muscle na mga kamay pero taba lang ang meron ito. Natawa ang batang lalaki sa ginawa ng batang babae. Napakagwapo nito at kitang-kita ang mga mapuputi at pantay na mga ngipin.

May iniabot naman ang batang babae sa kanya. Ang magkapares na arnis na nakasukbit sa bagpack nito na dala.

“Sunshine”

Iyon ang nakasulat na marka sa dalawang yantok na pang arnis. Tiningnan ng batang babae ang bracelet. May naka-ukit doon na pangalan “Master Lee”.

“Darating ang panahon na magkikita tayong muli. Sa pagkikita natin siguro puwede na kitang pakasalan.”

Ang sabi pa ulit ng batang lalaki.

Natawa nalang ang batang babae.

“Someday kapag nagkita tayo ibabalik natin sa bawat isa ang mga gamit natin. Magpapabili nalang ako ng bagong yantok para sa arnis ko. Iyang ibinigay ko ay gamitin mo. Magpractice ka para di ka na ulit makidnap at may pangdepensa ka pa.” Ang sabi ng batang babae sa kanya.

Ngumiti ito sa kanya at tumalikod na para sumakay sa loob ng sasakyan. Kumaway ito sa kanya at mabilis na umalis na ang sasakyan.

“Mama kumusta po si Dashiel?”

 Ang nag-aalalang tanong ng batang lalaki sa ina noong lulan na siya ng sasakyan. Ngunit mahigpit na yakap at mahinang hikbi lang ang naisagot ng ginang sa anak… Tuloy-tuloy ang biyahe nila.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status